You are on page 1of 21

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 5
Pangangalaga sa Timbang na
Kalagayang Ekolohiko ng Asya

AIRs - LM

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5
Araling Panlipunan 7
Unang Markahan - Modyul 5: Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Bledda P. Flores


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Content Reviewer: Arthur I. Padilla, Wilma B. Tucay
Language Reviewer: Ana V. Eleccion, Claire P. Pulanco
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Joseph B. Lee

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD EPS in Charge of LRMS
Mario B. Paneda, EdD EPS in Charge of Araling Panlipunan
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 5
Pangangalaga sa Timbang na
Kalagayang Ekolohiko ng Asya

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama
o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5
Sapulin

Binabati kita sa matagumpay mong pagkamit ng mahahalagang kaalaman


tungkol sa mga yamang-likas ng Asya. Ngayon ay mas mapapaunlad mo pa ang
ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran.
Sa modyul na ito ay iyong pag-aaralan kung paano mo maipamamalas ang
pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng Asya. Bakit nga ba
humaharap ang Asya sa iba’t-ibang suliraning pangkapaligiran? Dapat ba nating
pangalagaan ang timbang na kalagayang ekolohikal ng Asya?
Sa modyul na ito, inaasahang mailalarawan at matatalakay mo ang mga
suliraning pangkapaligiran sa Asya. Makakapagmungkahi ka rin ng mga paraan
kung paano malulutas ang mga suliraning pangkapaligirang ito. Sa pagkakaroon
mo ng malawak na kaalaman tungkol sa aralin, maipapahayag mo kung ano nga
ba ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang-ekolohiko ng
Asya.

Pamanatayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng
kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay malalim na nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging
ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog sa sinaunang kabihasnang Asyano.
Pamantayan sa Pagkatuto
Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na
kalagayang ekolohiko ng rehiyon. (AP7HAS-Ig-1.7)

Sa araling ito, inaasahan na matutunan mo ang mga sumusunod na


layunin:
1. Nasusuri ang mga suliraning pangkapaligiran sa Asya.
2. Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na
kalagayang ekolohiko ng Asya.
3. Nakapagmumungkahi ng mga paraan kung paano malulutas ang mga
suliraning pangkapaligiran sa Asya.

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5 1
Simulan

Bilang panimula, sagutan ang gawain sa ibaba sa sagutang papel upang


mataya ang iyong kahandaan sa paksa. Ito ay makatutulong upang malaman mo
ang nilalaman ng modyul na ito.

Gawain: WORDLES
Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat kahon sa pamamagitan ng mga word
clues sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15

1–6 isang anyong lupa


10 – 12 isang alagang hayop
13 – 15 isang termino sa Chemistry

2.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

1–4 paglahok
1–5 ilagay
10 – 12 isang termino sa Chemistry

3.
1 2 3 4 5 6 7

1–5 palagi mong ginagawa


6–7 isang pangatnig

4.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11

1–4 clue
2–3 pasok o uso
7 – 11 maraming lupa

5.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17

4–6 troso(english term)


11 – 17 utang o natitira(english)

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5 2
6.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

1–3 nangangahulugang buhay(english)


4–7 pagsisid (english)
9 – 11 upo(english)

7.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13

3–8 gubat(english)
7–10 pinaikling Statistics(english)
7–13 istasyon(english)

8.
1 2 3 4 5 6 7 8 9

1–2 salitang Kastila ng oo


7–9 isang termino sa Chemistry

9.
1 2 3 4 5 6 7

1–3 kulay pula(english)


5–6 no _____, no entry
4–7 brand ng sabong panlaba

10.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13

2 – 5 five(tagalog)
4 – 7 class_ _ _ _
8 – 11 apelyido ni Jackie _____
9 – 12 ibitin(english)

Binabati kita at napagtagumpayan mo ang unang Gawain sa modyul na


ito. Palalimin naman natin ang iyong kaalaman sa ating paksa. Handa
ka na ba? Tara na!

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5 3
Lakbayin

Ngayon naman, nakasisiguro akong handa ka nang maragdagan ang


iyong kaalaman tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na
kalagayang ekolohiko ng rehiyon. Alam kong interesado ka, at dahil dito maaari
mo nang simulang basahin ang teksto.

ANG BIODIVERSITY NG ASYA

Ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na


bumubuo sa natural na kalikasan ay tinatawag na biodiversity. Ang Asya, bilang
pinakamalaking kontinente sa buong mundo ay itinuturing na pangunahing
pinagmumulan ng global biodiversity. Ngunit, habang ang mga bansa sa Asya ay
patuloy na papunta sa kaunlaran, kasabay din nito ang pagsulpot ng mga
suliraning ekolohikal at pangkapaligiran bunsod ng hindi mapigilang pag-unlad ng
ekonomiya at ang patuloy na paglaki ng populasyon. Ang mga bansang Asyano sa
ngayon ay humaharap sa masalimuot na interaksiyon ng mga isyung panlipunan,
politikal, ekonomiya at pangkapaligiran. Ang masusing ugnayan at pagbabalikatan
ng bawat isa sa loob ng isang bansa at sa pagitan ng bawat bansa ay mahalaga
upang makapagbalangkas at makapagpatupad ng angkop na solusyon sa mga
suliraning ito.

Sa pagtalakay mo sa mga suliranin at isyung pangkapaligiran, makakatulong


sa iyo ang mga sumusunod:
1. DESERTIFICATION –
Tumutukoy sa pagkasira ng lupain
sa mga rehiyong bahagyang tuyo o
lubhang tuyo na kapag lumaon ay
hahantong sa permanenteng
pagkawala ng kapakinabangan o
productivity nito tulad ng
nararanasan sa ilang bahagi ng
China, Pakistan, Jordan, Iraq,
Syria, Yemen at Lebanon. Source:https://www.conserve-energy-future.com/wp-ontent/uploads/2015/08/land-
desertification-degradation.jpg

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5 4
2. SALINIZATION- Sa prosesong
ito, lumilitaw sa ibabaw ng lupa
ang asin o di kaya naman ay
inaanod ng tubig papunta sa
lupa. Ito ay nagaganap kapag
mali ang isinagawang proseso ng
irigasyon sa paligid ng mga
estuary at gayundin sa mga lugar
na mababa na ang balon ng tubig
o water table. Unti-unting
nanunuot ang tubig-alat o
saltwater kapag bumababa ang
water level gaya ng nararanasan
ng bansang Bangladesh sapagkat
nanunuot na ang tubig-alat sa
kanilang mga ilog. Source:https://ensia.com/wp- content/uploads/2019/04/Feat_Salinization_inline.jpg

3. HABITAT- Ito ay tumutukoy sa


tirahan ng mga hayop at iba pang
mga bagay. Ito ang pangunahing
apektado ng land conversion o ang 4
paghahawan ng kagubatan,
pagpapatag ng mga mabundok o
maburol na lugar upang
mabigyang-daan ang mga
proyektong pangkabahayan.

Source:https://i.pinimg.com/originals/ca/92/c9/ca92c97a9e19e02b520aeb6764835f23.jpg

4. HINTERLANDS- Ito ay isang


malayong lugar, malayo sa
urbanisadong lugar ngunit
apektado ng mga pangyayari sa
teritoryong sakop ng lungsod. Ang
lungsod ay nangangailangan ng
pagkain, panggatong, at troso para
sa mga konstruksiyon na
itinutustos ng hinterlands na
humahantong sa pagkasaid ng
mga likas na yaman nito.
Source: https://qph.fs.quoracdn.net/main-qimg-867f714adb505d9b1a64b4d3efc969e8

5. ECOLOGICAL BALANCE- Kapag


balanse ang ugnayan sa pagitan
ng mga bagay na may buhay at
ang kapaligiran, tinatawag itong
ecological balance.
Source: https://qsstudy.com/wp-content/uploads/2018/01/Ecological-Balance.jpg

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5 5
6. DEFORESTATION-Ang pagka-
ubos at pagkawala ng mga
punongkahoy sa mga gubat. Isa
ito sa mga problemang
nararanasan ng Asya sa
kasalukuyan.
Source: https://www.rainforest-alliance.org/wp-content/uploads
/2021/07/guatemala-belize-border-deforestation-768x461.jpg

7. SILTATION- Parami at
padagdag na deposito ng banlik na
dala ng umaagos na tubig sa isang
lugar. Ito ay isa sa problemang
kinakaharap ng mga bansa sa
Asya na dulot o bunsod ng
pagkasira ng kagubatan at erosion
ng lupa, gaya ng kondisyon ng
lawa ng Tonle Sap sa Cambodia. Sourcehttps://en.wikipedia.org/wiki/Siltation

8. RED TIDE- Nagkakaroon ng red


tide dahil sa mga dinoflagellates na
lumulutang sa ibabaw ng dagat.

Source: https://en.wikipedia.org/wiki/Red_tide

9. GLOBAL CLIMATE CHANGE-


Ang global warming ay ang
pagbabago ng pandaigdigan o
rehiyonal na klima na maaaring
dulot ng likas na pagbabago sa
daigdig o ng mga gawain ng tao.
Karaniwang tinutukoy nito sa
kasalukuyan ay ang pagtaas ng
katamtamang temperature o global
warming. Source:https://esgclarity.com/wp-content/uploads/2020/10/Climate-c
hange-2-scaled.jpg

10. OZONE LAYER- Isang suson


sa stratosphere na naglalaman ng
maraming konsentrasyon ng
ozone. Mahalagang pangalagaan
ang ozone layer sapagkat ito ang
nagpoprotekta sa mga tao,
halaman, at hayop mula sa
masamang epekto ng radiation
dulot ng ultraviolet rays. Source:https://i.pinimg.com/600x315/50/9f/77/

509f77555852a8513b71b732eeeef74a.jpg

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5 6
Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

Pagkasira ng lupa –Tunay na malaki at mahalaga ang papel na ginagampanan ng


lupa upang patuloy na mabuhay ang mga tao. Sa kapakinabangan o productivity
nito nakaasa ang mga produktong agrikultural na tumutustos sa kabuhayan ng
mamamayan. Gayunpaman, ang abuso sa lupa ay nagbubunsod ng malalang mga
suliranin gaya ng salinization at alkalinization na nagaganap kapag mali ang
isinagawang proseso ng irigasyon. Malubhang problema ang salinization sa
Bangladesh sapagkat nanunuot na ang tubig alat sa kanilang mga ilog na
dumadaloy sa 38% ng bansa. Nasa 33% na mga mamamayan nito ang
nakikinabang sa ilog na ito. Samantala isang ring malubhang problema sa lupa ay
ang desertification gaya ng nararanasan ng ilang bahagi ng China na nakapagtala
na ng halos 358,000 km2 na desertified na lupain. Maging sa ibang bahagi ng Asya
tulad ng kanlurang Asya ay nakakaranas din ng tuyong lupain gaya ng Jordan,
Iraq, Lebanon, Syria, at Yemen sa kanlurang Asya, at ang India at Pakistan sa
Timog Asya. Ang pagkasira at pagkatuyo ng lupa ay maaring magdulot ng
matinding suliranin gaya ng kakulangan sa pagkain at panganib sa kalusugan.

Isa sa pinagmumulan ng pagkasira ng lupa ay ang overgrazing kung saan


ang kapasidad ng damuhan ay hindi sapat sa laki ng kawan ng hayop. Ito ay
nakasisira sa halaman o vegetation ng isang lugar. Ang hilagang Iraq, Saudi
Arabia, at Oman ay ilan lamang sa mga bansang nakararanas ng ganitong
sitwasyon.

Urbanisasyon – Dahil sa mabilis na urbanisasyon sa Asya, labis nang


naapektuhan ang kapaligiran nito. Ito ay nag bunsod sa mga kaugnay na problema
gaya ng pagdami ng mga mahihirap na lugar o depressed areas at may mga
pamayanan na may mataas na insidente ng pagkakasakit at iba pang panganib sa
kalusugan. Mahigit sa 3,119 sa mga bayan at lungsod ng India ay may ganitong
sitwasyon. Ang kalusugan ng mamamayan sa mga lungsod ay direktang
naapektuhan ng urbanisasyon gaya ng pagtatapon ng mga industriya nhg kanilang
wastewater sa tubig at sa lupa. Ang mga kalapit-bayan ng lungsod ay naapektuhan
din ng urbanisasyon sapagkat dito kinukuha ang ilang mga pangangailangan ng
lungsod na nagiging sanhi ng pagkasaid ng likas na yaman nito. Kaugnay na
problema rin ng urbanisasyon ay ang noise pollution mula sa mnga sasakyan,
gayundin ang mga ilang aparato at makinang gumagawa ng ingay. Ayon sa mga
eksperto sa kalusugan ang labis na ingay sapagkat nagdudulot ito ng stress at
nakadaragdag sa pagod, sa ilang sitwasyon, ito ay nagiging sanhi ng pagkabingi.

Pagkawala ng Biodiversity – ang kontinente ng Asya ay itinuturing na isa sa may


pinakamayamang biodiversity sa buong mundo. Ang China, India, Thailand,
Indonesia, ay Malaysia ay katatagpuan ng pinakamaraming species ng mga isda,
amphibian, reptile, ibon, at mammal. Ngunit sa kabila nito, ang Asya rin mismo
ang nakapagtala ng pinakamabilis na pagkawala ng biodiversity bunsod ng:
patuloy na pagtaas ng populasyon, walang habas na pagkuha at paggamit ng mga
likas na yaman, pag-aabuso sa lupa, pa gkakalbo o pagkakasira ng kagubatan

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5 7
(deforestation), polusyon sa kapaligiran, at ang introduksiyon ng mga species na
hindi likas sa isang partikular na rehiyon.

Pagkasira ng Kagubatan - ang deforestation o tahasang pagkawasak ng kagubatan


ay isang napakakritikal na problemang pangkapaligiran. Masama ang dulot nito sa
natural ecosystem sapagkat ang likas na yaman ng kagubatan ay nababawasan.
Pinipiling putulin ang mga punong may ilang libong taon nang nabubuhay sa
kagubatan at hindi ito basta lamang napapalitan sa pamamagitan ng muling
pagtatanim. Sa pagkawala ng mga puno, marami ring mga species ng halaman at
hayop ang nanganganib dahil nawawalan sila ng natural na tirahan o natural
habitat. Ang pangkapaligiran tulad ng pagbaha, erosyon ng lupa, pagguho ng lupa,
siltasyon, at sedimentation. Ayon sa pag-aaral ng Asian Development Bank,
nangunguna ang Bangladesh, Indonesia, Pakistan at Pilipinas sa mga bansang
may pinakamabilis na antas o rate ng deforestation. Pangunahing sanhi ng
problemang ito ay ang komersyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng
puno, upang gawing panggatong at ang pagkasunog ng gubat.
Source:*ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba:Araling Asyano ni Samson et. al ng RBSI

Galugarin

Matapos mong basahin, unaawain, at suriin ang teksto ay punan ang


talahanayan ayon sa hinihingi nitong datos.

Gawain: SULIRANIN KA LANG, MAY SOLUSYON AKO!


Panuto: Tukuyin kung anong suliraning pangkapaligiran ang ipinapakita sa
larawan at magbigay ng mungkahing solusyon kung paano ito maiiwasan.

SULIRANIN SOLUSYON
1

Source:https://www.rainforest-alliance.org/wp-
content/uploads/2021/07/guatemala-belize-border-
deforestation-768x461.jpg

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5 8
2

Source: https://www.conserve-energy-future.com/wp-
content/uploads/2015/08/land-desertification-degradation.jpg

Source:https://esgclarity.com/wp-
content/uploads/2020/10/Climate-change-2-scaled.jpg

Source:https://mikelsblog835425230.files.wordpress.com/2018/
03/11.jpg?w=880&h=312&crop=1

Source: https://www.onlinebiologynotes.com/wp-
content/uploads/2018/07/water-pollution-678x381.jpg

Sourcehttps://media.philstar.com/photos/2019/03/24/gen2-
manila-skyline-kjrosales_2019-03-24_23-40-29.jpg

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5 9
7

Source:https://cdn.britannica.com/76/155676-050-
40CF909F/Air-pollution-vehicle-tailpipes-number-criteria-
pollutants.jpg

Source:https://en.wikipedia.org/wiki/Red_tide

Source:https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRBBgSQnCj71d6
hweJAAJ2BlIgYsT7BCQ0mhw&usqp=CAU

10

Source:https://en.wikipedia.org/wiki/Siltation

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module510
Palalimin

Gawain: Check and Balance


Panuto: Suriin ang larawan, at gumawa ng sanaysay na may isa hanggang
dalawang talata (1-2 paragraphs) kung bakit mahalagang magkaroon ng balanseng
timbang ang kalagayang ekolohiko ng Asya. Magbigay ng pamagat para sa iyong
sanaysay. Isulat ang sanaysay sa isang buong papel.

Source:https://www.dreamstime.com/stock-illustration-ecological-scale-balance-vector-illustration-conceptual-green-
village-gray-factory-image44774717

RUBRIK SA PAGMAMARKA
KRAYTERIYA 10 8 6 4
KAALAMAN SA Ang Ang mga Hindi lahat Ang
PAKSA pangunahing pangunahing ng pangunahing
kaalaman ay kaalaman ay pangunahing kaalaman ay
nailahad at nailahad kaalaman ay hindi
naibigay ang subalit hindi nailahad nailahad at
kahalagahan. wasto ang natalakay.
ilan.
ORGANISASYON Organisado Organisado Hindi Hindi
ang mga ang detalye masyadong organisado
detalye at subalit hindi organisado ang detalye at
maayos ang maayos ang ang detalye at presentasyon
presentasyon. presentasyon. presentasyon

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5 11
Sukatin

Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Bilang isang kabataan, ano ang maaari mong gawain upang masolusyonan ang
mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng ating bansa?
A. Patuloy na pagputol sa mga punong kahoy.
B. Makikipagtulungan sa mga illegal na gawain
C. Patuloy na pagtapon ng basura sa dagat at ilog.
D. Hikayatin ang mga mamamayan na pangalagaan ang ating likas na yaman
at maging aktibo sa mga programa na sinsagawa ng pamahalaan para sa
pangangalaga sa likas na yaman.
2. Ang komersiyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng punong kahoy at
pagkasunog ng gubat ay isa sa mga dahilan sa pagkasira ng kagutaban, ano ang
maaaring dahilan ng mga mamamayan upang magawa ang ganitong gawain?
A. Dahil sa sariling interes
B. Dahil sa mataas na halaga ang kapalit
C. Dahil na rin sa panghihikayat ng iba at malaki ang kita.
D. Dahil na rin sa kahirapan at kawalan ng trabaho ng mga mamamayan.
3. Ang tahasang pagkasira ng kagubatan ay isa sa mga kritikal na problemang
pangkapaligiran, alin sa sumusunod na pahayag ang masamang epekto nito?
I.Mawawalan ng tirahan ang mga hayop na nakatira sa kagubatan.
II.Maraming mga species ng halaman at hayop ang manganganib.
III.Masama ang dulot nito sa natural ecosystem
IV.Marami ang maaapektuhang hayop
A. I, II & III B. I, II, III & IV C. I, II & IV D. I, II & IV
4. Anong mga problema ang kinakaharap sa patuloy na pagkakalbo sa kagubatan?
I. Pagbaha II. Pagguho ng Lupa III. Erosyon sa Lupa IV.Siltasyon
A. I, II & III B. II, III & IV C.I, III & IV D. I, II, III & IV
5. Alin sa sumusunod na bansa sa Asya ang nangunguna pagdating sa
deforestation?
A. China, Bangladesh, Pilipinas at Pakistan
B. Pilipinas, Japan, Bangladesg at Pakistan
C. Malaysia, Pilipinas, Pakistan at Indonesia
D. Bangladesh, Indonesia, Pakistan at Pilipinas
6. Anong bansa sa Asya ang may malubhang problema ng salinization?
A. Bangladesh B. Japan C. Malaysia D. Pilipinas
7. Alin sa sumusunod ang nagiging dahilan sa pagkasira ng lupa?
A. Pagtaba ng lupa B. Pagrami ng punong kahoy
C. Paggulo ng lupa D. Ang pagkatuyo ng mga lupa

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module512
8. Ano ang matinding suliranin ang kakaharapin kapag patuloy ang pagkasira ng
lupa?
A. Pagkakaroon ng di inaasahang sakuna
B. Maaring magdulot ng kakulangan sa pangangailangan
C. Maaring magdulot kawalan ng hanap-buhay ang mga mamamayan
D. Maaring magdulot ng kakulangan sa pagkain at panganib sa kalusugan
9. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng Asya?
A. Urbanisasyon B. Pagkasira ng lupa
C. Pagkawala ng biodiversity D. Pangangalaga sa likas na yaman
10. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?
A. Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan
B. Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes sa
buhay
C. Dahil kailangan ng tao ng lupa upang matustusan ang kanilang mga
sariling hangarin.
D. Dahil ang mga produktong galling sa lupa ang bumubuhay sa tao upang
matugunan ang kanilang pangangailangan.
11. Paano maiiwasan ang problemang kinakaharap ng urbanisasyon sa bawat
bansa sa Asya?
A. Pagpapaalis sa mga tao sa mga lungsod
B. Pagkontrol sa patuloy na pagtaas ng populasyon.
C. Paghikayat sa mga tao na lumipat sa ibang lugar upang umalis sa mga
lunsod.
D. Pagsasagawa ng mga programa para sa mga mamamayan upang
mabigyan ang mga ito ng kabuhayan.
12. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba’t-ibang suliranin gaya ng
pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakaaapekto sa pag-
unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang isang kabataan ay naayayahan na
dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa
suliranin. Ano ang iyong imumungkahi upang malutas ang suliranin?
A. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
B. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa
kapaligiran
C. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon
ng anak.
D. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng
kapaligiran at tao sa pag-unlad ng isang bansa.
13.Alin sa sumusunod ang dahilan sa pagkawala ng biodiversity ng Asya?
A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Pag-aabuso sa lupa at pagkakalbo ng kagubatan
C. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman
D. Lahat ng nabanggit
14. Anong kontinente ang itinuturing na isa sa may pinakamayamang biodiversity
sa buong mundo?
A. Africa B. Antarctica C. Asya D. Europe

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5 13
15. Ang patuloy na pagtaas ng populasyon ang isa sa mga problemang kinakaharap
ng bawat bansa sa Asya, sa iyong palagay, ano ang maaring maging solusyon
sa nasabing pahayag?
A. Kailangan magtulungan ang mga mamamayan
B. Kailangan maging aktibo sa mga gawain na binibigay ng pamahalaan
C. Magsagawa ng mga hakbang o programa upang makonrol ang patuloy
na pagtaas ng populasyon.
D. Kailangan na mabigay ng kaalaman sa mga mamamayan sa patuloy na
pagtaas ng populasyon.

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5 14
LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5
15
SUKATIN:
Panghuling Pagtataya
1. D 6. A 11. D
2. D 7. A 12. D
3. D 8. A 13. D
4. D 9. D 14. C
5. D 10.A 15. A
GALUGARIN
GAWAIN: SULIRANIN KA LANG, MAY SOLUSYON
AKO!
SIMULAN:
1. Deforestation
GAWAINH: WORDLES
2. Dessertification
1. DESSERTIFICATION
3. Global Climate Change
2. SALINIZATION
4. Polusyon sa Lupa/Pagkasira ng lupa
3. HABITAT
5. Polusyon sa Tubig/Water pollution
4. HINTERLANDS
6. Urbanisasyon
5. ECOLOGICAL BALANCE
7. Air Pollution/Water Pollution
6. BIODIVERSITY
8. Red Tide
7. DEFORESTATION
9. Ozone Layer Depletion/Pagkasira ng Ozone
8. SILTATION
Layer
9. RED TIDE
10. Siltation
10. CLIMATE CHANGE
*Note: Maaring magkakaiba ang solusyon ng bawat
ma-aaral sa bawat suliranin.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Mga Aklat

Blando et. al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul ng Mag-aaral), ph.
46-49.

16
LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

LU_Q1_Araling Panlipunan7_Module5

You might also like