You are on page 1of 20

Oky roll-out toolkit GUIDE FOR OKY campaigners

Tungkol sa Roll-out Toolkit


• Ano ang Oky roll-out tool kit?
Ang Oky roll-out toolkit ay ginawa upang maging gabay ng mga Oky campaigners sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon tungkol sa sexual and
reproductive health and rights (SRHR) at menstrual health and hygiene (MHH) sa pamamagitan ng group discussions at peer-to-peer sessions sa loob ng
paaralan o komunidad.

• Ano ang roll-out?


Ang roll-out ay isa sa mga activities ng Oky PH Project ng Plan International Philippines at UNICEF para i-promote ang Oky PH, isang mobile application na
nagbibigay ng tama at sapat na impormasyon sa mga kabataan tungkol sa SRHR at MHH at tumutulong sa mga kababaihan na i-track ang kanilang regla.

Ang layunin ng roll-out ay ma-engganyo ang mga kabataang edad 10-19, lalong lalo na ang mga kababaihan, na magdownload ng Oky PH app. Ito ay
naglalayon na magkaroon ng 55,000 na downloads mula sa Luzon, Visayas, at Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

May iba’t ibang klase ng roll-out activities na puwedeng gawin ng mga Oky campaigners, at maaaring gawin gabay ang bilang ng participants para makapili:
Klase ng roll-out activity Description
Classroom roll-out Ito ay isang activity na maaaring gawin ng Oky campaigner (guro, school personnel, o youth leader) sa loob ng
classroom para ipakilala at i-promote si Oky PH.

Ito ay mayroong 30-50 student participants.


School-wide roll out Ito ay isang activity kung saan puwedeng ipakilala at i-promote si Oky PH ng Oky campaigner (guro, school personnel, o
youth leader) sa pamamagitan ng pagsama sa malalaking activity o event ng mga schools. Maaari rin namang
magkaroon ng isang malaking activity para lang sa Oky.

Ito ay mayroong 100 o higit pang student participants.


Community-wide roll-out Ito ay isang activity kung saan puwedeng ipakilala at i-promote si Oky PH ng Oky campaigners (community volunteers,
health service providers, youth leaders) sa kanilang komunidad. Maaari ring isabay ng mga Oky campaigners sa kanilang
mga programa at activities ang roll out.
Page 1 of 20
Ito ay mayroong 100 o higit pang adolescent participants.
Small group roll-out Ito ay isang activity kung saan puwedeng ipakilala at i-promote si Oky PH ng Oky campaigners (community volunteers,
health service providers, youth leaders) sa kanilang komunidad. Maaari ring isabay ng mga Oky campaigners sa kanilang
mga programa at activities ang roll out. (Hal. Para sa mga health service providers, kung mayroon silang orientations o
seminars, maaari nilang isama ang pagpapakilala at promote ng Oky.)

Ito ay mayroong 30 adolescent participants.

• Sino ang mga Oky campaigners?


Ang mga Oky campaigners ay mga community volunteers, guro, school personnel, health service providers, at mga youth leaders na tutulong sa
pagpropromote ng Oky PH. Sila rin ay partner ng Oky PH para i-monitor at i-track ang downloads ng Oky sa bawat roll-out activities (tingnan ang
pagpapasagot ng monitoring tool o tracker section)
Para maging Oky campaigner, kailangan na mabigyan ka ng orientation tungkol sa Oky PH ng Oky PH team.

Set-up ng activity para sa iba’t ibang konteksto


School o community-wide Small group Classroom
Target Participants 100 adolescent participants 30 adolescent participants 30 - 50 students
Important reminders:
- Siguraduhing inclusive at diverse ang mga participants. Dapat mayroong mga babae at lalaki na kalahok sa
bawat roll-out
- Ang target na participants ng bawat roll out ay mga kabataang edad 10-19.
Program Flow Standard program flow:
- Pagbibigay ng paalala para siguraduhing ligtas ang mga adolescent participants sa magiging activity (tingnan
ang Safeguarding video mula sa Plan International)
- Pagbahagi ng layunin ng roll-out
- Pag-uusap sa mga challenges na nararanasan ng mga kabataan tungkol sa kanilang SRHR, at para sa mga
kababaihan tungkol sa kanilang regla

Page 2 of 20
- Pagpapakilala kay Oky PH at mga features nito
- Pag-engganyo sa mga participants na i-download ang Oky PH
- Pagtuturo kung paano ginagamit ang Oky
- Pag-engganyo sa mga participants na i-share ang Oky PH sa kanilang mga kaibigan at pamilya
- Pagpapasagot sa Oky offline survey (tingnan ang pagpapasagot ng monitoring tool o tracker section)

Kung ang roll-out ay isasama lamang sa mga nakaplanong activities ng mga Oky campaigners (tulad ng Flag ceremony
sa loob ng schools, orientation o seminars ng mga health service providers at youth leaders):
- ang programa ay dapat na magawa sa loob ng 30 mins – 1 hour
- dapat na mabigyan ng mas malaking oras ang pagpapakilala kay Oky PH at pag-eenganyo sa mga participants
na i-download ang Oky PH

Kung ang roll-out naman ay isasagawa bilang isang stand-alone activity:


- ang programa ay maaaring tumagal ng 1 – 2 hours
- maaaring magkaroon ng mga activities (tingnan ang mga bonus activities)
- magkaroon ng mas mahabang panahon para ituro kung paano gamitin si Oky PH
Safety Standard safety protocols:
- Magsagawa ng risk assessment bago ang activity.
- Siguraduhing ayon sa safeguarding o safety protocols ang activity.
- Dapat na kasama sa programa ang pagpapaalala ng safeguarding at safety protocols tulad ng mga paaalala
kung may mga emergencies.

Kung ang activity ay pinangungunahan o kasama ang Plan o UNICEF,


- importante na mayroong safeguarding assessment ang activity
- mayroon ding dapat na consent forms para sa mga participants

Kung ang activity ay pinangungunahan ng ibang partners,


- puwede nilang sundin ang kanilang sariling safety at safeguarding protocols (hal. para sa mga activities sa
schools ay ang Child Protection Policy)
Page 3 of 20
Logistics and materials Ang lahat ng roll-out activities ay mangangailangan ng:
- Printed Oky PH promotional material, depende sa mapipiling material ng Oky campaigners mula sa menu ng
mga promotional materials (tingnan ang pamimigay ng promotional materials section)
- Printed flipchart na may impormasyon tungkol sa Oky, kasama ang mga features at paggamit ng app
- Powerpoint deck tungkol sa Oky PH
- ShareIt file ng Oky PH app na magagamit for offline downloads
- Printed offline Oky Survey
- Drop box kung saan ilalagay ng mga participants ang accomplished offline Oky survey

Para sa mga materials na ito, puwedeng makipag coordinate sa focal person sa inyong lugar mula sa Oky PH team.

Kung mayroong mga sumusunod, maaari ring gamitin ang:


- laptop at projector para sa mga presentation at video ng Oky PH
- cellphone na may Oky PH app para gamitin sa demonstration
- internet, para ma-engganyo ang mga participants to download the application
- mga extra Oky PH merchandise bilang pang premyo sa mga laro at interactive activities

Kung walang internet at access sa projector, maaaring gamitin ng Oky campaigners ang flipchart na mayroong
kumpletong impormasyon tungkol sa Oky.
Tips and best practices • Siguraduhin na ang mga Oky campaigners ay na-orient ng Oky PH team bago ang roll-out activities.
• Para mas maging fun at interactive ang roll-out, maaring mag pa-games sa mga participants at magbigay ng
Oky materials bilang token (tingnan ang bonus activities section).
• Magbigay ng mga materials (tulad ng brochures o promotional materials) para siguraduhing maeengganyo ang
mga participants na i-download at gamitin ang Oky PH.

Page 4 of 20
Cheat Sheet: SRHR Situationer kakayahan, kaya nababawasan din ang oportunidad nilang
Bakit importanteng pag-usapan ang SRHR ng mga adolescents? magkaroon ng stable at maayos na hanapbuhay.
Ang adolescence ay itinuturing na mahalagang yugto sa development ng o Ang batang lalaki na nakabuntis ay madalas ding humihinto ng
isang tao. Ito ay isang paglalakbay na nangyayari matapos ang pagkabata at kanilang pag-aaral para maghanap ng trabaho o
bago ang pagtanda, na kadalasang ay nangyayari sa edad na 10-19. Ito ay pagkakakitaan.
isang transisyon kung saan may mabilis na mga pagbabago sa katawan,
sekswalidad, kaisipan, at panlipunang aspeto ang isang tao. • Child marriage: Kung ang isang tao ay kinakasal bago siya mag-18, ito
ay child marriage. Sa ibang lugar, legal ang maikasal kahit hindi pa 18,
Ang malalaking pagbabagong ay nagdudulot ng mga panganib hindi lamang pero child marriage pa rin ito. Kahit na legal pa ito sa ibang lugar, ang
sa kalusugan kundi pati na rin sa well-being ng mga kabataan. Dahil din sa sapilitang o ipinagkasundong pagpapakasal ay labag sa karapatan ng
mga pagbabagong ito ay mas nagiging vulnerable ang mga kabataan sa mga isang bata.
pinsala, karahasan, depresyon, mga impeksyon na sanhi ng mga sakit na Ano ang national data tungkol sa mg SRHR concerns?
nakukuha sa pakikipagtalik, impeksyon dahil sa hindi pagbabakuna, at • Ayon sa National Demographic and Health Survey (NDHS) 2022, ang
maagang pagbubuntis at panganganak. mga nabubuntis na kabataang babae na may edad na 15-19 ay
bumaba mula sa 8.5% noong 2017 hanggang 5.4% noong 2022. Ayon
Anu-ano ang mga karaniwang SRHR concerns ng mga kabataan? naman sa Young Adult Fertility and Sexuality Survey (YAFSS) report,
Maraming mga concerns ang mga kabataan tungkol sa kanilang SRHR. Pero, bumaba rin ang datos mula sa 13.7% noong 2013 hanggang 6.8%
ito ang ilan sa mga gusto nating bigyang diin (ayon sa Oky PH encyclopedia): noong 2021. Pero, ayon sa mga eksperto at mga government actors,
• Teenage pregnancy: Ito ay ang pagbubuntis ng mga babaeng edad 19 dapat na maging maingat sa pagtanggap ng mga datos na ito dahil
pababa. Ito ang ilan sa mga epekto ng teenage pregnancy sa buhay maaaring ang pagbaba ay dahil sa naging lockdown at mga limitasyon
ng kabataan: sa paggalaw noong nakaraang dalawang taon.
o Ang katawan ng isang batang babae ay hindi pa handa para sa • May mga nakakabahalang ulat na nagpapakita ng pagtaas ng kaso ng
pagbubuntis, kaya naman mas mapanganib ito para sa batang pagbubuntis sa mga batang may edad na 10-14 taon. Ayon sa
magbubuntis at sa kaniyang magiging anak. Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga nabubuhay na sanggol
o Ang pagbubuntis ay kadalasan ding dahilan ng paghinto sa na may edad na 10-14 taon ay tumataas ng 11% mula 2016 hanggang
pag-aaral ng mga batang babae. Dahil dito, mas nalilimitahan 2021.
ang kanilang oportunidad para hasain ang kanilang talino at
Page 5 of 20
• Bukod dito, iniulat ng YAFFS ang pagbaba ng mga batang na nag- Kung gustong makita at gamitin ng mga Oky campaigners ang datos tungkol
eengage sa risky sexual behaviors mula 32% noong 2013 hanggang sa mga issues na ito sa kanilang lugar, puwedeng tingnan ang mga resources
22% noong 2021, at 78% ang nag-ulat na walang proteksyon sa na ito:
kanilang unang sexual encounter. Ayon sa parehong ulat, 4 sa 10 • National Demographic and Health Survey (NDHS) 2022 – May mga
kabataan ang nagsasabing wala silang access sa maaasahang datos na nakabreakdown sa edad (mula 15 hanggang 19), lugar o
impormasyon tungkol sa sekswalidad, at sa mga may access, region, atbp tungkol sa teenage pregnancy, ilan ang mga gumagamit
karamihan sa kanila ay umaasa sa social media. at nangangailangan ng family planning commodities, at ilan ang mga
kabataang in union o live-in.
Tip: Ang mga impormasyon na ito ay puwedeng gamitin ng mga Oky
• Young Adult Fertility and Sexuality Survey (YAFSS) 2021 – May datos
campaigners bilang tuntungan o pasimula sa kanilang mga roll-out activities.
ng tungkol sa sexuality at reproductive health issues ng mga kabataan
Ang mga topic na ito ay mababasa rin sa Oky PH encyclopedia kasama ang
• Research: Our Voices, Our Future: Understanding Risks and Adaptive
marami pang impormasyon tungkol sa regla, mga myths tungkol sa regla,
Capacities to Prevent and Respond to Child Marriage in the BARMM –
health at nutrition, puberty, family planning, child marriage, mental health,
Isang research na ginawa ng Plan International sa region tungkol sa
atbp.
drivers at impact ng child marriage.

Pagsisimula ng activity
Mga paalala sa pagsisimula ng activity, mahalagang masiguro na kumportable at nasa ligtas na lugar ang mga participants. Maaring umpisahan ang activity sa
pagpapakilala ng mga Oky campaigners at pag-acknowledge sa mga participants. Sunod na ilahad ang layunin (objective) ng activity at maikling oryentasyon
patungkol sa Oky na proyekto ng Plan International at UNICEF.

Paano pinapakilala ang Oky?


Ano ang Oky PH?
Ang Oky PH ay isang mobile app na tumutulong sa girls na i-manage ang kanilang regla at buhay. Ito ay isang period tracker app na gawa ng mga batang babae
para sa kapwa batang babae: ito ay fun at positive dahil gusto nating alisin ang hiya at mga bad feelings na nakakabit minsan kapag pinag-uusapan ang regla.

Page 6 of 20
Bakit ginawa ang Oky PH?
Ang Oky PH ay ginawa ng UNICEF at Plan International bilang bahagi ng kanilang misyon na i-promote ang edukasyon at kalusugan ng girls sa pamamagitan ng pag-
encourage ng mas bukas na usapan tungkol sa menstruation o regla.

Lahat ng babae ay nagkakaroon ng regla at ito ay natural. Pero madalas pa rin itong dahilan para tuksuhin o mahiya sila. Marami sa kanila ang kulang pa ang
kaalaman tungkol sa mga pagbabago na nararanasan nila sa kanilang pagdadalaga. Mahirap na makakuha ng tama at kompletong impormasyon online.
Napakaraming fake news at mga maling impormasyon sa paligid. Puwede itong maging dahilan para maka-feel ng mas matinding stress ang mga kababaihan, na
hindi naman dapat mangyari.

Ang Oky PH ay ginawa para tulungan ang girls na i-manage ang kanilang regla nang may confidence, dahil sila ang dapat nagdedesisyon tungkol sa kanilang
katawan at buhay.

Paano ito ginawa?


Nakipag-usap kami sa mahigit 400 girls kasama na rin ang mga boys, mga magulang, at teachers mula sa iba't-ibang lugar sa bansa para malaman anong
impormasyon ang gusto nilang malaman at matutunan tungkol sa regla at kanilang kalusugan. Nakasama rin natin ang mga girls at boys with disability at mga
kabataan mula sa indigenous communities. Siyempre, kasama rin natin ang ating mga partners mula sa iba't-ibang ahensya ng gobyerno at mga organisasyon para
siguraduhin na ang Oky PH ay sumusunod at nakaayon sa education at health standards at guidelines.

Paano ito ginagamit?


Ang Oky PH ay magagamit para i-track at i-monitor ang menstrual cycle ng mga kababaihan. Puwede mong ilagay ang mga impormasyon tungkol sa iyong regla at
tutulungan ka nitong malaman ang araw na magkakaroon ka ulit ng regla. Meron itong calendar na puwede mong gamiting diary. Meron din itong encyclopedia na
sasagot sa mga katanungan tungkol sa regla at kalusugan ng mga kabataan, lalo na ng girls. Bibigyan ka rin nito ng mga tips at motivation paano mo pa puwedeng
mas i-manage ang 'yong regla sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga 'did you know' information at quizzes. Meron din itong listahan ng mga maaring mong
kausapin at lapitan na mga opisina kung may mga katanungan o suporta kang kailangan tungkol sa'yong kalusugan, safety, at iba pa.

Pag-install ng Oky
May iba’t ibang paraan para mainstall ang Oky depende sa konteksto. Pinaka ine-encourage ang pag-install gamit ang Play o App Store kung may wifi/data ang
participants dahil agad silang magbebenepisyo kung may updates sa app at may access agad ang Plan sa analytics upang makapag-report kami nang maayos sa
donors.
Page 7 of 20
A. The Best: Google Play Store (Android) o App Store (iOS)
Step 1: Buksan ang Play Store o App Store.
Step 2: I-type ang Oky Philippines at piliin ito mula sa search results.
Step 3: Pindutin ang “Download” button at hintaying matapos ang download at installation.

B. Pwede na: Shareit

Note: Kailangang may Shareit ang parehong devices (magpapadala at papadalhan). Mainam ito sa school settings kung saan naging pamamaraan ng mga
estudyante ang pagpapalaganap ng modules gamit ang app na ito.
Step 1: Buksan ang Shareit para sa dalawang devices. Para sa sender, ilagay sa receiving mode ang Shareit mo. (Automatic nitong bubuksan ang Personal
Hotspot ng phone mo para makatanggap ka ng files)
Step 2: Para sa sender, pindutin ang “Send” button sa home screen ng Shareit at piliin ang Oky Philippines.
Step 3: Hayaan ang Shareit na magscan ng devices na malapit at piliin ang device ng papadalhan mo.

C. Kung walang Shareit: Bluetooth o Airdrop ng .apk file

Note: Kailangang may kasama kayong mayroon nang latest .apk file ng Oky Philippines. Hindi gaanong nirerekomenda ang pamamaraang ito dahil kung
may bagong update sa Oky, hindi ito matatanggap ng phones automatically kahit mayroon silang internet.
Step 1: I-on ang Bluetooth at Wifi ng phones ng tagabigay ng .apk file at ng tatanggap. Siguraduhing “discoverable” ang devices ninyo (i-check sa Settings)
at alam ninyo ang names ng phones ninyo.
Step 2: Para sa sender, pumunta sa folder kung saan nakalagay ang Oky Philippines .apk file. Maaaring nasa Downloads o Files ito.
Step 3: Pindutin nang matagal ang .apk file hanggang sa lumabas ang options. Hanapin at pindutin ang ‘Share’ at piliin ang Bluetooth o Airdrop.
Step 4: Hanapin ang phone name ng papadalhan at piliin ito. Hintaying matapos ang pagsend.
Step 5: Para sa receiver, pag natanggap na ang .apk file, iinstall ito sa pamamagitan ng pagpindot at pagpili ng “Install anyway” sa lalabas na warning.
Minsan makikita ito pag nakasulat ang “More details” o magkatulad na salita -- suriin lang nang mabuti ang warning.

Page 8 of 20
Paggawa ng Account sa Oky at Paggamit sa App
Ang account mo ay natatanging para sa’yo lamang. Puwede mong i-share sa kapatid mo ang app na ito nang walang pag-aalinlangan dahil may “password” na
nagpoprotekta sa account ng bawat isa. Kaya siguraduhin lamang na madali mong maaalala at ikaw lang ang nakakaalam ng password mo.
1. Buksan ang app.
2. Piliin ang “Sign Up”.
3. Punan ang mga blangko ng mga sagot mo sa bawat tanong.
4. Sagutan ang mga tanong para sa period tracker.
5. Kumpirmahin at pumasok sa “landing screen”.
6. Pwede mo nang gamitin at ayusin ang daily diary cards mo! Pindutin ito para ma-activate ang tutorial.
7. Sundan nang maigi ang tutorial.
8. Pindutin ulit ang daily diary card para maupdate mo ito ng mga naramdaman at nagawa mo sa araw na ito. Sagutin ang quiz o basahin ang trivia na ibibigay
ni Oky.
9. I-explore at pag-aralan mo rin ang mga nilalaman ng encyclopedia na pinagsikapan ng mga eksperto at awtoridad natin!

Mga Madalas na Tanong


Maaari mo itong gamitin bilang guide sa pagsagot ng mga madalas na tanong tungkol sa Oky PH?
• Bakit Oky ang tawag sa app na ito?
Unang ginawa ang Oky sa Indonesia at Mongolia kung saan kinonsulta ang mga kabataan kung ano ang gusto nilang ipangalan sa app na ito. Napag-
isipan nila ang Oky dahil hindi raw ito masyadong obvious na regla ang pinag-uusapan at gamit sa app, at “fun” din itong pakinggan.
• Bakit ito naka-focus sa BARMM?
Binigyan ng focus ang BARMM para mabigyan diin ang unique na konteksto ng rehiyon. Mayroon ding madiin na pangangailangan ang mga batang
Bangsamoro, lalong lalo na ang mga kababaihan, sa access sa tamang impormasyon tungkol sa kanilang katawan at kalusugan ayon sa mga consultations
na ginawa ng Plan International at UNICEF.
• Bakit sinasabing ang Oky ay para sa girls, mula sa girls?
Ginawa ang Oky para sa mga babae, kasama ang mga babae sa paraan ng girl-led design at maiging research katuwang ang girls, ang mga malapit sa kanila,
at boys. Sa bawat hakbang, ang mga batang babae ang nagdedesisyon: sila ang namili ng itsura at dating ng Oky, ang mga gamit at feature nito, at pati ang
pangalan. Ang pagkonsulta sa girls sa bawat stage ng pag-design at develop ay nakakasigurong may halaga ang Oky sa kanila.

Page 9 of 20
• Ano ang laman ng encyclopedia?
Nilalaman ng Oky encyclopedia ang mga mapapagkatiwalaan, tama, at kompletong impormasyon na dumaan sa pagsusuri ng mga health expert tungkol sa
SRHR at MHH.
• Paano sinigurado ni Oky na ang content ay ayon sa Islamic perspective?
Nakipagtrabaho ang Oky team ng Plan International at UNICEF sa iba’t ibang ahensiya ng BARMM government tulad ng Bangsamoro Darul Ifta (BDI),
Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE), Ministry of Health (MOH), Bangsamoro Youth Council (BYC) para masigurong naaayon sa Islam
ang nilalaman ng app.
• Magagamit ba ang app offline?
Oo naman! Pagkatapos itong mai-download mula sa Play o App Store, gagana na ang Oky kahit wala kang internet o signal.
• Paano ang mga batang walang access sa internet o walang smart phone?
Ang Oky PH app ay magagamit lamang sa mga smart phone. Pero, puwedeng madownload ang app kahit na walang internet sa pamamagitan ng pag share
nito gamit ang Shareit, Bluetooth o ang APK file na ibinibigay ng Oky PH team.
• Ligtas ba ang mga bata sa paggamit ng app?
Oo. Walang maaaring makakita sa sensitibong impormasyon ng mga gumagamit ng Oky. Siniguro ito ng UNICEF at Plan International dahil napakahalaga ng
data privacy ng bawat isa para sa kanila. Ligtas din ang mga nilalaman ng app – sinulat ang mga ito para mabigyan ng impormasyon ang kabataan upang
makagawa sila ng magagandang desisyon sa buhay at mapangalagaan nang husto ang mga katawan nila.
• Ano ang naging role ng regional at national government agencies sa pag-localize ng Oky app?
Ang mga government actors mula sa BARMM at sa national level ay partners ng Plan International at UNICEF sa paggawa at pagdisseminate ng Oky PH.
Ang Oky PH ay ineendorso at sinusuportahan ng BDI, MBHTE, MOH, BYC, DepEd, DOH, POPCOM, at NYC.
• Paano nauugnay ang Oky app sa mga youth issues sa kagaya ng teen pregnancy o child marriage?
Ang Oky PH encyclopedia content ay nagbibigay ng impormansyon tungkol sa mga issues na ito at paano ito puwedeng puwede ma-address.
• Bakit kasama ang mga lalaki sa localization process ng Oky app? Ano ang benefits ng app para sa kanila?
Ang mga kalalakihan ay kasali sa ginawang mga consultation at validation sa paggawa ng Oky PH app. Naniniwala ang Plan International at UNICEF na may
malaking role ang mga kalalakihan sa pagpapalakas ng mga programa at pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa kalusugan ng mga kababaihan.
Higit pa rito, ang mga impormasyon sa Oky PH encyclopedia ay makakatulong din para sa mga kalalakihan dahil pinag-uusapan din dito ang kanilang
kalusugan at paano nila ito puwedeng pangalagaan.

Page 10 of 20
Paghingi ng Feedback
Puwedeng magkaroon ng isang activity para makuha ang feedback ng mga kabataan sa paggamit ng Oky.
Activity: Pagbabahagi ng Oky experience
Mechanics: Hatiin ang mga participants sa mas maliit na grupo (puwedeng may 3-6 na participants kada grupo). Bigyan sila ng oras para sagutin at pag-
usapan ang tanong na: ano ang nagustuhan at hindi nagustahan nila kay Oky? Kung sa tingin nila ay may kulang pa sa Oky at may gusto pa silang makita
para mas maging maganda ang Oky, puwede nila itong isama sa pag-uusap ng hindi nila nagustuhan.

Pagkatapos nilang mag-usap, hilingin na isulat sa yellow metacard (puwedeng mamili ng ibang kulay) ang mga nagustuhan nila kay Oky, at sa orange
metacard (puwedeng mamili ng ibang kulay) ang hindi nila nagustuhan.

Mga gamit na kailangan:


- Markers - Meta cards - Tape
Key message:
- Ang Oky ay ginawa para sa mga kabataan, mula sa mga kabataan!
- Maaaring magdagdag pa ng features at content ang Oky depende sa mga recommendations ng mga users nito.
Ang activity na ito ay puwedeng gawin para mas malaman paano ang pagtanggap ng mga kabataan sa Oky at paano pa ito maaaring mas mapaganda.

Ang mga Oky campaigners ay puwedeng makipagcoordinate sa focal person sa inyong lugar mula sa Oky PH team kung mayroong mga concerns o feedback sa
pagprepare at pagsasagawa ng mga roll-out activities.

Partners’ Programs
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga programa ng gobyerno na maaring i-dikit ang paggamit ng Oky bilang isang tool para magbigay ng impormasyon sa mga
kabataan.

Department of Education:

Page 11 of 20
• Comprehensive Sex Education: Ang mga impormasyon patungkol sa human body, human development, personhood, healthy relationships, sexuality,
sexual behaviors, sexual and reproductive health, personal safety, at gender, culture, human rights ay isinama sa ilang mga learning areas tulad ng MAPEH,
Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, Science, Personal Development, at Kindergarten.
• WASH in Schools (WinS): Ito ay isa sa mga programakung saan itinuturo ang tamang health practices sa loob ng school, katulad ng paghuhugas ng kamay,
dental health, deworming, at menstrual health and hygiene (pinakabagong component ng programa), at iba pa. Dito idinidiin ang importansya ng
pagkakaroon ng access sa menstrual pads o napkins, malinis na tubig at ligtas na space para magpalit ng pad o napkin.
Ministry of Basic, Higher and Technical Education:
• Ito ay ilan sa mga adolescent reproductive health programs ng Ministry:
o Promotion of Comprehensive Sexual Education
o Foundational Course for Health Care Providers like teachers: Understanding the Adolescent, Responding the Adolescent
o Adolescent Health Education and Practical Training
o Adolescent Job Aid
o Healthy Young Ones
o Systematic Training on Effective Parenting and Menstrual Health and Hygiene Management of WASH in Schools component
o Psychosocial Assessment of Adolescent – Adolescent Mental and Reproductive Health
Department of Health:
• Adolescent Job Aid (AJA): Ito ay nagbibigay gabay sa mga health service providers paano tutugunan ang mga health concerns ng mga kabataan, Ito ay
maaaring gamitin kasabay ng Competency Training on Adolescent Health.
• Adolescent Health Education and Practical Training (ADEPT): Ito ay tumutulong na bigyan ng tamang impormasyon at kakayahan ang mga health service
providers sa pagbibigay ng serbisyo para sa mga kabataan. Ito ay nagbibigay diin sa importansya ng respeto at pagiging bukas.
• Healthy Young Ones: Ito ay isang kampanya para bigyan ng impormasyon ang mga kabataan sa kanilang sexual and reproductive health (SRH), kasama na
ang usapin ng STI-HIV/AIDS at gender.
• 7 healthy habits: Ito ay isang kampanya na naglalayon na magbigay ng impormasyon sa 7 healthy habits: (1) move more, eat right; (2) be clean, live
sustainably; (3) get vaccinated; (4) don't smoke, avoid alcohol, and say no to drugs; (5) care for yourself, care for others; (6) practice safe sex; (7) do no
harm, put safety first.

Page 12 of 20
• Omnibus Health Guideline for Adolescents: Ito ay naglalayon na makapagbigay ng health services para sa mga adolescents (mga batang edad 10-19 years
old) na ayon sa stadard of care. Ito ay nagbibigay ng ng gabay tungkol sa healthy lifestyle practices, paano matutulungan ng mga magulang at komunidad
ang mga kabataan sa kanilang kalusugan, at iba't-ibang health services tulad ng immunization, kalusugan ng nanay, sexual and reproductive health, food
and micronutrient supplementation, at iba pa.
Commission on Population and Development:
• Sexually Healthy and Personally Empowered (SHAPE) Adolescents: Pinag-uusapan sa module 1 (Growing Up) ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap
sa pagdadalaga at pagbibinata at ang paghahanda para sa pagbubuntis. Dito rin pinapakita ang ilan sa mga puwedeng maging resulta ng pakikipag-sex o
talik. Samantala, sa module 2 (Changing Feelings and Expectations) naman ay mas pinakita ang mga pagbabagong emosyonal ng mga nagdadalaga at
nagbibinata at ang pag-uusap ng body image, iba't-ibang emosyon, anxiety, at sexual attraction. Sa module 3 (Changing Relationships) mas pinag-usapan
ang relasyon ng mga kabataan sa kanilang pamilya, kaibigan at romantic partners. Pinakita naman sa module 4 (Having a Safe and Healthy Adolescence)
ang mga kaugalian at skills na kailangan ng mga kabataan bilang paghahanda maging adult.
• You 4 You (U4U): Ito ay isa sa mga strategy para mabigyan ng tamang impormasyon ang mga kabataan pano maiiwasan ang maaga at hindi planadong
pagbubuntis.
• #iChoose: Ito ay isang kampanya na pinamumunuan ng Roots of Health (RoH), Department of Health (DoH), Commission on Population and Development
(POPCOM), at USAID. Mga kwento at maiksing articles patungkol sa mga tanong ng mga kabataan sa sexual health (pregnancy at contraception), mental
health (goals and dreams, better you, at mind you), relationships (communication, consent at healthy relationship), growing up (changes during puberty,
menstrual health and hygiene, at being healthy), SOGIESC, at COVID-19.
National Youth Commission:
• Sangguniang Kabataan (SK): Ang SK ay may mandato na magkaroon ng komite kung saan pag-uusapan ang mga isyu at solusyon para sa SRHR ng mga
kabataan.
Mga policy documents mula sa Darul-Ifta:
• Comprehensive Gender and Health Education for Youth: Ito ay nagbibigay ng impormasyon patungkol sa gender, health at reproductive health na
nakabase sa Islamic values at principles. Ito ay may 5 parte: anatomy and physiology; gedner and development; health and nutrition; social relationships;
human relations and spiritual responsibilities. Ito ay isang programa ng Commission on Population and Development (POPCOM) at Bangsamoro Darul-Ifta
(BDI) para makapagbigay ng tamang impormasyon sa mga kabataang Muslim tungkol sa kanilang sexual and reprodictive health.

Page 13 of 20
• Fatwah on Reproductive Health and Family Planning: Isinaad dito na ang family planning ay dapat na sumusunod sa prinsipyo ng non-coercion, responsible
parenthood, at informed choice.
• Fatwah on Model Family in Islam: Dito isinaad na ang pagpapakasal ay desisyong ng parehas na ikakasal. Ito ay ginagawa ko mayroon ng 'mental maturity'
ang bawat isa. Ayon dito, ang recommended age ng pagpapakasal para sa lalaki ay 20, at 18 para sa babae.

Pagpapasagot ng Monitoring Tool


Ang monitoring tool ay isang paraan para malaman at masubaybayan ang mga nagdownload ng app gamit ang Shareit/bluetooth o offline file na binahagi ng Oky
PH team na puwedeng gamitin para ma-share ang app kahit na walang internet.

Ito ay isa mekanismo upang masigurado na ang ating offline users ay patuloy na gumagamit at nagshare ng Oky PH app sa kanilang mga kaibigan at kapamilya. Ito
ay katulad ng isang maiksing survey na papasagutan ng mga Oky campaigners kasabay ng kanilang mga roll-out activities o follow-up activities para sa Oky PH. Ang
mga nasagutang tool ay dapat siguraduhin ng mga Oky campaigners na nailagay sa mga designated drop box sa kanilang para sa Oky PH. Ang lamang mga tool ng
bawat drop box ay kokolektahin ng focal person sa inyong lugar mula sa Oky PH team.

Pamimigay ng Promo Materials


Ang mga promotional materials ay ang mga gamit o merchandise na may logo o impormasyon tungkol kay Oky napuwedeng gamitin para i-promote at
mangengganyo ng mga kabataan na mag download ng Oky PH. Ito ay bahagi ng initiative ng Oky PH para mas maraming maabot ang kampanya na makapagbigay
ng tamang impormasyon sa mga kabataan tungkol sa SRHR at MHH.

Maaaring pumili ang bawat Oky campaigners ng dalawang (2) material na kanyang gagamitin o ipapamigay sa kaniyang roll-out activity. Kapag may napili nang Oky
materials, ipaaalam lamang ito focal person sa inyong lugar mula sa Oky PH team. Ang pagbibigay ng mga promotional materials ay nakadepende sa availability ng
mga ito at resources para magproduce ng mga materials.

• Oky fan
• Oky banner na may QR code at paano i-dodownload ang ap
• Oky MHH kits

Page 14 of 20
EXTRA: Mga Bonus Activities
Puwedeng gumamit ng mga activities kapag ipinapakilala si Oky sa schools o communities. Ilan sa mga maaaring activity ay ang mga sumusunod:
1. Fact or Fake news
Mechanics: May ipapakita o babasahing mga pahayag. Tanungin ang mga participants kung ito ay fact or fake news.

Mga puwedeng pagpiliang pahayag:


- Totoo ba na ang mga pagbabagong pisikal ng isang nagbibinata o nagdadalaga ay mararanasan lamang pag 13 years old na siya?
 Sagot: Hindi. Puwedeng maranasan sa iba-ibang edad (8-13 year old) ang mga pagbabagong pisikal sa isang nagbibinata o nagdadalaga.
Pero madalas, nauuna ang girls sa mga pagbabagong pisikal tulad ng paglaki ng dede kumpara sa mga boys (tulad ng paglaki ng bayag).
Walang standard na edad kung kailan mararanasan ng isang teenager ang mga pagbabago sa kaniyang katawan. May mga nauuna, at may
medyo mahuhuli. Importanteng maintindihan na normal itong mga pagbabagong mararanasanan niyo sa panahon ng pagdadalaga o
pagbibinata.
- Totoo ba na bawal maligo kapag may regla kasi puwede kang mabaliw?
 Sagot: Hindi. Ang pagligo ay hindi nagdudulot ng pagkabaliw. Ang pagligo ay isang mabuting habit para maging malinis ang katawan, lalo na
kapag ang isang babae ay may regla. Mahalagang maging malinis sa katawan, sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
- Totoo ba na bawal kumain ng maaasim na pagkain kapag may regla kasi hihinto ito?
 Sagot: Hindi. Ang pagkain ng maaasim na pagkain gaya ng mangga ay hindi makakapagpahinto ng regla. Pati na ang pag-inom ng malalamig
na inumin. Mahalaga na kumain ng masustansyang pagkain ang isang nagdadalaga, para mapangalagaan ang kalusugan lalo na tuwing may
regla. Ang mga pagkain ng maasim na prutas tulad ng mangga na mayaman sa Vitamin C ay kailangan ng ating katawan.
- Totoo ba na hindi puwede tumakbo o gumalaw masyado ang isang babae kapag may regla?
 Sagot: Hindi. Go lang sa mga bagay na gusto mong gawin kahit na ikaw ay may regla. Ang mga physical activities ay makakatulong para mas
okay ang health at mood kapag may regla. Hindi dapat maging hadlang ang pagkakaroon ng regla ng girls para sila'y makapag-aral, o maging
aktibo sa kanilang lugar. Kahit sa mga araw na may regla ang isang babae, marami pa rin siyang kayang ma-achieve.
- Totoo ba na ang mga babaeng may regla ay madumi?
 Sagot: Hindi. Ang pagkakaroon ng regla ay isang normal at natural na proseso ng katawan ng isang babae. Ang regla ay normal na dugo. Ito
ay dugo at tissue mula sa lining o walls ng uterus.
Tips:
• Maganda rin kung tatanungin ang mga participants kung bakit fact o fake news ang tingin nila sa bawat pahayag.

Page 15 of 20
• Kung may malaking espasyo sa venue, maaaring hinging tumayo ang mga participants at maglaan ng lugar kung saan puwedeng pumuwesto ang
mga nagsasabing ang pahayag ay ‘fact’, at may lugar din kung saan din puwedeng pumuwesto kung ang pahayag ay ‘fake news’.
• Importante na bago mag laro, ipaliwanag sa mga participants ano ang fact at fake news.
 Ang fact ay isang impormasyon na napatunayang tama at totoo dahil mayroong isinagawang mga pag-aaral at ito ay may ebidensya na
totoo.
 Ang fake news naman ay mga impormasyong hindi napatunayang totoo o tama at walang basehan o ebidensya na totoo.

Key message:
- Maraming mga sabi-sabi at maling impormasyon tulad ng mga pamahiin o traditions mula sa mga nakakatanda na hindi nakabase sa science. Ito ay
madaling kumakalat dahil hanggang ngayon, ang regla ay isang sensitibong usapin at hindi napag-uusapan sa tahanan at komunidad.
- Sa mga maling impormasyon, madalas na nalilimitahan ang mga puwedeng gawin ng mga kababaihan. Puwedeng kumonti ang oportunidad nila
para mag-develop.
- Ang bawat bata, pati na ang mga kababaihan, ay may karapatan na magpasya kung anong makakabuti sa kanyang katawan. Mahalagang alam ng
mga kabataan ang tamang impormasyon para malaya at tama siyang makakapagpasya.
- Kailangan mabigyan ng tamang impormasyon patungkol sa regla ang lahat, bata man o matanda. Lalong mas okay kung mabigyan pa sila ng
kakayahan para mai-share sa iba ang tamang impormasyon. Puwede mong basahing ang encylopedia at mga additional materials ni Oky para sa
mga impormasyon tungkol sa'yong kalusugan at katawan.

2. Oky quiz bee


Mechanics: May mga ipapakita o babanggiting mga tanong tungkol sa kalusugan ng mga kabataan. Ang makakapagbigay ng tamang sagot ay mananalo
Para sa larong ito, maganda kung mayroong pa-premyo (halimbawa: Oky merchandise tulad ng tote bag, notebook, atbp).
Mga maaaring pagpiliang tanong:
- Ano ang menstruation o regla?
 Sagot: Ang regla o menstruation ay buwanang paglabas ng dugo sa puki (o ari ng babae) na nagsisimula kapag sila ay nagdadalaga (puberty
age). Ang dugo na ito ay hindi dahil sa sakit, sugat, o panganganak. Kada buwan, naglalabas ng itlog ang obaryo. Nag-reready na ang uterus
o matris sa posibleng pagka-fertilize ng itlog, at kumakapal ang lining ng matris. Kapag hindi na-fertilize ang itlog (walang pagbubuntis!),
hindi na kailangan ang lining ng matris. Inilalabas ito ng katawan bilang regla.

- Normal bang makaramdam ng sakit sa ulo, sa likod, cramps, at pagkahilo kapag may regla?

Page 16 of 20
 Sagot: Oo, normal na makaramdam ng sakit o pain ang mga babaeng may regla. Maaaring makaramdam ng cramps, pananakit ng likod,
pagkahilo, pagkahapo o pagod, pananakit ng ulo. Ang period pain o sakit na nararamdaman ng babae tuwing may regla ay iba-iba.
- Ano ang puberty?
 Sagot: Ang puberty ay ang pagbabago o pag-mamature ng katawan ng bata. Sa puberty stage, ang katawan ng bata ay nagbabago at nagma-
mature sexually. Ibig sabihin, unti-unting inihahanda ang katawan ng babae sa pagbubuntis at ng lalaki upang makabuntis.
- Ano ang crush?
 Ang crush ay simpleng paghanga sa isang tao.
- Ano ang consent?
 Sagot: Ang consent ay usapan ng dalawa o higit pang tao base sa kumpleto at tamang impormasyon tungkol sa magiging epekto ng kanilang
desisyon. Ito ay kusa at hindi sapilitan. May iba't-ibang klase ng consent, gaya ng parental consent o ang pagbibigay ng pahintulot ng isang
magulang sa anak. Mayroon ding sexual consent o ang pagbibigay ng pahintulot ng isang tao sa paggawa o pagsali sa isang sexual activity.
Ayon sa ating batas (Republic Act 11648), ang pakikipagsex o talik sa isang batang may edad 16 pababa, may consent man ay rape.
- Ano ang karapatan ng bata?
 Sagot: Lahat ng tao, kasama na ang mga bata at kabataan, ay may human rights. Ang United Nations Convention on the Rights of the Child
(UN CRC) ay naglista ng mga karapatan ng mga bata na edad 18 pababa. Ilan sa mga ito ay:
• Magkaroon ng maayos na pamumuhay, edukasyon, at health services
• Makapaglaro
• Maprotektahan sa lahat ng klase ng pang-aabuso at diskriminasyon
• Makalahok sa kanilang komunidad at mabahagi ang kanilang ideya sa mga programa para sa kanila

Key message:
- Ang mga kabataan ay maraming tanong tungkol sa mga nararanasang pagbabago sa kanilang pagdadalaga at pagbibinata, sa kanilang kalusugan
(pisikal, social, mental, at sekswal at reproduktibo).
- Ang Oky encylopedia ay nagbibigay ng mga bite-size na impormasyon tungkol sa regla, paano pangalagaan ang sarili kapag may regla (para sa mga
babae), paano suportahan ang mga babae kapag sila ay may regla (para sa mga lalaki), kalusugan, mga pagbabago kapag nagdadalaga at
nagbibinata, mental health, relationships, paano maging ligtas mula sa karahasan at pang-aabuso, atbp.

Page 17 of 20
Definition of key terms
General:
• Focus group discussion (FGD) - Ang FGD ay isang paraan ng pagkuha ng datos at impormasyon ng isang specific topic mula sa komunidad at mga indibidwal. Ito ay
isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatanong upang hikayatin ang mga participants na magbahagi ng kanilang opinyon at ideya para mas maintindihan ang kanilang
perception, paniniwala, takot, at kaalaman.

Menstrual health and hygiene:


• Menstruation - Isa sa mga pagbabagong nagaganap sa isang nagdadalaga. Buwanang paglabas ng dugo sa ari ng babae at isang natural na proseso na bahagi ng
“reproductive cycle” ng mga kababaihan. Isang senyales na ang babae ay maaari nang mabuntis kapag nakipagtalik sa lalake.
• Menstrual health health and hygiene (MHH) - Ang mga kababaihan ay may magagamit na menstrual materials gaya ng sanitary napkin, mayroong pribadong lugar na
maaaring gamitin para makapagpalit ng napkin at may access sa functional at safe facilities (water at toilet), may maayos na disposal systems para sa mga gamit na
menstrual materials, at tamang impormasyon.

Sexual and Reproductive Health and Rights (SRHR):


• Reproductive health - Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang kalusugang pisikal, pangkaisipan, at panlipunan na may kinalaman sa reproductive system. Nakapaloob dito
ang karapatan ng mga tao na magkaroon ng kaalaman at kakayahang mamili ng nais niyang paraan ng pagpaplano ng pamilya na naaayon sa batas, ligtas, epektibo, at
abot-kaya.
• Reproductive right - Ito ay kinikilala ang karapatan ng lahat na malayang magpasiya ng responsable sa bilang, pagitan, at panahon ng kanilang mga anak at magkaroon ng
impormasyon at paraan upang magawa ito. Kasama rin sa mga karapatang ito ang mga karapatan tungkol sa fertility at sa pagpapasiya tungkol sa pag-aanak, nang
walang diskriminasyon, pagsasamantala, at pwersahang pagpapasiya ng iba.
• Sexual health - Ito ay isang kalagayan ng pisikal, emosyonal, mental at panlipunang kapakanan kaugnay ng sekswalidad, kawalan ng sakit, at kakayahang magkaroon ng
nakakapagbigay ligaya at ligtas na karanasan sa sekswalidad.
• Sexual right - Ito ay mga karapatang pantao sa pagpapasya at kalayaan sa seksuwalidad nang walang diskriminasyon, karahasan, at pagsasamantala. Kasama sa mga ito
ang karapatang sa seksuwalidad, seksuwal na oryentasyon, at sekswal na kasiyahan.
• Sexual and reproductive health and rights - Ito ay tumutukoy sa mga karapatan ng mga tao na may kinalaman sa kanilang seksuwalidad at reproductive health, at kung
paano ito naaapektuhan ng mga aspeto ng kanilang buhay, kabilang ang pisikal, mental, emosyonal, at sosyal na aspeto.

Digital:
• Account - Ang nabubuong personal natin na record pagkatapos magregister sa isang app o serbisyo. Nakakonekta sa account ng isang tao ang impormasyong ibinigay
niya sa app/website.

Page 18 of 20
• Application (o App) - Ang mga program na iniinstall sa mga smartphone para sa iba’t ibang gamit. Para sa madaliang pag-intindi, bawat “logo” na nakikita natin sa
smartphones natin ay isang app na may kanya-kanyang silbi at features.
• App Store - Ang pinagkukuhanan ng mga apps sa mga produkto/device ng Apple tulad ng iPhone, iPad, atbp.
• Device - Mga teknolohiyang nahahawakan at nagagamit tulad ng cellphone, smartphone, laptop, radyo, telebisyon, atbp.
• Features - Ang mga nasa loob ng app na nagbibigay sa kanila ng dagdag na silbi, ganda, kadalian sa paggamit, at iba pa. Halimbawa, ang features ng Facebook ay ang
abilidad nating makapag-post ng salita, pictures, at videos, tumingin at magbenta ng paninda sa Marketplace, bumuo ng Pages at Groups, atbp.
• Internet - Ito ay ang pandaigdigang sistema kung saan nakakonekta ang mga grupo ng mga computer para magbahagi ng impormasyon sa isa’t isa. Ginagamit natin ito
para mapadali ang komunikasyon at pagbigay/pagkuha ng iba’t ibang klase at anyo ng impormasyon tulad ng babasahin, musika, videos, at marami pang iba.
• Karaniwang cellphone - Isang device na maaaring gamitin para tumawag at magtext (at minsan ay may simpleng kamera rin) pero walang abilidad na maka-access ng
internet at magdownload ng apps.
• Load - Ito ang perang nakakarga sa cellphone na pwedeng gamitin para sa mga serbisyo ng network na pinagbilhan natin nito. Halimbawa nito ay ang pagbili ng mga
promo para magka-data.
• Login / Sign in - Ang proseso ng pagpasok sa account natin sa isang app o website pagkatapos mag-register dito. Sa karamihan ng mga app, kailangan ang user name at
password para makapag-login o sign in.
• Mobile Data (madalas na tinatawag na data) - Binibili ito nang direkta o gamit ang load upang makagamit ng internet ang cellphone natin. Nauubos o “kinakain” ng
paggamit ng internet at pagtakbo ng ilang apps na nangangailangan ng internet ang data. Nag-eexpire o nawawala rin ang data paglipas ng panahong ayon sa promo na
kinuha natin.
• Password - Ang kombinasyon ng mga letra, numero, at special na characters na kailangan para mabuksan natin ang ating mga account. Dapat mahaba at tayo lamang
mismo ang nakakaalam ng sarili nating password para maprotektahan ang impormasyon natin.
• Play Store - Ang pinagkukuhanan ng mga apps ng mga device na gumagamit ng Google operating system (pundasyon na software na nagpapatakbo ng phone) na ang
tawag ay Android.
• Registration (o Sign Up) - Ang proseso ng pagbigay natin ng impormasyon at pagsang-ayon sa mga kondisyon ng isang serbisyo (tulad ng app at website) para magamit
at mapakinabangan natin sila. Madalas na hinihingi rito ay ang ating pangalan, birthday, email address, user name, at password para sa app/site na ito.
• Smartphone - Isang advanced na uri ng cellphone na pwedeng gamiting para tumawag, magtext, kumuha ng pictures, mag-internet, magdownload ng iba’t ibang apps,
atbp.
• Signal - Kinakailangan ito para makatawag at makagamit ng internet sa ating mga cellphone. May ilang lugar na may signal para sa internet pero medyo mahina para sa
mga tawag at text, pero kadalasan ay baliktad: mas madaling makasagap ng signal para sa tawag at text kaysa sa internet.
• User Name - Ang pangalang gusto natin para sa account natin. Ito ang nakikita ng ibang tao kung nakakasalamuha natin sila sa internet.

Page 19 of 20
• Wifi - Isang sistema na ginagawang posible ang pagkonekta ng mga device sa internet nang walang gamit na wire. Madalas ay ginagawa itong posible ng device na
tinatawag nating router. Binabayaran ito bawat buwan at maraming device ang pwedeng kumonekta rito. Pwede ring maki-wifi ang ibang phone sa isang smartphone sa
pamamagitan ng pagsilbing “personal hotspot” nito.

Kopya ng mga materials para sa roll-out


File Mga laman
Oky PH content Dalawang klase ng content ng Oky PH:
• Generic content
• Content with Islamic perspective
Oky PH deck Mga materials na puwedeng gamitin sa pagpapaliwanag ng Oky PH at paano ito gagamitin at puwedeng i-download:
• Powerpoint deck
• Flipchart
• Plan International’s Safeguarding video
Oky PH monitoring materials Kopya ng monitoring tool
Oky offline downloader Kopya ng APK file
Oky promotional materials Design ng mga promotional materials:
• Oky fan
• Oky banner na may QR code at paano i-dodownload ang ap
• Oky MHH kits

Ang mga ito ay ma-aaccess din gamit ang link na: https://tinyurl.com/OkyPHtoolkit

Kung nahihirapang i-access ang mga files, makipagcoordinate sa focal person sa inyong lugar mula sa Oky PH team.

Page 20 of 20

You might also like