You are on page 1of 17

WEEKLY LEARNING PLAN

Quarter 1 Grade Level 3


Week 1 Learning Area MTB
MELCs Correctly spells the words in the list of vocabulary words and the words in the selections read.
MT3F-Ia-i-1.6

Day Objectives Topic/s Classroom-Based Activities


1 HOLIDAY
2 Correctly spells Kahulugan Basahin ang kwento.
the words in the at Tamang Talento
list of Baybay ng ni: Lumen A. Villegas
vocabulary mga Salita Mapagbigay ang Diyos! Binigyan
words and the niya tayo ng talento at kakayahan
words in the upang gamitin ito at ikasiya ng lahat.
selections read. Iba’t iba ang talentong ipinagkaloob
sa atin. Si Jun ay magaling umawit
habang si Glazy naman ay magaling
sumayaw. Samantala, Si Rachel ay
isang magaling magluto habang si
Rolly ay magaling sa pag-aayos ng
mga bagay. Ang iba naman sa atin
ay magaling magpinta, sumulat, at
gumawa ng mga kakaibang disenyo
sa hardin. Iba’t iba man ang
talentong ipinagkaloob sa atin, ito ay
gamitin natin sa mabuti at
makabuluhang paraan

Itanong:
1. Tungkol saan ang iyong binasa?
2. Sino ang mapagbigay?
3. Ano-ano ang ipanagkaloob sa mga
bata?
4. Ikaw ba ay may angking talento
rin? Paano mo ito pinahahalagahan?

Basahin ang mga salitang napaloob


mula sa seleksyong binasa at piliin
ang may wastong baybay ng mga
salita.

Paano mo nalaman ang wastong


baybay ng mga salita?
Alam mo ba na may mga tuntunin
kang dapat malaman upang masiguro
na wasto ang pagbaybay ng mga
salita?

Ang pagbilang ng pantig ay


nakatutulong upang maisusulat nang
maayos at wasto ang baybay ng
salita. Upang maisulat ang wastong
baybay ng mga salita kailangan
mong:
 basahin nang paulit-ulit ang
pangungusap;
 unawaing mabuti ang
pangungusap;
 tandaan ang bilang ng pantig
sa bawat salita; at
 isulat nang maayos ang salita.

Bakit mahalagang matutuhan ang


wastong baybay ng mga salita?

Ano ang dapat gawin upang maisulat


nang may wastong pagbabaybay ang
mga salita?

Panuto: Basahin at unawain ang mga


larawan. Piliin ang tamang baybay
nito sa loob ng panaklong.

Magtala ng limang pangalan ng mga


bagay na makikita sa loob ng bahay
gamit ang wastong baybay ng mga
salita.

3 Correctly spells Kahulugan Piliin ang tamang baybay ng mga


the words in the at Tamang sumusunod na larawan.
list of Baybay ng
vocabulary mga Salita 1
words and the
words in the
selections read . 2.

3.

4.

5.

Ano ang iyong gagawin kapag may


nangangailangan ng iyong tulong?
Basahin ang kwento.

Batang Matulungin

Ria P. Mateo

Isang hapon, habang naghihintay ng


traysikel si Manny, may nakasabay
siyang mag-ina na tila nagmamadali
makauwi ng bahay. Nagtaka siya
kaya’t pinagmasdan niya ang mag–
ina. Napansin niya na masama ang
pakiramdam ng batang babae na
halos kaedad niya.

Lumipas ang ilang minuto, biglang


may humintong traysikel sa harapan
ni Manny. Sasakay na sana siya
subalit nakita niyang namimilipit na
sa sakit ng tiyan ang bata. Dali–dali
niyang nilapitan ang mag–ina at
sinabing “kayo na po muna ang
sumakay sa traysikel.” Alam niyang
mas kailangan ng mag-ina na
makauwi agad kaya’t pinauna niyang
sumakay ang mga ito.

“Maraming salamat sa iyo,


napakabuti mong bata”, nakangiting
wika ng ina ng bata kay Manny.

Itanong:

1. Sino ang batang matulungin?

2. Sino ang tinulungan ni Manny?

3. Bakit nagmamadaling umuwi ang


mag-ina?

4. Ano ang ginawa ni Manny upang


matulungan ang mag-ina?
5. Kung ikaw si Manny, gagawin mo
rin ba ang kanytang ginawa? Bakit?

Tingnan kung paano bigkasin at


baybayin ang mga salita sa baba.

Pagbaybay:

hapon ha-pon

maliit ma-li-it

bahay ba-hay
masama ma-sa-ma

Pagbibigay kahulugan ayon sa


pangungusap.

1. hapon - paglubog ng araw. 2.


bahay - tahanan

3. maliit - munti

4. masama - hindi mabuting gawain

• Masayang manood ng takipsilim sa


hapon.

• Kompleto ang gamit namin sa


bahay.

• Ang pamilya namin ay maliit.


• Ang pagtatapon ng basura sa ilog
ay masamang gawain.

Maaari natin malaman o matukoy


ang kahulugan ng isang salita sa
pamamagitan ng paggamit ng mga
larawan, gamit nito sa pangungusap,
at sa tulong ng kontekswal na gabay.
Mahalagang malaman natin ang
kahulugan ng isang salita upang mas
maunawaan natin ang binabasa
nating pangungusap, talata o
kuwento.

Humanap ng kapareha. Ibigay ang


wastong baybay ng bawat ngalan ng
larawang ipapakita.
Halimbawa ng larawang ipapakita:

Paano mno magagamit ang iyong


natutuhan sa ating aralin sa pang-
araw-araw?

Ano ang dapat gawin upang maisulat


nang may wastong pagbabaybay ang
mga salita?

Panuto: Basahin at unawaing mabuti


ang tanong sa loob ng kahon. Piliin
ang titik nang wastong sagot.
Magtala ng limang pangalan ng mga
bagay na makikita sa paligid, gamit
ang wastong baybay ng mga salita.

4 Correctly spells Kahulugan Gamit ang flash cards, ibigay ang


the words in the at Tamang tamang baybay ng mga larawang
list of Baybay ng ipapakita.
vocabulary mga Salita
words and the Halimbawa:
words in the
selections read

Tukuyin ang inilalarawan ng bawat


pangungusap at baybayin nang
wasto.

1. Dito inilalagay ang mga gamit ng


mag-aaral.

2. Ito ay dala- dala ng taong nagmula


sa malayong lugar.

3. Ito ay isang lugar kung saan


maaari kang sumakay sa isang bus
papunta sa isang lugar o sa
malalayong lugar.

4. Isang uri ng pampublikong


sasakyan na panlupa na sinasakyan
ng mga tao patungo sa mga iba’t-
ibang lugar o probinsya.
5. Isang lugar na kung saan ito ay
sentro ng pangangalakal o kalakalan.

Paano mo nalaman ang wasto ng


baybay ng mga salita?
Ano ang mga dapat tandaan sa
pagbaybay ng mga salita?
Pangkatag Gawain

Hatiin ang klase sa apat na pangkat.


Magtala ng sampung pangalan ng
mga bagay na makikita sa mga
sumusunod:

Pangkat 1: Bukid

Pangkat 2: Paaralan

Pangkat 3: Simbahan
Pangkat 4: Palengke

Presentasyon ng Awtput

Bakit mahalagang malaman ang


wastong baybay ng mga salitya lalo
na sa pakikipagkomunikasyon?

Ano ang dapat gawin upang maisulat


nang may wastong pagbabaybay ang
mga salita?

Piliin ang angkop na kahulugan ng


mga salita sa bawat bilang. Isulat ang
letra ng tamang sagot.

1. Pito– bagay na gumagawa ng


tunog kapag hinipan

A. Pito lang na tao ang maaaring


pumasok sa bangko.

B. Huminto ang lahat ng marinig nila


ang pito ng guwardiya.
2. Paso– bagay na pinagtataniman ng
halaman

Piliin ang angkop na kahulugan ng


mga salita sa bawat bilang. Isulat ang
letra ng tamang sagot.

1. Pito– bagay na gumagawa ng


tunog kapag hinipan

A. Pito lang na tao ang maaaring


pumasok sa bangko.

B. Huminto ang lahat ng marinig nila


ang pito ng guwardiya.

2. Paso– bagay na pinagtataniman ng


halaman

A. Dinidiligan nila ang mga halaman


sa paso.

B. Namamaga ang paso niya sa


kamay.

3. Basa– natapunan ng tubig o


inumin.

A. Nagkamali siya ng basa sa salita.

B. Basa siya ng ulan ng umuwi ng


bahay.

4. Tubo– daluyan ng tubig

A. May tubo na ang halaman ng


itinanim ni tatay.

B. Maayos ang daloy ng tubig sa


gripo dahil inayos ang tubo.

5. Saya– damit na isinusuot ng mga


kababaihan sa mga espesyal na
okasyon.

A. Ang saya ng lahat dahil natapos


na ang pandemic.
B. Bagay na bagay sa dalaga ang
suot niyang saya.

Isulat ang wastong baybay ng


pangalan ng buong miyembro ng
pamilya.

1. tatay

2. nanay

3. ate

4. kuya
5. bunso

5 Answering the Pagsagot sa Summative Test/


correct spells, Kahulugan Weekly Progress Check
the words in the at Tamang
list of Baybay ng
vocabulary mga Salita
words and the
words in the
selections read
WEEKLY LEARNING PLAN

Quarte 1 Grade Level 3


r
Week 1 Learning Area ARALING
PANLIPUNAN

MELCs Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolo na ginagamit sa mapa sa tulong ng panuntunan (ei.
katubigan, kabundukan, etc
AP3LAR- Ia-1
Day Objectives Topic/s Classroom-Based Activities
1 HOLIDAY
2 Naipaliliwanag Ang Simbolo Tingnan ang flashcards.
ang kahulugan sa Mapa Mapapangalanan mo ba ang
ng mga simbolo mga sumusunod na simbolo
na ginagamit sa na makikita sa mapa?
mapa sa tulong
ng panuntunan
(ei. katubigan,
kabundukan, etc

Nais mong pumunta at


mamasyal sa isang
magandang tanawin dito sa
ating lalawigan ngunit hindi
mo alam ang daan patungo
roon. Ano ang gagamitin
mo?

Ang mapa ay isang larawan o


isang patag na
representasyon sa papel ng
isang lugar o maaring
kabuuan o bahagi lamang
nito na nagpapakita ng
pisikal na katangian, mga
lungsod, kabisera, mga daan
at iba pa. Ang mapa ay
gumagamit ng iba`t-ibang
simbolo upang mailarawan
ang mga bagay sa
kapaligiran.
Ginagamit ang mga simbolo
upang ipahiwatig ang ilang
mga bagay, katangian at iba
pang impormasyon tungkol
sa mga lugar.
Halimbawa ng mga
simbolong ginagamit sa
mapa:

Ito ay sumisimbolo sa patag


na lugar karaniwan ito ay
daan o palayan.
Ito naman ay sumisimbolo sa
daungan ng barko.magagamit
mo ito kung ikaw ay
naghahanap ng masasakyan
na barko.

Ito naman ang sumisimbolo


sa Paaralan. Maaring ito ay
mababang paaraalan, mataas
na paaralan o kolehiyo.

Ito ay sumisimbolo sa
ospital. Dito nag papagamot
ang may sakit o may
karamdaman.

Ito ay sumisimbolo sa
bulkan. Ito ay anyong lupa na
tulad ng bundok ngunit maari
itong sumabog ano mang
oras.

Ito ay sumisimbolo sa
paliparan. Karaniwang
naghahanap nito ay pupunta
sa malayong lugar sa mabilis
na paraan at yun ay ang pag
sakay sa eroplano.

Ito ay sumisimbolo sa lawa.


Ang lawa ay anyong tubig na
pinaliligiran ng lupa.

Ito ay sumisimbolo sa burol.


Ito ay anyong lupa na mas
mababa kaysa bundok.

Ito ay sumisimbolo sa
simbahan o sambahan.
Ito ay sumisimbolo sa ilog.
Ang ilog ay anyong tubig at
ito ay tubig tabang.

Ito ay sumisimbolo sa
kabahayan ito ay tumutukoy
sa kumpol ng mga tahanan o
helera ng mga bahay na
bumubuo sa isang
komunidad.

Ito ay sumisimbolo sa
kagubatan. Isang lugar na
may malaking bilang ng mga
puno, dito nakatira ang iba`t-
ibang uri ng hayop, dito rin
nakikita ang iba`tibang uri ng
halaman at iba pang likas na
yaman.

Isulat sa katapat na kahon


ang pangalan o kahulugan ng
simbolo. Pumili sa kahon na
nasa gawing kanan para sa
iyong kasagutan.

Bilang bata, bakit


mahalagang may alam ka
tungkol sa mga simbolo ng
mapa?

Ano ang mapa?


Saan ito ginagamit?
Anong mga simbolo ang
nakikita sa mapa?
Panuto: Piliin ang titik ng
tamang sagot ayon sa
hinahanap sa tanong.
Iguhit sa kahon ang
simbolong tumutukoy sa mga
salitang nakasulat.

3 Naipaliliwanag Ang Simbolo


ang kahulugan sa Mapa Hanapin sa Hanay B ang
ng mga simbolo kahulugan ng mga simbolo
na ginagamit sa na nasa Hanay A.
mapa sa tulong
ng panuntunan
(ei. katubigan,
kabundukan, etc

Bakit kaya kinakailangan


natin malaman ang mga
kahulugan ng mga simbolo sa
mapa?
Ito ba ay makakatulong sa
atin upang matuntun ang
lugar na nais nating
puntahan?

Ang mga mapa ay


gumagamit ng iba`t-ibang
simbolo. Ginagamt ang mga
simbolong ito upang
ipahiwatig ang ilang bagay,
katangian at iba pang
ipormasyon ukol dito.

Pagmasdan mabuti ang mapa


at ating tukuyin ang mga
simbolong ginamit,
kahulugan ng simbolo at
lugar kung saan ito
matatagpuan.
Ang mapa ay gumagamit ng
iba’t ibang simbolo upang
kumatawan sa mga bagay
para ipahiwatig ang
katangian at iba pang
impormasyon ukol sa mga
lugar. Tinuturo nito ang
tamang kinalalagyan ng isang
lugar o pook.
Noong araw gumawa na ang
mga tao ng mga simbolo
upang matunton ang mga
bagay o isang lugar. Sa
kasalukuyan, pwede rin
tayong gumawa ng ating
simbolo, bagama’t hindi ito
ang aktwal na ginagamit sa
mapa na nabibili. Ang
naimbentong simbolo ay
pananda lamang ng mga
taong gumagamit nito.
Ang bawat simbolo o
pananda ay may kahulugan.
Mahalagang malaman at
maintindihan ito upang mas
madaling makilala o
mapuntahan ang isang lugar.
Madali lamang kilalanin ang
mga simbolo sa mapa.
Karaniwang ginagamit na
larawan sa mga simbolong
mga bagay ay ang mismong
hugis nito.

Pag- aralan ang mapa.


Tukuyin ang mga simbolong
matatagpuan sa mapa.

Sa paanong paraan maaring


magamit ang mga simbolo sa
mapa?

Punan ang patlang ayon sa


iyong kasagutan.
Ang mapa
ay_______________
makikita dito ang mga
simbolo gaya ng
__________________.
Ang mga simbolo ay
nakakatulong
upang_________.

Panuto: Bilugan ang tiik ng


tamang sagot.

1. Isang larawan o isang


patag na representasyon sa
papel ng isang lugar.

A. mapa

B. globo

C. libro

2. Ginagamit sa mapa upang


mailarawan ang mga bagay
sa kapaligiran.

A. mapa

B. globo

C. simbolo

3. Ito ay sumisimbolo sa
kabahayan.

4. Ito ay
sumisimbolo sa
_____________.

A. simbahan B. ospital C.
paaralan

5. Ang mga sumusunod ay


nagsasaad ng kahalagahan ng
mga simbolo sa mapa
maliban sa isa.

A. Ang mga simbolo sa mapa


ay mahirap maunawaan.

B. Nababawasan ang
nakasulat sa mapa dahil sa
mga simbolo.
C. Tumutulong ang mga
simbolo upang mapadali ang
paghanap natin sa isang lugar
na ating hinahanap.

Magbigay ng dalawang
pangungusap tungkol sa
kahalagahan ng paggamit ng
mapa sa iyong lugar.

4 Naipaliliwanag Paggamit ng Siya si Ren. Tulungan natin


ang kahulugan Pangngalan siyang makuha ang itlog na
ng mga simbolo sa hawak ni Rara Rabbit. Pero
na ginagamit sa Pagsasalaysay bago niya makuha ang itlog
mapa sa tulong dapat niyang tukuyin ang
ng panuntunan mga simbolong makikita sa
(ei. katubigan, bawat madadaanang itlog na
kabundukan, etc iniwan ni Rara Rabbit. Piliin
ang tamang sagot sa loob ng
ulap.

Ito ang mga halimbawa ng


mga simbolo na ginagamit sa
mapa.

Mahalaga ba ang mga


simbolong ito? Bakit?

Kahalagahan ng mga simbolo


na ginagamit sa mapa.
• Mahalaga ang mga
simbolong ginagamit sa
mapa upang mabilis nating
matukoy ang kinaroroonan
ng isang lugar o pook.
• Kailangang malaman
at maintindihan ang bawat
simbolo upang mas madaling
makilala o mapuntahan ang
isang lugar.
• Mahalaga din ang
mga simbolong ginagamit sa
mapa upang tayo ay hindi
maligaw sa ating
pupuntahang lugar.

Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa apat na
pangkat. Laruin ang
“Sasabihin Ko, Igughit Mo”.
Gamit ang “Show Me” Card,
iguguhit ang simbolong
tinutukoy ng guro. Ang
pangkat na unang magtataas
ang magkakaroon ng dagdag
na puntos.
Halimbawa:
1. Dito nagpapagamot ang
may sakit o may
karamdaman. Anong simbolo
ito?
2. Tumutukoy sa kumpol ng
mga tahanan o helera ng mga
bahay na bumubuo sa isang
komunidad. Anong simbolo
ito?
3. Karaniwang naghahanap
nito ay pupunta sa malayong
lugar sa mabilis na paraan at
ito ay ang pag sakay sa
eroplano. Anong simbolo ito?
4. Isang lugar na may
malaking bilang ng mga
puno, dito nakatira ang iba`t-
ibang uri ng hayop, dito rin
nakikita ang iba`t-ibang uri
ng halaman at iba pang likas
na yaman. Anong simbolo
ito?
5. Sumisimbolo sa ilog. Ang
ilog ay anyong tubig at ito ay
tubig tabang. Anong simbolo
ito?

Bilang isang mag-aaral,


paano nakatulong ang mapa
at ang kaalaman mo sa
kahulugan ng mga simbolo sa
paghahanap ng mga lugar?

Ano ang kahalagahan ng mga


simbolo sa mapa?
Panuto: Isulat ang Tama
kung ito ay nagpapakita ng
kahalagahan ng mga simbolo
sa mapa at Mali naman kung
hindi.
________ 1. Mahalaga ang
bawat simbolong ginagamit
sa mapa.
________ 2. Ang mga
simbolo sa mapa ay hindi
nakakatulong sa atin.
________ 3. Dapat nating
malaman at maintindihan ang
mga simbolong ginagamit sa
mapa.
________ 4. Ang mga
simbolong ginagamit sa
mapa ay nakakatulong para
mapabilis malaman ang
kinaroroonan ng isang lugar.

_______ 5. Kapag alam natin


ang mga simbolong
ginagamit sa mapa tayo ay
hindi maliligaw sa ating
pupuntahan

Gumawa ng isang gabay na


mapa ng iyong rehiyon.
Iguhit ang simbolo at
pangalan ng mga katangiang
matatagpuan sa bawat
lalawigan o lungsod.

5 Nasasagutan ang Pagsagot ng SummativeTest/Weekly


tamang tamang Progress Check
kahulugan ng kahulugan ng
mga simbolo na mga simbolo
ginagamit sa na ginagamit
mapa sa tulong sa mapa sa
ng panuntunan tulong ng
(ei. katubigan, panuntunan
kabundukan, etc (ei.
katubigan,
kabundukan,
etc

You might also like