You are on page 1of 11

Magandang Umaga sa ating lahat!

Sa puntong ito, bago ko sisimulan ang aking


ulat – hindi ko tatanungin kung “Gaano ka
Katalino”, kundi aalamin natin kung “Ano ang
iyong Talino”. Handa ka na bang madiskubre
ang iyong talino?
Kilala si Howard Gardner, higit sa lahat, para sa
kanyang pagsasaliksik sa isip at katalinuhan ng tao. Sa
puntong ito, matapos maimbestigahan ng mahabang
panahon ang pag-unlad ng nagbibigay-malay na
kakayahan ng tao, noong 1983, ipinakita ni Gardner
ang kanyang pinakakilalang teorya: Ang teorya ng
maraming intelektuwal. Ang teoryang ito ay
impluwensya mula kina Alfred Binet at ng isang
German Psychologist na si William Stern.
Noong 1904, hiniling ng Ministri ng Instruksyong
Publiko kina Alfred Binet at William Stern na lumikha
ng paraang tutukoy sa mga mag-aaral na nasa antas
primarya na nanganganib na lumagpak para bigyan ng
remidyal na pagsusulit. Sinimulan ang pagbibigay ng
unang intelligence test at batay sa resulta ay
napatunayang may intelligence na obhektibong
masusukat na tatawaging IQ ('Intelligence quotient')
Score.
Ngunit bago natin alamin ang siyam na uri ng
Multiple Intelligences, hayaan nyo akong kilalanin natin
ang utak sa likod ng teoryang ito – si Dr. Howard
Gardner. Si Dr. Howard Gardner ay ipinanganak noong
1943. Siya ay propesor ng edukasyon at sikolohiya sa
Harvard University, propesor ng neurology sa Boston
University, partikular, sa medikal na paaralan at siya rin
ay manunulat ng napakaraming libro.
Ang kanyang interes sa sikolohiya ay impluwensya
mula nina Erik Erikcson at Jerome Bruner. Nang dahil
dito lumitaw ang isang mas malawak na pangitain
tungkol sa Multiple Intelligences.
Ito ang naging batayan ni Howard Gardner upang
patunayan na ang kanyang mga ideya, saloobin at
paniniwala: ang paniniwala sa pagkakaroon ng isang solong
sukat na katalinuhan; ang kahalagahan ng intelligence
quotient (IQ) bilang pinakamaaasahang tool para sa
pagtatasa ng kakayahan sa pag-iisip at pag-uuri ng mga mag-
aaral batay sa mga posibleng tagumpay / pagkabigo ng
kanilang pag-aaral; ang pandaigdigan at natatanging paraan
ng pagkuha ng kaalaman, at nilalaman, nang isinasaalang-
alang kung paano natututo ang bawat isa.
Sa puntong ito ay kilalanin at aalamin natin ang
siyam na uri ng Multiple Intelligences, ngunit hayaan
nyo akong apat lamang ang aking ibibigay sapagkat ang
limang uri ay ipapakilala sa atin ni Maam Aneyl.
Simulan natin sa unang uri – ang Intelligence na
Liggwistik.
 May kapasidad na magamit ng wasto ang mga salita nang
pasalita o pasulat.
 May kakayahang magamit ang sintaks o istrukturang wika,
ponolohiya o mga tunog ng wika, simantik o kahulugan ng
wika at pragmatikong dimension o praktikal na gamit ng
wika.
(lektyur, malakihan at maliitang diskusyon, worksyap,
brainstorming, gawaing pasulat, larong pasalita, pagbabahagi
ng oras, pagkukuwento, sabayang pagbasa, pagpapalathala,
at iba pa)
Ngayon ay dumako tayo sa pangalawang uri – ang Intelligence na
Lohikal-matematikal.
 May kapasidad na makapagdahilan at magamit ang mga bilang
nang wasto
 Nagtataglay ng sensibiliti sa huwarang lohikal, releysyonsyip,
proposisyon, sanhi at bunga.
 Ginagamitan ng prosesong kategorisasyon, klasipikasyon,
inperens, paglalahat, kalkulasyon at pagsusulit-haypotesis.
(Pagsagot sa mathematical problems, klasipikasyon at
kategorisasyon, computer programing, lohikal na pagsagot sa
problem solving, pag-iisip pang-agham, lihikal-sikwensyal na
presentasyon ng paksang-aralin, at iba pa)
Ang pangatlong uri ay Intelligence na Visual-spatial.
 May kakayahang Makita ng tama ang daigdig visual-spatial
at makagawa ng transpormasyon mula sa mga
persepsyon.
 May sensibiliti na magkulay, magguhit, maghugis, at
mapag-ugnay-ugnay ang mga elementong nabanggit.
(Grap, tsart, diagram, biswalisasyon, potograpi, video, slide,
pelikula, pagkukuwentong imahinatibo, simbolong grapiko, at
iba pa)
Ang panghuling ibibigay ko ay Intelligence na bodily-
kinesthetic
 May kakayahang makapagpahayag ng mga ideya
atdamdamin at makagamit ng isang kamay na makalikha o
makapagpabago ng mga bagay.
 Kabilang dito ang tiyak na mga kasanayang pisikal gaya ng
koordinasyon, lakas, pleksibiliti, bilis at iba pa.
(Malikhaing pagkilos, field trips, teatrong pangklase,
pagluluto at paghahalaman, at iba pa)

You might also like