ang sarili, o gaya ng mga matatayog na pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay”. -Gustave Flaubert Gustave Flaubert Isang manunulat na Pranses na siyang nagpaunlad ng realismong pampanitikan sa Pransya at sumikat sa kanyang akda na Madame Bovary (1857). Kahulugan ng Pagbasa PAGBASA • Isang kognitibong proseso ng pagkuha, pagkilala, pag- unawa sa mga nakaimbak, nakasulat na impormasyon o ideya PAGBASA • Sinasabing daan patu- ngo sa pagkamit ng tagumpay sa mga minimithing bagay. PAGBASA • Sandata ng tao upang labanan ang kamang- mangan at maisulong ang karunungan. PAGBASA • Nagsisilbing tulay upang ang dating kaalaman ay maidugtong natin sa kasalukuyang karunungan PAGBASA • Nagsisilbing tanglaw sa kaliwanagan upang matunton natin ang tamang landas ng buhay. Batay kay Leo James English, ang pagbasa ay pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag na mga salita. Ayon naman kay Kenneth Goodman, ang pagbasa ay saykolinggwistiks na larong panghuhula na kung saan ang mambabasa ay nagbubuo muli ng isang mensahe sa pamamagitan ng kahulugan ayon sa kanilang nabasa at naunawaan Ayon naman kay James Coady, para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto kailangan ang dating kaalaman ng tagabasa upang maiugnay sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto, kaisipan at kasanayan. Ayon naman kay Urguhart at Weir, ang pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag- interpreta ng mga impormasyon nakakoda sa anyong wika sa pamamagitan ng limbag na midyum. PangkatangGawain: Gamit ang salitang PAGBASA, bumuo ng isang akrostik na naglalaman ng mga ideyang natalakay ngayong araw. Ang akrostik na inyong gagawin ay mamarkahan batay sa sumusunod na pamantayan.