You are on page 1of 14

ARALIN 1

Objectives:
1. Natutukoy ang kulay, linya, at hugis na ginagamit sa
paggawa ng sariling disenyo.
GABAY NA KATANUNGAN:
1. Ano-ano ang mga kulay na inyong nakita sa bawat
larawan?
2. Napansin ba ninyo na ang mga kulay ay hindi pantay
pantay?
3. Ano-anong mga hugis at linya ang inyong napapansin?
TANDAAN
Ang tinali-tali (Tie-Dye) ay proseso ng pagkukulay ay
karaniwang binubuo ng pagtitiklop, pagpilipit, papatong
na pagtiklop o paglukot ng tela o isang damit na tinatalian
ng tali o goma (rubber band) na sinusundan ng pagbabad o
paglubog sa timpla na may kulay. Ang tina (dye) ay
maaaring paghalu-haluin para makagawa ng panibagong
kulay.
SHIBORI TIE-DYE TECHNIQUE
HAKBANG SA PAGGAWA:
1. Ilatag ang tela.
2. Itupi ng parolyo ang tela.
3. Lagyan ng mga lasti ng mahigpit mula sa dulo
hanggang sa sentro ng tela.
4. Ibabad ang tela sa tina.
SUNBURST TIE-DYE TECHNIQUE
HAKBANG SA PAGGAWA:
1. Ilatag ang tela.
2. Itiklop ang tela sa kalahati.
3. Itiklop muli ang tela ng pa-lengthwise.
4. Para makagawa ng sunburst, kumuha ng kaunti ng
tela at hilahin ito ng pataas, 1 hanggang 2 pulgada.
5. Lagyan ng lasti at ulitin ng ilang beses ang
sunburst.
6. Ibabad ang tela sa tina.
STRIPES TIE-DYE TECHNIQUE
HAKBANG SA PAGGAWA:
1. Ilatag ang tela.
2. Itiklop ang tela ng pa-accordion.
3. Lagyan ng apat na lasti ang tela.
4. Ibabad ang tela sa tina.

You might also like