You are on page 1of 2

_____________________________________________________________________

Pangalan:

Pamagat/ Paksa: Sa Labas ng Kadakilaan: Pagsisiyasat sa mga Pag-ibig


ng mga Bayani ng Pilipinas

Subject: Araling Panlipunan 7

Markahan: Ikaapat na Markahan

Petsa ng Pagpasa: Hunyo 30, 2023

Ang mag-aaral ay:

Mga Layunin:

1. nailalarawan ang mga Pag-ibig ng mga Bayani ng


Pilipinas na makapagbibigay ng pagkakataon sa mga
mag-aaral na makilala at maunawaan ang mga personal
na buhay at pag-ibig ng mga pambansang bayani ng
Pilipinas.

2. napapahalagahan ang pambihirang karanasan at


kakayahan ng mga bayaning ito na nagpapakita ng
kanilang pagkatao sa iba’t ibang aspekto ng kanilang
buhay.

Pagsasalarawan:

Pagsulat ng mga Pagsusuri: Sa pamamagitan ng mga sanaysay,


repleksyon, hinihikayat ang mga mag-aaral na ipakita ang kanilang
pang-unawa at repleksyon sa mga natutunan tungkol sa mga pag-
ibig ng mga bayani. Dapat nilang maipakita ang mga:

Bahagi ng Replektibong Sanaysay

1. Panimula – Ito ang bahagi ng sanaysay kung saan ipapakilala


ng mag-aaral ang paksa at ang kanyang personal na koneksyon
dito. Ito ay naglalayong magbigay ng konteksto at magpabatid ng
personal na perspektiba sa mga potensyal na mambabasa

2. Paglalarawan ng karanasan – magbibigay ang mag-aaral ng

___________________________________________________________________________
detalyadong paglalarawan sa karanasan ng mga bayani na nauukol
sa dulang napanood.

3. Pagsusuri at Interpretasyon – Dito ipapakita ng mag-aaral


kung paano niya naiintindihan ang kanyang napanood. Ito ay
maaaring magpakita ng mga konsepto, teorya, o mga ideya na
kaugnay ng paksa upang mabuo ang mas malalim na pag-unawa.

4. Pagpapakita ng mga Reaksyon at Damdamin – Sa


bahaging ito, magbibigay ang mag-aral ng kanyang mga personal
na reaksyon at damdamin tungkol dula maging ang kanyang naging
naramdaman habng pinapanood ang dula. Ito ay naglalayong
magpakita ng personal na karanasan o emosyon sa naganap na
dula.

5. Paglalagom at Konklusyon – Sa bahaging ito, magbibigay


ang mag-aaral ng mga kaisipan at konklusyon tungkol sa napanood.
Ito ay naglalayong magbigay ng kasiguruhan at magpabatid ng
kabuluhan ng kanyang natutunan.

I. Pagdalo sa Konsiyerto/ Play = 30 pts

II. REPLEKSYON
Pamantayan sa
pagsulat ng  Organisasyon = 8 puntos
reaksyong papel:
Mahusay ang pagkasunud-sunod ng ideya sa kabuuan ng talata,

mabisa ang panimula at wakas

 Lalim ng Repleksyon

Masusi ang ginawang obserbasyon = 7 puntos

 Presentasyon = 3 puntos
Malinis at maayos ang pagkakasulat ng talata.

 Pamamahala ng Oras = 2 puntos

Kabuuan = 50 puntos

___________________________________________________________________________

You might also like