Pang Ukol 2

You might also like

You are on page 1of 1

Pang-ukol

Ang pang-ukol ay isang salita o mga salita na nag-uugnay sa isang


pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap.
Tinutukoy ng mga salitang ito kung kanino o para kanino ang isang bagay,
kanina galing ang isang impormasyon, o tungkol saan ang isang bagay.

Dalawang pangkat ng Pang-ukol:


1. Ginagamit na pangngalang pambalana: ukol sa, laban sa, hinggil
sa, ayon sa, tungkol sa, at para sa.
Mga halimbawa:
 Ang sapatos ay para sa bata.
 Ang kwento ay tungkol sa bulkang Taal.
 Ayon sa mga nakatira, ang bulking Taal ay may mahiwagang
kwento.
 Laban sa manggagawa ang kanilang pinanukala.
 Ukol sa bagong virus ang paksa ng usapin.
2. Ginagamit na pangngalang pantangi: ukol kay, laban kay, para
kay, tungkol kay, ayon kay, at hinggil kay.
 Ang tsokolate ay para kay Joshua.
 Ang sinulat niyang kwento ay tungkol kay Jose Rizal.
 Ayon kay Mira nasa Maynila si Cocoy.
 Hinggil kay Juan at Miguel nagkabati na sila.
 Ang gantimpalang pera ay ukol kay Ella.
Mga Uri o Mga Karaniwang Pang-ukol

 sa/sa mga * tungkol sa/kay


 kay/kina * ayon sa/kay
 hinggil sa/kay * ni/nina
 laban sa/kay * labag sa
 mula sa *alinsunod sa/kay
 ng/ng mga * para sa/kay
 sa/kay * tungo sa

Mga pang-ukol na ginagamit para sa mga pangngalang pantangi ng


pangngalang panlalaki o pambabae:
Isahan: ni, kay, para kay, ukol kay, ayon kay
Maramihan: nina, kina, para kina, ukol kina, ayon kina
Halimbawa:
1. Pinulot ni Mira ang mga aklat sa sahig.
2. Dinalhan nina Kurt at Gabe ng pasalubong si Lola Mary.
3. Ang bagong sapatos ay para kay Melanie.
4. Ang sinulat niyang kwento ay ukol kay Jose Rizal.
5. Ayon kina Sheena at Alexa, nasa Taiwan si Willie.

You might also like