You are on page 1of 11

Mga Isyung Pansibiko

(Modyul 25)
Pakikilahok sa mga Isyung Pansibiko
Pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at
pampolitika
Àno nga ba ang pakikilahok?
-Pakikilahok ay ang aksiyon o pagtugon ng mga indibidwal na tulad mo, o ng mga samahan sa iyong
komunidad na sama-samang gumagawa upang malutas ang mga samahan sa pamayanan o komunidad.
Ang pakikilahok ay mahalaga sa pagpapatupad ng mga proyekto o aktibidad sa pamayanan dahil ditto
natututo tayo kung paano natin haharapin ang mga pangangailangang pangkomunidad. Ang pakikilahok
ng mga tao ay nagtuturo sa atin ng pagkakaisa sa pagkilos. Ang pagkakaisasa pagkilos ay maaring
tumungo sa mas maraming pamimilian sa pag-isp na mas mabubuting proyekto na makapagpapaunlad sa
sarili at sa ating pamayanan.
Ako at ang aking barangay
Ang barangay ay maliit na yunit ng ating pamahalaan kung saan nahuhubog ang ating pagkatao.
Sa barangay matatagpuan ang mga tao na una nating nakasalamuha gaya ng mga kalaro, kaibigan, at mga
taong naging bahagi ng ating buhay. Dapat din nating gampananang ating gawain at tungkulin bilang
isang mamamayan. Nararapat na tumulong tayo sa mga gawain ng ating barangay at nararapat din na
makialam tayo sa mga nangyayari rito. Kinakailangan ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagsuporta
natin. Upang makamit natin ang kapayapaan, pagkakaisa, at kaayusan sa ating barangay. Huwag tayong
maging bulag sa mga nangyayari sa ating paligid. Dapat tayong makisangkot at makilahok sa mga
gawaing pansibiko at pampolitika.
Mga kabuting dulot ng pakikilahok
Ang mga kabuting dulot ng pakikilahok sa pagsubaybay ay ang mga sumusunod:
• Sama-samang pagsisikap
• Pagpapabuti ng pananagutan(accountability)
• Mas mabuting kapasyahan o desisyon
• Pagpapabuti ng gawa
• Mas mabili na impormasyon
Ang pakikilahok ay nakatutulong sa mga mamamayan na magkaronn sila ng iisang pag-unawa sa mga
problemang kinakarap ng pamayanan o ng mismong proyetkto. Nakatutulong ito upang matukoy ang mga
solusyon o suliranin. Kapag maraming tao ang nakikilahok, nangangahulugang nakatutulong sila sa
pagbibigay ng impormasyong may kaugnayan sa pangangasiwa, pati na rin sa pagbubuo ng desisyon.
Narito ang ilan sa mga programa at proyekto
na maaaring lahukan ng mga ordinaryong
pilipinong tulad mo
• Clean and Green Campaign. Maaari kang sumama sa iyong mga kapitbahay ang linisan ang kapaligiran.
• Mga Programang Pangkabuhayan. Maaari mong imbitahin ang iyong mga kapitbahay upang dumalo sa
mga seminar at pagsasanay sa komunidad.
• Day Care Centers. Maaari kang maging bolungtaryong manggagawa sa day care center.
• Programa sa Pagtatanim ng Puno . Maaari kang magtanim ng mga puno(reforestation program) at
halaman sa iyong komunidad.
• Feeding Program. Maaari mong sabihin ang lahat ng mga ina sa iyong komunidad hinggil sa kahalagahan
at iskedyul ng programa sa pagpapakain para sa mga bata.
• Pag-iimbak ng Pagkain. Maaari mong ibahagi ang ano mang nalalaman mo hinggil sa pag-
iimbak(preservation) ng pagkain.
• Pangangalaga sa Coral Reefs. Maaari kang manghingi ng mga lumang gulong mula sa mga may-ari ng
bus at kotse na maaring magamit bilang artipisyal na coral reef.
• Pagbabasa at Pagbibilang. Kung ikaw ay magaling sa Math at iba pang paksa tulad ng English at
Science, maaari mong turuan and iba pang residente sa iyong komunidad hinggil sa mga araling ito.
Makatutulong ka sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila.
• Programang Pangkalusugan. Makatutulong ka sa pamamagitan ng pagbabalita sa mga resident hinggil
sa mga programa at serbisyo ng inyong health center. Maaari mo ring tulungan ang mga opisyal na
pangkalusugan sa inyong komunidad upang magbuo ng nutrition map ng iyong komunidad. Puwede ka
ring mag-boluntaryo bilang manggagawang pangkalusugan ng komunidad.
• Pagsasaayos ng Pagtatapon ng Basura. Maaari kang makilahok sa pamamagitan ng paggawa ng mga
poster na may islogan hinggil sa kalinisan. Maaari mo ring kumbinsihin ang mga kapwa residente na
magbuo ng isang komite o grupo na titiyak sa kalinisan sa inyong komunidad.
• Pagtuturo sa mga Mangingisda. Makatutulong ka sa pagkumbinsi sa mga kapwa mangingisda na
dumalo sa mga seminar, pagpupulong, at pagsasanay ukol sa mga bagong teknolohiya sa pangingisda.
Maaari ka ringmag-imbita ng ang tagapagsalita para sa seminar.
Maliban sa mga programa at proyektong nabanggit, maaari ka pang makatagpo ng iba pang programa at
proyektong ipinapatupad ng iba pang barangay. At maaari silang magbigay-daan upang makilahok ka sa iyong
komunidad. Ang ilandito ay ang sumusunod:
* Tamang Paghahanda ng Pagkain. Maaari mong imbitahin ang tagapagsalita para sa seminar sa paghahanda ng
pagkain.
* Kampanya para Linisin ang mga Kanal, Ilog, at Dagat. Maaari kang sumali bilang miyembro ng grupong
maglilinis ng mga kanal at ilog sa inyong komunidad.
* Programa para sa Edukasyon ng Matatada sa Komunidad. Maaari kang magturo sa matatanda.
* Makabagong Pagsasaka. Maaari mong hikayatin ang mga magsasaka sa iyong komunidad upang dumalo sa
mga seminar hinggil sa bagong teknolohiya sa pagsasaka.
* Pangangalaga sa mga Bata. Maaari mong hikayatin ang mga kasama mo sa komunidad upang magbuo ng
grupo ng mangangalaga sa mga bata sa komunidad.
* Employment. Maaari kang makipagtulungan sa iyong lider pangkomunidad sa pagtatakda ng mga seminar at
pagsasanay para self-employment.
* Kampanya Laban sa Ilegal na Droga. Maaari kang magpakalat ng impormasyon hinggil sa masasamang epekto
ng bawat na gamot.
* Reading Centers. Maaari kang magbigay ng mga luamang libro sa mga basahan sa iyong komunidad.
* Responsableng Pagpapamilya. Maaari mong hikayatin ang mga mag-asawa at mga magulang sa iyong
komunidad upang dumalo sa mga seminar hinggil sa responsableng pagpapamilya.
* Pagpaplano ng Pamilya. Maaari kang maglunsad ng mga panggrupong talakayan kasama ang iyong mga
kaibigan at pag-uusapan ang kahalagahan ng pagpaplano ng pamilya.
* Kampanya sa Paglikha ng Pagkain. Maaari mong hikayatin ang iyong mga kapitbahay upang magtanim ng mga
tanim at gulay sa kanilang mga likod-bahay.
* Paglilinis ng mga Palikuran. Maaari mong talakayin sa iyong mga kapitbahay ang kahalagahan ng malinis na
palikuran. Maaari mo ring talakayin ang mga sakit na maaring makaapekto sa mga residente at mga bata.
Ang Pangunahing Isyu sa Pamayanan
1. Parking – Ang problema ditto ay hindi nakakapasok ang mga truck dahil sa double park ng mga
sasakyan. Walang garahe ang may sasakyan.
2. Mga Aso at Pusa – Nagkalat ang mga aso at pusa sa kalye. Panganib ito sa mga bata na makagat at
nagkalat ang mga dumi nito.
3. Baradong drainage – Ang mga drainage ay barado na nagsasanhi ng pagbaha. Kadalasan ito ay
pinagtatapunan ng mga Basura kagaya ng plastik.
4. Mga Lasing sa Kalsada – Nagkalat ang mga nag-iinuman sa kalsada na kadalasang nagiging sanhi
ng basag-ulo.
5. Basura – Hindi marunong nang tamang Pagtatapon ng Basura at paghihiwalay ng nabubulok at
hindi nabubulok.
Isyu sa Droga o koordinasyon at
kooperasyon hiniling ng PDEA
Anong ibig sabihin ng PDEA?
- Ang ibig sabihin ng PDEA ay Philippine Drug Enforcement Agency
Isa sa mahahalagang ahensiya ng pamahalaan ay ang tanggapan ng Philippine Drug Enforcement
Agency(PDEA) na naglaalyong tumulong sa pagbibigay-serbisyo sa mga mamamayan sa paraan ng pagsugpo ng
mga ipinagbabawal na gamot na siyang sumisira sa buhay ng tao, higit sa lahat sa mga kabataan.
Ayon sa Bureau of jail Management and Penology(BJMP), tinatayang nasa 90% ng mga kasalukuyang
nakakulong sa piitan ang may kinalaman sa ipinagbabawal na Droga. Ilan sa mga kaso ay ang pagtutulak at
paggamit ng bawal na Droga.
Hinihiling ng PDEA ang koordinasyon ng mga mamamayan upang maisulong at maisakatuparan ang
kanilang hangarin na masugpo ang mga natutulak at gumagamit ng bawal na gamot. Subalit hanggang ngayong,
ito pa rin ang isyu lalo na sa kabataan. Gayon din, isyu ito sa pamahalaan ng may katiwalian o korapsyon na
nangyayari sa mga proyekto na kaugnay sa ipinagbabawal na Droga.
Group 5 Members
Julie Mae Arcayan
Jose Erwin Godinez
Mia Margarette Sinculan
Mary Rose Cabagnot
Eiseanlois Abrahan

You might also like