You are on page 1of 1

PAGSULAT NG BALITA Mrs. Ludivina G.

Sarmiento

Katuturan ng Balita

Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap at
magaganap pa lamang.

Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at pampaningin.

• Pasalita kung ang ginawang midyum ay ang radio at telebisyon;

• Pasulat kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin; at

• Pampaningin kung ang midyum ay ang telebisyon at sine.

Mga Katangian ng Balita


• Kawastuhan -ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang
• Katimbangan – inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig na sangkot.
• Makatotohanan – ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang.
• Kaiklian - ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi maligoy.

Kahalagahan ng Balita

1. Nagbibigay-impormasyon Ang kakabaihang regular na natutulog nang mas kokonti pa sa pitong oras
gabi-gabi ay may mas mataas na panganib sa pagtaas ng presyon ng dugo, ayon sa isang bagong pag-
aaral.

2. Nagtuturo Ang relaxation techniques ay isang mabuting paraan para labanan ang stress at mapanatili
ang magandang kalusugan.

3. Lumilibang Siyempre naman, nag-aalala ako nang malaman ko na kinagat ng pusa si Gladys Reyes sa
presscon ng My Only Love. Nakakaloka ang pusa dahil gumawa ito ng sariling eksena para mapansin siya.

4. Nakapagpapabago Matapos na masangkot sa anomalya ang mga pulis ng Manila Police District-
Station Anti Illegal Drugs, iniutos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa sa 11 police station ng
Manila Police District ( MPD).

Mga Sangkap ng Balita

Ang isang balita ay nagiging balita lamang kung ito ay nakakapukaw ng interes ng mga tagapakinig o
mambabasa. Kaya maaaring sabihing ang anumang kaganapan na balita para sa isa ay hindi balita para
sa iba.

You might also like