You are on page 1of 11

EPEKTO NG DISKRIMINASYON AT PAMBUBULAS SA KALUSUGANG

PANGKAISIPAN AT PANG EMOSYONAL NG MGA MAG-AARAL SA IKA SAMPUNG


BAITANG NG LALA NATIONAL HIGHSCHOOL

Isang Pananaliksik Bilang Pagpapatupad at Pangangailangan sa Asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Senior High School Department Lala National High School
Maranding, Lanao Del Norte

Nina

Bagiuo, Josh

Cawasa, Al-Rasheed D.

Canillas, Meccah B.

Cantalejo, Khean Jean M.

Magallanes, Mary Claire

Suminguit, Erica M.
TSAPTER 1

INTRODUKSYON

Sa nagdaang mga panahon, laganap na ang diskriminasyon at pambubulas sa

kahit saan mang panig ng mundo, lalong-lalo na sa ating bansa. Sa kasalukuyan,

lumaganap pa rin ito at mas lalong lumalala. Isa ang paaralan sa lugar kung saan

talamak ang diskriminsayon at pambubulas, sa kasamaang palad ito ay kadalasan

nararanasan ng mga mag-aaral. Ilan sa mga kadahilanan nito ay ang relihiyon,

kasarian, katayuan sa buhay, kulay ng balat, pisikal na abilidad, atbp. Naging parte

na ng buhay natin ang mga ito, kung kaya’t lahat tayo ay minsan na ring nakarasan

nito.

Ang diskriminasyon ay ang pagtatrato sa isang tao ng masama dahil sa kanilang

lahi, kapansanan, kasarian o iba pang pampersonal na mga katangian. Hindi

makakailang mahirap itong iwasan, lalo pa’t ang mundo na ating ginagalawan ay

napupuno ng mapanghusgang mga tao. Ayon pa kay Mahatma Gandhi, “Ang

diskriminasyon sa isang tao ay diskriminasyon laban sa lahat”, ang diskriminasyon ay

maaaring magpatama rin sa mahigit sa isang tao, o isang grupo. Nabanggit ding may

uri ng diskriminasyon, isa na rito ang Direktang diskriminasyon,

Ang direktang diskriminasyon ay nangangahulugan na pagtatrato sa isang tao

nang naiiba dahil sa palagay mo siya ay naiiba sa iyo. Ito ang uri ng diskriminasyon

na kadalasang nararasanan ng mga estudyante. Natatrato ng ibang mag-aaral ang

kapwa nila mag-aaral ng hindi patas o di-maganda sa kadahilanang magkaiba sila ng

katayuan sa buhay, kasarian, kakayahan, atbp. Sa makatuwid, maaaring mag iba ang

pagtingin ng isang mag-aaral sa kanyang sarili dahil sa diskriminasyong naranasan.

Sa kabila ng pagkakaroon ng batas na "Anti-Discrimination Bill”, ay hindi naman ito

alam ng lahat, iilan lamang ang may alam nito at iilan lamang din ang mga mag aaral

na nakakaalam ng batas na ito.


Samantala’y danas man ang diskriminasyon, ay hindi lamang ito ang nararanasan

ng mga mag aaral sa paaralan. Isa na rin ang pambubulas sa lumalaganap ngayong

kasalukuyan. Ayon kay Juan Miguel Severo, ang pambubulas ay ang paggamit ng

kapangyarihan, posisyon, o impluwensya upang mang-api, manakit, o gawing

masama ang isang tao o grupo ng mga tao. Ito ay hindi lamang limitado sa pisikal na

pang-aapi kundi maaari rin itong magpakita sa iba't ibang anyo tulad ng

pangungutya, panglalait, at pagbibigay ng hindi makatarungang pagtrato. Maraming

uri ng pambubulas ang danas ng mga mag aaral. Ito ay ang mga sumusunod;

pasalitang pambubulas, sosyal o relasyon na pambubulas, at pisikal na pambubulas,

pambubulas sa emosyonal na anyo, at pambubulas sa cyber.

Ang pasalitang pambubulas ay pagsasalita o pagsusulat ng masasamang salita

laban sa isang tao, gaya ng panunukso, pang-aasar, pang-mumura, pamamahiya,

pang-iinsulto, pangangantyaw at pangungutya. Ang sosyal o relasyon na pambubulas

naman ay may layuning sirain ang reputasyon at ang pakikipag-ugnayan sa ibang

tao, ilan na rito ang panghihikayat sa ibang mag aaral na huwag makipagkaibigan sa

isang partikular na indibidwal o pangkat, pagkakalat ng tsismis na magpapahiya sa

isang tao sa harap ng nakararami at hindi pagtanggap sa isang tao o sadyang pag-

iiwan sa kaniya sa maraming pagkakataon, habang ang pisikal na pambubulas

naman ay pisikal na pananakit sa isang indibidwal o pangkat at paninira ng kaniyang

mga pag-aari, ang halimbawa nito ay panununtok, paninipa, pananampal,

pangungurot, at iba pang pisikal na pananakit sa isang tao, pambubulas sa

emosyonal na anyo ay kadalasang nagaganap sa pamamagitan ng pangungutya,

panglalait, o pagtanggi sa pagtanggap at ang panghuli ay pambubulas sa cyber, ito ay

kadalasang nagaganap sa pamamagitan ng social media, email , facebook at iba pang

mga social media platforms. Magkaiba-iba man ang mga uri ng pambubulas na

nabanggit, parehas lamang ang nadudulot ng mga ito,


Alam ng karamihan ang batas na nagbabawal ng pambubulas (Republic Act 10627

o Anti-Bullying Act of 2013), ngunit sa kasamaang palad ay marami parin ang

nakararanas nito. Batay sa sarbey ng Philippine Star Ngayon, natatayang nasa

mahigit 17.5 milyong estudyante nabu-bully sa paaralan. Sa pagdinig ng Senate

Committee on basic education, ibinuyag din ni Senador Sherwin Gatchalian,

chairman ng komite ang nakakabahalang istatistika kung saan isa ang Pilipinas sa

mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga kaso ng pambubulas sa mga

estudyante. Ikinagulat din ni Gatchalian ang nakuhang datos mula sa Program for

International Student Assessment (PISA) kung saan lumalabas na mahigit sa 17.5

milyong estudyante sa bansa ang nakakaranas ng pambu-bully na kinumpirma rin ng

Child Protection Network Foundation (CPNF) sa naturang pagdinig. Nakakabahala ang

kinalabasan ng porsyento kung kaya’t labis itong nakaka alarma.

Sa pagwawakas, ang layunin naming mga mananaliksik ay malaman ang mga

epekto ng diskriminasyon at pambubulas sa kalusugang pangkaisipan at pang-

emosyonal ng mga mag-aaral sa ika-sampong baitang ng Lala National High School.

Sa pamamagitan nito ay maaari nating malaman ang solusyon o kung paano sugpuin

at mawala ang isyu na ito na hindi lamang napapanahon ngayon ngunit lumaganap

narin sa mga nagdaang henerasyon.


1.1 Paglalahad ng Suliranin

Ang pagtaas ng insidente ng diskriminasyon at pambubulas ay nagdudulot ng

malalim na epekto sa kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal ng mga taong

naapektuhan, lalo na sa mga mag-aaral sa paaralan ng Lala National High School.

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paglalahad ng epekto ng diskriminasyon at

pambubulas sa kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal ng mga mag-aaral.

Kaugnay nito, ninanais ng mga mananaliksik na masagot ang mga sumusunod na

katanungan.

1. Ano-ano ang ang epekto ng diskriminasyon at pambubulas sa mga mag-aaral ng

Lala National High School?

2. Paano nakaka-apekto ang diskriminasyon at pambubulas sa kalusugang

pangkaisipan ng mga mag-aaral ng Lala National High School.

3. Paano maaaring maibsan o maiwasan ang epekto ng diskriminasyon at

pambubulas sa kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal ng mga mag-aaral ng

Lala National High School? At ano ang mga potensyal na solusyon o hakbang na

maaaring gawin upang labanan ang diskriminasyon at pambubulas at mapabuti ang

kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal ng mga naapektuhan?

1.2 Kahalagaan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing gabay sa mga sumusunod:

Guro. Ang pananaliksik na ito ay nakatutulong sa kanila upang mabigyang pansin

ang mga mag-aaral na nakaranas o nakakaranas ng diskriminasyon at pambubulas

nang sa gayon ay makagawa sila ng agarang aksyon at suporta sa mga mag-aaral na

biktima.
Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay nakatutulong sa mag-aaral sa pamamagitan

ng pag unawa kung ano ang naidudulot ng diskriminasyon at pambubulas sa

kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal sa kapwa mag-aaral.

Magulang. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maaaring mabigyang pansin

ang kanilang mga anak upang mabigyan ng aral patungkol sa epekto ng

diskriminasyon at pambubulas sa kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal ng

mga mag-aaral.

Mananaliksik. Nakatutulong ang pag-aaral na ito sa mga mananaliksik sa

pamamagitan ng pagdiskubre sa epekto ng diskriminasyon at pambubulas sa

kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal na sa buhay ng isang mag-aaral.

1.3 Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral sa ika-sampung

baitang ng Lala National High School. Layunin nitong suriin ang epekto ng

diskriminasyon at pambubulas sa kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal ng

mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga isyung kaugnay ng

diskriminasyon at pambubulas na maaaring makaapekto sa kalusugang pangkaisipan

at pang-emosyonal sa mga mag-aaral.

Maaaring magkaroon ng iba’t ibang epekto ang diskriminasyon at pambubulas sa

mga mag-aaral. Maaaring magdulot ito ng ng mababang pagtititwala sa sarili,

depresyon, anxiety at iba pang mga isyung pangkaisipan at pang-emosyonal.

Mahalaga na malaman ang mga epekto nito upang makahanap ng mga paraan kung

paano ito mababawasan o maiiwasan.


1.4 Depinisyong ng mga Termino

Upang mas madaling maunawaan ng mga mambabasa ay binigyang kahulugan

ang mga terminong nabanggit sa pag-aaral.

Direktang Diskriminasyon. Ito ay tahasan o direktang nararanasan mula sa

kasarian, grupo ng mga tao o orginasyon.

Diskriminasyon. Ito ay hindi makatarungang pagtrato sa mga tao dahil sa pagkaiba

ng kanilang mga katangian.

Emosyonal na Kalusugan. Tungkol sa kung ano ang nararamdaman natin tungkol

sa ating sarili, kung paano nating pangangasiwaan ang mahihirap na sitwasyon, at

kung paano natin kinikilala ang ating sarili at damdamin ng ibang tao.

Kalusugan ng Isip. Isang estado ng mental na kagalingan na nagbibigay-daan sa

mga tao na makayanan ang mga stress sa buhay, mapagtanto ang kanilang mga

kakayahan, matuto ng mabuti, magtrabaho nang maayos at mag-ambag sa kanilang

komunidad.

Pambubulas. Ang pang-aapi ng isang tao sa isang tao dahil sa nakita niyang

kapansanan o hindi kanais-nais sa isang tao.

Pasalitang Pambubulas. Isang uri ng pambu-bully kung saan pananalita ang

ginagamit. Halimbawa nito ay ang panunukso, panlalait, pang-aasar, paninigaw,

pagmumura, pang-iinsulto, pagpapahiya sa harap ng maraming tao at iba pa.


Pisikal na Pambubulas. Ito ay ang pisikal na pananakit at paninira ng kanyang pag-

aari at dito papasok ang sinasabing panununtok, paninipa, pananampal,

pangungurot at iba pa.

Sosyal o Relasyon na Pambubulas. Isang uri ng pambubulas kung saan ay sinisira

ang reputasyon at pakikitungo sa ibang tao ng mga nabibiktima.

1.5 Batayang Konseptwal

Makikita sa grapiko na ito ang mga kahalagahan ng pag-aaral at epekto ng

diskriminasyon at pambubulas sa kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal ng

mga mag-aaral sa ika sampung baitang sa Lala National High School at alamin ang

solusyon na dapat gawin.

Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol Awput

Epekto ng diskrimina-
syon at pambubulas sa
pang-kalusugang pang
kaisipan at
pang-emosyonal.
1.6 Batayang Teyoritikal

Ang teoryang “Social Identity” (Tajfel & Turner, 1979) ay naglalahad na ang mga

proseso ng pag-iisip at mga panlipunang kondisyon na nagdudulot ng mga pag-uugali

sa pagitan ng mga pangkat, lalo na ang mga nauugnay sa pagkakaroon ng

diskriminasyon at pambubulas. Ang pagiging biktima ng pambubulas at

diskriminasyon ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng negatibong pananaw sa

sarili ng isang indibidwal. Kung patuloy na naipapakita sa isang mag-aaral na hindi

sya tanggap sa lipunan dahil sa kanyang lahi, relihiyon, kasarian, o iba pang

kadahilanan, maaaring mabawasan ang kanyang pagtitiwala sa kanyang sarili at

pagkakakilanlan. Ito ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng negatibong pananaw

sa sarili at kawalan ng kumpyansa sa sarili.

Isa din ang teoryang “Cognitive Dissonance Theory” (Festinger, 1957) sa may

koneksyon tungkol sa mga diskriminasyon at pambubulas. Ito ay naglalahad ng may

pagpapahiwatig na mayroon tayong panloob na pagnanais na panatilihin ang lahat ng

ating mga saloobin at pag-uugali sa pagpapantay o di-pagpapantay. Kapag ang isang

mag-aaral ay diskriminado o binubully, maaaring magkaroon siya ng kognitibong

dissonance sa pagitan ng kanyang sariling karanasan at ang mga inaasahan na pag-


trato mula sa ibang tao. Ito ay maaaring magdulot ng stress at kawalan ng katiyakan

sa sarili.

You might also like