You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI - Kanlurang Bisayas
Schools Division of Iloilo
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Pototan, Iloilo
Daily Lesson Log in Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Teacher: Reina V. Almirante Grade Level: 11
Teaching Dates: Disyembre 11-15, 2023 Sections: HUMSS (Mabini, Rizal, Aguinaldo), ABM (Miller at Smith) GAS (Athena)
Session 1 Session 2 Session 3 Session 4
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
Nilalaman
B. Pamantayan sa Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o linggwistiko ng napiling komunidad.
Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Nasusuri at naisaalang -alang ang mga linggwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood. (P11PD-lib-88)
Pagkatuto
(isulat ang code ng
bawat kasanayan)
Nasasagot ang Lagumang Naiisa-isa ang mga mahahalagang Nakasusulat ng sariling orihinal na hugot lines at Nakasasagot ng Lagumang
Pagsusulit. konsepto sa sitwasyong pangwika sa pick-up lines. Pagsusulit.
pelikula, dulat, at sa text.

II. NILALAMAN Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas


(Pelikula, Dula, Text, at Ina Pang Anyo ng Kulturang Popular)
III. KAGAMITANG Modyul sa Filipino sa Modyul 1 sa Filipino sa Modyul 1 sa Filipino sa Komunikasyon at
PANTURO Komunikasyon at Pananaliksik Komunikasyon at Pananaliksik sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
sa Wika at Kulturang Pilipino Wika at Kulturang Pilipino
A. Sanggunian
Pahina 1 ng 8 Pahina 1 ng 8 Pahina 1 ng 8
1.Mga pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga pahina sa Pahina 1-2 Pahina 3-5 Pahina 5-7
Kagamitang Pang
mag-aaral
3. Mga pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang Laptop, Tv at Worksheets Laptop, Tv at Worksheets Laptop, Tv at Worksheets
kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resources
B. Iba pang kagamitang
Panturo
IV.PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Learning Gaps- Semantika Learning Gaps: SINTAKSIS
nakaraang aralin at/o Gamitin sa Pangungusap Ipaliwanag sa dalawang pangungusap ang;
pagsisimula ng Hugot Lines- tawag sa mga linya ng 1. Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
bagong aralin pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa, 2. Sitwasyong Pangwika sa Radyo
cute at cheesy.
Pick-up Lines- nagpapakilig sa mga
tagapakinig at may katanungan at
kasagutan
B. Paghahabi sa layunin 1. Bakit kailangan nating alamin ang
ng aralin Sitwasyong Pangwika?
C. Pag-uugnay ng mga Panonood ng Bidyo ng Dulat at Tukuyin kung ang pahayag ay tama o mali. Isulat sa
halimbawa sa bagong Pelikula sagutang papel ang iyong PANGALAN kung ang
aralin pahayag ay wasto at iyong APILYEDO naman kung
ang pangungusap ay ‘di-wasto.

1. Impormal ang tono na ginagamit sa mga


pelikula.
2. Ingles ang lingua franca na ginagamit sa
pelikula.
3. Ang dula ay kilala rin bilang sine o
pinilakang tabing
4. Pormal na mga salita ang ginagamit sa dula.
5. Maituturing na mataas at tampok sa
kasanayang dapat linangin sa isang
indibidwal ang pagsusuri ng isang pelikula
at isang akda.
D. Pagtalakay ng Pangkalahatang pagtatalakay at 1. Sitwasyong Pangwika sa Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
bagong konsepto at pagrerebyu sa buong aralin sa Pelikula at Dula Kalakalan, Pamahalaan, Edukasyon at Register o
palalahad ng bagong paghahanda sa lagumang Sitwasyong Pangwika sa Pelikula Barayti ng Wikang Ginagamit sa Iba’t Ibang
kasanayan #1 pagsusulit. -Ang pelikula ay kilala bilang sine Sitwasyon
at pinilakang tabing.
-larangan ng sinasakop ang mga KALAKALAN
gumagalaw na larawan bilang isang Kasabay ng pagyabong ng teknolohiya ay unti-
anyo ng sining o bilang bahagi ng unting pag-unlad ng industriya ng kalakalan sa
industriya ng libangan. kasalukuyan. Dahil dito mas napapabilis ang
-nilikha sa pamamagitan ng gawain, komunikasyon at mga transaksyon. Sa
pagrekord ng “totoong” tao at bagay kasalukuyan, napapanahon ang trabahong Business
(kabilang ang pag-arte sa harap ng Process Outsourcing (BPO) o mga call center.
kamera at/o sa pamamagitan ng Katunayan, ang ilang mga nakapagtapos ay ito ang
kartun. kanilang hanapbuhay sa kabila ng malayo sa
-Anuman ang pelikulang kanilang natapos na kurso.
tinatangkilik , tiyakin na may
kapupulutan ng aral ang isang Sa gawaing ito, mahalaga na may kabatiran o
obrang pansining na nakikitaan ng kaalaman sa paggamit ng wikang ingles ang mga
galing, tradisyon, kultura, kaugalian, nagtatrabaho rito sapagkat karamiha sa kanilang
saloobin, at pagpapahalaga ng mga kliyente ay mga dayuhan. Sa kalakalan,
tao/bansang pinagmulan nito. mahalaga ang paggamit ng wikang Ingles na higit
ginagamit sa mga boardroom ng mga malalaking
Mga Jargon na mga Salita: kompanya o korporasyon lalo na sa mga pag-aari o
Montage- isang paraan kung saan pinamuhunan ng mga dayuhan na tinatawag na
hinahati ang parte ng isang pelikula multinational companies. Kahit sa mga
at ito ay pinipili, inaayos, binabago dokumentong nakasulat ay wikang ingles din ang
para makagawa ng mas magandang midyum na ginagamit. Gaya na lamang ng memo,
seksyon ng pelikula. kautusan, kontrata at iba pa. gayundin sa mga press
Sequence Iskrip- Pagkakasunod- release ng mga malalaking kompanya sa mga
sunod ng mga pangyayari sa isang broadsheet at magazine na nalathala.
kuwento sa pelikula. Ipinapamalas
nito ng tunay na layunin ng Ganoon pa man, may mga ilan pa ring mga
kuwento. Negosyo na gumagamit ng wikang Filipino at iba’t
Sinematograpiya- pagkuha sa ibang barayti ng wika para higit na makaagaw-
wastong anggulo upang maipakita sa pansin sa mga target na kostumer at
manonood ang tunay na pangyayari magkaunawaan. Gaya na lamang ng mga
sa pamamagitan ng wastong timpla sumusunod; pagawaan o production, mga mail, mga
ng ilaw at lente ng kamera. restoran, mga pamilihan, mga palengke, at maging
sa direct selling. Kahit din sa mga patalastas sa
Ang Dula ay isang akdang telebisyon at radio ay wikang Filipino at iba’t ibang
pampanitikan na ang pinakalayunin barayti ng wika ang ginagamit upang tangkilikin
ay itanghal sa entablado. Karamihan ang mga serbisyong handog ng mga mangangalakal.
sa mga itinatanghal na dula ay
hango sa tunay na buhay maliban na PAMAHALAAN
lamang sa iilang dulang likha ng
malikhain at malayang kaisipa. Ang Naging malaki ang kontribusyon ni dating
dula ay nag-ugat sa salitang Pangulong Cory Aquino sa paglaganap ng wikang
Griyego; ang kahulugan nito ay Filipino sa pamahalaan. Mas pinatibay ng ito sa
pamapnityikang kmposisyon na isang kautusan na Atas Tagapagpaganap Blg. 335,
nagkukuwento sa pamamagitan ng serye ng 1998 na “nag-aatas sa lahat ng mga
wika at galaw ng mga actor.
kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya at
Ayon kay Sebastian ang tunay na
drama ay nagsimula sa unang taon instrumentality ng pamahalaan na magsagawa ng
mga hakbang na kailangan para sa layuning
ng pangungupkop ng mga magamit ang Filipino sa opisyal na mga
Amerikano. Idinagdag pa ni transaksyon, komunikasyon, at korespondensiya”.
Tiongson na ang drama ay binubuo Dahil sa kautusang ito, mas napalawak ang wika sa
ng tanghalan, iba’t ibang kasuotan,
iba’t ibang antas at sangay ng pamahalaan. Higit sa
skripto, “characterization’, at
“internal conflict”. Ito ang lahat, mas napapadaling ipaabot sa mga
pangunahing sangkap ng tunay na mamamayang Pilipino ang mga anunsiyo, panukala
drama ayon sa banyagang at SONA kung gagamitin mismo ang lingua franca
kahulugan. Nasyonal- ang Wikang Filipino.

2. Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon


Text
Hindi na uso ngayon ang Sa kasalukuyang pagtuturo sa mga silid-aralan,
telegrama, nakasanayan nang napakalaki ang impluwensiya ng paggamit ng wika
gamitin ng mga tao sa sa pagkatuto ng mga bata ayon sa itinatadhana ng
komunikasyon lalo na sa K to 12 basic education curriculum. Sa mababang
pagpapadala at pagtanggap ng mga paaralan (kinder hanggang grade 3), ang ginagamit
mensahe o SMS ang paggamit ng na wikang panturo ay ang unang wika at bilang
cellphone kilala bilang text message hiwalay na asignatura. Nakakatulong ito para higit
o text. Ang pagtetext ay na matamo ng bata ang pagkaunawa at mapalawak
nakakatulong upang mapabilis na ang kaalaman sa paggamit ng unang wika.
maipaabot sa taong padadalhan ng Samantalang ang wikang filipino at wikang ingles ay
mensahe. Katunayan, araw-araw itinuturo pa rin sa magkahiwalay na asignatura.
humigit kumulang apat na bilyong Hindi pwedeng mawala ang dalawang ito sapagkat
text ang ipinapadala at natatangap sa mahalagang may kabatiran ang mga mag-aaral sa
ating bansa kaya tinagurian tayong
paggamit nito para sa mabisang
“Texting Capital of the World”.
pakikipagtalastasan at komunikasyon. Sa mataas na
Kapansin-pansin ang
antas naman, ginagamit ang bilingguwal na wikang
pamamaraan ng iilan sa atin ng
panturo. Ang wikang ingles at wikang filipino ay
pagte-text, may ilan sa atin na
ginagamit na panturo sa paaralan upnang higit na
gumagamit ng code switching o mga
maunawaan ang mga tinatalakay na paksang pinag-
salitang pinaikli/dinaglat o kaya’y
aaralan. Ang paggamit ng wika ay kinakailangang
paggamit ng jejemon. Sa code
intelektwalisado at standard para sa ikauunlad ng
switching, ito ay pinaghalong
kabatiran ng mga mag-aaral.
wikang Filipino at wikang Ingles.
Ginagamit ito ng iilan lalo na kung
mahabang mensahe ang ipapadala
o sadyang gusto niya na ganito ang
estilo ng kanyang pagta-type sa
keypad kasi limitado lamang ang
characters na isinusulat. Hal. XOXO
(Hugs and Kisses); LOL (laughing out
loud); ‘r u goin 2 c me 2day?. Ang
paggamit ng code switching ay
ginagamit din sa pagpo-post sa
social media.

3. Sitwasyong Pangwika sa Iba


Pang Anyo ng Kulturang
Popular
Ang hugot lines ay tinatawag
ding love lines o love quotes
dahil ang mga linya ay hinggil sa
pag-ibig na nagpapakilig,
nakatutuwa, cute, cheesy, o
minsa’y nakaiinis. Minsan ito ay
nakasulat sa wikang Filipino o
Taglish (pinaghalong wikang
Filipino at Wikang Ingles). Ang
mga kataga ay makikitaan ng
kasiningan dahil sa malalim
nitong hugot na kung minsan ay
tagos sa puso. May katangian
din ang hugot lines na kapareho
ng pick-up lines. Dahil, ang pick-
up lines ay mga salitang
nakatutuwa, nakapagpapangiti,
nakakikilig, cute, cheesy, at
masasabi mo ring corny.
Nakilala at sumikat ito sa isang
segment ng Bubble Gang na
“Boy Pick-up” na
pinagbibidahan ni Ogie Alcasid,
at lalong nagging matunog dahil
ilan lamang sa mga talumpati at
aklat na “Stupid is Forever” ni
Dating Senador Mariam
Defensor Santiago ay
gumagamit nito bilang pang-
aliw at pampukaw-atensyon sa
mga tagapakinig. Ito ay isang
makabagong bugtong kung saan
may tanong na sinasagot ng
isang bagay na madalas
maiugnay sa pag-ibig at iba
pang aspekto ng buhay.
Sinasabing nagmula ito boladas
ng mga Binatang nanliligaw na
nagnanais magpapansin,
magpakilig, magpangiti, at
magpa-ibig sa dalagang
nililigawan.

Ang fliptop naman ay nakilala


rin sa social media dahil sa anyo
at pamamaraan ng paggamit
nito ng wika. Ito ay isang
makabagong pamamaraan ng
balagtasan. Subalit ang mga
salitang ginagamit dito ay
impormal at masasakit ang mga
salitang sinasalita. Wala itong
sinusunod na pamantayan o
iskrip at walang malinaw na
paksang pinagtatalunan.
Ito ay isang pagtatalong oral na
isinasagawa nang pa-rap.
Laganap ito sa kabataan at
katunayan may malalaking
Samahan na silang nagsasagawa
ng mga kompetisyong
tinatawag na Battle League.
Naging patok ito sapagkat
maaari na itong mapanood sa
Youtube. Ilan lsa mga kilalang
nagfi-flipTop ay sina Abra,
Aklas, Bassilyo, at marami pang
iba. Kailangan dito ang tibay ng
loob at sikmura dahil kung
minsan ang salita ay hinggil sa
pisikal at personal na katangian.

E. Pagtalakay ng Tukuyin ang mga sitwasyong Register o Barayti ng Wikang Ginagamit sa Iba’t
bagong konsepto at pangwika ng pelikula at dula na ibang Sitwasyon
paglalahad ng binanggit sa binasang teksto.
bagong kasanayan #2 Pelikula Dula Ang bawat larangan ay may mga tiyak na salitang
ginagamit ayon sa gamit, layunin at kahalagahan
nito. Ito ay tinatawag nating jargon o mga
terminong kaugnay ng mga trabaho sa iba’t ibang
hanapbuhay. Sangkot din ang sosyolek na isang
barayti ng wika rito. Kailangan na maunawaan ang
mga register ng iba’t ibang genre para matukoy ang
pagkakaiba ng mga pamamaraan nito hinggil sa
tiyak na sitwasyon.

Ito ay nakaayon sa estilo ng pananalita sapagkat


iba-iba ang register ng propesyon depende sa taong
kinakausap o kaharap nito. Halimbawa ang guro.
Iba ang register na ginagamit ng guro kung kaharap
niya ang kanyang kapwa guro samantalang iba rin
ang register na gamit nit sa tuwing kaharap ang mga
mag-aaral. Ang paggamit ng mga terminolohiya sa
isang larangan ay nakatutulong upang matukoy ang
espesyalisasyon nito at katangian nito.

Register at Barayti ng Wika sa Iba’t ibang


Sitwasyong Pangwika
Ang tao ay siyang pangunahig nagpapaunlad at
nagpapayaman sa wika. Sa pagdebelop ng tao sa
lipunan at sa kanyang kultura batay sa pagkakaiba-
iba sa mga gawi, kaisipan, paniniwala, at maging
kamalayan o kaalaman sa wika, nagkakaroon din ng
iba’t ibang barayti ng wika na inihayag ni Zosky.
Ayon din sa kanya, may pitong uri ang barayti ng
wika ito ay ang mga sumusunod: Idyolek, Dayalek,
Sosyolek, Etnolek, Ekolek, Pidgin, at Creole.
 Idyolek- ito ay ang personal na paggamit ng
salita ng isang indibiduwal. Bawat
indibiduwal ay may estilo sa pamamahayag
at pananalita.
Hal. “Magandang Gabi Bayan”- Noli De Castro
“Hoy Gising”- Ted Failon “Ayon di Umano”-
Jessica Soho “Excuse me po”- Mike Enriquez
 Dayalek- ito ay nalilikha nang dahil sa
heograpikong kinaroroonan. Ang barayti na
ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa
partikular na rehiyon o lalawigang
tinitirahan. Hal. Tagalog- “Mahal Kita”
Hiligaynon- “Langga ta gud ka” Bikolano –
“Namumutan ta ka”
❖ Sosyolek- uri ng barayti na pansamantala lang at
ginagamit sa isang partikular na grupo. Hal. Te
meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo) Oh my God!
It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman
dito!) Wag kang snobber (Huwag kang maging
suplado)
❖ Etnolek- ginawa ito mula sa salita ng mga
etnolinggwistikong grupo. Nagkaroon ng iba’t
ibang etnolek dahil sa maraming mga pangkat na
etniko. Hal. Palangga- sinisinta, minamahal
Kalipay- saya, tuwa, kasiya
❖ Ekolek- ito ay kadalasang ginagamit sa ating
tirahan. Ito ay kadalasang nagmumula sa mga bibig
ng bata at matanda. Hal. Palikuran- banyo o kubeta
Papa- ama/ tatay Mama- nanay/ ina

❖ Pidgin- wala itong pormal na estruktura at


tinatawag ding “lengwahe na walang ninuman”.
Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o
bansa. Hal. Ako punta banyo (Pupunta muna ako sa
banyo.) Hindi ikaw galing kanta (Hindi ka magaling
kumanta.) Sali ako laro ulan (Sasali akong maglaro
sa ulan.)
❖ Creole- ito ay pinaghalo-halong salita ng
indibiduwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa
naging personal na wika. Hal. Mi nombre- Ang
pangalan ko Yu ting yu wan, a? - Akala mo
espesyal ka o ano? Onde ka anda?-Saan ka
pupunta?
B. Register/ Rehistro- tumutukoy sa isang
espesyalisadong wika na ang mga salita ay
nagagamit sa isang partikular na larangan, disiplina,
o propesyon(Bernardino,et al.,pp.22-33).

Iniulat ni Constantino (2002) ang pahayag ni


Eastman (1971) na mayroong dalawang dimensyon
na humahati sa barayti ng wika. Tinawag ito na
heograpiko na tumutukoy naman sa pagkakaiba-iba
ng wika batay sa hiwa-hiwalay o kalat-kalat na
lokasyong heograpikal. Dito napapabilang ang
dayalekto. Ang ikalawa ay ang tinatawag na sosyo-
ekonomiko na nakatuon naman sa pagkakaiba-iba
ng wika ayon sa iba’t ibang katayuang panlipunan.
Ang sosyolek ay nasa ilalim ng dimensyong ito.

Si Catford na nabanggit sa sulatin ni Alonzo, ay


inilahad naman na mayroong dalawang malaking
uri ang barayti ng wika. Ito ay ang permanente at
pansamantalang barayti. Ang idyolek at dayalek ay
nabibilang sa permanenteng uri. Ang idyolek ay
tumutukoy sa gamit ng wika na natatangi sa isang
indibiduwal. Ang dayalek naman ay ang paggamit
ng wika o ang paraan ng pagsasalita na nakabatay sa
lokasyon, panahon, o estadong kinabibilangan ng
nagsasalita. Samantala, ang rehistro naman ay
nabibilang sa pansamantalang uri (filipinovarayti.
weebly. com).
Propesyon o Larangan Tawag sa binibigyan ng
serbisyo
Guro Estudyante
Doctor at Nars Pasyente
Abogado Kliyente
Pari Parokyano
Tindero/ tindera Suki
Drayber/ konduktor Pasahero
Artista Tagahanga
Pulitiko nasasakupan/ mamamayan

Tinatawag na register ang mga espesyalisadong


salitang ginagamit. Hindi lamang ginagamit ang
register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi
sa iba’t ibang larangan o disiplina rin. Espesyal na
katangian ng mga register ang pagbabago ng
kahulugang taglay kapag ginamit na sa iba’t ibang
disiplina o larangan. Dahil iba-iba ang register ng
wika ng bawat propesyon at nababago ang
kahulugang taglay ng register kapag naiba ang
larangang pinaggagamitan nito, itinuturing ang
register bilang salik sa barayti ng wika ang sosyolek
(Bernales, et al.,pp.8-12).

F. Paglinang sa
kabihasnan
(tungo sa Formative
Assessment )
G. Paglalapat ng Aralin Paano nagagamit ang ating mga Paano mo nagagamit sa pang-araw-araw ang mga
sa pang-araw-araw tinalakay sa pang-araw-araw na natutuhan mo sa araling ito?
na buhay. buhay?

H. Paglalahat ng Aralin Kung ikaw magiging magulang Bakit mahalaga ang Register at Barayti ng Wika sa
papayag ka bang ang anak mong Iba’t ibang Sitwasyong Pangwik?
magsisimula pa lang mag-aral ay Sa anong paraan ito nakakatulong?
tuturuan gamit ang unang wikang
kanyang kinagisnan sa tahanan?
Bakit oo? Bakit hindi?
I. Pagtataya ng Aralin Pamumudmod ng test papers. Isa-isahin ang mga mahagang Sumulat ng isang orihinal na pick-up lines at pick- Nasasagot ang mga katanungan sa
Nasasagot ang lagumang konsepto sa sitwasyong pangwika sa up lines na maiangkop mo sa iyong sarili at at Lagumang Pagsusulit.
pagsusulit. pelikula, dula, at sa text. ipaliwanag ang dahilan, anyo at paraan ng paggamit
Paano ginamit ang wika sa mga ng wika sa dalawang sitwasyon..
nasabing sitwasyon?
Rubriks
Pamantaya Napakagaling 8- Magaling 5-7 May Iskor
n 10 Kapasida
d 104
Kaisahan ng Nakapokus sa Paligoy-ligoy Walang
Nilalaman iisang paksang ang mga kabuluhan
tinatalakay detalye ang
isinulat at
hindi
malinaw
ang pinag-
uusapan
Empasis ng Malinaw na Sa una ay Malayo sa
mga detalye binibigyang-din nabigyang- paksa ang
ang mga diin ngunit sa tinatalakay
pangunahing daloy ng
pinag-uusapan usapan ay
pabago-bago
ng paksa
Malikhain Mahusay na Gumagamit Payak ang
(paggamit apggamit ng mga ng mga salita
ng salita at matatalinghagang matalinhagang at kulang
tayutay) salita at salita ngunit sa
makatawag- limitado pagpukaw
pansin lamang ng
damdamin
Kabuuan:
J. Karagdagang Gawain .
para sa takdang
aralin at remediation
IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80%
sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na
nangangangailangan
ng iba pang Gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial sa bilang ng
mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
estratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
nasolusyonan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa
kapwa ko guro?
Inihanda ni: Iniwasto ni: Ipinagtibay ni: Inaprubahan ni:

REINA V. ALMIRANTE ROSELYN M. LEO MARITES P. TORRES, PhD ALEX L. LEGURO EdD
Guro Subject Group Head 1B Asst. School Principal II Principal II

You might also like