You are on page 1of 14

Filipino 9

Ikatlong Markahan – Modyul 4:


Panitikan:Alamat ng India
“Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t
Dalawang Kuwento ng Trono”
Gramatika: Pang-abay
Filipino – Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Panitikang Asyano – Alamat ng India

Isinasaad sa Batas republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot ng kagawaran.

School Digitized Task Force in Filipino 9

Manunulat:
Hector S. Nipas
Rachel E. Onza
Erika Camille S. Ocampo
Mhelvin A. Abarabar

Tagasuri:
Manilyn M. Conte
Dona P. Tactaquin
Maria U. Cruz
Marissa M. Mamaril, EdD
Maria Sylvia M. Garcia, PhD
9
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Panitikan:Alamat ng India
“Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t
Dalawang Kuwento ng Trono”
Gramatika: Pang-abay
Alamin
Magandang araw!

Naging makulay ang naging pagtalakay mo sa ibang akdang panitikan, ngayon ay isang
akdang pampanitikan pa ang ating matutunghayan. Ito ay ang alamat na mula naman sa
bansang India.
Inaasahang matatamo mo ang sumusunod na mga Kasanayan sa Pampagkatuto sa
pagtatapos ng pag-aaral ng modyul na ito.
1. Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa
usapang napakinggan (F9PN-IIIf-53)
2. Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/ di makatotohanan ng akda
(F9PB-IIIf-53)
3. Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon , panlunan at pamaraan sa
pagbuo ng alamat (F9WG-IIIf-55)
Bago ka mag-umpisa ay subukin muna natin ang iyong kaalaman ukol sa tatalakaying
paksa. Handa ka na ba?

Subukin Mo
Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang uri ng akdang pampanitikan na tumatalakay sa pinagmulan ng mga bagay-
bagay.
A. Epiko B. Elehiya C. Alamat D.Maikling Kuwento
2. Ito ay ang tinuturing na pinakamataas sa uri ng kalagayang panlipunan ng India na
tumutukoy sa mga kaparian.
A. Brahman B. Kshatriya C. Vaishya D.Sudra
3. Bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa at kapwa pang-abay.
A. Pandiwa B. Pang-abay C. Pangngalan D.Pang-uri
4. Ngayong taon, ang Pilipinas ay dumaranas ng matinding suliranin dulot ng Covid-19. Ang
salitang may salungguhit ay anong uri ng pang-abay?
A. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan
5. Anong uri ng pang-abay ang nagsasaad ng lugar na sumasagot sa tanong na saan?
A. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan

1
Aralin A. Panitikan: Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang
Kuwento ng Trono

4 Alamat ng India
B. Gramatika/Retorika: Pang-abay

Panimula
Ngayong araw ay lalakbayin natin ang bansang India sa pamamagitan ng isa sa
pinagmamalaking alamat ng India. Naglalaman ang araling ito ng alamat na pinamagatang
“Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono”. Bahagi rin ng pagtalakay
ang tungkol sa pang-abay.
Alam mo ba na ang India ay kilala sa apat na uri ng kalagayang panlipunan na tinatawag
nilang varnas o caste system?
Ang pinakamataas sa mga ito ay ang Brahman o mga kaparian; sunod ang uring
Kshatriya o mga mandirigma; pangatlo ang Vaishya o mga mangangalakal at panghuli ang
Sudra o mga manggagawa.
Ang mataas na pagtingin sa mga Brahman o Brahmin ay nagsimula pa noong panahong
Vedic. Magmula noon hanggang ngayon, wala nang masyadong nagbago sa ganitong
pagtingin kaya naman ang mga Brahman ay patuloy pa ring nakatatanggap ng pagkilala
subalit ito’y hindi na naisasalin sa material na benipisyo sapagkat hindi na ito tinatanggap
sa kasalukuyan.

Balikan
Gawain 1:
Panuto: Tukuyin ang pinag-ugatang salita ng mga sumusunod na salita.

1. Kalendaryo

2. Panitikan

3. Bolpen

2
Tuklasin
Magaling!
Matagumpay mong naisagawa ang gawain. Alam kong handa ka nang mag-aral ng
akdang tatalakayin.
Gawain 2
Panuto: Sa pamamagitan ng concept map, magtala ng mga impormasyon tungkol sa bansang
India.

INDIA

Mahusay! Talaga namang may kaalaman ka na patungkol sa India.


Tunghayan natin ngayon ang kuwento ng isang Brahman na mula sa isa sa
pinagmamalaking alamat ng India, “Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng
Trono” na kilala sa ngayon bilang “Simhasana Battisi”.

“Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono”


(Simhasana Battisi)
Isang Alamat mula sa India
May isang binatang kasama ang kanyang ina na may-ari ng maliit na dampa at
kapirasong lupang tinatamnan ng gulay. Dahil sa pagnanais ng binatang Brahman, na
magkaroon ng asawa, nangutang siya sa kanilang kamag-anak at kaibigan. Natuloy ang kasal
dahil sa limpak-limpak na pera na ibinigay sa kanila. Ang kanyang asawa ay nangangalang
Mela.
Laging pinag-iingat si Mela ng ina ng binata dahil sa mga shakchunni o mga espiritu na
may hangad na magpanggap bilang asawa. Naubusan na ng salapi ang mag-asawa at umalis
ang binata sa kanilang tirahan para magtrabaho. Narinig ito ng isang espiritu na narinig ang
pag-uusap ng mag-asawa ang nagpalit-anyo para maging asawa ni Mela pagkatapos umalis
ang kanyang asawa.
Ang totoong Brahman ay nagsipag sa kanyang trabaho sa lungsod. Noong pag-uwi niya
sa kanilang tirahan, nagulat siya dahil may lalaking kamukhang-kamukha niya. Sobrang litong-
lito si Mela at ang ina ng Brahman kung sino ang totoong Brahman. Sumangguni sila sa raha
para mairesolba ang kaso ngunit hindi rin nairesolba ang kaso.
Habang papauwi na siya mula sa korte ng raha, nakita siya ng isang bata at tinanong
kung bakit siya malungkot. Pagkatapos niya ito sagutin, sinamahan siya sa isang batang
nakaupo sa bunton ng lupa. Kinuwento ng totoong Brahman ang pangyayari at sinabi ng bata

3
na papuntahin ang nagbabalat-kayong espiritu sa kanya. Pumunta rin ang raha para makita
kung paano maireresolba ang kaso.
May isang pagsubok ang pinagawa ng bata sa kanilang dalawa. Ang unang makapasok
sa garapon ang siyang panalo. Katuwiran ng totoong Brahman na paano siya magkakasiya
riyan habang ang impostor ng Brahman ay nagpalit-anyo bilang hangin at pumasok sa
garapon, dalidali na tinakpan ng bata ang garapon at nakulong na ang espiritu.
Namangha ang raha sa kanyang nakita at tinanong ang batang nakaupo sa bunton ng
lupa, kung paano niya ito nagawa. Sabi ng bata na ang bunton ng lupa ay kanilang nadiskubre
habang sila ay nagpapastol at nalaman nila na ang lupa ay nagbibigay ng pambihirang
katalinuhan sa sinumang umupo rito. Pinautos ng raha ang pagbungkal ng lupa para makita
kung ano ang laman ng bunton ng lupa.
Nakita ng raha ang isang trono na may tatlumpu’t dalawang anghel sa paligid nito. Sabi
ng mga anghel na ang trono ay pagmamay-ari ng dakilang Raha Vikramaditya. Sa huli ay
binuhat ng mga anghel ang trono papalayo nang papalayo sa raha hanggang napaisip nalang
ang raha na hindi niya taglay ang mga katangian tulad ng kabutihan, lubos na katapatan,
pagiging patas, at walang kinikilingan.
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-ang-pinagmulan-ng-tatlumput-dalawang-kuwento-ng-
trono?from_action=save

Suriin
Magaling! Ngayon naman ay suriin natin ang nilalaman ng alamat batay sa pinakitang
kilos o gawi ng mga tauhan.
Gawain 3: Pag-unawa sa Akda
1. Bakit kaya kinailangang umalis ng binatang Brahman sa kanilang bayan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

2. Paano nalinlang ng espiritu ang matandang ina at ang kaniyang asawa na ang Brahman nga
ang kumakatok sa kanilang pinto?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

3. Ano ang naging pagkukulang ng tunay na Brahman kaya’t hindi man lang nagduda ang
kaniyang ina at asawa na hindi ang tunay na Brahman ang kanilang kaharap?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

4
4. Bakit maging ang raha ay hindi rin makapagdesisyon kung sino ang kikilalaning tunay na
Brahman?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

5. Sino ang nakatulong sa binata? Isalaysay ang mga pangyayari.


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Pagyamanin
Pagyamanin

Alam mo ba ...
na ang akdang ating binasa ay isang alamat? Ang alamat ay isang akdang pampanitikan
na likhang-isip at nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay-bagay. Nagpapakita ito ng mga
pangyayaring makatotohanan at di-makatotohanan.
Isa sa makikita nating hindi makatotohanan sa akda ay ang pangyayari sa bata na noong
maupo siya sa trono ay nagkaroon siya ng pambihirang katalinuhan.
Ang pangyayaring makatotohanan naman sa akda ay ang pangingibang-bayan upang
maghanapbuhay sa pagnanais na magkaroon ng magandang buhay. Marami sa atin ngayon na
handang magtiis kahit na mapalayo sa kanilang mga mahal sa buhay para lamang mabigyan
sila ng magandang kinabukasan.

Gawain 4.
Pumili ka ng iba pang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng pagkamakatotohanan at di-
makakatotohanan. Gayahin mo ang pormat na ito.

Makatotohanan/Di-
Pangyayari sa Akda Patunay
Makatotohanan

Mahusay! Talaga namang pinamalas mo ang iyong galing sa pagsagot sa mga


gawaing inihanda ko para sa iyo!
Ngayon naman ay palalawigin pa natin ang inyong kaalaman tungkol sa gramatika.

5
B. Gramatika
Pag-aralan mo naman ngayon ang tungkol sa tatlong uri ng pang-abay.

Basahin natin ang mga sumusunod na pahayag na hango mula sa alamat na ating pinag-
aralan, “Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono.”
a. Maingat nga niyang itinatali ang kanyang buhok sapagkat alam niyang sa dinaraanan
niyang mga puno ay may nakatirang shackchunni, isang espiritu ng maybahay na
walang ibang hangad kundi magpanggap bilang asawa.
Pero tandaan mo, kapag nabigo ka, parurusahan ka nang mabigat.
b. Araw-araw ay pumupunta ang tunay na Brahman sa Korte ng raha. Ngunit hindi niya
nakumbinsi ang raha na isang nagpapanggap na espiritu ang dahilan ng pagkawala ng
kanyang mga mahal sa buhay.
Pumarito ako ngayong umaga sapagkat ipinangako mong lulutasin ang misteryong
lumilito sa akin, matigas na sabi ng raha sa bata.

c. “Ibibigay ko ang hatol bukas ng umaga, pero papuntahin mo rito ang raha at ang
kanyang mga ministro at lahat ng tao sa bayan.
Agad siyang nag-anyong hangin at isinilid ang sarili sa loob ng bote.

Ang mga unang pahayag ay nagsasaad ng paraan kung paano isinagawa ang
kilos. Samantalang ang pangalawang pahayag naman ay nagsasaad ng panahon kung
kailan isinagawa ang kilos. Ang pangatlong pahayag naman ay nagsasaad ng lugar o
pook na pinangyayarihan ng kilos.
Tinatawag na pang-abay ang mga salitang nasalungguhitan. Ang pang-abay o
adverb kung tawagin sa Ingles ay mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa
pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamanahon
- nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa:
Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas.
a. May pananda: nang, sa, noon, kung, kapag, buhat, mula, umpisa, hanggang.
Halimbawa:
Maaari pa bang magsumite ng awtput hanggang Lunes?
Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan.
( Sa unang pangungusap ang pang-abay na pamanahon ay ang hanggang
lunes sapagkat ito ay sumasagot sa tanong na kailan maaaring magsumite ng
awtput. Sa pangalawang pangungusap naman ang pang-abay na ginamit ay ang
umpisa bukas sapagkat nagpapakita ng panahon kung kailan siya manunuluyan.)

6
b. Walang pananda: kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali atbp.
Halimbawa:
Manonood kami mamaya ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika-60 kaarawan.

(Sa unang pangungusap ang ginamit na pang-abay ay mamaya samantalang


sa pangalawang pangungusap ay ngayon. Ang mamaya at ngayon ay mga pang-
abay na pamanahon sapagkat ang mga ito ay sumasagot sa tanong na kailan.)

c. Nagsasaad ng dalas:araw-araw, tuwing umaga, taon-taon atbp.


Halimbawa:
Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan.
Kumakain ako ng gulay araw-araw upang mapanatili ang aking kalusugan.
(Sa dalawang pangungusap na nasa itaas, ang mga pang-abay na ginamit ay
tuwing Mayo at araw-araw. Ang mga ito ay pang-abay na pamanahon sapagkat
nagpapakita ng tiyak na oras/panahon kung kailan ginawa/ginagawa/
isasagawa ang kilos.)

2. Pang-abay na Panlunan
- tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa.
Karaniwang ginagamit ang pariralang sa, kay o kina. Ito ay sumasagot sa tanong na
saan.
Sa- ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.
Kay/kina- ginagamit kapag ang kasunod ay pangalang pantanging ngalan ng tao.
Halimbawa:
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
Pupunta ako kina Aling Ingga upang makiramay sa namatay niyang asawa.
Tumira siya sa gubat ng labimpitong taon.
( Sa unang pangungusap ang pang-abay ay ang sa kantina. Sa pangalawang
pangungusap naman ay kina Aling Ingga. Ang mga ito ay mga pang-abay na
panlunan sapagkat ito ay sumasagot sa tanong na saan.)

3. Pang-abay na Pamaraan
-naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinapahayag ng pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/ ng. Ito ay
sumasagot sa tanong na paano.
Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Bakit siya umalis na umiiyak?
( Sa unang pangungusap ang pang-abay ay ang nang mahigpit. Sa
pangalawang pangungusap naman ay umiiyak. Ang mga ito ay mga pang-abay na
pamaraan sapagkat ito ay sumasagot sa tanong na paano isinagawa ang kilos.)

7
Gawain 5:
Panuto: Salungguhitan ang pang-abay na ginamit sa bawat pangungusap at tukuyin ang uri
nito.
______________1. Nagbakasyon ang mag-asawang Lino at Lina sa Tagaytay.
______________2. Pupunta kami sa Singapore sa susunod na taon kapag wala na ang
pandemya.
______________3. Magkikita kami ni Nena sa paaralan bukas ng umaga.
______________4. Masayang ikinuwento nina Lino at Lina ang kanilang karanasan sa
bakasyon.
_____________5. Tahimik na nakinig sa kuwento nina Lino at Lina ang kanilang kaibigan na
si Jessa.

Isaisip
Binabati kita dahil matagumpay mong naisagawa ang mga naunang gawain sa modyul na
ito. Sa bahaging ito, sagutin mo ang sumusunod upang mailahad ang mga natutunan mo sa aralin

Gawain 6
Panuto: Kompletuhin ang mga sumusunod na pahayag.
1. Sa araling ito, natuklasan ko na ang alamat ay _______________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
2. Ang mahalagang kaisipan na natutunan ko sa alamat na “Ang Pinagmulan ng
Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono” ay _________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
3. Mahalaga ang gamit ng pang-abay sapagkat _________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

Isagawa
Gawain 7
Panuto: Kung ikaw ang nasa katayuan ng Brahman, ano-anong hakbang ang gagawin
mo upang mapatunayang ikaw ang nagsasabi ng totoo? Mag-isip ka ng mga estratehiya at
ilahad sa tsart.
Mga Estatehiyang Gagawin

Unang Hakbang Unang Hakbang Unang Hakbang

Paano Isasagawa Paano Isasagawa Paano Isasagawa

8
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang uri ng akdang pampanitikan na tumatalakay sa pinagmulan ng mga bagay-
bagay.
A. Epiko B. Elehiya C. Alamat D. Maikling Kuwento

2. Ito ay ang tinuturing na pinakamataas sa uri ng kalagayang panlipunan ng India na


tumutukoy sa mga kaparian.
A. Brahman B. Kshatriya C. Vaishya D.Sudra

3. Ang alamat na “Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono” ay kilala


ngayon bilang ano?
A. Simbasana Battisi B. Vaste C. Alamat ni Raha Vikramaditya D. Simhasana Battisi

4. Ano ang mangyayari kapag naupo sa trono na may tatlumpu’t dalawang anghel?
A. mamamatay B. magkakaroon ng kakaibang katalinuhan
C. yayaman D. magkakaroon ng buhay na walang hanggan

5. Sino ang nagmamay-ari ng trono na may tatlumpu’t dalawang anghel?


A. Raha Vikramaditya B. Raha Sulayman C. Raha Vladimir

6. Bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa at kapwa pang-abay.


A. Pandiwa B. Pang-abay C. Pangngalan D.Pang-uri

7. Ngayong taon, ang Pilipinas ay dumaranas ng matinding suliranin dulot ng Covid-19. Ang
salitang may salungguhit ay anong uri ng pang-abay?
A. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan

8. Anong uri ng pang-abay ang nagsasaad ng lugar na sumasagot sa tanong na saan?


A. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan

9. Si Ana ay nag-aaral nang mabuti upang makakuha siya ng mataas na marka. Ano ang
ginamit na pang-abay sa loob ng pangungusap?
A. Si Ana B. nag-aaral C. nang mabuti D. mataas na marka

10. Taon-taon ay nagmamahal ang presyo ng mga bilihin. Anong uri ng pang-abay na
pamanahon ang taon-taon?
A. may pananda B. walang pananda C. nagsasaad ng dalas

9
Karagdagang Gawain
Gawain 8:
Panuto: Sumulat ng maikling alamat tungkol sa bagay, lugar, tao o pagkain na makikita sa
inyong barangay. Sikaping gumamit ng mga pang-abay sa lilikhaing alamat.

PAMAGAT

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

10
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1. C
2. A
3. B
4. A
5. B
Gawain 1
1. mula sa litang Kastila na calendario
2. mula sa salitang-ugat na “titik”
3. mula sa salitang Ingles na ballpen
Gawain 2 Iba-iba ang sagot
Gawain 3 Iba-iba ang sagot
Gawain 4 Iba-iba ang sagot
Gawain 5
1. sa Tagaytay - Panlunan
2. sa Singapore -Panlunan / sa susunod na taon – Pamanahon
3. sa paaralan – Panlunan / bukas ng umaga – Pamanahon
4. masaya – Pamaraan
5. tahimik - Pamaraan

Gawain 6 Iba-iba ang sagot


Gawain 7 Iba-iba ang sagot
Gawain 8 Iba-iba ang sagot

Tayahin
1. C
2. A
3. D
4. B
5. A
6. B
7. A
8. B
9. C
10. C

Sanggunian:
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-ang-pinagmulan-ng-tatlumput-dalawang-kuwento-ng-
trono?from_action=save
noypi.com.ph/pang-abay/
slideshare.net/mobile/carolenenicolas
Pinagyamang Pluma 9

11

You might also like