You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

REGION XII
UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO
Kabacan, Cotabato

COLLEGE OF EDUCATION

PANG-ARAW-ARAW NA MASUSING BANGHAY ARALIN

GRADE 1 School UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO Grade Level 6


to 12 Teacher REYNAN ZAMORA Learning Area ARALING PANLIPUNAN
DLP/HLP Teaching Dates and Time MARCH 20, 2024 Quarter 3

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa ilang mga hamong pampolitika, pang-ekonomiya at pangsosyo-
kultural na kinaharap ng mga Pilipino bilang isang malayang bansa mula 1946 hanggang 1986

B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng adbokasiya na nagpapakita ng pagmamalaki sa pagpupunyagi ng mga Pilipino sa


ilang mga hamong pampolitika, pang-ekonomiya at pang-sosyokultural na kinaharap ng mga
Pilipino bilang isang malayang bansa mula 1946 hanggang 1986

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa kasarinlan at


pagkabansa ng mga Pilipino sa ilalim ng Batas Militar

Pangkabatiran Nakabibigay ng mga pangyayaring nagbigay daan sa pagtakda ng Batas Military;


Saykomotor Nakagagawa ng maikling pagsasadula tungkol sa dahilan ng pagtakda ng Batas Militar; at
Pandamdamin Napapahalagahan ang pag-aaral ng mga salik na nagbigay daan sa paglaganap ng Batas Militar
sa pamamagitan ng repleksiyon.

II. NILALAMAN/PAKSANG ARALIN Mga Salik na Nagbigay-daan sa Deklarasyon ng Batas


Militar
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian: Vivar, Teofista L., PhD., et. al. 1997
Pilipinas: Kasaysayan at Pamahalaan, Batayang Aklat sa Unang Taon.

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro


2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang 2-10
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk 191-195

4. Karagdagang Kagamitan mula sa Araling Panlipunan Alternative Delivery Mode CO_Q4_AP 6_Module 1
portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Printed paper. DLP Projector, Cartolina, Pentel Pen, Tape, Laptop, TV

IV. PAMAMARAAN Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


Paunang Gawain
a. Panalangin
➢ Hinihiling na lahat ay tumayo para
sa ating Muslim at Christian na
panalangin. ➢ Amen…

b. Pagbati
➢ Magandang umaga sa ating lahat. ➢ Magandang umaga din po, tiser,
Magandang umaga mga kamag-aral,
Magandang umaga sa lahat.

➢ Maaari nang umupo ang lahat. ➢ Maraming salamat po, titser.

c. Pagtataya ng lumiban sa klase


➢ May lumiban ba sa araw na ito? ➢ Wala po titser.
d. Pagbibigay ng Pamantayan sa Klase
➢ Ano-ano ang mga pamantayang
dapat sundin kapag nagsisimula
na ang klase? ➢ Maupo nang maayos.
➢ Makinig sa guro.
➢ Itaas ang kanang kamay kung nais
sumagot.
➢ Huwag makipag-usap sa katabi ng mga
walang kabuluhan.
➢ Maging aktibo sa talakayan at mga
gawain
➢ Igalang hindi lamang ang guro gayundin
ang kapwa mag-aaral

➢ Maaasahan ko ba lahat ng inyong


sinabi? ➢ Opo, titser.

e. Pagwawasto ng Takdang Aralin


➢ May, takdang aralin ba kayo mga
bata? ➢ Opo, titser.
➢ Pakipasa ang inyong mga
takdang aralin.

A. Balik-aral sa Nakaraan Aralin at/o Panuto: Magbigay ng positibo at


Pagsisimula ng Bagong Aralin negatibong epekto ng Paggamit ng mass
media.

Positibo
1. ➢ Nagiging updated tayo sa mga ganap sa
2. ating kapaligiran.
➢ Madami tayong malalaman at nauunawaan
Negatibo sa nangyayari sa ating paligid
1.
2.
Pangkatang Gawain: 4 Pics, 1 Word ➢ Madaming nagkakalat na fake news.

Panuto: Alamin ang mga salita na nakaugnay sa apat na larawan. Gawin ito sa loob
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin Pangkatang Gawain: 4 Pics, 1 Word
dalawang minuto. Ang unang makabuo ng salita at maidikit sa pisara ay makakatang
Panuto: Alamin
Katibayan ang mga salita nanapangkat.
sa pinakamahusay
nakaugnay sa apat na larawan.

_ _ _ __ __ ______ _ __ ____ _ _ _ _ BATAS MILITAR


C G H T CI MGLHI T I M L I
RMATR B SMAAAT B S A A
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Pagtatalakay ng bagong konsepto at
Bagong Aralin paglalahad ng bagong kasanayan #1

Gawain: Kilalanin mo ako!


Panuto: Alamin ang mga salita base sa
mga larawan.
1. R _ L _ _ ➢ RALLY
2. G _ _ _N_ _ _ ➢ GRANADA

3. N _ _

➢ NPA

4. J _ _ N P _ N _ _ E _ _ _ _ E

➢ JUAN PONCE ENRILE

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at ➢ Batas Militar - espesyal na


Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1 kapangyarihan ng estado na
karaniwang ipinatutupad ng isang
pamahalaan kapag hindi na nito
maayos na magampanan ang (Ang mga bata ay makikinig.)
pamamahala gamit ang sibilyan
nitong kapangyarihan.

o May kaakibat na pagpapatupad ng


curfew (takdang oras ng pagbabawal
sa mga taong sibilyan na lumabas ng
kanilang mga bahay), pagsuspinde
ng batas sibil, karapatang sibil,
habeas corpus at pagsasailalim ng
hukumang-militar sa mga sibilyan.

o Proklamasyon Bilang 1081 -


nilagdaan ni Pangulong Marcos
noong Setyembre 21, 1972 upang ang
Pilipinas ay napasailalim sa Batas
Militar na ang layunin ay mailigtas ang
Republika at bumuo ng Bagong
Lipunan.

o Artikulo VIII, Seksyon 10, Talata 2


ng Saligang Batas ng 1935 - Naging
basehan sa pagdeklara ng Batas
Militar.

o Ayon dito, ang Pangulo ng Pilipinas ay


may karapatan at kapangyarihang
magdeklara ng batas militar kung may
nagbabantang panganib tulad ng
rebelyon, paghihimagsik, paglusob, at
karahasan.
Batayan sa Pangkatang Gawain Pangkatang Gawain: Hanapin Mo!
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nagsisimula Panuto: Hanapin ang mga
10 pts 7pts 5pts
Nilalaman Impormatibo Hindi Walang impormasyong hinihingi sa bawat
gaanong impomasyon tanong. Gawin ang Gawain sa loob ng
impormatibo
Kooperasyon Lahat ng Hindi lahat Walang
limang minuto.
miyembro ay ng miyembro kooperasyon
nakilahok ay nakilahok Group 1
Presentasyon Organisado, Malinaw at Magulo at
malinaw at maayos walang 1. Ano ang unang salik na nagbigay-
maayos organisasyon daan sa pagdeklara ng Martial Law o 1. Naganap ang madugong rally ng mga
Batas Militar? mag-aaral at manggagawa sa Mendiola
malapit sa Malacañang.

2. Magbigay ng dalawang hinihiling sa


rally ng mga mag-aaral at
manggagawa sa Mendiola malapit sa 2. Hiling ng mga kabataang aktibista ang
Malacañang? mga sumusunod: (Pumili ng dalawa)
isang mabuting pamahalaan na walang
katiwalian at kasamaan;
pagtataguyod ng katarungan;
pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon;
pagpapababa sa presyo ng mga bilihin;
hanapbuhay para sa mga walang
trabaho; at
pagbabago ng Saligang Batas ng 1935
upang malunasan ang mga problema ng
bansa.

3. Kailan naganap ang unang salik? 3. Enero 30, 1970

Group 2
4. Ano ang pangalawang salik na
nagbigay-daan sa pagdeklara ng 4. Hinagisan ng granada ang isang
Martial Law o Batas Militar? malaking pagpupulong ng Partido Liberal
sa Plaza Miranda sa Quiapo.

5. Ano ang sinuspinde ni Pangulong


Marcos makalipas ang ilang oras 5. Sinuspende ng Pangulong Marcos
maganap ito? ang writ of habeas corpus (Ito ay
proteksyon ng mamamayan laban sa
ilegal na pagkadakip o detensyon).

6. Kailan naganap ang pangalawang 6. Agosto 21, 1971


salik?

Group 3
7. Ano ang pangatlong salik na nagbigay-
daan sa pagdeklara ng Martial Law o 7. Pambobomba sa Metro Manila.
Batas Militar?
8. Sino ang pinaghihinalang gumawa ng
pagkasawi ng maraming tao? 8. Gawa ng CPP- NPA

9. Kailan naganap ang pangalawang 9. March 15 hanggang September 11,


salik? 1972

Group 4
10. Ano ang pang-apat na salik na
nagbigay-daan sa pagdeklara ng Martial 10. Pananambang sa kumboy ni Juan
Law o Batas Militar? Ponce Enrile, Kalihim ng Tanggulang
Pambansa.

11. Sino ang Kalihim ng Tanggulang


Pambansa sa panahon bago pinatupad 11. Juan Ponce Enrile
ang Batas Militar?
12. Kailan naganap ang pangalawang 12. Setyembre 22, 1972 bandang alas 9:00
salik? ng Gabi

E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at


Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Gawain: Punan Mo!
Formative Assessment) Panuto: Punan ng mga impormasyon ang
nasa box batay sa Mga Dahilan sa
Pagdeklara ng Batas Militar.

➢ Naganap ang madugong rally ng mga mag-


aaral at manggagawa sa Mendiola malapit sa
Malacañang.
➢ Hinagisan ng granada ang isang malaking
pagpupulong ng Partido Liberal sa Plaza
Miranda sa Quiapo.
➢ Pambobomba sa Metro Manila.
➢ Pananambang sa kumboy ni Juan Ponce
Enrile, Kalihim ng Tanggulang Pambansa.

G. Paglalapat sa Aralin sa Pang-araw- Pangkatang Gawain: Bumuo ng maikling


araw na Buhay pagsasadula batay sa mga dahilan bakit
idiniklara ang Batas Militar. Ang
presentasyon ay di dapat lalagpas sa isang
Pamantayan sa Pagpuntos minuto.
50 30 10
Tama ang Medyo may Mali ang
Kawastuhan konsepto na mali sa konsepto na
ipinakita konsepto na pinakita.
pinakita.
Lahat ay may May isa/ Sobra sa
Kooperasyon gampanin sa dalawa dalawang
presentasyon kasama na di kasama na di
nasali sa nasali sa
presentasyon presentasyon
Naiintindihan Medyo Di kaaya-aya
Presentasyon ang magulo ang ang
presentasyon presentasyon presentasyon

Bakit mahalaga na malaman natin ang mga


salik na nagbigay-daan sa pagdeklara ng ➢ Ang Batas Militar ay isang mahalagang
Batas Militar? pangyayari sa kasaysayan ng isang bansa.
Mahalaga ang pag-unawa sa mga salik na
nagdulot sa pagdeklara nito dahil ito ay may
malalim na ganap sa lipunan at pamahalaan.
Para sa inyo, mabuti ba na nagdeklara ang
pangulo ng Batas Militar sa panahon na ➢ Opo, dahil layunin nito ay mailigtas ang
iyon? Republika at bumuo ng Bagong Lipunan.

H. Paglalahat ng Aralin Gawain: Pick Me!


Panuto: Bumunot ng papel sa kahon na
may nakasaad na tanong. Bawat tamang
sagot ay may kaakibat na puntos.

1. Ano ang batas militar? ➢ Espesyal na kapangyarihan ng estado na


karaniwang ipinatutupad ng isang
pamahalaan kapag hindi na nito maayos
na magampanan ang pamamahala gamit
ang sibilyan nitong kapangyarihan.

2. Ano ang nilagdaan ni Pangulong


Marcos noong Setyembre 21, 1972
upang ang Pilipinas ay napasailalim sa
➢ Proklamasyon Bilang 1081
Batas Militar?
3. Ano ang layunin ng Batas Militar? ➢ Layunin nito na mailigtas ang Republika
at bumuo ng Bagong Lipunan.
4. Ano ang naging basehan sa pagdeklara ➢ Artikulo VIII, Seksyon 10, Talata 2 ng
ng Batas Militar? Saligang Batas ng 1935.
5. Anu-ano ang mga salik na nagbigay
daan sa pagtakda ng Batas Military?
➢ Naganap ang madugong rally ng mga
mag-aaral at manggagawa sa Mendiola
malapit sa Malacañang.
➢ Hinagisan ng granada ang isang
malaking pagpupulong ng Partido Liberal
sa Plaza Miranda sa Quiapo.
➢ Pambobomba sa Metro Manila.
➢ Pananambang sa kumboy ni Juan Ponce
Enrile, Kalihim ng Tanggulang
Sino ang pangulo sa panahon ng Batas Pambansa.
Militar?
➢ Pangulong Ferdinand E. Marcos
I. Pagtataya ng Aralin A. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat


aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang naging


batayan sa pagdeklara ng Batas Militar? ➢ 1. A
A. Saligang Batas C. Barangay Resolution
B. Ordinansa D. Kasaysayan

2. Sa anong bahagi ng ating Saligang Batas


makikita ang probisyon sa pagdeklara ng ➢ 2. D
batas militar?
A. Preamble C. Artikulo II
B. Code of Ethics D. Artikulo VIII Seksyon
X Talata 2

3. Kailan nilagdaan ni Pangulong Marcos ➢ 3. A


ang Batas Militar?
A. Setyembre 21, 1972 C. Setyembre 12,
1972
B. Setyembre 23, 1972 D. Agosto 21, 1971

4. Ang mga sumusunod ay dahilan ng


pagdeklara ng Batas Militar maliban sa isa. ➢ 4. A
Alin sa mga ito ang hindi kasali?
A. Paglala ng problema sa droga.
B. Paglala ng krimen tulad ng pagnanakaw,
patayan at iba pa.
C. Paghagis ng granada sa isang pagtitipon
ng Partido Liberal.
D. Pagkaroon ng madugong rally ng mga
mag-aaral sa Mendiola.

5. Alin sa mga ito ang isa sa mga layunin ng


Batas Militar? ➢ 5. A
A. Bumuo ng Bagong Lipunan.
B. Maparusahan ang lahat ng kriminal.
C. Magkaroon ng maunlad na bayan.
D. Yumaman ang Pilipinas.
J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Panuto: Tukuyin kung ang mga kaisipang
Aralin at Remediation nasa loob ng ULAP ay nagsasaad ng mabuti
o hindi mabuting dulot ng Batas Militar.
Kumpletuhin ang kahon sa ibaba. Gawin ito
sa hiwalay na papel.

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuhang 80% sa


pagtataya:

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng


iba pang gawain para sa remediation:

C. Nakatulong baang remediation? Bilang ng


mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin:

D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation:

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang


nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasang


solusyunan sa tulong ng aking punong guro
at supervisor?
G.Anong kagamitang pangturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa kapwa
guro.

Inihanda ni :
REYNAN B. ZAMORA
Practice Teacher

You might also like