You are on page 1of 1

Pilapil, Sweety H.

BSBA HRM 3-3N

Mabahong Katotohanan
Sa sanaysay ni Nancy Kimuell-Gabriel na Kubeta, kaniyang isinalaysay ang kaniyang mga
karanasan sa iba’t ibang kubeta, sa iba’t ibang lugar at kung paano ito naka apekto sa kaniyang
pagiging sensitibo ukol dito. Isa itong sanaysay na maipapakita ang ideya ng may akda at
mensaheng nais ipahatid nito. Ang sanaysay na ito ay hindi lamang naging limitado sa kung ano
ang problema, isinalaysay din dito ang kanyang abilidad na magpursige upang makaahon sa
kahirapang kinalugmukan niya. Ukol sa naging talakayin sa klase tungkol sa sanaysay at creative
non-fiction. Mababatid ko na naging malikhain ang may akda sa paggamit ng mga salita, lalo na
ang salitang “kubeta” upang ipahatid ang iba’t ibang isyung nais nito ipabatid. Gayunpaman, ang
kahinaan lamang ng sanaysay na ito ay masyadong naging maraming pa ligoy ligoy at ang ibang
impormasyon ay nauulit na lamang. Ang akdang ito ay maituturing pa rin na isa sa magandang uri
ng babasahin sapagkat makatotohanan o nangyari talaga ito sa totoong buhay, may datos at may
pahayag din ng iba pang tao. Kolektibo ang impormasyon na mamumulat ka rin sa kung anong
klase gobyerno ang mayroon tayo.
Habang ang Adventures sa Kawatanan ng Rentas Internas naman ay isang nakakatuwang
sanaysay, mtalagang malikhain ang may akda mula umpisa hanggang sad ulo ay makikita mong
kakaiba ang anyo ng paglalahad dahil din sa mga salitang ginamit. Kabaliktaran naman ito sa
sanaysay ni nancy, sapagkat di pormal na uri ito sanaysay. Kapansin pansin ang kalayaan sa
paglalahad, ang mga birong mas lalong nakakawili basahin at ang mga bantas ay masyadong
marami. Maaaring mawili ang mambasa ngunit maaari rin silang malito. Sa kabuuan, nagpapakita
ang dalawang akda ng magka ibang uri ng sanaysay na parehong may magandang mensaheng nais
ipahatid. Mapapansin ang pagkakaiba nila dahil sa paano ito isinulat ng may akda, ngunit iisa
lamang ang layunin nito, ang magbigay at magiwan ng aral sa mga mambabasa.

You might also like