You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III - CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA

PAGTATASA SA KAKAYAHANG BUMASA NG MGA MAG-AARAL


UNANG BAITANG

Ang Kubo

May kubo si Lolo Ramon.

Ang kubo ay nasa paanan ng bundok.

Ang kubo ay malapit sa bukid.

May mga baka na kumakain ng damo sa bukid.

Ang kubo ay malapit din sa sapa.

May apat na palaka sa sapa.

Patalon-talon ang mga palaka sa sapa.

May mataas na puno sa tabi ng kubo.

May tatlong ibon sa itaas ng puno.

Palipad-lipad ang mga ibon sa itaas ng puno.

Bilang ng salita: 71
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III - CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA

PAGTATASA SA KAKAYAHANG BUMASA NG MGA MAG-AARAL


IKALAWANG BAITANG

Papasok na ako!

Ako si Teresita, pitong taong gulang. Maaga akong gumising at masayang


nag-agahan. Dali-dali akong naligo at nagsuot ng uniporme. Nakangiti kong
kinuha ang aking bag. Dala ko din ang aking baong miryenda. Papasok na ako sa
paaralan. Nakilala ko sina Ana, Rosa at Lita. Sila ay aking mga kaklase sa
ikalawang baitang. Mababait sila at palakaibigan. Tabi-tabi kami sa upuan. Sa mga
gawain kami ay nagtutulungan. Marami akong natutunan sa unang araw ng
pasukan.
Masaya pala pumasok sa paaralan!

Bilang ng Salita: 83

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III - CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA
PAGTATASA SA KAKAYAHANG BUMASA NG MGA MAG-AARAL
IKATLONG BAITANG

Ang Inahing Manok

Ako ay may alagang manok na inahin. Ang pangalan niya ay Trining. Ang
balahibo niya ay pula at itim. Tuwing umaga, siya ay aking pinapakain ng mais.
Tunay na malakas kung kumain. Binibigyan ko din ng tubig na inumin.

Makinang ang kanyang balahibo, tila palagi siyang bibong-bibo. Siya ay


may apat na sisiw. Maliliit na parang laruan. Lagi niyang kasama saan man.
Magaling siyang mag-alaga sa kanyang mga inakay. Sa paghakbang siya ay laging
nakaagapay.

Nakakatuwang pagmasdan, para silang namamasyal sa aming bakuran.


Masya ako sa pag-aalaga kay Trining, ang aking inahing manok.

Bilang ng Salita: 94

Mga Tanong: Unang Baitang

1. Kanino ang kubo?


a. Mang Ramon
b. Tatay Ramon
c. Lolo Ramon

2. Nasaan ang kubo?


a. Nasa bukid
b. Nasa ilog
c. Nasa paanan ng bundok

3. Ilan ang palaka sa sapa?


a. Apat
b. Isa
c. Tatlo

4. Saan lumilipad ang mga ibon?


a. Sa sapa
b. Sa bukid
c. Sa itaas ng puno

5. Ano ang ginagawa ng mga baka sa bukid?


a. Naglalakad
b. Tumatalon-talon
c. Kumakain ng damo

Mga Tanong: Ikalawang Baitang

1. Sino-sino ang mga nakilala ni Teresita sa paaralan?


a. Ana, Rose at Lito
b. Ana, Rosa at Lita
c. Ana, Ramon at Noli

2. Ano ang kinuha ni Teresita nang nakangiti?


a. Bag
b. Lapis
c. Payong
3. Ano ang isinuot ni Teresita?
a. Medyas
b. Sapatos
c. Uniporme

4. Saan pumunta si Teresita?


a. Sa bukid
b. Sa paaralan
c. Sa palengke

5. Ano ang pakiramdam ni Teresita sa pagpasok sa paaralan?


a. Malungkot
b. Masaya
c. Natakot

Mga Tanong: Ikatlong Baitang

1. Ano ang pangalan ng inahing manok?


a. Iming
b. Siming
c. Trining

2. Ilan ang sisiw ni Trining?


a. Apat
b. Isa
c. Tatlo

3. Ano ang ipinapakain kay Trining tuwing umaga?


a. Bigas
b. Mais
c. Palay

4. Ano ang kulay ng balahibo ni Trining?


a. Itim
b. Pula
c. Pula at Itim
d. Puti at Itim

5. Ano ang ginagawa nila sa bakuran?


a. Naglalaro
b. Namamasyal
c. Naghahanap ng makakain

You might also like