You are on page 1of 9

CHAPTER 2:

Konteksto,
Halaga, Layunin
at Argumento
Pagsusuri ng Konteksto
Sa pagsusuri ng konteksto ng isang babasahin, may mga dapat pakatandaan upang alamin ito:
✣ Ano ang background ng may akda
⨳ Halimbawa:
■ Ano ang propesyon ng may akda? Siya ba ay isang manunulat? Abogado? Historyador?
■ Ano ang kanyang pinanggalingan?
■ Ano ang kanyang relihiyon?
■ Ano ang kanyang pinaniniwalaan?
✣ Ano ang uso o pinagdadaanan ng may akda noong mga naaphong ginagawa nya ang babsahin an iyon?
⨳ Halimbawa:
■ Nakakaranas ba sila ng hindi pantay na pagtrato?
■ Ano ang kultura noong panahon na iyon?
✣ Kung akma ang mga nakasaad sa babasahin at sa background at pinagdadaanan noong panahon na ginawa ang
babasahin na iyon. Ibig sabihin nito ay may katotohanan ang nilalaman ng babasahin na iyon.
✣ Puwede ring gumamit ng iba pang babasahin tungkol sa babasahin na gusto mo ikumpirma para malaman kung may
katugon (consistent) ito sa iyong pinag-aaralang babasahin.

2
Halaga ng Isang
Pangyayari o Batis
✣Ito ay ang proseso na ginagamit upang malaman ang kahalagahan ng isang pangyayari o batis base sa mismong nag-susuri ng
kahalgahan nito.
✣PAMANTAYAN O CRITERIA:
⨳Relevance o kaugnayan – “ito ba ay may kaugnayan sa mga taong namumuhay noong panahon na iyon?”
- “mayroon bang kaugnayan pa ito sa mga nabubuhay sa kasalukuyan?”

⨳Resonance o taginting – “sa papanong paraan naka apekto ito sa mga nabubuhay sa kasalukuyan?”
- “may epekto ba ito sa mga susunod pang henerasyon?”

⨳Remarkable o pambihira – “itinuturing ba itong pangyayaring ito na hindi karaniwan o pambihira ng mga tao?”
⨳Revealing o nagbubunyag – “may nadiskubre o may naibunyag ba ang pangyayaring ito sa iba pang nangyari noon?”
⨳Resulting in Change o nagresulta ng pagbabago – “may mga nabago ba sa mga tao, politika, o kultura dahil sa pangyayaring ito?”
⨳Durability o tibay – “Gaano katagal naapektuhan ang mga buhay ng tao dahil sa pangayayaring ito?” Isang araw? Isang taon?
Isang siglo?
⨳Quantity o dami ng naapektuhan – “Gaano karami ang naapektuhan dahil dito? Isang baranggay? Isang lungsod? Isang bansa?
⨳Profundity o kalaliman – “Gaano kalalim ang epekto ng pangyayaring ito sa buhay ng mga tao?
3
Isyu sa Pagsuri ng
Kahalagahan ng Isang
Kasaysayan
✣Ang sarili nating paniniwala at personalidad ay pwedeng maka apekto sa ating
pag suri ng kahalagahan.

✣Maaring ang mga sinusuri nating batis ay may dagdag o bawas dahil ang
nakapagsulat nito ay tao rin na may sariling paniniwala o pagtingin sa mga
nangyari.

4
Pagsuri ng Layunin ng
May Akda
✣Uri ng mga Layunin:
⨳Upang manghikayat o persuade – gusto ng may akda na paniwalaan mo ang siya o ang nakasaad sa gawa
nya.

⨳Upang ipaalam o inform – gusto ng may akda na ikaw ay magkaroon ng kaalaman tungkol sa
paksang kanyang tinatalakay.

⨳Upang magsalaysay o narrate – ang may akda ay gustong ikwento ang mga nangyari sa kanya o
sa isang pangyayari na noong sya ay nabubuhay pa.

⨳Upang ilarawan o describe – gusto ng may akda na isalarawan ang kanyang paksa. Gusto nya na
maranasan mo rin ang mga naranasan nya noon.

⨳Upang ipaliwanag o explain – gusto ng may akda na malaman mo kung paano gumawa ng isang bagay o
kung paano gumagana ang isang bagay na kanyang tinatalakay.

⨳Upang mang-aliw o entertain – gusto ng may akda na ikaw ay masiyahan gamit ang kanyang isinulat.
5
Bakit Natin Kailangan Alamin ang
Layunin ng Isang May Akda
✣Makaktulong ito para mas palawigin ang ating pagiging kritikal sa isang bagay.
⨳Ano ang mga impormasyong kulang sa babasahin na ito?
⨳Ano Ang impormasyon na mayroon sa babasahing ito?
⨳Anong mga bagay puwedeng makuha natin bilang leksyon sa babasahing ito?

✣Malalaman din natin kung bias ba ang isang babasahin na ating sinusuri lalo na kung ang layunin nito ay
hikayatin ang mambabasa.

6
Paano Alamin ang Layunin ng
Isang May Akda?
✣Puwedeng tumingin sa genre ng isang babasahin.

✣Tanungin mo ang iyong sarili: “Baket ginawa ng may akda ang babasahin na ito?”

✣Kung hindi mahalata sa isang babasahin kung ano ang layunin nito, puwede mo ring tanungin ang iyong
sarili kung ano ang naramdaman mo nung ito ay mabasa mo.

7
Pagsuri ng Argumento ng
Isang May Akda
✣Sa pag-alam ng argumento ng may akda, kailangan mong hanapin ang mga sumusunod:
⨳Pinaglalaban o claim – halimbawa: Ang lapis na ito ay mahal.
⨳Argumento o ebidensya – halimbawa: Mga sagot sa survey na iyong ginawa mula sa mga nagbebenta at bumibili ng
lapis.

⨳Warrant o kapangyarihan – ito ang pangungusap na nabuo mula sa pagsasama ng “claim” at argumento.
- Halimbawa: Ang lapis na ito ay mahal dahil ayon sa mga mamimili at mga nagbebenta ng
lapis ay nagtaas ang presyo ng mga materyales na ginagamit upang
gumawa ng lapis.
⨳ Pagtutol o objections – kailangan mong tignan kung inilathala mo ba o ng isang may akda ang mga pag-aaral o
argumento ng mga tumutol sa kanya upang hindi ito mag mukhang biased.

⨳Suporta o backing – ito ay mga sekundaryang ebidensya na puwedeng idagdag sa iyong claim para lalo itong mag-
karoon ng katotohanan.
⨳Qualifiers – makikita mo dito kung gaano ka sigurado ka ba o ang isang may akda tungkol sa kanyang argumento.
- kung laging sinasabi ng may akda ang mga katagang: “ayon sa iba”, “posible”, “maari”, ang ibig sabihin
nito ay kulang ang mga ebidensyang inilalantad nya upang ilaban ang kanyang claim.

8
End of Presentation.

You might also like