You are on page 1of 9

RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

Araling Panlipunan 5
Ikaapat na Markahan
Linggo 1-2
Aralin: Mga Salik Ng Pag-Usbong Ng Kamalayang Makibaka at Pambansa
MELC: Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipino.

Susing Konsepto

May mga mahahalagang salik sa pag-usbong ng kamalayang pambansa at pakikibaka


ng mga Filipino. Kabilang dito ang pagbubukas ng Suez Canal, pag-usbong ng
panggitnang uri, liberal na pamumuno, sekularisasyon at ang tatlong paring martir.
Pagbubukas ng Suez Canal
- Ito ay binuksan noong ika-17 ng Nobyembre, 1869 upang higit na mapadali ang
pag-aangkat ng kalakal at ang pagdating ng kaisipang liberal mula Europe patungo
sa ibang panig ng daigdig. Dumami ang mga naglakbay sa Pilipinas dala ang
sariling mga pananaw, kaisipan at kultura gayundin ang mga Filipinong naglakbay
palabas ng bansa.
Pag-usbong ng Panggitnang uri
- Ang ilang mangangalakal, magsasaka, at propesyonal na umunlad ang pamumuhay
ang bumubuo sa panggitnang uri. Sila ay karaniwang mga Chinese at Spanish
mestizo. Napag-aral nila ang kanilang mga anak sa Maynila o Europe partikular sa
Spain kaya nakamit ng mga “naliwanagang” kabataan o mga illustrados ang liberal
na edukasyong nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan noon ng Pilipinas.

Liberal na Pamumuno

- Si Gobernador- heneral Carlos Maria de la Torre ay nakilala sa liberal na


pamamahala sa Pilipinas kaya madali niyang nakuha ang pagtitiwala ng mga
Filipino.

1
RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

Siya ay:

- nakinig sa mga suliranin ng mga mamamayan


- nakihalubilo sa mga tao
- ipinagbawal ang paghahagupit bilang parusa
- winakasan ang pag-eespiya sa mga pahayagan
- hinikayat ang malayang pamamahayag
- naniniwala na pantay-pantay ang lahat ng tao
- nagparanas ng kalayaan sa pagpapahayag sa kanilang sarili
Si Gobernador-Heneral Rafael de Izquierdo ay kinilala bilang isa sa
pinakamalupit na namuno sa Pilipinas kaya lalong sumidhi ang pagnanais ng mga
Filipino sa pagbabago at kasarinlan.
Sekularisasyon at ang Tatlong Paring Martir
- Ang sekularisasyon ay pagbibigay sa mga paring sekular ng kapangyarihang
pamunuan ang mga parokya.
- Paring regular- ay mga paring Espanyol na kabilang sa mga samahang
relihiyoso.
- Paring sekular- ay mga Filipinong pari na hindi maaaring mapabilang sa
alinmang samahang relihiyoso.
- Si Padre Pedro Pelaez ang nagsimula ng kilusan dahil sa suliranin na pagtutol ng
mga paring regular na pamunuan ng mga paring sekular ang mga parokya. Ang
pag-aalsa sa Cavite noong 1872 na pinamunuan ni Fernando La Madrid kasama
ang mga sundalong Filipino ay sumiklab dahil sa pagtanggal ng ilan sa kanilang
mga pribilehiyo. Sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora ang
tatlong paring martir na dinakip at pinagbintangang namuno sa pag-aalsa. Nilitis
at hinatulan sila ng kamatayan at ginarote. Ang pagkamatay ng tatlong pari ay
nagpaigting sa damdaming makabansa ng mga Filipino laban sa mga mananakop.

2
RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

Gawain 1
Panuto: Piliin ang titik na nagpapakita ng tamang sagot.
1. Paano naging madali ang pag-aangkat ng kalakal mula Europe patungo sa ibang panig ng
daigdig?
A. Dahil sa pagbubukas ng Suez Canal.
B. Dahil sa pagkakaroon ng ugnayan.
C. Dahil sa maayos na pakikipagkalakalan.
D. Dahil sa kagustuhan ng mga mangangalakal na kumite.

2. Bakit nakatulong ang pagbubukas ng Suez Canal sa pandaigdigang kalakalan?


A. Upang hindi mahirapan sa paglalakbay.
B. Upang mapadali ang pag-aangkat ng kalakal.
C. Upang makarating ang mga Pilipino sa ibang bansa.
D. Upang magkaroon ng ugnayan ang mga dayuhan sa atin.

3. Ano ang kabutihang dulot ng pagbubukas ng Suez Canal sa mga dayuhang naglakbay sa
Pilipinas?
A. Nadala nila ang kanilang mga kalakal.
B. Nakarating ang kanilang mga pinuno at opisyal.
C. Nadala nila ang kanilang mga kayamanan at pamilya.
D. Nadala nila ang kanilang sariling pananaw, kaisipan at kultura.
4. Paano nakamit ng mga “naliwanagang” kabataan o mga illustrados ang liberal na
edukasyon?
A. Sila ay nakapaglakbay sa Spain.
B. Sila ang namuno sa mga pag-aalsa.
C. Sila ay nakapag-aral sa Maynila o Europe.
D. Sila ay nakipagkalakalan sa buong daigdig.
5. Ano ang magandang dulot ng pag-usbong ng panggitnang uri sa mga Pilipino?
A. Natuto sila sa pagdedebate sa mga dayuhan.
B. Naging magigiting na pinuno ng mga kilusan.
C. Nagkaroon ng lider ang mga magsasaka, mangangalakal at propesyonal.
D. Nakamit ang liberal na edukasyong nagmulat sa tunay na kalagayan noon ng Pilipinas.

3
RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

6. Bakit madaling nakuha ni Carlos Maria de la Torre ang pagtitiwala ng mga Filipino?
A. Siya ay nagpatupad ng iba’t ibang programa.
B. Siya ay nagpatupad ng liberal na pamumuno.
C. Siya ay nagpakita ng magagandang katangian.
D. Siya ay nagbigay ng puhunan sa mga mahihirap.

7. Paano ipinakita ni Carlos Maria de la Torre ang liberal na pamamahala sa Pilipinas?


A. Sinusunod niya ang sariling pagpapasya.
B. Namigay ng mga puhunan sa bawat pamilya.
C. Nakinig sa mga suliranin ng mga tao at nakihalubilo.
D. Ipinakita niya ang kanyang magagandang katangian.

8. Bakit lalong sumidhi ang pagnanais ng mga Filipino para sa pagbabago at kasarinlan?
A. Dahil sa liberal na pamumuno.
B. Dahil sa pagmamalabis ng mga Kastila.
C. Dahil sa naging pamumuno ni Carlos Maria de la Torre.
D. Dahil sa malupit na pamumuno ni ni Rafael de Isquierdo.

9. Alin dito ang nagpapaliwanag tungkol sa sekularisasyon?


A. Ito ay ang hinaing ng mga Filipinong pari na magmisa.
B. Ito ay mga pari na hindi maaaring mabilang sa alinmang samahang relihiyoso.
C. Ito ay pagpapakilala sa mga katangian ng mga paring sekular at paring regular.
D. Ito ay pagbibigay ng kapangyarihan sa mga paring sekular na pamunuan ang mga
parokya.

10. Paano nagsimula ang pag-aalsa na sumiklab sa Cavite noong 1872 na kinabibilangan ng
mga sundalong Filipino?
A. dahil pinamunuan ni Padre Pedro Pelaez ang isang kilusan
B. nang nilitis ang Gomburza at isinakdal ng mga bayarang testigo
C. nang tanggalin ang ilang pribelihiyo ng mga sundalong Filipino
D. dahil sa pagtutol ng mga paring regular na pamunuan ng paring sekular ang mga
Parokya.

4
RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

Gawain 2

Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap upang mabuo ang diwa na ipinahahayag.

1. Sa Pagbubukas ng Suez Canal madali ang pagdating ng __________________________.

2. Ang bumubuo sa panggitnang uri ay ilang mangangalakal,magsasaka at propesyonal na

_________________________________.

3. Ang panggitnang uri ay karaniwang kinabibilangan ng mga ________________________.

4. Namulat ang mga illustrados sa tunay na kalagayan ng Pilipinas noon dahil sa

__________________________________.

5. Ang liberal na pamamahala ay nagparanas ng ___________________________________.

6. Sina Gomez, Burgos at Zamora ay dinakip dahil_________________________________.

7. Si Carlos Maria de la Torre ay nagpakita ng halaga sa ideyang liberal gaya ng

____________________________________.

8. Sa panunungkulan ni Gobernador-heneral Rafael de Izquirdo sumidhi ang

____________________________________.

9. Nagsimula ang isang kilusan sa pamumuno ni Padre Pedro Pelaez

dahil__________________________________.

10. Sa pagkamatay ng tatlong pari ay napaigting ang ________________________________.

Gawain 3

Panuto: Isulat kung tama o mali ang isinasaad ng bawat pangungusap,kung mali

pangatwiranan ito at gawing tama ang pahayag.

__________1.Ang Suez Canal ay binuksan upang maging daan sa pagdating ng kaisipang


liberal mula Europe patungo sa ibang panig ng daigdig.
__________________________________________________________________________
__________2.Hindi nagkaroon ng kalayaan at pagpapahayag ng kanilang sarili ang mga
Filipino. ___________________________________________________________________
5
RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

__________3. Nag-alsa ang mga sundalong Filipino dahil tinanggal sa kanilang trabaho.
__________________________________________________________________________

__________4. Si Carlos Maria de la Torre ay may liberal na pamumuno.


__________________________________________________________________________

__________5. Ang mga paring Espanyol ay mga paring sekular na pinuno ng samahang
relihiyoso.
___________________________________________________________________________

__________6. Nakulong ang tatlong paring martir dahil sa pagpatay sa isang paring
Espanyol.
___________________________________________________________________________

__________7. Ang sekularisasyon ay pagbibigay ng kapangyarihan sa paring regular na


pamunuan ang parokya.
___________________________________________________________________________

__________8. Ang mga paring sekular ay mga paring Espanyol na kabilang sa samahang
relihiyoso.
___________________________________________________________________________

__________9. Si Padre Pedro Pelaez ay hindi sumama sa kilusang binuo laban sa mga paring
regular.
___________________________________________________________________________

__________10. Mga mayayaman at may katungkulan sa pamahalaan ang bumubuo sa


panggitnang uri.
___________________________________________________________________________

6
RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

Gawain 4

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ipaliwanag ang inyong sagot.

1. Bakit naging salik sa pag-usbong ng kamalayang Filipino ang pagkawala ng liberal na

pamumuno?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

2. Napukaw ba ang damdaming makabansa ng mga Pilipino sa pagkamatay ng tatlong paring

sina Gomez, Burgos at Zamora? Bakit?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka

Pamantayan Puntos

Naipaliwanag ang kasagutan sa apat-limang pangungusap na may 5

kawastuhan ang diwa

Naipaliwanag ang kasagutan sa dalawa- tatlong pangungusap na may 3

kawastuhan ang diwa

Naipaliwanag ang kasagutan sa isang pangungusap na may kawastuhan 1

Mga Gabay na Tanong

1. Ano-ano ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino?


__________________________________________________________________________.
2. Ano ang iyong naramdaman bilang isang Pilipino?
__________________________________________________________________________.
3. Paano mo mapapahalagahan ang ginawa ng mga unang Pilipino para sa ating bansa?
_________________________________________________________________________.

7
RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

Susi sa Pagwawasto:
Gawian 1
1. A
2. B
3. B
4. C
5. D
6. B
7. C
8. D
9. D
10. C

Gawain 2
1. kaisipang liberal
2. umunlad ang pamumuhay
3. Chinese at Spanish Mestizo
4. sa liberal na edukasyon
5. kalayaan sa pagpapahayag ng kanilang sarili
6. pinagbitangang namuno sa pag-aalsa
7. pakikinig sa suliranin ng mga mamamayan
8. damdaming lalong sumidhi ang pagnanais ng mga Filipino sa pagbabahago at kasarinlan
9. sa suliranin na pagtutol ng mga paring regular na pamunuan ng mga paring sekular ang
mga parokya
10. damdaming makabansa ng mga Filipino laban sa mga mananakop

Gawain 3
1. Tama
2. Mali. Nagkaroon ng kalayaan at pagpapahayag ng kanilang sarili ang mga Filipino dahil
sa liberal na pamumuno.
3. Mali. Ang mga sundalong Filipino ay nag-alsa dahil tinanggal ang ilan sa kanilang
pribilehiyo.
4. Tama
5. Mali. Ang mga paring Espanyol ay mga paring regular na kabilang sa samahang
relihiyoso.
6. Mali. Ang tatlong paring martir ay dinakip at napagbintangang namuno sa pag-aalsa.
7. Tama
8. Mali. Ang mga paring sekular ay mga paring Filipino na hindi kabilang sa samahang
relihiyoso.
9. Mali. Si Padre Pedro Pelaez ang nagsimula ng kilusan laban sa mga paring regular.
10. Mali. Mga mangangalakal, magsasaka at propesyonal na umunlad ang pamumuhay ang
bumubuo sa panggitnang uri.

Gawain 4
Gamitin ang Rubrik sa pagwawasto ng sagot.

8
RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

Sanggunian

Araling Panlipunan 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa, p.251-253

Manunulat: Necit P. Casuncad


Tagasuri: Jane Ann A. Danseco
Louie G. Mendoza
IPR: Mary Joy Adion
Tagalapat: Ganie Mae T. Casuncad
Tagapamahala:
Roger F. Capa, CESO IV
Lynn G. Mendoza
Raquel P. Girao PhD
Elizabeth T. Delas Alas PhD
Ma. Rubynita Del Rosario
Sylvia Muñiz

You might also like