You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V- BICOL
DIVISION OFFICE OF ALBAY
GUINOBATAN EAST DISTRICT
BOLOLO ELEMENTARY SCHOOL
GUINOBATAN, ALBAY

Banghay Aralin sa Filipino 5


Markahan: Ikalawa Linggo: 1 Araw :1
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng isang travelogue o
kuwentona maibabahagi sa iba

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakapagbibigay ng panuto na may 3-5 hakbang


F5PS-IIa-e-8.7
Naipagmamalaki ang sariling wika sa
pamamagitan ng paggamit nito
F5PL-0a-j1
II. NILALAMAN Pagbibigay ng Panuto na may 3-5 na Hakbang
Pagmamalaki sa Sariling Wika

III. MGA KAGAMITANG


PANTURO
Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro ALAB FILIPINO 5, pahina 58
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag- ALAB FILIPINO 5, pahina 67
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Bituin 5, pahina 253-259
4. Karagdagang Kagamitan Mula sa LR
Portal
5. Iba Pang Kagamitang Panturo TV/projector, laptop, tsart, activity sheets
IV- PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Balik-aralan ang aralin tungkol sa pagsunod sa
pagsisimula ng bagong aralin hakbang ng isang Gawain

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Ngayong araw ay matututunan natin ang


pagbibigay ng panuto na may 3-5 na hakbang

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Anu-ano ang mga bagay na naimbento sa atin?
aralin May epekto ba ang mga imbensyon sa ating
pamumuhay?

8
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Alamin at basahin natin ang sanaysay (Bituin 5,
paglalahad ng bagong kasanayan #1 pahina 253-259)

Pangangailangan at Imbensiyon
(May-akda:Flory B. Perez, Evelyn P. Naval at Fe
Catalina A. Guinto)

Paglalakad nang milya- milya…


pagsasaing sa mga kalderoat kalang de-
ipa…..paglalaba sa ilog…..mga ilawang gasera..…
ito at iba pang mga gawain ang mga bumubuo sa
pamumuhay ng bawat tao..…noon!
Dati-rati, ayos na sa atin ang paglalakad, kahit
gaano pa ito kalayo. Ngunit ngayon, kahit medyo
malapit lang ang pupuntahan, sumasakay o
nagkokotse pa tayo. Wala nang nagsasaing sa mga
kalang de-ipa, kayang-kaya na ito ng rice cooker.
Ang paglalaba sa mga batis, ilog, at iba pang mga
katawang-tubig ay pinadadali na ngayon sa
pamamagitan ng paggamit ng washing machine.
Ang mga gawaing pagsusulat ay pinadadali na sa
paggamit ng mga kompyuter.
Sabi nga sa wikang Ingles, “Necessity is the
mother of all inventions.” Dahil ang tao ay
nangangailangan, kaya naghahanap ng mga bagay
at paraan upang matugunan ang mga
pangangailangang ito, at ang pagkasalat sa mga
bagay na ito ang nagbigay-inspirasyon sa mga tao
upang mag-imbento. Ito ang naging daan upang
magsulputan ang iba’t ibang mga kagamitang
nakapagpapadali ng pamumuhay ng tao. Ngunit
talaga bang ang pagpapabuti lang ng pamumuhay
ang naidudulot ng mga ito?
Ang mga sasakyang de-motor ay nagpapadali sa
ating sistema ng transportasyon, ngunit paano na
ang mga nakalalasong usok na ibinubuga ng mga
ito? Ang mga pabrika, oo nga’t marami silang mga
nagagawang produktong nakatutulong sa ating
buhay, ngunit saan na napupunta ang mga dumi
lalo na ang mga kemikal na itinatapon ng mga ito?
Karaniwang sa mga ilog o dagat ang tapunan ng
dumi. Ngunit paano na ang mga nabubuhay ritong
mga isda na pinagmumulan ng ating ikabubuhay?
Mga isdang kinakain natin? Sa ating mga palayan,
problema ng mga magsasaka ang mga insekto at
mga pesteng sumisira ng palayan kung kaya’t ang
ating mga siyentista ay tumutuklas sa problemang
ito. Natuklasan ang insecticide, pati na rin ang
pesticide. I-isprey mo lang ito at patay na ang mga
insektong sumisira ng mga palayan o gulayan.
Maganda nga raw ang pagkakatuklas nito.
Magaling. Ito ang akal ng iba. Nalamang ito’y
nakalalason, at maaari ding malason ang sinumang
taong kakain ng bunga ng halamang ginamitan
8
nito. Hindi lang iyon, ang pagdaloy nito sa mga
irigasyon ay nakapagdaragdag ng dumi na kung
iyong susumahin ay magagaya sa kapalaran ng ilog
na tapunan ng mga dumi. Ang mga ito’y
durumi…..mauuwi sa polusyon.
Alam na nating lahat na ang mga imbensiyon at
mga natuklasang ito ay maraming di-magagandang
naidudulot sa atin, ngunit patuloy pa rin tayo sa
paggamit at pagtangkilik ng mga ito. Alam natin
ang di-mabuting naidudulot nito sa kalikasan.
Hindi lang ito sa iilang tao nagkakaroon ng epekto
kundi sa kapalaran ng buong mundo. Ang lahat ay
apektado sa bawat pagduruming nagagawa natin,
maaaring tuwiran o di man tuwiran. Ang buong
mundo, hindi lang ang mga taong walang kamalay-
malay sa nangyayaring ito.
Mga imbensiyon, dalawang bagay lamang ang
tanging ibinigay sa atin: maaaring may tulong,
ngunit lagi pa ring naririyan ang masasamang
epekto nito.

Nauunawaan mo ba ang sanaysay? Sagutin ang


mga sumusunod na tanong.
1. Ano-ano na ang mga naging pagbabago
sa ginagawa ng mga tao sa kasalukuyan?
2. Bakit patuloy na tumutuklas ang mga
tao ng mga bagay na makatutulong sa
mga gawain?
3. Ano-ano naman ang mga naging epekto ng
mga imbensiyon ng tao?
4. Paano kaya mababawasan ang
masasamang epekto ng mga
imbensiyon sa ating paligid?
5. Ano ang pipiliin mo sa dalawa, tulong ng
imbensiyon o masamang epekto? Bakit?

Dahil sa mga makabagong kagamitan ngayon na


naiimbento, kailangang alam natin ang mga
hakbang o proseso sa paggamit ng mga ito.

Basahin ang mga pahayag na naglalahad ng


hakbang na nababasa o naririnig sa araw-araw.

 Ihiwalay ang mga damit na puti sa mga


damit na de-kolor sa paglalaba sa washing
machine.
 Alisin sa saksakan ang microwave
pagkatapos gamitin.
 Patayin ang aircon kapag malamig ang
panahon.
 Patuyuin ang mga damit sa araw sa halip na
sa dryer kung tag-init.

8
Paano tayo nagbibigay ng mga hakbang sa isang
gawain?
Gumagamit tayo ng mga pahayag na naglalahad
ng pagkakasunud-sunod. Halimbawa: Una,
simulan, magsimula, unahin. Sunod,
pagkatapos,ikalawa, ikatlo. Sa huli, bilang huling
hakbang.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Mag-isip ng isang gawaing naituro sa iyo ng
paglalahad ng bagong kasanayan #2 iyong mga magulang na puwede mong ibahagi sa
mga kamag-aral, gaya ng paggawa ng origami at
iba pa. Ituro ito sa kamag-aral sa pamamagitan ng
pagbibigay ng panuto na may tatlo o hanggang
limang hakbang.
Tiyaking may tatlo hanggang limang hakbang
lamang ang iyong demonstrasyon.Gumamit ng
mga pantulong na salita.

Rubrik sa Pagbibigay ng Panuto

5 4 3 2 1
NILALAMAN
 pagsunod
sa uri at
anyong
hinihingi
 lawak at
lalim ng
pagtalakay
BALARILA
 wastong
gamit
ng wika
 paglimita
sa
paggamit
ng mga
salitang
hiram
HIKAYAT
 paraan ng
pagtalakay
sa paksa
 pagsunod
sa tiyak na
panutong
ibinigay ng

11
11
guro
kaugnay
ng gawain

5- Pinakamahusay
4- Mahusay
3- Katanggap-tanggap
2- Mapaghuhusay pa
1- Nangangailangan pa ng mga pantulong na
pagsasanay

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Bumuo ng mga pahayag na naglalahad ng hakbang


Formative Assessment) sa isang gawain tungkol sa mga sumusunod na
sitwasyon. Sundan ang simulang hakbang.

1. Pagluluto sa kalang de-kuryente Una,


ihandan muna ang ilulutong kanin o ulam
bago sindihan ang kalan.
Sunod,
Pagkatapos,

2. Paggamit ng plantsa
Unahing planstahin ang maninipis na damit
habang hindi pa gaanong mainit ang plantsa.
Sunod, Sa huli,

3. Panonood ng TV
Una, buksan ang TV sa channel na nais
panoorin.
Ikalawa, Kung
tapos na ang programa

G. Paglalapat ng aralin sa pang- araw Isulat ang mga ginagawa mo sa pag-aaral ng iyong
araw na buhay mga aralin sa bahay. Punan ang sumusunod na mga
patnubay na pananda.
Una, . Ikalawa,
. Sunod,
.
Pagkatapos, .
H. Paglalahat ng Aralin Paano tayo nagbibigay ng mga hakbang sa isang
gawain?
I. Pagtataya ng Aralin Pumili ng isa sa mga gawain. Isulat ang mga
Hakbang sa paggawa nito.
1. Pagbubukod ng basura
2. Paglilinis ng bahay
3. Pagtatanim ng halaman
4. Pagluluto ng kanin
5. Paglalaba ng damit

12
Mga Hakbang sa Una,

Ikalawa, Ikatlo,

Ikaapat, Sa
huli,
J. Takdang-aralin/Karagdagang Gawain Ipakitang ipinagmamalaki mo ang sariling wika sa
pamamagitan ng pagsulat ng dalawa hanggang
tatlong talatang nagsasalaysay tungkol sa
paggamit ng
mga imbensyon na nagagamit natin sa pang-
araw-araw na gawain.
IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80%


sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng


mag-aaral na nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy


sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na


solusyunan sa tulong
ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

MEJAYACEL N. ORCALES
Guro

13

You might also like