You are on page 1of 19

SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION

Service. Professionalism. Competence. Fellowship.

MAGANDANG
ARAW!
BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SENIOR HIGH SCHOOL
Pangunahan mo
ang Panalangin.
Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
KOMUNIKASYON
AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT
KULTURANG
PILIPINO
Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
ARALIN 3
KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO
SOSYOLINGGUWISTIKO
“Ang wika’y mabisang instrumento sa pakikipag-ugnayan.
Ito ay daan upang magkaunawaan.”

Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
Alam Mo Ba?
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Dua (1990) ilan sa mga dahilan
sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang taong nag-uusap ay pwedeng
magmula sa nagsasalita.

• Hindi lubos na nauunawaan ng nagsasalita ang kanyang intensiyon.


• Hindi maipahayag ng maayos ng nagsasalita ang kanyang intensiyon.
• Pinipili ng nagsasalitang huwag na lang sabihin ang kanyang intensiyon.

Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
Alam Mo Ba?
Ayon pa rin kay Dua (1990) ilan sa mga dahilan sa hindi
pagkakaunawaan ng dalawang taong nag-uusap ay maari ring
mag-ugay sa tagapakinig.

• Hindi narinig at hindi naunawaan.


• Hindi gaanong narinig at hindi gaanong naunawaan.
• Mali ang pagkarinig at mali ang pagkaunawa.

Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
MGA DAPAT
ISAALANG-ALANG SA
EPEKTIBONG
KOMUNIKASYON
Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
EPEKTIBONG KOMUNIKASYON

Ayon sa lingguwistang si Dell Hymes, magiging mabisa


lamang ang komunikasyon kung ito ay isasaayos, at sa
pagsasaayos ng komunikasyon, may mga bagay na dapat
na isaalang-alang.

Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
EPEKTIBONG KOMUNIKASYON
Ginamit ni Dell Hymes ang SPEAKING bilang acronym
upang isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang upang
magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan.

Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
SETTING
Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o
nakikipagtalastasan ang mga tao. Mahalagang salik ang
salik kung saan nag-uusap.

Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan ng


mga tao?

Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
PARTICIPANT
Ang mga taong nakikipagtalastalan. Isinasaalang-alang
din natin ang ating mga kausap.

Sino-sino ang mga kalahok sa pag-uusap o


pakikipagtalastasan?

Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
ENDS
Mga layunin o pakay sa pakikipagtalastasan. Dapat
bigyan ng konsiderasyon ang pakay o layunin ng
pakikipagusap.

Ano ang pakay o layunin ng


pag-uusap na ito?

Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
ACT SEQUENCE
Ang takbo ng usapan ay kinakailangan din na bigyan ng pansin.
Minsan ay nag-uumpisa tayo sa mainit na usapan at kapag
mahusay ang nakikipag-usap ay madalas ito humahantong sa
mapayapang pagtatapos. Kung minsan naman ay biruan na
nagbubunga ng pagkapikon at alitan. Ang isang mahusay na
komunikeytor ay nararapat lamang na maging sensitibo sa takbo
ng usapan.
Paano ang naging takbo ng pakikipag-usap?

SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS


KEYS
Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting,
nararapat ding isaalang-alang ang sitwasyon ng
usapan, kung ito ba ay pormal o di-pormal.

Ano ang tono ng pag-uusap?


Pormal ba o di-pormal?

Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
INSTRUMENTALITIES
Tsanel o midyum na ginagamit, pasalita o pasulat.
Dapat isaisip ang midyum ng pakikipagtalastasan.

Anong tsanel ang ginagamit?


Pasalita ba o pasulat?

Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
NORMS
Paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan
ang usapan. Kadalasan may mga usapan na sensitibong
bagay at limitado ang kaalaman ng isang tao.

Ano ang paksa ng usapan? Ano ang umiiral na


panuntunansa pagtatalakay sa nasabing
paksa?

Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
GENRE
Diskursong ginagamit. Nagsasalaysay, nakikipagtalo o
nangangatwiran.

Ano ang diskursong ginagamit?


Ano ang espesipikong sitwasyong ginamit?

Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
KAKAYAHANG
SOSYOLINGGUWISTIKO

Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS
SOSYOLINGGUWISTIKO
Ayon kay Savignon (1972), ang competence ay batayan
kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika habang ang
performance ay ang paggamit ng wika.
Ang kakayahang sosyolingguwisktiko ay ang
pagsaalang-alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga
kausap, ang impormasyon na pinag-uusapan, at lugar ng
kanilang pag-uusap. Isinasaalang-alang dito kontekstong
sosyal ng isang wika.

Sir Harry SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION | BASIC EDUCATION DEPARTMENT - SHS

You might also like