You are on page 1of 2

Tinig ng Pag-aaral: Aking Kwento sa Unang Wika

Ni: Rowena Damalerio

Bilang isang bata, ang pambansang wika ay nagiging daan sa mas malalim na pag-unawa sa
kultura ng isang bansa. Ang aking paglalakbay tungo sa pag-unawa at paggamit ng aking
unang wika ay nag-ugat sa aking pagkabata. Ang aking unang hakbang tungo dito ay
naganap sa aming tahanan, kasunod ay ang paaralan. Bawat sulok ng aming bahay ay
nagtatago ng mga kwento at patakaran sa pagsasalita. Mula sa magulang, kapatid, at mga
kaibigan, unti-unti kong naiintindihan ang iba’t ibang paksang pangwika.

Naaalala ko pa nga nung ako’y bago pumasok sa kindergarten, tinuturuan na agad ako nila
mama ng mga letra. Marami kang makikitang mga poster ng letra sa ding-ding namin at
marami ring abakada books. Si ate rin ay tinuturuan ako habang nagbabantay siya ng
tindahan. Madalas din akong lumabas para makipaglaro sa mga kaibigan ko. Dahil doon ay
nae-exposed na ako sa mga salita at napa practice ko na agad makipag komunika. Kaya
naman noong tumuntong na ako ng kindergarten ay naging mabilis sa akin ang pagkatuto at
maka-adjust sa kung ano ang unang tinuturo ng mga teacher. Isa rin sa mga ala-ala ko noong
kinder ako ay ako na mismo ang nag le-lead sa aming classroom, kumbaga ako ang
pinapatayo sa harapan at ituturo sa mga kapwa ko kamag-aral ang mga letra at salitang nasa
pisara.

May isa ring karanasan noong aking kabataan na tumatak sa aking alaala. Ito ay noong grade
4 pa lamang ako. Isang pagkakataon kung saan ako ay naging bahagi ng isang malakihang
paligsahan sa paaralan. Kailangan naming sumulat ng isang tanyagang tula na may
estruktura. Noong una’y sobrang kinakabahan ako dahil first time ko pa lang gagawa ng tula
ngunit maganda naman ang kinalabasan at iyon ang una kong panalo sa paligsahan. Simula
noon, bata pa lang ako, sumali na ako sa mga Sabayang Pagbigkas, dulaan, at simula grade 4
ay sumali ako ng journalism and broadcasting. Doon ay mas lalo kong nahasa ang aking
paggawa ng mga pangungusap, pag intindi sa mga bawat salita, gayundin ang pag-unawa sa
mga malalalim na salita, pagsulat ng iba’t-ibang sulatin, pakikipag interact sa ibang tao para
sa susulatin mong article, at dahil kasama rin ako sa broadcasting team ay natuto ako ng
tamang pag deliver ng mga pagsasalita at pangungusap, tamang tono, diin, at daloy ng aking
bawat sinasabi.
Dahil dito, napagtanto ko ang kahalagahan ng pag-unlad ng aking kakayahan sa paggamit ng
wika. Bawat pagpili ng salita, bawat pagbuo ng pangungusap, at bawat diskarte sa
pagpapahayag ay nagsilbing hamon sa akin. Dito ko naunawaan na ang pagsasalita ay higit
sa paggamit ng mga salita; ito ay pagtatangkang maipahayag ang kahulugan at damdamin.

Ang aking karanasan ay maaaring iugnay sa isang lag-aaral. Sa loob ng aking tahanan,
itinuro ng aking mga magulang ang mga salita at patakaran ng aming wika. Ito ay isang
proseso na masasabing natural na bahagi ng “first language acquisition” ayon kay George
Yule. Papasok dito ang “Motherese or Child-Directed Speech” and “Caregiver Speech” which
is the speech style na a-adopt ng isang young child galing sa ibang tao na laging mayroong
interaksyon. Kasama rin ang pagkakaroon ng one-word and two-words stage na kung saan
nagsisimula sa pagkatuto ng isang salita na kalauna’y natututo na tayong magsalita o
makabuo ng dalawang salita. Susunod dito ang Telegraphic Speech, kung saan, we begin to
produce a multiple word and we begin to construct sentences and possible ways of using the
language.

Tulad ni George Yule, na naniniwala sa kahalagahan ng konteksto at interaksyon sa pag-


aaral ng wika, aking napagtanto na ang pagsasalita ay isang proseso ng pagninilay at
pakikipag-ugnayan. Ang pagiging bahagi ng komunidad na ito ay nagbukas sa akin ng pinto
tungo sa mas malalim na pang-unawa sa wika, hindi lamang bilang sistema ng simbolo
kundi bilang buhay na bahagi ng ating kultura.

Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito, hindi maitatanggi na may mga pagkakataon ding nagdulot
ng pangangamba. Isang beses, sa isang paligsahan ng broadcasting, ako’y nabulol at
nagkamali. Ngunit dito ko naisip, ang pagkakamali ay bahagi ng pag-unlad. Ito ang nagturo
sa akin na mahalaga ang pagtanggap sa sariling kakulangan at pagpupursige na mas maging
mahusay.

Sa pagtatapos ng araw na iyon, ang aking personal na karanasan pangwika ay naging


pundasyon ng aking pag-unlad. Ito ay nagbukas ng mga pinto tungo sa mas malalim na pag-
unawa sa wika at kultura ng aking bayan. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pagiging
aktibong bahagi ng komunidad at pagtangkilik sa sariling wika. Ang paglalakbay na ito ay
patuloy, at ang pagsisikap na mapagtanto ang kahalagahan ng wika ay mananatiling gabay sa
aking pag-unlad.

You might also like