Ap9 DLP

You might also like

You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III - CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
JOSEPHINE F. KHONGHUN SPECIAL EDUCATION CENTER

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9


IKATLONG MARKAHAN

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahaing
kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuting pamumuhay ng
kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga maga-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang
pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay
ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.

MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO


Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at mga pagtugon upang malutas ang mga suliraning
kaakibat ng implasyon.AP9MAK-IIId-8

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng apatnapu-limang (45) minutong talakayan sa ang mga mag-aaral ay
inaasahang makamit ang 80% na pagkatuto sa mga sumusunod:
a. Naipaliliwanag ang kahulugan ng implasyon
b. Nailalahad ang mga dahilan at konsepto ng implasyon.
c. Nakabubuo ng interview o talkshow, poster, slogan, pagbabalita o news casting
patungkol sa implasyon.

II. NILALAMAN
1. Paksa: Konsepto at Dahilan ng Implasyon
2. Sanggunian:
❖ MELC -AP9 Ekonomiks-Week4
❖ Self-Learning Module-3 - Konsepto- Dahilan- Epekto-At- Pagtugon-Sa- Implasyon p.5-6
❖ Self-Learning Module-4- Implasyon p.14
❖ https://youtu.be/LAWcoMiIDBQ?si=-YoMtEcXu6lIryeL

3. Kagamitang Panturo:
laptop, TV, chalk, blackboard, kagamitang biswal,

Wawandue, Subic, Zambales


09177141941
www.facebook.com/jfkspedcenter 307111@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III - CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
JOSEPHINE F. KHONGHUN SPECIAL EDUCATION CENTER

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Pambungad na Panalangin. Maari mo bang Pangungunahan ng isang mag-aaral ang


pangunahan ang isang panalangin. panalangin.

Bago tayo magsimula ng klase, maari bang Dadamputin ang mga basurang nakakalat sa
ayusin ang mga upuan, itabi o itago ang mga sahig at itatapon sa basurahan.
gamit na hindi kailangan na nasa lamesa.

Pagtala ng mga lumiban sa klase. Itatala ng kaliaim ang mga lumiban sa klase.
Ms. Secretary, wala bang lumiban sa araw
na ito?

Kung gayon mahusay. Magandang Umaga


Grade 9.

1. BALIK-ARAL:

Gawaing Guro Gawain ng Mag-aaral


Magkaroon muna tayo ng maikling balik-aral
tunkol sa ating nakaraang aralin.

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod


kita ay kabilang sa GNI o GDP. Handa na ba
kayo?
1. Kita ni Manny na isang Bicolano bilang GNI
isang chef sa isang restaurant sa
Thailand.
2. Kita ni Ethan mula sa kanyang GDP
paupahan sa Cavite.
3. Kita ni Mr. and Mrs. Cruz mula sa GDP
kanilang Beach Resort sa Batangas.
4. Kita ni Li Chun na isang Tsino mula sa GDP
kanyang pagawaan ng sapatos sa
Marikina.
5. Kita ni Nery bilang Teacher aid mula sa GNI
Princeton University sa U.S.

Magaling, dahil natatandaan niyo po ang ating


nakaraan aralin.
Gabay na tanong: Ang GDP po ay mga produkto na Gawa Dito sa
Ibigay nga muli ang simpleng depinisyon ng Pinas habang ang GNI naman po ay Gawa Ng
GDP at GNI class? Iba.

Wawandue, Subic, Zambales


09177141941
www.facebook.com/jfkspedcenter 307111@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III - CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
JOSEPHINE F. KHONGHUN SPECIAL EDUCATION CENTER

2. PAGGANYAK:

Gawaing Guro Gawain ng Mag-aaral


Bago tayo dumako saating bagong aralin ay
may larawan muna akong ipapakita sainyo.

Mula sa larawan ano ang inyong napapansin? Mula po sa larawan napansin ko po ang
ano kaya ang nais ipahiwatig ng larawan na Magkaibang presyo ng mga produkto.
ito?
Magaling! Meron pa ba? Mula po sa larawan napansin ko po ang
pagtaas ng mga presyo.
Mahusay! Kung dati ang presyo ng sardinas ay
12.50 pesos nagbago at naging 14.50 na.

Ngayon naman klas ano kaya ang ugnayan ng Ang larawan ay nagpapakita ng pagtaas ng
mga larawan na ito sa paksang tatalakayin presyo ng mga produkto na isang sulirinanin
natin ngayon? saating ekonomiya.
Okay sino ang makakasagot?

Mahusay!
Gabay na tanong:

Ikumpara ang mga presyo ng bilihin noon at Kung ipagkukupara ang mga produkto sa
ngayon meron bang naging pagbabago? larawan ay tumaas po ang presyo ng mga ito.

Very Good, habang lumilipas ang panahon ay


patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin.

Ano ang pinagkaiba ng presyo ng mga bilihin sa Noon po ay mura ang mga bilihin kumpara sa
larawan noon at ngayon? panahon ngayon na mahal na ang mga bilihin.

Magaling! Ngayon may ideya naba kayo tungkol Ang ating tatalakayin po ngayong araw ay ang
sa ating tatalakayin ngayong araw? pagtaas po ng presyo ng produkto.

Magaling! Ang ating tatalakayin ay ang pagtaas


ng presyo ng produkto o implasyon.

Wawandue, Subic, Zambales


09177141941
www.facebook.com/jfkspedcenter 307111@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III - CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
JOSEPHINE F. KHONGHUN SPECIAL EDUCATION CENTER

B. PAGLINANG NA GAWAIN:

Gawaing Guro Gawain ng Mag-aaral


Okay, sino sainyo ang may ideya tungkol sa Ang implasyon po ay ang pagtaas ng presyo ng
implasyon? Or inflation sa English? mga produkto sa pamilihan.

Tama! maari bang pakibasa ang depinisyon ng


implasyon?

Naapektuhan ng implasyon ang dami ng


produktong kayang mabili ng mga mamimili.

Ang halaga ng pamumuhay ay tumataas dati ay


nakakabili tayo ng karne ng manok sa
halagang 250 pesos ngayon ay nagkakahalaga
na ito sa 300 pesos per kilo
NOON =NGAYON
Suriin ang dalawang larawan, Ano ang inyong
napapansin class?

Ang napansin ko po sa larawan ay yung unang


basket ay puno ng mga groceries habang yung
pangalawang basket po ay konti nalang ang
laman.
Magaling! Dahil ito sa patuloy na pagbaba ng
salapi. Kung dati ang 1000 pesos ay napupuno
pa natin ang shopping basket ngayon ay hindi
na.

Kung ang tawag sa pagtaas ng presyo ng mga


bilihin ay implasyon ano naman kaya ang
tawag sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin
class?
Meron ba kayong ideya? Okay ito ay ang Deplasyon- nagaganap kapag may pagbaba sa
tinatawag na deplasyon. Maari mo ba itong halaga ng presyo ng mga bilihin
basahin?

Meron din tinatawag na hyperinflation, basahin Hyperinflation- patuloy na tumataas bawat


nga ito. oras ang presyo ng mga bilihin.

Ngayon na alam niyo na ang pinagkaiba ng


implasyon, deplasyon at hyperinflation dumako
naman tayo sa 7 konsepto ng implasyon at ito
ay mga:

Wawandue, Subic, Zambales


09177141941
www.facebook.com/jfkspedcenter 307111@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III - CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
JOSEPHINE F. KHONGHUN SPECIAL EDUCATION CENTER

Mga Konsepto ng Implasyon


❖ Boom
❖ Depression
❖ Slump
❖ Recession
❖ Stagflation
❖ Reflation
❖ Disimplasyon

Maari bang basahin ang unang konsepto. Boom- may Magandang takbo ng
ekonomiya,mababang antas ng trabaho at may
maayos nang pamumuhay.
Sa konsepto na boom ay Maraming tao ang
may trabaho at nakakapagtrabaho nang
maayos at sila rin ay may sapat na kita at
maaaring makabili ng mga pangunahing
pangangailangan. Ang halimbawa nito ay
kapag maraming negosyo ang nagbubukas,
mabilis ang pag-unlad ng industriya, at
maraming oportunidad para sa mga
manggagawa.

Ang ikalawang konsepto ay ang depression, Depression- pinakamababang antas ng


basahin nga ito. ekonomiya kung saan mataas ang antas ng
kawalan ng trabaho sa loob ng isang taon.

Ang depression ay ang kabaligtaran ng boom.


Maraming tao ang nawawalan ng trabaho, at
ang unemployment rate ay mataas. Sa
depression din ay ang mga tao ay nahihirapang
makabili ng mga pangunahing
pangangailangan. Ang halimbawa nito ay kapag
may malalaking krisis tulad ng COVID-19 o
pandemic.

Malinaw ba sainyo ang boom at depression? Opo!

Kung gayon ay maari bang basahin ang Slump- kasabay ng pagbagal ng ekonomiya ay
sumunod? may pagbaba sa presyo ng mga bilihin.

Ang slump naman ay nagaganap kapag


ang supply ng mga produkto at serbisyo ay
nababawasan dahil sa pagtaas ng mga gastos
sa produksyon, tulad ng mga hilaw na
materyales. Ang mga frozen product ba ay
ginagamitan ng raw materials? Opo! Ito po ay ang karne.

Wawandue, Subic, Zambales


09177141941
www.facebook.com/jfkspedcenter 307111@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III - CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
JOSEPHINE F. KHONGHUN SPECIAL EDUCATION CENTER

Magaling! Ang mga frozen product tulad ng


hotdog at longganissa ay ginagamitan ng raw
materials na karne na kung saan kapag
tumaas ang presyo ng raw materials na
ginagamit ay tataas ang presyo ng mismong
produkto. Malinaw ba ang halimbawa na ito? Opo, Teacher Judy!

Ngayon ay dumako tayo sa sumunod na Recession- pangkalahatang pagbaba ng


konsepto at ito ay ang recession, basahin nga ekonomiya sa loob ng isang buwan.
ito.

Sa ekonomiya, ang recesyon ay isang pag-


urong o pagliit ng siklo ng negosyo na isang
pangkalahatang pagbagal ng gawaing
ekonomika.

Sumunod naman ang stagflation, basahin nga Stagflation- may paghinto ng ekonomiya
ito. kasabay ng implasyon

Ang stagflation ay isang siklo sa ekonomiya na


kumakatawan sa mabagal na paglago, mataas
na kawalan ng trabaho, at pagtaas ng presyo.

Sumunod ay reflation, basahin nga ito. Reflation- ekonomiyang may bahagyang


implasyon.
Ang reflation ay may apat na halimbawa ito ay
ang pagtaas ng presyo ng langis, pagtaas ng
sahod, pagtaas ng demand at paglalabas ng
bagong pera. At ang panghuling konsepto ay Disimplasyon- proseso ng pagbaba ng mga
ang disimplasyon. presyo ng bilihin.

Malinaw ba ang pitong konsepto ng implasyon Opo!


klas?

Kung gayon naman ay alamin natin kung anu- Demand-pull inflation-


ano ang dahilan ng implasyon sa ating Ang demand pull ay nagaganap kapag mataas
ekonomiya. Una ay ang demand pull- inflation. ang demand ngunit hindi sapat ang supply ng
produkto.

Dahil dito nagkakaroon ng shortage sa


pamilihan kaya ang presyo ng bilihin ay
tumataas.

Ayon kay Milton Friedman nangyayari ang


demand-pull kapag marami ang salapi sa

Wawandue, Subic, Zambales


09177141941
www.facebook.com/jfkspedcenter 307111@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III - CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
JOSEPHINE F. KHONGHUN SPECIAL EDUCATION CENTER

sirkulasyon tumataas ang demand dahil


patuloy na bibili ng produkto ang mamimili. Cost-Push Inflation - Ang pagtaas sa alin man
Sunod ay, pakibasa. sa salik ng produksiyon ay makadaragdag
sagastusin ng produksiyon. Ang pagtaas na ito
sa gastusin ay idaragdag sa presyo ng mga
natatapos na produkto.
Ang cost-push naman ay nagaganap kapag
tumataas ang gastos ng producer sa
produksiyon.

Kung may isang salik sa produksiyon ang


tumaas, halimbawa, sa paggawa tumaas ang
sahod ng mga manggagawa ang gastos sa
produkto ay tataas gayundin sa presyo ng
produkto ay tataas din.

Malinaw ba ang ating naging talakayan


patungkol sa implasyon, konsepto nito at ang
dalawang dahilan nito? Opo!

Kung gayon ay magkakaroon tayo ng


pangkatang Gawain, hahatiin ko kayo sa apat
na grupo na may 11 na miyembro.

C. PANGKATANG-GAWAIN:

Gawaing Guro Gawain ng Mag-aaral


PANUTO: Bumuo ng apat na grupo na may 11 Grupo#1- Interview/ talkshow
na miyembro. Ipaliwanag o ipakita ang Grupo# 2- Poster
implasyon dito sa Pilipinas. Grupo#3- Slogan
Grupo#4- Pagbabalita o news casting.

RUBRICS FOR PERFORMANCE TASK


Pamantayan Puntos
Nilalaman 10
Pagkamalikhain 10
Kaayusan 10
Kabuuan: 30 pts.

D. PAGLALAHAT:

Gawaing Guro Gawain ng Mag-aaral


Ibigay nga ang muli ang kahulugan ng Ang implasyon ay ang pagtaas ng
implasyon? pangkalahatang presyon ng mga piling
produkto sa pamilihan.

Wawandue, Subic, Zambales


09177141941
www.facebook.com/jfkspedcenter 307111@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III - CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
JOSEPHINE F. KHONGHUN SPECIAL EDUCATION CENTER

Kung may pagbaba sa halaga ng presyo ng mga


bilihin ay tinatawag Deplasyon ano naman ang Ito po ay patuloy na tumataas bawat oras ang
Hyperinflation? presyo ng mga bilihin.

Magaling! Ibigay naman ang pito na konsepto


ng implasyon? Boom, depression, slump, recession,
stagflation, reflation at disimplasyon.

E. PAGLALAPAT: (LOCALIZATION)

Gawaing Guro Gawain ng Mag-aaral


Mahusay! Ngayon naman ako naman ay may
katanungan sainyo, bilang mag-aaral ano ang (Hahayaan ang estudyante na ibigay ang
iyong magagawang hakbang upang kaniyang sagot)
matulungan ang mga mamimili at nagtitinda
dito sa Subic?

F. PAGPAPAHALAGA:

Gawaing Guro Gawain ng Mag-aaral


Bilang isang mag-aaral bakit mahalaga na may (Hahayaan ang estudyante na ibigay ang
kaalaman ka sa pagtaas ng presyo ng mga kaniyang sagot)
bilihin?

IV. PAGTATAYA:

Panuto: Ibigay ang tamang kasagutan sa mga tanong.

1. Ito ang ang pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto sa pamilihan.
2. Ito ay patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin bawat oras.
3-4. Dahilan ng implasyon.
5.Ito ang proseso ng pagbaba ng mga presyo ng bilihin.
6-10. Ibigay ang mga konsepto ng implasyon.

V. KASUNDUAN:

1. Magsaliksik patungkol sa iba pang dahilan ng implasyon

Judy Anne H. De La Peňa


Gurong nagsasanay:

Bb. April L. Apilado


Guro:

Wawandue, Subic, Zambales


09177141941
www.facebook.com/jfkspedcenter 307111@deped.gov.ph

You might also like