You are on page 1of 70

Kasaysayan ng

pagsasaling-wika
sa daigdig
Livius Andronicus
• Kinikilalang unang tagasalig-wika mula sa Europa
• Isinalin niya sa paraang patula ang Odyssey ni Homer
noong 240 B.C.
• Naevius
• Ennius
• Cicero
• Catulus
Arabia
• Noong ikalawa hanggang ikasiyam na siglo mula sa
kamangmangan ay gulot ng mga pagsasaling-wika na
isinagawa mula sa wikang Griyego na noon ay siyang
prinsipal na daluyan ng iba’t ibang karunungan sapagkat ang
bansang Gresya noon ang kinikilalang sentro ng sibilisasyon
syria

• Isang pangkat mula rito ang laging nababanggit kung pagsasaling-


wika ang pag-uusapan
• Sila ang nagsalin sa Arabic mula sa Baghdad ng mga isinulat nina
Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at iba pang kilalang pantas at
manunulat.
• Naging kilalang lugar para sa mga paaralang may pagsasaling-wika
toledo

• Napalitan naman ng Toledo ang Baghdad bilang


lugar ng mga tagapagsalin dahil sa marami sa
kanila ay natuon ang pansin sa pagsusulat ng
mga artikulong pampilosopiya.
• Isinalin sa Latin ang mga nasusulat sa wikang Arabic
toledo

• Nasa humigit-kumulang isandaang taon ang pagiging


sentro ng lugar para sa pagsasalin.
• Sina Adelard at Retines ang dalawang kilalang tagapagsalin
na mula rito.
toledo

• Sinalin ni Adelard sa Latin ang mga sinulat ni Euclid na


unang nakasalin sa Arabic.
• Si Retines ang nagsalin sa Latin ng Koran noong 1141.
• Noong 1200 A.D. ay nakarating sa Toledo ang mga
orihinal na teksto ng mga sulating literatura na may
wikang Griyego.
- Mga imahe mula kay pareng Google

Gestorum barlaam et josaphat


• Ang orihinal na teksto ay nasusulat sa Griyego.
• Naisalin na sa iba’t ibang wika sa Europa ang Gestorum Barlaam et
Josaphat kung kaya napilitan na lamang ang simbahang Latino na
kilalanin bilang santo at santa sina Barlaam at Josaphat, dalawang
tauhang uliran sa pag-uugali at sa pagiging maka-Diyos, kahit ang mga
ito ay kathang-isip lamang.
• Ang pangyayaring ito ay itinuturing na siya marahil na
pinakadikaraniwang natamo ng alinmang pagsasaling-wika sa daigdig.
Ikalabindalawang siglo
• Ayon kay Savory, ito ang panahon na pinakataluktok
ang pagsasaling-wika.
• “ang pagsasaling wika ng mga panahong iyon ay maaaring
napantayan na sa kasalukuyang panahon ngunit hindi pa
nahihigitan” (1968)
bibliya

• Ang orihinal na manuskrito o teksto ng Biblia ay sinasabing


wala na.
• Nasusulat ito sa wikang Aramaic ng Ebreo na
pinaniniwalaang pinagmulan ng salin ni Origen sa wikang
Griyego na kilala sa tawag na Septuagint gayon din ang salin
ni Jerome sa wikang Latin.
bibliya
• Ang salin ni Wycliffe ay sinundan ng salin ni Tyndale at
Coverdale.
• Sa wikang Aleman, ang kinikilalang mabuting salin ay ang kay
Martin Luther (1483-1646).
• Ang unang sa salin ng mga Katoliko Romano ay nakilala sa
tawag na Douai Bible.
bibliya
• Sa lupong binuo ni Haring James sa pagsasalin ng Bibliya,
naging panuntunan na ang pagsasalin ay maging matapat sa
orihinal na diwa at kahulugan ng Banal na Kasulatan.
• May dalawang dahilan kung bakit isinalin ang Bibliya:
• Ito ay tumatalakay sa tao – kanyang pinagmulan, kanyang layunin
at kanyang patutunguhan.
• Dahil sa hindi mapasusubaliang kataasan ng uri ng pagkakasulat
nito.
bibliya
• Ang mga naunang salin ng Bibliya ay nababago pa rin sa
kasalukuyan dahil sa:
• Marami nang mga natuklasan ang mga arkeologo na naiiba sa diwang
nasasaad sa maraming bahagi ng mga unang salin;
• Naging marubdob ang pag-aaral sa larangan ng linggwistika na siyang
naging daan ng pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng Bibliya;
at
• Ang sinaunang wikang ginamit sa klasikang English Bible ay hindi na halos
maunawaan ng kasalukuyang mambabasa bukod sa kung minsan ay iba
na ang inihahatid na diwa.
Bibliya - ang mga kinilalang bersyon nito.
• Geneva Bible – ito ay isinagawa nina William Whittingham at John Know. Ginamit ang
Bibliya na ito sa pagpapalaganap ng Protestantismo. Tinagurian itong “Breeches
Bible”.
• Authorized Version – ito ang naging pinakamalaganap at hindi na malalampasan.
Nakilala ito dahil sa naging panuntunan na ang pagsasalin ay dapat maging matapat
sa orihinal na diwa at kahulugan ng Banal na Kasulatan. Ayon ito sa lupong binuo ni
Haring James sa pagsasalin ng Bibliya.
• The New English Bible – ang naging resulta ng pagrebisa ng Authorized Version.
Maituturing naman na pinakahuling salin ng Bibliya. Ito ay inilimbag ng Oxford
University.
• Nagsimulang makilala sa larangan ng pandaigdig na
panitikan ang bansang Germany.
• Nakilala si Jacques Amyot, isang obispo sa Auxerre na
siyang tinaguriang “Prinsipe ng Pagsasaling-wika” sa
Europa.
• Isinalin niya sa wikang Aleman noong 1559 ang Lives of Famous
Greek and Romans ni Plutarch na naging batayan sa pagsasalin
nito sa Ingles ni Sir Thomas North noong 1579. Dito nagsimula
ang pagsasalin pa ng teksto sa ibang wika.
• Nakilala sa Inglatera noong 1467-1553 si John Bourchier.
• Karamihan sa kanyang mga salin ay mula sa wikang Kastila na
sa ngayon ay hindi na kinawiwilihang basahin, ayon pa rin kay
Savory.
• Subalit si Bourchier ay nakatala sa kasaysayan ng pagsasaling-wika
sa Alemanya bilang tagapagsalin ng Chronicles ni Froissart, isang
awtor na ang paksa at estilo ay kanyang kinagigiliwan.
(Santiago,2003)
• Itinuring ni Savory na sa panunungkulan ni Elizabeth I ang unang
panahon ng pagsasaling-wika sa Inglatera at kay Elizabeth II ang
panahon ng pinakatuktok ng pagsasalin.
• Ang pambansang diwang nangingibabaw ng panahong ito ay ang
pakikipagsapalaran at pananakop na kapansing-pansing layunin din ng
ibang tagapagsalin – ang pagtuklas ng anomang pagbabago sa
panitikan.
• Ayon pa rin sa kanya, si Thomas North ang kinilalang pinakadakila sa mga
tagapagsalin sa Inglatera nang panahong ito,
• Ang salin ni George Chapman sa mga sinulat ni Hoer ay
nalathala sa pagitan ng 1598 at 1616
• Noong 1603 ay lumabas ang salin ni John Florido sa Essays ni
Montaigne, isang babasahing itinuturing na kasinghusay ng
Plutarch ni North.
• 1612 nung isalin ni Thomas Shelton ang Don Quixote.
Ikalabimpitong siglo

• Maituturing na tulad din halos ng dalawang nakaraang siglo na


ang kinawiwilihan ay ang pag-aaral at pagsasalin ng mga literatura
sa ibang bansa.
• Salin ni Hobbles sa Thucydides at Homer ay hindi gaanong nagustuhan
ng mambabasa gayundin ang salin ni John Dryden sa Jevenal at Virgil.
• Si Dryden ay ibinibilang na isa sa mahuhusay na tagapagsalin. Siya ang
kauna-unahang kumilala na ang pagsasaling-wika ay isang sining.
Ikalabingwalong siglo
• Ang PAGSASALING-WIKA ay masasabing kasing sigla pa rin ng mga nakaraang
siglo.
• Binanggit ni Savory ang salin nina Alexander Pope at William Coper sa ingles
ng Homer sa paraang patula.
• Ang salin ni Pope sa Iliad ay lumabas sa pagitan ng 1715 at 1720; ang
kaniyang Odyssey ay noong 1725 at ang Odyssey naman ni Cowper ay noong
1791. Sa mga panahon ding iyon lumabas ang salin ni A. W. von Schlegel sa
Aleman ng mga gawa ni Shakespeare.
Tatlong panuntunan sa pagkilatis sa isang
salin ni Alexander Tytler
• Noong 1972 ay nalathala ang isang namumukod na aklat ni Alexander
Tytler na may pamagat na Essay on the Principles of Translation. Doon ay
naglahad siya ng 3 panuntunan sa pagkilatis sa isang salin.
1. Ang isang salin ay kailangang katulad na katulad ng orihinal na diwa o mensahe.
2. Ang estilo at paraan ng pagkakasulat ay kailangang katulad ng sa orihinal.
3. Ang isang salin ay dapat na maging maluwag at magaang basahing tulad ng sa
orihinal.
Ikalabinsiyam na siglo

• Unang binanggit ni Savory si Thomas Carlyle na noong 1824 ay


nagsalin ng Whillheim Meister ni Goethex. Dahil din kay Carlyle,
dahil sa kaniyang mga salin at mga sinulat, ay nagsimulang
pagtuunang-pansin ng mga palaaral ang panitikan ng Germany.
• Nangibabaw sa panahong ito ang salin na ayon kay Savory ay
‘naging dakilang salin, kundi man pinakadakila’, ay ang Rubaiyat ni
Omar Khayyam ng mga Persiyano noong 1859.
Ikalabinsiyam na siglo
• Nauso sa panahong ito ang isang uri ng saknong sa tula na may
apat na pentametro na ang ikatlong linya ay hindi katugma.
• Hindi tinangka ni Fitz Gergald na isalin nang literal ang Rubaiyat
ni Omar Khayyam; sa halip ay sinikap niyang mapanatili ang likas
na kagandahang estetiko nito na siyang kinagiliwan nang labis ng
mga mambabasa.
• Kaalinsabay din ng panahong ito, noong 1861, ay nagpugay sa mga
mambabasa ang On Translating Homer ni Matthew Arnold, isang sanaysay
na tumatalakay sa isang simulain na ang isang salin ay kailangang
magtaglay ng bisang pang-estetiko ng orihinal na salin.
• Binanggit ni Savory na ang mga prinsipyo at simulain ni Arnold ay kataliwas
ng kay F. W. Newman, ang isang salin ay kailangang maging matapat sa
orihinal, na kailangang madama ng bumabasa na ang kaniyang binabasa ay
isang salin at hindi orihinal.
Ikadalawampung siglo

• Isa na lamang karaniwang gawain ang pagsasaling-wika, ayon kay


Savory.
• Wari raw na karamihan sa mga nagsasalin ay habol sa inspirasyon
sapagkat ang pangunahing layunin na lamang ay “dami” at hindi na
“uri”.
• Kaya’t noong 1919 ay nagpalathala sina Ritchie at Moore ng isang
artikulo na nagsasabing ang tunay na panitikan ng France ay hindi
lubusang maabot sa pamamagitan lamang ng mga salin,
• GAYUNPAMAN, sa kabuuan ay masasabing nakabuti ang gayon
sapagkat kundi dahil sa lansakang pagsasaling-wika ay maraming
manunulat ang hindi makikila at hindi dadakilain.
• Halimbawa:
Si Tolstoy ng Russia na kundi dahil sa mga salin ng kaniyang mga
sinulat ay malamang na hindi nakilala at di nakilala at dinakila ng buong
daigdig. At dahil din sa mga salin, ang mga drama nina Chekov, Strindberg at
Ibsen ay nakapasok at lumikha ng sariling langit-langitansa makabagong
panahon.
Sa kasalukuyan…
• Lahat halos ng bansa sa daigdig ay patuloy sa lansakang pagsasalin sa
kani-kanilang wika ng mga mahuhusay na akdang nasusulat sa iba’t
ibang wika sa layuning maihatid sa higit na nakararaming bahagi ng
mambabasa ang mga makabagong kalakaran sa panitikan.
• Kaalinsabay ng ganitong mga pagsasalin ay ang mga pagsasalin ng mga
pyesa ng literatura na nagtataglay ng mga bagong kaalaman at
karunungang buhat sa ibang bansa na karaniwan ay sa higit na
maunlad na wika na nasusulat sa ingles. ..
Sa kasalukuyan…
• …Mapapatunayan ito sa sa mga literatura ng iba’t ibang
disiplina ng karunungan na ginagamit ng mga Pilipino sa
pagdukal ng karunungan
• Ang totoo’y maliit na bahagi lamang ng mga ito ang
naisasalin sa Filipino sapagkat ang Ingles ay ginagamit ding
wikang panturo sa paaralan.
Kasaysayan Ng
Pagsasaling-wika
Sa Pilipinas
Unang Yugto ng Kasiglahan
• Ang pagsasalin ay ginamit upang mapalaganap ang
Kristiyanismo. Isinalin ang mga katesismo, mga
akdang panrelihiyon, mga dasal at iba pa, sa
ikadadali ng pagpapalaganap ng Iglesia Catolica
Romana.
Unang Yugto ng Kasiglahan
• Bagamat nadiskubre ni Magellan ang ating kapuluan
noong 1521, ang aktuwal na pananakop o kolonisasyon
ng Espanya ay nagsimula noon lamang 1565 nang
dumaong sa Cebu ang ekspedisyong pinamumunuan ni
Miguel Lopez de Legaspi, kasama ang sundalong-pare
na si Fr. Andres de Urdaneta.
• Ang panahon ng pananakop ng mga Kastila ay
maituturing na unang yugto ng kasiglahan sa
pagsasaling-wika sa Pilipinas.
Unang Yugto ng Kasiglahan
• Ilan sa mga salin sa Tagalog ng mga akdang panrelihiyon na
hinalaw ng awtor sa isang lathalain ng dating Surian ng Wikang
Pambansa – Tagalog Periodical Literature, Teodoro A. Agoncillo
(nagtipon), Maynila: 1953: (Mapapansing pinanatili ni Agoncillo
ang aktuwal na ispeling na ginamit ng mga awtor.)
• Calderon, Sofrinio C. “Ang Pag-ibig ng Mahiwagang Diyos”
(saling halaw sa mga akda ni Buffalo Bill; walang petsa)
• Angeles, Roman de los. “Buhay ni Sta. Maria Magdalena”
(saling patula mula sa “Historia de un Martir de Golgota.”
Maynila: Imprenta de Fajardo, 1907)
• Garcia, Vicente. “Ang Pagtulad Cay Cristo” (mula sa “The
Imitation of Christ” ni Thomas a Kempis; Maynila: Imprenta de
Santos y Bernal, 1880).
Unang Yugto ng Kasiglahan
• Sa nabanggit na koleksyon ni Agoncillo ay 209 na
lahat ang nakatalang “Religious Works” na
karamihan ay salin o adaptasyon mula sa mga
manuskrito, pamplet, aklat at iba pa na orihinal na
nasusulat sa wikang Kastila. Inamin niya sa
kanyang “Introduction” na ang koleksyon ay isang
maliit na bahagi lamang ng kabuuang dapat
matipon.
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
• Muling nagbago ang papel na ginampanan ng
pagsasaling-wika.
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
• Maikling Nobela
• Dianzon, Leonardo A. & Gerardo Chanco. “Ang
Buhay ay Pag-ibig” (mula sa “Vivir es Amar” ni
Manuel Ibo Alfaro, sa Ang MITHI, Okt. 1971 –
Mar. 1918).
• Laksamana, Francisco, “Dugo sa Dugo” 9mula sa
“Lucha de Razas” ni Bradon, sa TALIBA, 1912).
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
• Maikling Kwento
• Mariano, Patricio. “Mga Alamat” (mula sa “El
Filibusterismo” ni Jose P. Rizal. MULING
PAGSILANG, 1904).
• Rosario, Deogracias A. “Dafne at Apolo”,
“Alamat ng Laurel”, (mula sa “A Book of Fables”
ni Bulfinch. ANG DEMOCRACIA. Hunyo, 1913).
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
• Dula
• Balmaseda, Julian C. “Ang Hampas-Lupa” (mula sa
iisahing tagpong “The Vegabond” ni Jacinto Venavente.
SAMPAGUITA, Disyembre 8, 1925.
• Rivera, Jose M. “Simoun” (mula sa “El Filibusterismo” ni
Jose Rizal, TALIBA, Hunyo 30 – Hulyo 3,1916.
• Asistio, Narciso S. “Mutyang Pinaghahanap” (malayang
salin mula sa “The American Marquis” ni Nick Carter,
Limbagan ni P. Say, balo ni Soriano, 1923
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
• Tula
• Almanzor, Vicente. “Ang Aking Pahimakas” (mula sa
“Mi Ultimo Adios” ni Jose Rizal, AB+NG DEMOCRACIA,
Hunyo 19, 1911
• Balmaseda, Julian C. “Ang Kalupi ng Sakristan” (mula sa
“Memorias de un Sacristan”. TALIBA, Nobyembre 24,
1915
• Silvestre, Aniceto F. “Aking Ina” (mula sa “Mother of
Mine” ni Kipling. ANG MITHI, Hunyo 25, 1921.
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
• Ang Tagalog Periodical Literature ni Agoncillo ay
nakapagtala ng mga sumusunod na salin: Maikling
Nobela: 10, Maikling Kwento: 109, Drama: 12,
Nobela: 87, Tula: 51, Panrelihiyon: 109.
• Ang pagtitipon ay hanggang 1925 lamang.
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
• Ang ilang naisaling mga tula ay tinampok sa teatro
na siyang pinakapopular na libangan.
• Sa panahon ng mga Amerikano nagsimulang
magkaroon ng iba’t ibang tema ng kwento.
• Sa panahong ring ito nagsimula ang pakikipag-
ugnayang intelektuwal
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
• Hindi nagbago ang kasiglahan ng pagsasalin ngunit
hindi rin maikakaila na maaaring may iba na itong
magiging kahulugan mula sa orihinal na teksto dahil sa
hindi tuwirang pagsasalin.
• Ang ‘di tuwirang pagsasalin ay ang pagsasalin ng hindi
orihinal na teksto kundi na isa na ring salin.
• Ang kadalasang tekstong ginagawan ng panibagong
salin ay mula sa Ingles.
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
• Halimbawa ng saling teksto:
• Agustin, Dionisio, et al. “Don Quixote” mula sa salin sa
Ingles ng nobelang “Don Quixote de la Mancha” ni
Cervantes, 160 P. Vera & Sons, Co. 1940).
• Villalon, A. B. “Ang Iliad at Odyssey” (mula sa “Iliad
and Odyssey” ni Homer; Maynila: PBC, 1972)
• Borlaza, Gregorio C. “Romeo at Julieta” (mula sa
“Romeo and Juliet” ni Shakespeare: Maynila;
Dalubhasang Normal ng Pilipinas, 1968)
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
• Rolando Tinio
• Isang makata, dramatista, direktor, aktor, kritiko,
manunulat at edukador.
• Ang mga sinalin niyang mga akdang klasikong
pandulaan na lumaganap sa Europa at ipinalabas sa
mga piling teatro sa Kamaynilaan, lalo na sa Cultural
Center of the Philippines.
• Nilayon niyang mapaabot sa kanyang mga kababayan
ang mga kilalang piyesang pandulaan ng daigdig sa
pamamagitan ng wikang higit na nauunawan at
tumatalab sa kamalayan.
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
• Mababanggit na rin dito ang isang magandang
proyekto na isinagawa ng National Book Store
noong 1971. Ipinasalin ng NBS ang mga popular na
nobela at kwentong pandaigdig at isinakalat upang
magamit sa mga paaralan. Halos lahat ay salin ng
salin at Ingles ang naging Wikang tulay.
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
• Narito ang ilang halimbawa:
• Si Pusang Nakabota. (Salin ng kwentong Puss N’ Boots.)
• Rapunsel. (Salin ng Rapunzel.)
• Ang Munting Pulang Inahing Manok at ang mga Butil ng
Trigo. (Salin ng The Little Red Hen.)
• Ang Prinsesa at ang Gisantes. (Salin ng The Princess
and the Pea.)
• Si Jack at ang Puno ng Bitswelas. (Salin ng Jack and
The Beanstalk.)
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
• Mga Salin na Isinakomiks: (National Klasiks Illustrated,
1973.)
• Kasaysayan ng Dalawang Lungsod. (Salin ng A Tale of Two
Cities.)
• Robinhood. (Salin ng Robinhood.)
• Ang Negosyante ng Venicia. (Salin ng The Merchant of
Venice.)
• Wuthering Heights. (Salin ng Wuthering Heights.)
• Natutulog na Kagandahan. (Salin ng The Sleeping Beauty.)
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
• Ang toto’y hindi lang ang National Book Store ang
nagsagawa ng ganitong proyekto. Ang ibang
pabliser man ay naglimbag din ng mga saling akda.
Ang Goodwill Bookstore, halimbawa, ay naglathala
ng koleksyon o antolohiya ng mga klasikong
sanaysay nina Aristotle, Aquinas, Kant at iba pang
kilalang pilosoper.
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
• Ang Children’s Communication Center ay may
proyekto rin sa pagsalin ng mga akdang pambata.
Ilan sa mga naipalathala na nito ay ang mga
sumusunod: Mga Kuwentong-Bayan Mula Sa Asia,
Rama at Sita, Palaso ni Wujan, Mga Isdang Espada
at iba pa.
Ikatlong Yugto ng Kasiglahan
• maituturing na ikatlong yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-
wika ay ang mga pagsasalin sa Filipino ng mga materyales,
pampaaralan na nasusulat sa Ingles, Tulad ng mga aklat,
patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa, kaugnay na
pagpapatupad sa patakarang bilinggwal sa ating sistema ng
edukasyon.
• Ayon sa Department Order No. 25, s. 1974 na nirebisa
noong 1987 sa pamamagitan ng Department order No. 52,
higit na marami ang mga kursong ituturo sa Filipino kaysa
Ingles.
Ikatlong Yugto ng Kasiglahan

• Kung masusunod ang rekomendasyon ng EDCOM (Educational


Comission), Filipino na ang dapat na Wikang panturo sa elementary at
sekundarya pagsapit ng taong 2000. At sapagkat ang karunungan ng
bansa at ng daigdig ay sa pamamagitan ng Wikang Ingles pa higit na
natatamo, kinakailangan ang malawakang o lansakang pagsalin ng mga
materyales at kagamitang pampagtuturo, kaalisabay ng isinasagawang
tuwirang pagsulat sa Filipino ng mga manunulat na mayroon nang gayong
kakayahan.
Ikatlong yugto ng kasiglahan
• Narito ang ilang halimbawa:
• Almanzor, Teresita, et al. “Isang Pagsasalin sa Pilipino ng Ikaapat at Ikalimang Bahagi ng A Programmed
Introduction to Linguistics ni Cynthia D. Buchahan,” PNC, 1971.
• Cailles, Isidro S. “Pagsasalin sa Pilipino ng Elementary Science IV: A Curriculum Guide for Teachers.” PNC,
1970.
• Castillo, Felicidad B. “Isang Pagsasalin sa Pilipino ng Revised Program of the Girl Scouts of the Philippines,”
PNC, 1972.
• Cruz, Araw A. de la. “Pagsasalin sa Pilipino ng ikatlong kabanata ng Tagalog Reference Grammar,” PNC,
1971
• Fajardo, Virginia J. “Isang Pagsasalin ng A Teaching Guide inHome Economics for Grade VI, Mula Sa Unit VIII
Hanggang Unit XIII,” PNC, 1971.
Ikaapat na yugto ng kasiglahan

• Ang maituturing namang ikaapat na yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-


wika ay ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang di Tagalog.
• Kailangang-kailangang isagawa ang ganito kung talagang hangad nating
makabuo ng panitikang talagang matatawag na “Pambansa.”
• Mapapansin na ang ipinangalandakan nating “pambansang panitikan,” sa
katotohanan ay panitikan lamang ng mga Tagalog sapagkat bahagyang-
bahagya na itong kakitaan ng panitikan ng ibang pangkat-etniko ng
bansa.
Ikaapat na yugto ng kasiglahan

• Malaking bahagi ng panitikan ng lahing Pilipino ang unti-unti nang


“nalilibing sa limot” sapagkat karamihan sa mga ito ay di-nasusulat.
At kung nasusulat man ay hindi naisasalin sa Wikang Tagalog, kaya’t
hindi nagiging bahagi ng pambansang kamalayan.
• Napakayaman ng panitikan ng Pilipinas kung maisasalin lamang sa
Tagalog at maipalilimbag ang panitikanng iba’t ibang Wikang
katutubo.
• Kung magkakaroon lamang tayo ng isang panitikan na sadyang
kumakatawan sa ating pambansang kausipan, matatagpuan
natin ang ating sarili at hindi tayo matatawag na mga
“nawawalang kaluluwa” sa sariling bayan.
• Sa bahaging ito’y matataya na natin marahil na sadyang
napakahalaga ang papel na ginagampanan ng pagsasaling-
wika.
• Mababanggit sa bahaging ito ang isang naging proyekto sa
pagsasalin ng magkatuwang na isinagawa ng LEDCO (Language
Education Council of the Philippines) at ng SLATE (Secondary
Language Teacher Education) ng DECS at PNU noong 1987 sa
tulong na pinansyal ng Ford Foundation. Ang proyekto ay
nakatoon ng dalawang bahagi: Pagsangguni at Pagsalin.
• Naisalin sa workshop-seminar ang mga sumusunod: Alamat at
Kwentong-Bayan – 14, Dula – 4, Kwento – 30, Sanaysay – 8, Tula – 50.
Pagkatapos maedit ang mga salin, minimyograp ang mga ito at
isinaaklat sa dalawang bolyum na naging bahagi ng report na
ipinadala ng SLATE sa DECS noon 1988. Ang nasabing dalawang
bolyum ng mga saling akda ay nagiging hanguan na ngayon ng mga
materyales para sa mga aklat sa hayskul.
• Ang isa pang maituturing na realistikong hakbang tungo sa pagbuo ng
pambansang panitikan ay ang isinagawa ng GUMIL (Gunglo Dagiti
Mannurat nga Ilocano), isang samahan ng mga manunulat na Ilocano ng
mahuhusay na kwento sa Wikang Iloco at isinalin nila ang mga ito sa
Filipino. Ipinalimbag nila ang mga salin. Tinawag nila ang aklat na
KURDITAN. Sa gayong paraan, ang mga kwentong orihinal na sinulat sa
Iloco ay nalagay na sa katayuan upang mapasama sa pambansang
panitikan sapagkat meron nang bersyon sa Wikang Tagalog.
• Kung ang iba pang katutubong wika, lalo na ang mga
pangunahin na tulad ng Cebuano, Hiligyanon, Pampango,
Waray, Bicol at Pangasinan ay magsasagawa ng ganitong mga
proyekto sa pagsasalin sa Filipino ng kani-kanilang panitikan,
mababawasan ang mga problema sa pagbuo ng panitikan na
matatawag na tunay na Pambansa.
• Halimbawang salin ng ating mga katutubong panitikan na hinalaw sa talaan ng
mga tesis ng mga estudyante sa paaralang gradwado ng PNU:
• Acacio, Angel A. “Pagsasalin ng Biag ni Lam-ang at Pag-aaral ng Matandang Kailangang
Iloco na Inilalarawan ng Epiko,” PNC 1969.
• Andrade, Evencia. “Isang Pag-aaral at Pagsasalin sa Talasalitaan ng mga Piling Kwntong-
bayan sa Maguindanao sa Wikang Pilipino at Cebuano,” PNC: 1970.
• Cinco, Felicitas C. “Isang Pag-aaral at Pagsasalin sa Pilipino ng mga Alamat, Kwentong-
bayan, Talambuhay ng mga Bayani ng Pook, Katutubong Sayaw at Awit, Mga
Kaugalian at Pamahiin ng Kanlurang Samar,” PNC: 1968.
• Nitong mga huling araw, ang isa sa mga napagbalingan ng mga
manunulat na mahilig magsaling-wika ay ang panitikang Afro-
Asian. Pagsasaling-wika na unti-unti na ngayong nakakaanyo.
Mababanggit na kasama ngayon sa kurikulum ng ikalawang taon
sa hayskul ang pagtuturo ng Afro-Asian Literature. Totoong Ingles
pa ang midyum na magagamit o available sa ngayon – mga salin
ng mga manunultn na banyaga na sinundan ng mga manunulat
na lokal.
• Maganda ang sinabi ni Isagani Cruz, isang kilalang kritiko, sa Panimula ng aklat
ni Medina (Mga Maikling Kuwento Mula sa South-East Asia, 1986, Solidaridad
Publishing House). Ganito ang sabi nya: “Para tayong mahihina ang mga
matang mas madali pang makakita ang malayo kaysa mga likha ng kurikulum
ng panitikang Afro-Asian sa ating sistema ng edukasyon ay masasabing
pagwawasto sa pagkakamali sapagkat noong nakaraang mga kaluraning
panitikan at hindi man lamang naisip na lumingap sa paligid – sa panitikang
Afro-Asian o sa panitikan ng mga taong mas malapit satin sa napakaraming
bagay.
• Parang naunawaan ng Toyota Foundation ang magandang sinimulan ni Medina
sapagkat pinondohan nito ang isang proyekto ng isang pangkat ng kalapit-bansa.
Ang nasabing Translation Project ay naisagawa sa pakikipagtulungan ng Solidarity
Foundation.
• Sa larangan ng drama, nagpatuloy ng maraming taon ang pagsasalin ng mga
banyagang akda. Sina Ronaldo Tinio at Behn Cervantes at iba pang kilalang
mandudula ng bansa ang nagsisipanguna sa ganitong uri ng pagsasaling-wika.
Layunin ng mga mandudulang ito na ibahagi sa masang Pilipino ang mga dakilang
dula ng daigdig.
• Ang NCCA (National Commision on Culture and Arts) na dating
PCCA (Presidential Comission on Culture and Arts) ay
nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang samahan, tulad ng P.E.T.A
(Philippine Educational Theatre Association) at iba pang
samahang pangwika upang magsagawa ng mga proyektong
makakatulong sa pagpapaunlad ng Wikang Pambansa bilang
kasangkapan sa pagpapaunlad ng pambansang kultura at mga
sining.
• Anopa’t kung pagsasaling- wika sa Pilipinas ang pag-uusapan,
ang tanggapang maituturing na nangunguna at siyang
kinikilala sa larangang ito ay ang Komisyon sa Wikang Filipino
(dating Surian/Linangan ng Wikang Pambansa) na sadyang
itinatag ng Pamahalaan upang siyang mangalaga sa
pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Pambansa.
• Napakaraming isinalin ng tanggapang ito – mula sa mga
karatula na kailangan ng iba’t ibang departamento at gusali
ng Pamahalaan hanggang sa maseselang dokumento, tulad
ng mga papeles para sa mga kasunduang panlabas, Saligang-
batas ng Pilipinas at maraming-marami pang iba.
• Kung itatala rito ang mga naisalin na ng ahensyang ito ay magiging
napakahaba at maaring hindi maghusto sa aklat na ito.
• Gayunpaman, nararapat lang marahil na banggitin sa bahaging ito ang
isang katotohanan sa kabila ng mga kasiglahang nagaganap sa
pagsasaling-wika dito sa Pilipinas, ang pagsasaling-wia bilang isang
sining ay hindi pa gaanong nakakalayo sa kanyang kuna o duyan, wika
nga, lalo na kung ihahambing sa antas ng kaunlaran sa larangang ito sa
ibang kalapit-bansa natin sa Silangang Asia.
• Sa bahaging ito di-maiwasang gunitain ang isang malungkot na impormasyon na
ibinahagi ni Punong Komisyoner Ponciano B.P. Pineda. Naganap ito noong ang
Komisyon ay Linangan pa. Tumanggap daw siya ng isang liham buhat sa isang
bansa na nanghihingi ng talaan ng “Registered Translators” ng ating bansa para
yata maisama sa talaan ng mga tagapagsaling-wika na ilalabas bilang isang aklat
para sa mga pangunahing aklatan ng daigdig. Bigla raw siyang nagising sa
katotohanan na ang pagsasaling-wika pala dito sa Pilipinas ay musmos na
musmos pa sapagkat wala siyang maibigay na talaan nga mga “Registered
Translators” ng ating bansa.
• Balang araw, kung magpapatuloy ang pag-akyat ng Filipino bilang
Wikang panturo, at wala namang dahilan upang hindi magpatuloy,
dapat lang asahan ang higit na kasiglahan sa pagsaling-wika, lalo’t
iisiping patuloy ang pagpasok ng iba’t ibang uri ng kaalaman at
karunungan na ang daluyan ay Wikang Ingles. Ang masang Pilipino ay
makikisangkot lamang nang husto sa Pamahalaan kung ang midyum
ng talastasan ay ang Wikang kanilang nauunawaan at nagagamit.
The Art of Translation, 1968
-Savory, Theodore

Sining ng Pagsasaling-wika, 2003


-SANTIAGO, ALFONSO O.

You might also like