You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO IV

I. LAYUNIN:
 Nakapaglalahad ng impormasyong natutuhan sa napakinggang teksto
 Napapahalagahan ang mga biyaya ng Diyos mula sa kalikasan
 Maintindihan ang tekstong binasa ng guro

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Paglalahad ng Impormasyon mula sa Tekstong Napakinggan
Kagamitan:
Powerpoint presentation, activity sheets, mga larawan, maikling kwento
Sanggunian:
Gabay ng Guro, pahina 205-207, Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 486-489

III: PAMAMARAAN:
A. Panimulang mga Gawain:

1. Pambungad na Panalangin
2. Kumustahan

B. Balik-Aral: (Sanhi at Bunga)

Panuto: Isulat sa patlang ang S kung Sanhi at B kung Bunga ang sinalungguhitang
bahagi ng pangungusap.
_______1. Ayaw kunin ni Mark ang laruan dahil hindi iyon sa kanya.
_______2. Malakas ang ulan kasi may bagyo.
_______3. Nag-aaral ng mabuti si Renz kaya siya ay pumasa sa pagsusulit.
_______4. Nabasag ang baso dahil nahulog ito sa sahig.
_______5. Naliligo araw-araw si Betty kaya lagi siyang malinis at mabango.

C. Paglalahad:
1. Pagganyak:

Ipatugtog ang kantang “Magtanim ay Di Biro” ng dalawang beses at ituro ang mga
tamang hakbang sa pagsayaw nito. Ipasaulo ang kanta sa mga mag-aaral at
ipasayaw din ito sa kanila. (Pamaraang Audio-lingual)

2. Pagtatalakay:

Mga Gawain Bago ang Pagkukwento:


Ipakita ang larawan ng palay, bigas, kanin at mga batang nagugutom.
Itanong:
 Ano ang nakikita ninyo sa mga larawan?
 Magkakaugnay ba ang mga ito sa isa’t isa? Bakit?
Paghahawan ng Balakid:
 Palay – ito ay isang klaseng halaman na karaniwang itinatanim sa maputik
na kapatagan at ginagawa ang mga bunga o butil nito upang maging bigas at
pagkain ng mga tao
 Butil – isang piraso ng palay na siya ring nagiging binhi nito
 Punla – isa ring tawag sa binhi o seedling ng halaman
 Palayan – ito’y isang malawak na kaapatagan kung saan itinatanim dito ang
mga palay.
(Magpakita ng larawan sa bawat salita sa Paghahawan ng Balakid)
(Pamaraang Pagsasaling Pabalarila)
Pagbasa ng Kuwento:
Basahin ang maikling kwento tungkol sa “Ginintuang Butil”.
Pagkatapos ng Pagkukwento:
Itanong:
 Ano ang gintong butil?
 Ano-ano ang pinagdaanan ni Mang Zacarias upang magkaroon ng
magagandang ani ng palay?
 Ano naman ang suliranin na kinakaharap ng isang tulad ni Mang Zacarias?
 Ano ang epekto ng kasipagan ni Mang Zacarias?

3. Pagpapahalaga:
Itanong: “Paano mo pahalagahan ang mga biyaya ng Diyos mula sa kalikasan ng
kanyang inilaan para sa tao at bayan?”

4. Gawaing Pagpapayaman:
Pangkatin ang mga mag-aara sa apat.
 Pangkat 1 - Maglahad ng impormasyong napanood sa telebisyon,
nasaksihan o narinig tungkol sa mga magsasaka.
 Pangkat 2 – Magkuwento tungkol sa nabasa o narinig na balita sa mga
palayang sinalanta ng bagyo o peste.
 Pangkat 3 – Magtala ng mga paraan kung papaano pangangalagaan ang
pananim ng mga magsasaka.
 Pangkat 4 – Magtala ng mga paraan kung papaano pahalagahan ang kanin a
iba pang pagkain na mula sa palay.
Ipaulat sa bawat pangkat ang kanilang mga natapos na gawain sa harapan ng klase.
(Istratehiyang Komunikatibo)

D. Pagalalahat:
Itanong: “Ano ang kahalagahan ng pagkuha ng tamang impormasyon sa mga
binabasa o pinakikinggan?”

IV. PAGTATAYA/PAGLALAPAT:
Panuto: Basahin ng mabuti at intindihin ang teksto at sagutin ang mga tanong upang
makabuo ng tamang impormasyon tungkol sa binasa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

V. TAKDANG ARALIN:
Panuto: Magsulat ng isang balita na napanood sa Telebisyon o narinig sa radio. Ibahagi ito sa
klase sa susunod na pagkikita.

Inihanda nina: Ipinasa kay:

RAZEL R. CONDE GERALDINE A. SERDAN


CHRISTINA DEGORIO Propesora
JENEBETH C. DOTILLOS
MARY APPLE A. EQUIBAL

You might also like