You are on page 1of 12

DATAMEX COLLEGE OF SAINT ADELINE, INC.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA
WIKA AT KULTURANG PILIPINO
 
LORD I OFFER MY LIFE
MGA KONSEPTONG
PANGWIKA
Ang wika ay isang sistema ng pakikipagtalastasan na

ginagamit ng malaking bilang o pangkat ng tao.

Ang diyalekto ay ginagamit ng maliit na bilang o pangkat ng

tao. Nakikita ito kaugnay ng pinanggalingang lugar ng

tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension: espasyo, panahon at

katayuang sosyal. Nagkakaiba rin sa tono, bigkas at talasalitaan.


BERNAKULAR –
Ito ay tinatawag na wikang katutubo ng isang pook. Isang
hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng
gobyerno o ng kalakal. Tinatawag din itong wikang panrehiyon.
 
BILINGGUWALISMO –
Tumutukoy sa dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging
bilingguwal ng isang tao kung nakapagsasalita siya ng
dalawang wika nang may pantay na kahusayan.
MULTILINGGUWALISMO –
Tumutukoy sa pantay na kahusayan sa paggamit ng
maraming wika ng isang tao o ng grupo ng mga tao. Ito ay
patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit ng
wikang pambansa at katutubong wika bilang pangunahing
medium sa pakikipagtalastasan at pagtuturo.
Wikang Pambansa –

Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng


Konstitusyon ng 1987 nakasaaad na, “Ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay ang Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at payamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Malinaw na nakasaad rito
na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay ang Filipino.
Wikang Panturo –
Sa Konstitusyon ng 1987 (Artikulo XIV, Seksiyon 6-9),
malinaw na itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa ng
Pilipinas. Kasunod nito ang pagpapagamit sa Filipino bilang
midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na asignatura.
Ang wikang panturo ang wikang ginagamit sa pormal na
pagtuturo sa pagpapaliwanag sa mga aralin at sa mga
talakayan sa klase. Ginagamit din ito sa paggawa ng mga
aklat, modyul, at iba pang material pangturo. Sa
pangkalahatan ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at
wikang panturo sa mga paaralan.
Wikang Opisyal –
Ayon sa Artikulo XIV, Seksiyon 7 ng Konstitusyong
1987,”ukol sa layunin n komunikasyon at pagtuturo, an wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang
itinadhana ang batas, Ingles.” Gagamitin ang Filipino bilang
opisyal na wika sa pag-aakda ng mga batas at mga dokumento
ng pamahalaan. Ito rin ay gagamitin sa mga diskurso sa loob
ng bansa.
Samantala, gagamitin naman ang Ingles bilang isa pang
opisyal na wika ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa mga
banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipag-komunikasyon sa
iba’t ibang bansa sa daigdig.
Upang magamit at mapayabong ang wikang pambansa
nabuo ang Atas Tagapagpaganap Blg. 335 na nilagdaan ng
Pangulong Corazon Aquino noong ika- 25 ng Agosto, 1988 na,
“Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran/ kawanihan/ opisina/
ahensya/ instrumentaliti ng pamahalaan na magsasagawa ng
mga hakbang na kailangan sa layuning magamit ang Filipino sa
mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at
korespondensya.”
Tama o Mali: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap. Kung mali naman, salungguhitan ang salitang nagpamali
sa pangungusap at palitan ito ng tamang sagot.

1. Ang wika ay ginagamit ng malaking bilang o pangkat ng tao.


2. Nagsasaad sa Artikulo VII, Seksiyon 14 ng Konstitusyong 1987 ang
paggamit sa Filipino bilang opisyal na wika sa pag-aakda ng mga
batas at mga dokumento ng pamahalaan.
3. Ang multilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na
gumamit ng dalawang wika.
4. Bernakular ang tinatawag na wikang katutubo ng isang pook.
5. Ang Atas Tagapagpaganap Blg. 335 ay nilagdaan ng Pangulong
Corazon Aquino noong ika- 25 ng Agosto, 1988.

You might also like