You are on page 1of 8

MGA NAPAPANAHONG

TEORYA SA
PAGTATAMO AT
PAGKATUTO NG WIKA
MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA
PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG WIKA

• Ang umiiral na pananalig na natutuhan


ang wika sa pamamagitan ng palagiang
paglalaan ng mga input na berbal at
may katugong pagpapatibay
(reinforcement) ay malinaw na
ipinahayag sa aklat ni B.F Skinner na
Verbal Behaviour (1957).
MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA
PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG WIKA
• Samantala noong 1959 sa isang matinding rebyu
na isinagawa ni Chomsky sa aklat ni Skinner,
pinanindigan niya na kung ang wika ay matutuhan
lamang sa pamamagitan ng pagpapatibay magiging
mahirap para sa isang taal na tagapagsalita ng
Wika (W1) ang pag-unawa sa mga pangungusap na
hindi pa niya naririnig. Idinagdag pa rin ni
Chomsky na hindi lamang sa mga proseso ng
pagmememorya at pag-uulit natutuhan ang wika.
MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA
PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG WIKA

• Ang ating isipan ay may taglay na isang


aktibong prosesor ng wika, ang Language
Acquisition Device (LAD), na nakalilikha ng
mga tuntunin sa pamamagitan ng walang
kamalayang pagtatamo ng pansariling
pagbabalarila.
MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA
PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG WIKA
• May tatlong pangunahing ideya ang
nakaimpluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng
wika sa kasalukuyan:

 Una, ang paglipat sa isang paradigmang kognitib


na nagsasabi ng pangunguna ng pagkatuto bago pa
man ang pagtuturo nito.
 Ikalawa, naisaalang-alang nang lubos ang proseso
ng pagtuturo/pagkatuto kung ito ay
katugma(compatible) ng mga prosesong likas na
nagaganap sa ating utak.
MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA
PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG WIKA
 Ikatlo, ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang
mahalagang kaisipang kontemporaryo na may
kaisahan sa mga layunin ng lahat ng mga lawak
pangnilalaman at pagsanib ng pagtuturo ng
pagsulat, pagsasalita, pakikinig, pag-iisip at ang
pagkilos ay isang nangungunang simulain sa
kasalukuyang kaisipan tungkol sa pagkatuto ng
wika.
ANG BALARILANG
TRANSPORMASYO
NAL
(TRANSFORMATIO
NAL GRAMMAR)
ANG BALARILANG
TRANSPORMASYONAL
(TRANSFORMATIONAL
GRAMMAR)
Ang mga mambabalarilang transpormasyonal gaya ni
Chomsky ay nananalig na ang isang wika ay may
taglay na set ng mga tuntunin na walang malay na
nalalaman at nagagamit ng isang tao sa kanyang pang-
araw-araw na pakikipagtalastasan. Tunguhin ng
balarilang transpormasyonal na maipaliwanag at
mailarawan ang likas na mga tuntuning ito ng wika.
Bagamat hindi nagiging modelo ang paradigmang ito
sa pagtuturo ng wika, malaki ang naiambag nito sa
Monitormodel ni Krashen.

You might also like