You are on page 1of 40

2

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 17
Nakasusulat ng Parirala,
Pangungusap, Talata at Liham
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalwang Markahan – Modyul 17: Nakasusulat ng Parirala,
Pangungusap,Talata at Liham!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Susana T. Pabillore


Editor: Margie B. Bacong
Tagasuri: Vita F. Aban , Marivic T. Arao
Tagaguhit:Pixabay
Tagalapat: Christine M. Orias
Tagapamahala: Dr. Arturo B. Bayucot, CESO III, Regional Director
Mala Epra B. Magnaong, CLMD Chief
Dr. Neil Improgo, Regional EPS-LRMS
Elesio Maribao, Regional ADM Coordinator
Dr. Emelia G. Aclan, CID Chief
Dr. Linda D. Saab, Division EPS-LRMS
Delia D. Acle, EPS-Filipino
Lucita B. King, PSDS Designate
Roy S. Estrobo, ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region(Ex. Department of Education-Region X)
Office Address: B. Aranas St. Poblacion, Mambajao, Camiguin
Website: www. Depedcamiguin.com
E-mail
Address: depedcamiguin@gmail.com, camiguin@deped.gov.ph
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 2 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Nakasusulat ng parirala, pangungusap,talata at
liham! nang may wastong baybay, bantas at gamit ng Malaki at maliit na letra.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 2 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Nakasusulat ng parirala, pangungusap,
talata at liham!
2

FILIPINO
Ikalawang Kwarter – Modyul 17
Nakasusulat ng Parirala,
Pangungusap, Talata at Liham
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


Subukin na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

ii
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng
Isagawa gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Ito ay gawain na

Tayahin naglalayong matasa o masukat ang antas


ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

iii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa


pagsusulat ng parirala, pangungusap, talata,
liham nang may wastong baybay, bantas at
gamit ng malaki at maliit na letra bilang
batayang kasanayan sa pagsusulat.

Ito ay ginawa upang magsisilbing gabay


sa mga mag-aaral na malaman, magamit, at
mapaunlad ang mga kasanayan sa wasto at
maayos na pagsusulat ng iba’t ibang sulatin.
Ang mga gawain na napapaloob sa modyul
na ito ay nagsasanay sa mga mag-aaral na
malaman ang mga mahahalagang
patnubay na dapay sundin upang maihanda
ang mga mag-aaral sa iba’t ibang
kasanayang panulat.

Habang ang pagsusulat ay isang


mahalagang pundasyon ng pagkatuto sa
buhay ng mag-aaral sa pang-araw-araw na
gawain sa paaralan at sa komunidad na
kinabibilangan nito. Mahalagang mapahusay
ito upang maipahayag ang sarili sa wika na
nakaayos at makahulugan.

Umaasa ang may akda na ang modyul


na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral.

1
Subukin

Panuto: Basahin ang bawat tanong. Piliin at


isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Alin dito ang parirala?


A. sa simbahan
B. Ang baka ay mataba.
C. Masipag magtrabaho ang ama.

2. Aling pangungusap ang may wastong


bantas?
A. Hello! Kumusta ang pag-aaral mo?
B. Sino ang naghahatid mo sa
paaralan.
C. Masayang naglalakad ang
magkaibigan?

3. Ano ang angkop na baybay sa


nakalarawan?

2
A. senilas
B. tsinelas
C. sinelas

Si Ben ay pitong taong gulang. Siya ay


matalino.Siya rin ay nag –aaral araw-araw
kaya mataas ang kanyang marka sa klase.

4. Ano ang angkop na paksa sa talata.


A. Si Ben
B. Siya ay matalino
C. Mataas ang marka sa klase

5. Ang iyong kaibigan,


Maharlika

Anong bahagi ng liham ang nakasulat sa


loob ng kahon?
A. Pamuhatan
B. Bating panimula
C. Bating pangwakas at Lagda

3
Aralin Nakasusulat ng Parirala,
9 Pangungusap,
Talata at Liham
Magsanay tayong magsulat ng parirala,
pangungusap, talata at liham. Ito ay sa pamamagitan
ng pagsusulat ng dalawa o higit pang mga salita para
makabuo nito.
Tingnan mo kung paano nakasulat ang mga ito.
Alamin mo ang pagsusulat nito sa tulong ng mga
babasahin sa ibaba.

Balikan

Panuto: Basahin ang kuwento at mga tanong. Piliin


sa loob ng panaklong ang iyong sagot at
isulat sa sagutang papel.

Ang Paruparo

4
Si Mila ay nasa hardin. Nakakita siya ng isang
paruparo sa mga bulaklak. Makulay at kaakit-akit ang
balahibo sa pakpak nito. Ito ay palipad-lipad sa hardin.
Dumadapo sa mga talulot ng bulaklak upang sumipsip
ng nektar. Sa tingin ko nasiyahan ang paru-paro sa
kanyang ginawa.

1. Ano ang nasa hardin?


(paruparo, uod, balahibo)

2. Sino ang may-ari ng hardin?


(Nita, Nila, Mila)

3. Bakit bumibisita ang paru-paro sa hardin?


(upang dumapo, upang bumisita, upang sumipsip
ng nektar)

4. Paano kumilos ang paru-paro?


(kumakain, palipad-lipad, naliligo)

5. Ano ang iyong gagawin kapag nakakita ka ng


paru-paro ?
(dadamputin, batuhin, pabayaan)

5
Mga Tala para sa mga Mag-aaral

● Basahing maigi at unawain ang mga panuto at


teksto.
● Gumamit ng hiwalay na sagutang papel para sa
iyong kasagutan.
● Isauli sa guro na malinis ang modyul pagkatapos
gamitin.

Tuklasin

Ang parirala ay higit sa dalawang salita


na hindi nagsasabi ng buong diwa tulad ng
nasa ibaba.

- mayaman sa bitamina - sa palengke

- gumagamit ng walis - ang mga


bata

Ang pangungusap ay nabubuo sa


pamamagitan ng pagsama-sama ng mga
salita o parirala. Ang payak na pangungusap
ay may kumpletong diwa o kaisipan.
Nagsimula ito sa malaking titik at kadalasan
ay nagtatapos sa tuldok. Ginagamit ang

6
malalaking titik sa pantanging ngalan ng tao,
bagay, hayop, lugar at mga pangyayari.

Halimbawa:
1. Ang pusa ay natutulog ng mahimbing.
2. Ang mangga, saging, bayabas at
kaimito ay mga prutas na nagbibigay
proteksiyon sa ating katawan laban sa
sakit.
3. Naku! May sunog.
4. Juan, dalhin mo ang aking bag sa
opisina.
5. Sino-sino ang mga kasama mo sa
bahay?

Ano ang bantas? Ang bantas ay isang


simbolo na ginagamit sa pangungusap.
May angkop na bantas na gagamitin
sa pagsusulat ng pangungusap, talata at
liham. Narito ang mga Ito:

Tuldok (.) - ginagamit sa mga pangungusap


na pasalaysay at sa
pangungusap
na pautos.

Halimbawa:
Ang ibon ay lumilipad.
Kunin mo ang baso sa mesa.

Tandang patanong (?) - ginagamit sa mga

7
pangungusap na nagtatanong.

Halimbawa:
Sino ang may-ari ng laruan?
Ikaw ba ay anak ng isang president?

Padamdam (!) - ginagamit sa pangungusap


na nagpapahayag ng matinding
damdamin.

Halimbawa:
Ouch! Sumabit ang aking paa.

Kuwit (,) - ginagamit sa mga salitang


binabanggit nang sunod-sunod o
nasa serye, sa hulihan ng bating
panimula at bating pangwakas
ng
isang liham pangkaibigan at
pagkatapos ng Oo at Hindi

Halimbawa:
1. Matalino, masipag at mahusay
na manunulat si Doktor Jose Rizal.
2. Mahal kong Kaibigan,
3. Ang iyong tiyahin,
4. Oo, uuwi ako bukas.
5. Hindi, kasi nawasak ang bahay
naming.

8
Kayo ba ay nakakasulat na ng isang talata? Madali
lang ang pagsulat nito. Tingnan mo lang ang larawan at
isusulat mo ang lahat na nalalaman mo tungkol dito.
Magbuo ka lang ng pangungusap tungkol sa nakita mo o
tungkol sa paksa na pag-uusapan.

Halimbawa:
Ang niyog ay isang puno. Ito ay may bilog na
bunga. Naiibigan ng maraming tao dahil sa tamis ng
tubig at laman nito. Ang hibla ng niyog ay ginawang
walis tingting. Ang puno nito ay ginawa rin ng mga
kasangkapan at sa paggawa ng bahay.

Di ba mga bata nakakagawa na tayo ng talata?

May kaibigan ka ba na nasa malalayong lugar? Ano


ang paraan mo sa pakikipag-ugnayan sa kanya?

9
Nararanasan mo na bang magsulat ng liham para sa
kanya?
Ang liham o sulat ay isang mensahe na naglalaman
ng kaalaman, balita at saloobin na pinapadala ng isang
tao.
Ang liham ay may mga bahagi tulad ng:
● Pamuhatan - ito ang lugar kung saan ang pinagmulan
ng liham at petsa kung kailan ito isinulat
● Bating Panimula - ito ang magalang na pagbati

● Katawan ng Liham - ito ang nilalaman o tunay


na dahilan ng pagsulat ng liham

● Bating Pangwakas- ito ang magalang na


pamamaalam

● Lagda- ito ang buong pangalan ng sumusulat at


pirma sa ibabaw nito
Tingnan ang wastong paraan sa pagsulat ng liham na
paumanhin.

1. (Pamuhatan)
Purok Madasigon
Barangay San Roque
Lungsod ng mahinog
Hunyo 1, 2020

2. (Bating Panimula)
Mahal kong kaibigang Joana,

10
3. (Katawan ng liham)
Ako ay nalulungkot na ipaalam sa iyo na hindi ako
makakapunta sa bahay ninyo dahil pupunta kami ng
nanay sa Mambajao bukas.

4. (Bating Pangwakas)
Nagmamahal,

5. (Lagda)
Tina

Suriin

A. Panuto: Kilalanin ang angkop na parirala para sa


larawan. Piliin ang titik sa wastong sagot. Isulat
ito sa sagutang papel.

1. A. ang mga mangga


B. Ang mangga ay matamis.

2. A. Ang mga doctor ay


nag-eksamen ng dugo.
B. ang mga doktor

11
B. Panuto: Kilalanin ang angkop na
pangungusap para sa larawan.
Isulat sa sagutang papel.

3. A. Ang palaruan ay maganda.


B. ang palaruan

4. A. Maraming malulusog na
manok.
B. ang mga manok

5. A. mga kabayo
B. Ang mga matatabang
kabayo ay nasa bukirin.

C. Kopyahin ang liham sa inyong sagutang papel. Iwasto


ang pagsulat sa mga salita ng may salungguhit at lagyan
ng tamang bantas.

Kalye 21, Nazareth


Cagayan de Oro
april 23 2020

Mahal kong melisa _

Sa nakaraang pagsubok ako ay nakakuha ng


mababang marka sa Filipino. Nakita ito ng mga mgulang

12
ko at pinapagalitan po ako. Ano ang gagawin ko para
hindi mahinto ang aking pag-aaral.
Sana matolongan mo ako.

Nagmamahal ng lubos,
elena

Pagyamanin

Unang Ginabayang Gawain


Panuto: Isulat ang parirala tungkol sa larawan sa inyong
sagutang papel.

=
1. - ______________________________________________

=
2. - ______________________________________________

13
3. - ______________________________________________

4. - ______________________________________________

5. - ______________________________________________

Unang Tayahin
Panuto: Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa
larawan at gamitin ang wastong bantas. Isulat sa
sagutang papel.

1. _______________________
_______________________

2. ______________________________
______________________________

14
3. ______________________________
______________________________

4. ______________________________
______________________________

5. ______________________________
______________________________

Ikalawang Ginabayang Gawain


Panuto: Kopyahin ang mga pangungusap sa inyong
sagutang papel. Lagyan ng wastong bantas ang
bawat pangungusap.

1. Si Allan Mario at Nilo ay naglalaro ng basketbol

2. Aray masakit ang aking tiyan

3. Bakit ayaw mo akong isama sa pagsasayaw

4. Dala dala ni Nene ang aking manika

15
5. Allan ikaw ba ay isang masipag na bata

Ikalawang Tayahin
Panuto: Ayusin ang pagkasulat ng mga
pangungusap na ginagamit ang malaking titik.

1. matulin tumakbo ang kabayo.

2. sino ang nagtuturo sa mga batang


bumasa at sumulat.

3. si Tina ay tumakbo ng pinakamalakas sa lahat


ng mga bata.

4. sino ang pinakamagaling sa kanila si Marco o si


Lucas?

5. hello! kumusta na kayo diyan?

Unang Malayang Gawain


Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba.
Hanapin ang mga salitang may maling baybay.
Iwasto ito sa inyong sagutang papel.

Halimbawa: mesa 1. Masarap ang ulam sa


misa.

16
___________1.Mabagal ang daloy ng trapiku sa
daan.

___________ 2. Maraming toroso ang nakompiska


ng awtoridad.

____________3. Mababa ang prisyo ng kopra


ngayon.

____________4. Mamahalin ang plurera na binili ni


inay.

____________5. Malaking prublema ang basura sa


ating bansa sa kasalukuyan.

Unang Tayahin (Assessment 1)


Panuto: Punan ang patlang upang
makabuo ng dalawang
pangungusap tungkol sa
larawan. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.

1. Ang dalandan ay
____________. Ito ay
_______________ na prutas.
2. Ang dagat ay _________.
Dito naliligo ang buong
___________ tuwing linggo.

17
3.Ang pusa ay nakatira
____________. Siya ay
nanghuhuli ng
__________.

4. Ang mga puno ay


makikita ______________.
Ito ang tirahan ng
maraming ______________.
5.Ang lapis ay ____________.
Ito ang ginagamit
_______________.

Ikalawang Malayang Gawain

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa


inyong sagutang papel.

1. Alin ang wastong bating pangwakas?


A. kuya,
B. Iyong kuya,
C. iyong kuya,
2. Paano isinulat ang unang titik sa bating
panimula at lagda ng isang liham?
A. malaki
B. maliit

18
C. patinig
3. Ano ang maaari mong isulat sa pamuhatan?
A. Pangalan ng tao
B. Pangalan ng lugar at petsa
C. Pangalan ng bagay
4. Anong bantas ang ginagamit sa bating
pangwakas?
A. Tuldok
B. Kuwit
C. Patanong

5. Anong bahagi ng liham na mababasa mo ang


mansahe?
A. Lagda
B. Pamuhatan
C. Katawan ng liham

Ikalawang Tayahin
Panuto: Basahin ang liham sa ibaba at isulat
ang hinihingi tungkol dito sa sulatang papel.

#22, Kalye Quezon


Barangay Poblacion
Mahinog, Camiguin

19
Mayo 18, 2020

Mahal kong kapatid Arlyn,

Ngayon ay ang napakahalagang araw sa


buhay mo. Binabati kita ng Maligayang
Kaarawan! Sana bigyan kayo ng maykapal ng
mahabang buhay. Sana marami pang
pagdiriwang na darating at pagpalain kayo sa
lahat ng panahon.

Lubos na nagmamahal,
Ate Cyra

1. Bating pangwakas -
2. Pamuhatan –
3. Lagda -
4. Bating panimula -
5. Katawan ng liham –

Isaisip

Ang parirala ay lipon o grupo ng mga


salita na walang Simuno o Panaguri. Ito ay
hindi kumpleto ang diwa. Ito ay nagsisimula
sa maliliit na titik at walang bantas.

20
Ang mga salitang mali ang
pagkabaybay ay matutukoy sa
pamamagitan ng mga tunog na bumubuo sa
isang salita.

Ang pangungusap ay lipon ng mga salita


na bumubuo ng buong diwa. Ito ay
nagsisimula sa malaking titik at gumagamit ng
iba’t ibang bantas.

Ang talata ay pagbuo ng higit sa


dalawang pangungusap.

Ang Liham ay may apat na bahagi. Ito


ay pamuhatan, bating panimula, katawan ng
liham, bating pangwakas at lagda.

Isagawa

Panuto: Ang mga sumusunod ay naglalaman ng mga


bahagi ng liham. Piliin ang tinutukoy sa
pangungusap. Isulat ang inyong tamang sagot
sa sulatang papel.

1. Ito ang pangalan ng sumusulat


(Bating panimula, Lagda)

2.Ito ang dahilan kung bakit ka nagsusulat

21
(lagda, Katawan ng liham)

3.Dito makikita ang pangalan ng iyong sinulatan


(pamuhatan, Bating panimula)

4. Ito ang isinulat pagkatapos ng katawan ng liham


(bating pangwakas, bating panimula)

5.Ito ang lugar at petsa kung saan isinulat ang


liham
(pamuhatan, lagda)

Tayahin (Assessment)
Panuto: Isaayos ang liham ayon sa wastong bantas,
baybay at pagkakasunod-sunod nito. Isulat sa
hiwalay na sagutang papel.

1. Ang iyong kaibigan,


Carla

2. Minamahal kong Patrick,

22
3. Kumusta ka na? Noong isang araw ay nabalitaan ko
ang nangyayari sa iyong ina. Ako ay sumulat kaagad
para iparating sa inyo at ng buong pamilya ang aking
pakikiramay. Sana malalampasan mo ang lahat ng ito.

4. Barangay Alga,
Catarman, Camiguin
April 23, 2017 ___________________
___________________
___________________
________________________
________________________

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________.

_____________________
_____________________

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng liham paanyaya sa darating na


kaarawan mo. Sundin ang pormat na nasa
ibaba.

___________________

23
___________________
___________________

________________________
________________________

___________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________.

_______________________

Susi sa Pagwawasto

_______________________
_______________________

24
25
Pagyamanin
Unang Ginabayang Gawain
1. ang mga pinya
2. ang bulaklak
3. ang pusa
4. ang mga aklat
5. ang aso
Unang Tayahin
1. Sariwa ang isda.
2. Ang mga baka ay nasa bukirin.
3. Ang bola ay bilog.
4. Maraming upuan sa silid-aralan.
5. Hinog na manga.
Ikalawang Ginabayang Gawain
1. Si Allan, Mario at Nilo ay naglalaro ng
basketbol.
2. Aray! masakit ang aking tiyan.
3. Bakit ayaw mo akong isama sa
pagsasayaw?
4. Dala-dala ni Nene ang aking manika.
5. Allan, ikaw ba ay isang masipag na bata?
26
Ikalawang Tayahin
1. Matulin tumakbo ang kabayo.
2. Sino ang nagtuturo sa mga batang
bumasa at sumulat.
3. Si Tina ay tumakbo ng pinakamalakas sa
lahat ng mga bata.
4. Sino ang pinakamagaling sa kanila si
Marco o si Lucas?
5. Hello! kumusta na kayo diyan?
Unang Malayang Gawain
1. trapiko 4. plorera
2. troso 5. problema
3. presyo
Tayahin (Assessment 1)
1. bilog, matamis
2. malawak, pamilya
3. sa bahay, mga daga
4. sa kagubatan, mga hayop
5. Matulis, sa pagsulat
27
Ikalawang Malayang Gawain
1. B
2. A
3. B
4. B
5. C
Ikalawang Tayahin
1. Lubos na nagmamahal,
2. #22, Kalye Quezon
Barangay Poblacion
Mahinog, Camiguin
Mayo 18, 2020
3. Ate Cyra
4. Mahal kong kapatid Arlyn,
5. Ngayon ay ang napakahalagang araw
sa buhay mo. Binabati kita ng Maligayang
Kaarawan! Sana bigyan kayo ng
maykapal ng mahabang buhay. Sana
marami pang pagdiriwang na darating at
pagpalain kayo sa lahat ng panahon.
28
Isagawa
1. Lagda
2. Katawan ng liham
3. Bating panimula
4. bating pangwakas
5. pamuhatan
Tayahin (Assessment)
Barangay Alga,
Catarman, Camiguin
April 23, 2017
Minamahal kong Patrick,
Kumusta ka na? Noong isang araw ay
nabalitaan ko ang nangyayari sa iyong ina.
Ako ay sumulat kaagad para iparating sa inyo
at ng buong pamilya ang aking pakikiramay.
Sana malalampasan mo ang lahat ng ito.
Ang iyong kaibigan,
Carla
29
Karagdagang Gawain
______________
______________
______________
___________________
___________________
________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
___________________________________________.
____________________
____________________
____________________
Sanggunian

Calatrava, Sancho C. et al ( 2017) Bumasa at Sumulat 2. Republika ng


Korea ng Prinpia Co., Ltd. 54 Gasanro 9gil , Geumcheongu , Seoul ,
Korea

http://Pixabay.com

http://google.com

30
Alang sa inyong mga pangutana o komento, sulat o tawag sa:

Department of Education – Division of Camiguin

B. Aranas St., Poblacion, Mambajao, Camiguin Province

Email Address: depedcamiguin@gmail.com, camiguin@deped.gov.ph

Cellphone no: 09057284681

31
MGA GUMAGAMIT NG MODYUL

Pangalan ng Mag- Petsa sa Perma ng Petsa ng Komento


aaral Pagtanggap Mag-aaral Pagsauli

32

You might also like