You are on page 1of 15

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 5:


Paggamit ng Salitang Kilos
Filipino– Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Paggamit ng Salitang Kilos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jessa Marie P. Talingting, Gemma M. Gutierrez, Gemma Daño Lee Wilson
C. Precellas
Editor: Gemma M. Gutierrez
Tagasuri:
Tagawasto: Myleen C. Robiños, Juvy A. Comaingking
Tagaguhit at Tagalapat: Lee Wilson C. Precellas
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Cristy C. Epe
Janette G. Veloso Beverly S. Daugdaug
Analiza C. Almazan Mary Joy B. Fortun
Ma. Cielo D. Estrada Imelda T. Cardines
Mary Jane M. Mejorada Joan M. Niones

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Filipino
Ikatlong Markahan 3 – Modyul 5:
Paggamit ng Salitang Kilos
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Kumusta ka?

Maligayang pagdating sa panibagong modyul.

Sa modyul na ito, matututuhan mo ang tamang paggamit ng


mga salitang kilos o pandiwa sa pagsasalaysay ng iyong mga
sariling karanasan (F3WG-IIIef-5).

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa


ang iyong kaalaman tungkol dito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• nakagagamit ng tamang salitang kilos/pandiwa sa
pagsasalaysay ng personal na karanasan.

Subukin

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin, gawin mo muna ito.


Kung tama lahat ng sagot mo, maaari mong laktawan ang modyul
na ito at magpatuloy sa susunod na modyul.

Kopyahin ang salitang kilos na ginamit sa usapan ng tatlong


bata. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1
Ang Aking Bakasyon

Sahaya: Magandang araw sa inyo Tommy at Ivan. Masaya ako at


nagkita-kita uli tayo. Ano-ano ang inyong ginawa noong
bakasyon?

Popoy: Nanood kami ng iba’t ibang pelikula kasama ng pamilya


ko sa bahay.

Balong: Tulong-tulong kaming magkakapatid na nagluto ng


masarap na pagkain.

Sahaya:Masaya talaga kapag kasama ang pamilya, lalo na


kapag sabay kayong naligo sa dagat.

Popoy: Oo nga, kaso malayo kami sa dagat kaya, umakyat


na lang kami ng pamilya ko sa bundok, sadyang
napakaganda ng tanawin doon.

Balong: Ako naman, araw-araw kaming naglalaro ng kapatid ko


pagkatapos kong turuang magbasa.

Lahat: Walang makakapantay sa saya ng isang bakasyong


kasama ang pamilya.

2
Aralin

1 Paggamit ng Salitang Kilos

Balikan

Kopyahin ang salitang kilos na ginamit sa bawat


pangungusap. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Nagsisipilyo ako ng ngipin araw-araw.


2. Kami ni Nena at Popoy ay nag-iigib ng tubig.
3. Binunot ni kuya ang mga puting buhok ni Mama.
4. Ang mga aso ay tumatakbo nang mabilis.
5. Kaming magkapamilya ay sama-samang naglinis ng bahay.

Tuklasin

Basahin mo ang kuwento.

Ang Natatangi kong Mahika

Ako si Esang. Hinahangaan ako ng


aking mga kaibigan sa aming barangay
dahil sa aking pagiging alisto at malinis.

Inalam pa nga ng aking mga


kaibigan ang aking sikreto.

3
Tinanong nila ako sa mga ginagawa ko upang maging malinis
at alisto.

Sinabi ko sa kanilang maaga akong gumigising araw-araw.


Inililigpit ko kaagad ang aking higaan nang maayos. Pagkatapos,
dumidiretso ako sa banyo upang maligo.

Naghuhugas ako ng kamay bago kumain ng almusal.


Pagkatapos kong kumain, ako ay nagsisipilyo, nagbibihis ng malinis
na damit at inaayos ang aking buhok.

Iyan ang natatangi kong mahika.

Suriin

Ang salitang kilos ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng


kilos o galaw. Ito ay ginagamit sa pagsasalaysay ng mga
pangyayaring natapos na, kasalukuyang ginagawa, katatapos
lamang at gagawin pa.

Tinatawag din itong pandiwa.

Ang mga salitang kilos ay magagamit mo rin sa pagsasalaysay


ng sariling karanasan.

Halimbawa.

inayos-Inayos ko ang laruan ni Mila.

naligo- Maaga kaming naligo sa sapa ni Kiko.

kumain- Kumain ako ng gulay upang maging malusog.

4
Pagyamanin

Sumulat ng pangungusap na naglalahad ng sariling karanasan


batay sa ipinapakita sa larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.

_____________________________________
2.

________________________________________

3.

_______________________________________

5
4.

______________________________________

5.

_____________________________________

Isaisip

Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo


ang ideya.

Ang ___________________ay bahagi ng pananalitang


nagsasaad ng ________________. Ito ay ginagamit sa
pagsasalaysay ng mga pangyayaring natapos na,
kasalukuyang ginagawa, katatapos lamang at
gagawin pa.

Tinatawag din itong _____________________.

Ang mga salitang kilos ay magagamit mo rin sa


pagsasalaysay ng sariling _______________________.

6
Isagawa

Magaling! Marami ka nang natutuhan sa aralin.

Basahin ang talata. Pagkatapos, kopyahin ang grapikong


pantulong at isulat dito ang mga salitang kilos o pandiwang ginamit.

Nakikinig ng radyo si Belen nang biglang may kumatok. Tumingin


siya sa kanilang pintuan. Masayang-masaya siyang niyakap ng
kanyang mga magulang na kauuwi lamang galing sa ibang bansa.
Tumalon sa tuwa si Belen sa mga regalong kaniyang natanggap.

Salitang kilos

Tayahin

Basahin ang talata. Pagkatapos, pumili ng limang salitang kilos


at gamitin ito sa pangungusap. Isulat ang sagot sa kuwaderno gamit
ang tsart sa ibaba.

7
Hindi Mapantayang Saya

Tuwing Sabado, pumupunta kami ng aking pamilya sa dagat


upang maligo. Masaya kaming magkakapatid na tumatakbo sa
tabing dagat at naglalaro ng buhangin.
Hindi rin nakalilimutan ni kuya na magdala ng saranggola.
Pinalilipad namin ito nang sabay-sabay. At dahil hilig ko ang musika,
kinakantahan ko sila sabay ang pagtugtog ni Inay ng gitara
habang ang iba ay sumasayaw sa indayog ng kanta.
Walang makapapantay sa sayang dala kasama ang
aking pamilya.

Salitang kilos Pangungusap


1.
2.
3.
4.
5.

Karagdagang Gawain

Sumulat sa kuwaderno ng isang talata tungkol sa iyong


kaarawan. Salungguhitan ang mga salitang kilos na ginamit.

____________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
______________________________________________.

8
9
Tayahin
Salitang Kilos Pangugusap
1. pumupunta Pumupunta ako tuwing lunes hanggang biyernes sa
paaralan.
2. maligo Paborito ko ang maligo sa ulan.
3. tumatakbo Tumatakbo ang alaga kong aso.
4. naglalaro Naglalaro kami ng kaibigan ko.
5. pinapalipad Pinapalipad ko ang eroplanong papel.
6. Kinakantahan Kinakantahan ako ni kuya at ate.
7. Sumasayaw Sabay-sabay na sumasayaw ang mga bata.
Isagawa
tumingin Salitang nakikinig
kilos
tumalo kumakatok
niyakap
Isaisip
Ang salitang kilos ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay ginagamit
sa pagsasalaysay ng mga pangyayaring natapos na, kasalukuyang ginagawa, katatapos lamang at
gagawin pa.
Tinatawag din itong pandiwa.
Ang mga salitang kilos ay magagamit mo rin sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.
Pagyamanin Balikan Subukin
● Nagdilig ako ng halaman kahapon nagsisipilyo nanood
● Nagsampay kami ni kuya ng mga damit. nag-iigib nagluto
● Araw-araw akong nagwawalis ng bakuran binunot naligo
● Nag-aayos at nagliligpit ako ng higaan. tumatakbo umakyat
● Maaga akong nagluto ng agahan para sa naglinis naglalaro
pamilya ko. turuan
bumabas
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Alde, Amaflor, Lea Agustin, Aireen Ambat, Josenette Brana,
Florenda Cardinoza, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue, et al.
2014. Batang Pinoy Ako - Ikatlong Baitang (Kagamitan Ng Mag-
Aaral Sa Filipino 3). 1st ed. Tandang Sora Avenue, 22A-22B Ever
Green Ve Capitol Village, Quezon City, Philippines: Studio
Graphics Corp.

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like