You are on page 1of 71

GRAMATIKA VS.

MASINING NA
PAGPAPAHAYAG

YUNIT II
Panimula
◦ Sukatan ng masining na pahayag ang pamimili ng angkop na pananalita at
tamang balarila sa loob ng bawat pangungusap.
◦ Ang pagkakaugnay ng tamang balarila at piling mga salira ay magdudulot ng
hindi karaniwang anyo ng mensaheng nais ipaaabot sa sinumang mambabasa.
◦ Ang mga katangiang ito ay maaaring magbigay dala sa manunulat at
mambabasa ng kaisahan ng kanilang isip dahil hahantong sa pagkakaunawaan
sa ideya ng bawat panig.
◦ Nagagawang maiugnay ng mambabasa sa dating kaalaman ang kasalukuyang
binabasa at sa panig ng awtor nagagawa rin niya ang bagay na ito.
◦ Sa balarila, kadalasang nagkakamali ang sumusulat sa
mismong salitang gagamitin, maaaring ang mali ay sa mga
pantulong na salitai o di kaya’y sa estruktural na anyo ng
pangungusap.
WASTONG GAMIT
NG SALITA
Ng at Nang
◦ dalawang kataga na maaaring makasira sa global na diwa
ng pangungusap.
◦ Maaari rin naming di makasira kung ang pagbabatayan ay
ang tunog ng mga katagang ito.
◦ Magkagayon man ay magkahiwalay na tungkulin at
kahulugan ang dalawang kataga na lubos na nagkakadiwa
kapag mapasama sa mga salita sa loob ng pangungusap.
◦ ang katagang ito ay ginagamit kung ang
sumusunod na salita sa loob ng pangungusap
ay pangngalan. Ng
◦ Ang ng ay sinusundan ng pangngalan at
siyang nagiging tuwirang layon ng
pangungusap.

Pangngalan
Halimbawa:
Ang bata ay bumili ng tinapay. Tuwirang
Layon
◦ ay nagsisilbi naming panghalip na
pamanggit kung sumusunod na salita ay
pandiwa. Ng
◦ Sa pamamagitan ng paghalip na pamanggit,
ito ay nagisilbing simuno ng pangungusap
ngunit nasa uring sugnay na di makapag-iisa.
Halimbawa:
Ang batang nahulog ay nagkasakit.
Panaguring
Pandiwa
Panghalip na pamanggit na naging simuno ng pangungusap
◦ ay nagsisilbi ring pang-angkop sa pagitan
ng 2 salita kung ang sinusundan nitong salita
ay nagtatapos sa patinig at ang sumusunod Ng
na salita ay pangngalan o iba pang bahagi ng
pananalita maliban sa pandiwa.
◦ Halimbawa:
batang babae. - pangngalan

inang mabait - pang-uri

lalaking duwag - pang-uri


◦ ito ay katagang maaaring gamitin bilang panimula
ng pangungusap
◦ ginagamit din bilang o di kaya’y tagapag-ugnay
ng mga pangungusap.
Nang
◦ ginagamit kung nasasagot nito ang tanong na
paano ginawa ang isang bagay.
Halimbawa:
1. Ginagamit bilang panimula ng pangungusap.
Nang dumating ang Tsunami, walang nagawa
ang mga tao kayat maraming namatay.
Nang umunlad ang teknolohiya sa globalisasyon,
nagbago rin ang pananaw sa buhay ng mga tao.
Halimbawa:
2. Sinasagot ang tanong kung paano ginagawa ang
isang bagay at pagsagot sa tanong na kailan. Nang
Siya ay natutulog nang pabaluktot kapag
malamig ang panahon.
Siya ay nagsalita nang paangil.
Disyembre nang pinakasalan ko siya.

3. Gamit hugnayang pangungusap o pangatnig.


Siya’y naging matagumpay mula nang
puspusan na ang kanyang pag-aaral.
Halimbawa:
4. Ginagamit kapag nag-uulit ng salita.
Kain siya nang kain habang wala ang pusa.
Nang
Tawa nang tawa ang baliw sa kalsada.
May at Mayroon
May
◦ Ginagamit ang katagang ito sa loob ng pangungusap kung ang
salitang sumusunod ay bahagi ng pananalita, sa at mga, maliban
sa panghalip panao.
◦ Ang mga katagang ito sa ganang sarili kung nag-iisa ay walang
kahulugan ngunit kapag napasama sa mga salita sa loob ng
pangungusap ito’y nagkakaroon ng kahulugan.
Halimbawa
1. Ang Pilipinas sa ngayon ay may problemang pampamahalaan.
(pangngalan)
2. Ang mg magulang ay may matinding suliranin sa mga anak.
(pang-uri)
3. Kapuna-puna sa kasalukuyan ay may mga mag-aaral na para
bang wala sa loob ng pag-aaral
Halimbawa
4. Kagabi, naramdaman kong may lumalakad sa bubungan namin.
(pandiwa)
5. Ang taong ito ay may sa pusa kung kumilos.
(kataga)
6. Sa padala ko ay may para sa iyo.
(pang-ukol)
Mayroon
◦ may nakasingit na kataga sa pagitan ng mayroon at ng sumusunod
na bahagi ng pananalita.
◦ maaaring gamitin ang panghalip na panao ngunit di mo na
maaaring gamitin ang mga katagang sa at mga upang isunod sa
mayroon.
◦ Sa matalinghagang pahayag, ito ay nangangahulugang angking
kayamanan o angking ari-arian.
Halimbawa
1. Ako ba ay mayroon pang pag-asa sa puso niya?
2. Mayroon ding lumalakad sa bubungan namin tuwing gabi.
3. Mayroon siyang kinaibigang di nakikita.
4. Sila ang kinikilalang mayroon sa barangay namin.
Kong at Kung
Mga katagang sa pagiging halos magkasintunog ay
maipagkakamaling maaaring pareho lamang ang tungkuling
ginagampanan sa loob ng pangunngusap bagamat may sadyang kani-
kanilang tungkulin.
Kong
◦ Ito ay ginagamit kung nagsasaad ng pag-aari.
◦ Hindi ito maaaring gamitin bilang panimula ng pangungusap.
◦ Isinasaad ding ang kilos sy ginagawa mismo ng katawan.

Halimbawa:
1. Matagal kong pinagmasdan ang kanyang mukhang napakaamo.
2. Ibig kong bumili ng bagong damit.
Kung
◦ ito ay maaaring gamitin na panimula ng pangungusap.
◦ Sa diwa ng pangungusap ito ay nagsasaad ng pag-aalinlangan o
pasubali o pagbibigay ng kondisyon.
◦ ito ay kilos na hindi ikinikilos ng katawan ngunit sa Ingles ang
katumbas nito ay if.
◦ Ginagamit sa hugnayang pangungusap o ginagamit bilang
pangatnig.
halimbawa
1. Kung wala kang magandang sasabihin sa kapwa huwag ka na
lamang magsalita.
2. Uunlad pa rin ang bansa natin kung magtutulungan ang bawat
isa.
3. Mamahalin kita nang lubusan kung magagawa mong iwan ang
salapi, kapangyarihan, at karangyaan para sa akin.
Daw at Raw/ Din at Rin/ Dito at Rito
◦ Ito’y dalawang katagang maibibilang sa ponemang malayang
nagpapalitan dahil bagamat may magkaibang titik sa parehong
posisyon taglay naman nila ang parehong kahulugan.
◦ Parehong tumutukoy sa diwang walang kasiguruhan.
Daw, Din, Dito
◦ Ito ay ginagamit kung ang diwa ng pangungusap ay nagsasaad ng
walang katiyakan.
◦ Sa loob ng pangungusap ginagamit ito kung ang sinusundang salita
ay nagtatapos sa katinig maliban sa malapatinig na w at y.
Halimbawa
◦ Kumain din siya ng Boy Bawang habang hinihintay ang iyong
pagdating.
◦ Inihain daw niya ang lahat ng pagkain na nasa refrigerator dahil sa
katarantahan sa pagdating ng kanyang mga panauhin.
Raw, Rin, Rito
◦ Ito ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa
patinig (vowels) at sa malapatinig na w at y.
◦ Nagpapahiwatig ng walang katiyakan.
Halimbawa
◦ Ang tao raw na matalino ay malayo ang mararating.
◦ Isinumpa rin ng bruha ang kawawang si Cinderilla.
◦ Pumunta siya rito upang hanapin ang nawawala niyang tsinelas.
Iwan at Ewan
◦ Ito’y halimbawa ng pares minimal dahil bagamat halos
magkasintunog ay may magkaibang titik sa parehong posisyon, sila
rin ay may magkaibang kahulugan.
Iwan
◦ Nangangahulugan ito ng paglisan o pag-alis ng isang tao sa isang
lugar, malayo man o malapit.

Halimbawa:
1. Iwan mo siya kung kinakailangan.
2. Bakit ba nais mo akong iwan tuwina.
Ewan
◦ Maaaring mangahulugan ng isang ekspresyon na may pahiwatig ng
pagkainis o sagot na walang katiyakan.

Halimbawa:
1. Ay! Ewan.
2. Ewan ko sa’yo, makulit ka.
3. Nakita mo bang lumabas ang bata? (Ewan).
Iwan at Iwanan
Iwanan
 ang pagbibigay ng paghahabilin sa isang tao ng isang bagay.

Halimbawa:
1. Iwanan ko muna sa’yo ang sapatos na ito upang makasigurado ka sa
aking muling pagbabalik.
2. Iwanan mo siya ng pamasahe papunta sa eskwelahan.
Walisin at Walisan
Walisin
◦ Tinutukoy ang tiyak/ espisipikonh bagay na wawalisan.

Halimbawa:
1. Natuwa si inay nang walisin ng kanyang bunsong anak ang mga
damo sa kanilang bakuran.
Walisan
◦ Tumutukoy ang tiyak na lugar na katatagpuan ng bagay na
wawalisin.

Halimbawa:
1. Winalisan na ni Celine ang kanialng tahanan bago pa man
dumating di Ely.
2. Walisan mo nga Angelito ang mga kalat sa iyong higaan!
Linisin at Linisan
Linisin
o ay ginagamit sa pagtukoy sa bagay na lilinisin.

Halimbawa:
1. Linisin mo nga Angelito ang mga kalat sa iyong higaan!
Linisan
◦ Tumutukoy sa lugar na katatagpuan ng mga bagay na lilinisin.

Halimbawa:
1. Linisan mo ang iyong silid bago ka matulog!
Pinto at Pintuan
Pinto
◦ Ay bahagi ng gusali o tahanan na siyang isinasara o ibinubukas.
◦ Door ang tawag dito sa Ingles

Halimbawa:
1. Isara mo ang pinto upang hindi makapasok ang aso ng kapitbahay.
Pintuan
◦ Ito ay tumutukoy sa pinagkakabitan ng pinto.
◦ Doorway naman ito sa Ingles.

Halimbawa:
1. Pakikuha naman ng aking bola diyan sa may pintuan.
2. Huwag mong harangan ang pintuan upang hindi mahirapang
makapasok si Juris Maxine.
Subukin at Subukan
Subukin
◦ ito ay katumbas ng salitang “to spy on” sa wikang Ingles.

Halimbawa:
1. Subukin mo siya mamayang gabi… tingnan mo at tama lahat ng
aking hinala.
Subukan
◦ Ito ay katumbas ng salitang “to try” sa wikang Ingles.

Halimbawa:
1. Subukan mong uminom ng allerin upang gumaan ang iyong
pakiramdam.
Operahin at Operahan
Operahin
◦ ay tumutukoy sa medikal prosidyur na isasagawa sa bahagi ng
katawan.

Halimbawa:
1. Nanlamig ang buong katawan ni Mario nang operahin siya ng
doktor.
Operahan
◦ ay tumutukoy sa espisipikong bahagi ng katawan na ooperahan.

Halimbawa:
1. Inoperahan ng doktor ang taghiyawat sa ilong ni Mario.
2. Nag-alala ang kanyang mga kamag-anak nang operahan siya sa
puso.
Pahirin at Pahiran
Pahirin
◦ Ito ay tumutukoy sa paglilinis o pag-aalis.

Halimbawa:
1. Pahirin mo Isabel ang dumi sa mukha ng iyong kapatid.
Pahiran
◦ Ito ay tumutukoy sa paglalagay.

Halimbawa:
1. Pahiran mo ng floorwax ang sahig bago mo ito bunutin.
Hagdan at Hagdanan
Hagdan
◦ ay tumutukoy sa akyatan at ang babaan.
◦ Stairs ang tawag dito sa Ingles.

Halimbawa:
1. Huwag mong masyadong pakintabin ang hagdan baka madulas
ang mga panauhing darating mamamya.
Hagdaan
◦ Tumutukoy sa lugar kung saan matatagpuan o makikita ang hagdan.
◦ Stairway naman ang tawag dito sa Ingles.

Halimbawa:
1. Sa may hagdanan mo makikita ang tsinelas na kabibili ko lamang
kahapon.
Sundan at Sundin
Sundan
◦ ay nangangahulugan pagsunod sa nauuna.

Halimbawa:
1. Mahirap nang sundan ang mga yapak ng namayapang si dating
Pangulong Ferdinand Marcos.
Sundin
◦ ay nangangahulugan ng pagsunod sa panuto, tuntunin, batas, at
payo.

Halimbawa:
1. Hindi masama ang mga adhikain mo sa buhay subalit higit
siguradong makabubuti kung susundin mo muna ang payo ng iyong
mga magulang.
Sila at Sina
Ang mga ito’y panghalip at pantukoy na kapwa tumutukoy sa tao
at kapwa maaaring unang salita ng pangungusap o di kaya’y nasa
gitna ng mga salita sa loob ng pangungusap. Sa kabila nito
kadalasang namamli ang gamit ng mga kabataan.
Sila
◦ Ito’y bahago ng pananalitang panghalip na kinakatawan ang ilang
bilang ng mga tao .
◦ Maaaring makita sa unahan o sa gitna ng mga salita sa loob ng
pangungusap.

Halimbawa:
1. Sila ang bago kong mga kaibigan.
2. Sa makalawa pupunta na sila sa Estados Unidos.
Sina
◦ Ito’y salitang tumutukoy sa maraming tao.
◦ Kapag ginamit ang pantukoy na sina palagi nang ito’y sinusundan
ng mga pangalan ng tao.
◦ Makikita sa unahan o sa gitna ng pangungusap.

Halimbawa:
1. Sina John at Luis ang matalik kong mga kaibigan.
2. Sa ating bansa ang mga makapangyarihan ay sina Pang. Arroyo
noon at Pang. Aquino ngayon.
Iba’t iba at Ibang-iba
Iba’t iba
◦ Tumutukoy ito sa pariralang “iba at iba”.
◦ hindi ito ginigitlingan dahil sa pagitan ng inulit na salitang iba ay
may katagang at.
◦ Isinasama rin sa unang salita ang “at”, at kudlit “’” ang ipinalit sa
a.
Halimbawa
◦ Ang mga pahayg niya’y iba’t iba kayat nakakapag-alinlangang
paniwalaan.
◦ Iba’t iba ang binili ko sa palengke.
Ibang-iba
◦ Nilalagyan ito ng gitling dahil inuulit ang salitang iba.
◦ Batay sa tuntunin kung may kahulugan ang kaputol na salita dapat
na ito’y gitlingan sa pagitan ng dalawang magkaparehong salita
kung paghihiwalayin.
Halimbawa
◦ Ibang-iba siya sa kanyang kapatid sa pag-uugali at talino.
◦ Ibang-iba siya sa dati sa kanyang kinikilos.
Sari-sari at Sarisari
Sari-sari
◦ Ginigitlingan ang salitang ito kung ginamit sa loob ng pangungusap
bilang pang-uri.
◦ Ika nga’y kung inilallarawan nito ang isang bagay.

Halimbawa:
1. Ang itinayo ni nanay nang mag-retire ay isang sari-sari store.
Sarisari
◦ Ang salita ito ay hindi ginigitlingan kung ang tinutukoy mismo ay
pangngalan o mga bagay-bagay na iba-ibang klase.

Halimbawa:
1. Sa palengke ako bumili ng sarisari para sa ihahanda namin sa
Penafrancia Fiesta.
2009 Gabay sa Ortograpiyang
Filipino na Pinagtibay ng
Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF)
Tamang baybay ng mga salita kung
gagamitin sa panulat
◦ Sino-sino Hindi na Sinu-sino
◦ Pito-pito Pitu-pito
◦ Buto-buto Butu-buto
◦ Bato-bato Batu-bato
◦ Batubato (tinatanggap dahil sa uri ng ibon ang tinutukoy)
◦ Halo-halo (tanggap dahil sa mga bagay na magkakasama ang
tinutukoy)
Mga salitang nagtapos sa titik E na
inulit ay nilalagyan ng NG
◦ Karneng-karne - panay o lahat karne ang ulam
◦ Berdeng-berde - napakaberde
◦ Swerteng-swerte - napakaswerte
Mga salitang nagtapos patinig E at nilagyan
o dinugtungan ng panlaping HAN/HIN
◦ Sine - Sinehan
◦ Bote - Botehan
◦ Onse - Onsehan
◦ Base - Basehan
◦ Klase - Klasehan
Mga salitang nagtapos sa tunog O at
dudugtungan ng panlaping IN/AN. Ang O
ay nagiging U
◦ Balot - Balutin
◦ Hinto - Hintuan
◦ Bato - Batuhan
Iba pang pagbabago sa baybayin ng salita
◦ BABAE -hindi na babai
◦ SAMPU - Hindi na sampo na tulad noon
◦ POLITIKA - hindi pulitika
◦ BUHOS - Hindi buhus
◦ OPISINA - hindi upisina
◦ KORYENTE - hindi kuryente
◦ TRADISYONAL - hindi tradisyunal
◦ IMAHE - para sa image

You might also like