ulat – hindi ko tatanungin kung “Gaano ka Katalino”, kundi aalamin natin kung “Ano ang iyong Talino”. Handa ka na bang madiskubre ang iyong talino? Kilala si Howard Gardner, higit sa lahat, para sa kanyang pagsasaliksik sa isip at katalinuhan ng tao. Sa puntong ito, matapos maimbestigahan ng mahabang panahon ang pag-unlad ng nagbibigay-malay na kakayahan ng tao, noong 1983, ipinakita ni Gardner ang kanyang pinakakilalang teorya: Ang teorya ng maraming intelektuwal. Ang teoryang ito ay impluwensya mula kina Alfred Binet at ng isang German Psychologist na si William Stern. Noong 1904, hiniling ng Ministri ng Instruksyong Publiko kina Alfred Binet at William Stern na lumikha ng paraang tutukoy sa mga mag-aaral na nasa antas primarya na nanganganib na lumagpak para bigyan ng remidyal na pagsusulit. Sinimulan ang pagbibigay ng unang intelligence test at batay sa resulta ay napatunayang may intelligence na obhektibong masusukat na tatawaging IQ ('Intelligence quotient') Score. Ngunit bago natin alamin ang siyam na uri ng Multiple Intelligences, hayaan nyo akong kilalanin natin ang utak sa likod ng teoryang ito – si Dr. Howard Gardner. Si Dr. Howard Gardner ay ipinanganak noong 1943. Siya ay propesor ng edukasyon at sikolohiya sa Harvard University, propesor ng neurology sa Boston University, partikular, sa medikal na paaralan at siya rin ay manunulat ng napakaraming libro. Ang kanyang interes sa sikolohiya ay impluwensya mula nina Erik Erikcson at Jerome Bruner. Nang dahil dito lumitaw ang isang mas malawak na pangitain tungkol sa Multiple Intelligences. Ito ang naging batayan ni Howard Gardner upang patunayan na ang kanyang mga ideya, saloobin at paniniwala: ang paniniwala sa pagkakaroon ng isang solong sukat na katalinuhan; ang kahalagahan ng intelligence quotient (IQ) bilang pinakamaaasahang tool para sa pagtatasa ng kakayahan sa pag-iisip at pag-uuri ng mga mag- aaral batay sa mga posibleng tagumpay / pagkabigo ng kanilang pag-aaral; ang pandaigdigan at natatanging paraan ng pagkuha ng kaalaman, at nilalaman, nang isinasaalang- alang kung paano natututo ang bawat isa. Sa puntong ito ay kilalanin at aalamin natin ang siyam na uri ng Multiple Intelligences, ngunit hayaan nyo akong apat lamang ang aking ibibigay sapagkat ang limang uri ay ipapakilala sa atin ni Maam Aneyl. Simulan natin sa unang uri – ang Intelligence na Liggwistik. May kapasidad na magamit ng wasto ang mga salita nang pasalita o pasulat. May kakayahang magamit ang sintaks o istrukturang wika, ponolohiya o mga tunog ng wika, simantik o kahulugan ng wika at pragmatikong dimension o praktikal na gamit ng wika. (lektyur, malakihan at maliitang diskusyon, worksyap, brainstorming, gawaing pasulat, larong pasalita, pagbabahagi ng oras, pagkukuwento, sabayang pagbasa, pagpapalathala, at iba pa) Ngayon ay dumako tayo sa pangalawang uri – ang Intelligence na Lohikal-matematikal. May kapasidad na makapagdahilan at magamit ang mga bilang nang wasto Nagtataglay ng sensibiliti sa huwarang lohikal, releysyonsyip, proposisyon, sanhi at bunga. Ginagamitan ng prosesong kategorisasyon, klasipikasyon, inperens, paglalahat, kalkulasyon at pagsusulit-haypotesis. (Pagsagot sa mathematical problems, klasipikasyon at kategorisasyon, computer programing, lohikal na pagsagot sa problem solving, pag-iisip pang-agham, lihikal-sikwensyal na presentasyon ng paksang-aralin, at iba pa) Ang pangatlong uri ay Intelligence na Visual-spatial. May kakayahang Makita ng tama ang daigdig visual-spatial at makagawa ng transpormasyon mula sa mga persepsyon. May sensibiliti na magkulay, magguhit, maghugis, at mapag-ugnay-ugnay ang mga elementong nabanggit. (Grap, tsart, diagram, biswalisasyon, potograpi, video, slide, pelikula, pagkukuwentong imahinatibo, simbolong grapiko, at iba pa) Ang panghuling ibibigay ko ay Intelligence na bodily- kinesthetic May kakayahang makapagpahayag ng mga ideya atdamdamin at makagamit ng isang kamay na makalikha o makapagpabago ng mga bagay. Kabilang dito ang tiyak na mga kasanayang pisikal gaya ng koordinasyon, lakas, pleksibiliti, bilis at iba pa. (Malikhaing pagkilos, field trips, teatrong pangklase, pagluluto at paghahalaman, at iba pa)