You are on page 1of 32

ARALIN 10:

ANG PAGSASALIN AT
PAGPAPAUNLAD SA WIKANG
PAMBANSA
Panimula
Hiniling nitong Lunes ng Suplicio Lines Inc. sa Regional Trial
Court ng Maynila ang pagpapatigil sa imbistigasyong ginagawa ng
Board of Marine Inquiry (BMI).
Nanghihingi anf Suplicio Lines Inc. ng temporary restraining
order dahil wala diumanong legal authority ang BMI para
imbistigahan ang aksidente na kung saan tumaob ang MV
Princess of the Stars.
Nag-file ng isang civil case ang Suplicio laban sa BMI para sa
mga pinsalang naidulot nito diumano sa korporasyon .
◦Nag-file  nagsumite, naghain
◦Legal authority  legal na awtoridad
◦Civil case  kasong sibil
◦Temporary Restraining Order (TRO) 
pansamantalang remedyo ay panatilihin
muna ang gamit nito
Alin sa mga sumusunod ang angkop na gamitin sa
pagsasalin?
Ngunit, subalit, datapwat, at pero
Mas pormal ang paggamit ng “ngunit”, “subalit”, at
“datapwat”.
May kaibahan ang wikang pasulat sa wikang pasalita.
Kagawaran, departamento, o department
 Ikayayaman ng wika natin kung gagamitin ang tatlong
nabanggit ngunit mas angkop ang “kagawaran” bilang
pamantayan ayon kay Almario.
Gampaning Pambansa
Layuning maipakita ang mahigpit na ugnayan ng
pagsasalin at ng pagpapaunlad sa Wikang Pambansa.
Misyon at pangarap na ihakbang ang wikang Filipino
paakyat sa antas ng kultibasyon (modernisasyon o
intelektuwalisasyon, kung ito ang nais gamitin)
Upang makamit ng Filipino ang karangalan at totoong
istatus na Wika ng Karunungan ay nangangailangan ng
karampatang pagpaplanong wika upang higit na
mapabilis ang kultibasyon at maiiwasan ang pasuling-
suling at walang direksyong pagsasagawa.
Ang wikang Filipino ay kailangan pang magbigkis sa
mga wika ng Filipinas sa pamamagitan ng isang
estandardisadong paraan ng pagsulat.
Magaganap ang kultibasyon ng Filipino kapag at
habang lumalaganap ito bilang wika ng pagtuturo
sa iba’t ibang disiplinang pang-edukasyon at
bilang wika ng batas, negosyo, at pamahalaan sa
dominyo ng kapangyarihan sa ating lipunan.
Magiging isang tunay na Wika ng Karunungan ito
sa pagtuklas at paglikha ng karunungan
Bakit nga ba kailangan ang isang Wikang
Pambasa?
◦ Ayon kay Quezon, bilang isang pambigkis sa sambayanang
may iba’t ibang unang wika.
◦ “Isang Bansa, Isang Diwa, Isang Wika”
◦ Ang wika ay isang sangkap sa paghubog ng nasyonalismo.
◦ Noong panahon ni Pangulong Garcia iwinagayway ang islogang
“Filipino Muna” bilang opisyal na patakaran sa ekonomiyang
Pambansa.
Ang wika ay hindi pambigkis lamang, binibigyan
ng bagong kakayahan ang mga edukadong
Filipino upang mag-isip para sa sarili at para sa
sariling bayan at gamitin ang pag-iisip upang
maging higit na malikhain saan mang larangan at
kurso sila mapunta, at magdulot ng kaunlarang
angkop sa pangangailangan ng sambayanang
Filipino.
Saan pumapasok ang pagsasalin?
Nakasandig ngayon ang mga edukadong Filipino sa Ingles bilang
wika ng edukasyon. Isang unang hakbang sa kultibasyon ng
Filipino ang pagsasalin mula sa wikang pandaigdig.
Sa yugtong ito, kailangan na ang isang mahigpit na pambansang
planong wika at kailanganng maging malaking bahagi nito ang
isang pambansang adyenda sa pagsasalin.
Ang karunungang nilalaman ng mga naturang wikang
pandaigdig ay kailangang maisalin sa wikang Filipino. Maging
mga libro at sanggunian, mga polyeto at artikulo sa mga
magasin at dyornal, mga paksa sa mga simposyum at talakayang
akademiko, balita at usapin sa radyo’t telebisyon at internet, at
iba pang kaparaanan.
Sa yugtong ito, kailangan na ang isang mahigpit na pambansang
planong wika at kailangang maging malaking bahagi nito ang
isang pambansang adyenda sa pagsasalin
MGA NILALAMAN NG ISANG
PAMBANSANG ADYENDA SA
PAGSASALIN
* Propesyonalisasyon ng pagsasalin, ito ang pagsasanay
sa isang hukbo ng mga tagasalin sa buong bansa.
Kaangkop din ang pagbibigay ng kaukulang lesinsya sa
karapat-dapat at ng pagkilala sa pagsasalin bilang isang
kagalang-galang at kapiki-pakinabang na propesyon.
• MTB-MLE o ang paggamit ng sariling wika bilang
wika ng pagtuturo sa unang baitang sa elementarya.
◦ Ang pagtukoy sa mga tekstong isasalin, kailangan ihanay ang
mga target, isalin at unahin ang dapat unahin.
◦ Mahalagang pPagtatatag ng isang maaaring tawaging
Kawanihan sa Salin upang siyang mangasiwa sa mabubuong
adyenda sa pagsasalin.
◦ atnubay ang Sistematikong pamimili ng isasalin sa pamimili ng
isang adyenda sa pagsasalin.
◦ Isaalang-alang din dito ang pondo, ang kapasidad ng mga
tagasaloin, at ang tunay na pangangailangan sa isang takdang
panahon.
KASAYSAYAN NG PAGSASALIN
SA PILIPINAS
◦ Panahon ng Espanyol – Doctrina Christiana (1593)
◦ Ika – 19 siglo – adaptasyon ng metriko romanse upang maging mga
awit, koridon at komedya.
◦ 1882 (makabaayn at kontra-kolonyalista) pagsasalin ni Marcelo H. Del
Pilar sa sanaysay na Amor Patrio ni Rizal.
◦ Panahon ng Amerikano – pagsasalin sa bkung anong hilig at nais ng
mga tagasalin at ng mga pangunahing editor at pabliser.
◦ Bago mag WW2 – nagsalin ng akdang Europeo batay sa bersiyong
Espanyol.
KAWALAN NG PLANO
◦ Higit na naukol sa akdang pampanitikan ang
itinuturing na makabuluhang pagsasalin.
◦ Walang layuning isawikang katutubo ang mga
banyagang asignatura.
◦ Walang nagpapatotoo at sumusuri kung maayos
ang ilang librong salin.
KASALUKUYANG ANTAS AT
TUON NG PAGSASALIN
◦ Pagsasalin alinsunod sa personal na hilig ng
nagpapasalin.
◦ Kailangang may timbang na pagpapahalaga sa
pagsasaling pampanitikan at pagsasaling
teknikal ang isang bansang adyenda sa
pagsasalin.
PARAAN NG PAGSASALIN
1. Anong isyu ang gagamiting bersiyon at edisyon ng orihinal?
• Kailangan tiyakin ng tagasalin na ang hawak niyang orihinal ay ang
pinaka pinagkakatiwalaang bersyon.
2. Kailangan bang magsalin lagi mula sa orihinal na wika ng isinasalin?
• Dapat magsalin gamit ang akdang nakasulat sa orihinal na wika ng
awtor.
• Ipinasalin ang dakilang mga nobelang CIEN ANO de SOLEDAD ni
Gabriel Garcia Marquez at ANNA KARENINA ni Leo Tostoy at ibinigay
ang mga ito sa dalawang propesor na nagtuturo ng Espanyol at Russian.
APAT NA PANUKALANG HAKBANG
SA PROSESO NG PAGSASALIN (1994)
◦PAGTUTUMBAS
◦PAGHIRAM SA ESPANYOL
◦PAGHIRAM SA INGLES
◦PAGLIKHA
PAGTUTUMBAS
◦ May dalawang uri o kategorya ng pagtutumbas.
A. Mula sa Tagalog/Filipino – paghahanap ng katumbas na salita sa Filipino na
nagpapahiwatig na ang tagasalin ay dalubhasa sa paggamit ng wikang Filipino.
B. Mula sa ibang wikang katutubo – idinagdag sa bagong palatuntunin. Kinakatawan nito
ang pagbibigay halaga sa katutubong wika. Sa halip na agarang manghiram ng mga salita
sa banyagang wika, mainam na gamitin ang katumbas na salita mula sa iba’t ibang
wikang katutubo.
Mga Halimbawa:
“ilahas” – wild (ILONGO)
“rabaw” – surface (ILOKANO)
“bihud” – fish roe (BISAYA at BIKOL)
PAGHIRAM SA ESPANYOL
◦ Libo-libong salitang Espanyol ang nasa bukabolaryo na ng bansa at
patuloy pa rin ang ating panghihiram sa kasalukuyan. Dapat ring maging
mainam sa pagsasalin ng mga salitang siyokoy.
◦ (aspeto, imahe, pesante, kontemporaryo”)
◦ Mga halimbawa ng mga hiram na salita:
◦ (“atabal”, “akwarella”,”sining grapiko”,”diskurso ng
kasarinlan”,”abstraksyon”,”estilong neo-gotiko”at marami pang salita
para sa mga termino sa pagpipinta.
PAGHIRAM SA INGLES
◦ Ito ay hindi maiiwasan sapagkat ito ay parte na ng reyalidad ng ating
kasalukuyang buhay. Hindi kataka-takang ikinatatakot ng ibang guro ang
pag-iral ng “Taglish” sapagkat lansakan at halos tila walang pagkakaisa
ang ating mga edukado ng “Ingles” sa kanilang mga pangungusap.
Naglabas noong 2013 ang KWF ng nirebisang gabay sa ispeling ng mga
salita na makakatulong sa pagsasalin. Mayroon dalawang uri o kategorya
ang panghihiram sa wikang Ingles.
◦ (a) pananatili ng baybay
◦ (b) pagbabago ng baybay
PAGLIKHA
◦ Ang paglikha ay isang napakahalagang proseso upang hindi tayong
lubusan sumandig sa panghihiram. Bagama’t ito’y mistulang
nakalimutan na ng akademya, ang patuloy at vmabisang paglikha ng mga
salita ay kalimitang masasalsihan natin sa mga lansangan sa kasalukuyan.
Aktibo sa larangan ng paglikha ang mga bakla at kabilang sa kanilang
mga likha ang mga salita ng “dabaf”. “bading”,”shuding” at iba pa.
bunga rin ng paglikha ang ilan sa mga importanteng dalumat pampolitika
gaya ng “laya/Kalayaan at katarungan”
◦ Sa paksa ng pagsasalin, malimit na pinapangarap ng mga tagasalin ang
permanenteng tumbasan. Kaugnay ito ng tinatawag na,” depinitibong
salin” ayon kay Walter Benjamin, “nalalambungan ang katotohan sa
pagsasalin”.
◦ Ang ibig sabihin walang ganap at pang habang panahon na salin. Sa halip,
ang pagsasalin ay dapat ituring na isang nakabitin at maaring magbago sa
paglikha o reproduksyon ng orihinal. Kalimitang kinahaharap ang iba’t
ibang katanungan at espekulasyon ukol sa pagsasalin.
◦ Halimbawa:
◦ Ang paggamit ng “karapatang-ari” bilang pagpapahiwatig ng copyright.
◦ Ayon kay Atty. Andrea Pasion-Flores, isa itong halimbawa ng hindi
angkop na pagsasalin. Bagamat ang terminong “karapatang-ari” ay
nagamit na bago pa ang WWII, higit na nakaukol ang nasabing salita sa
mas malawak na konsepto ng “intellectual property right”.
◦ Ayon kay Atty. Flores sa kasalukuyan, mas mainam na tumbasan ang
salitang “copyright” gamit ang terming “karapatang-sipi”. Ang
katanungan ukol sa paggamit ng hiram na salitang “mananakay” na sa
kasalukuyan ay hindi pa nabibigyan ng kasagutan
◦ Ayon sa mga nabanggit, malinaw na ang pagsasalin ay hindi lamang
gawain ng mga eksperto, sa halip, ito rin ay maituturing natin bilang
gawaing pang-araw-araw. Napapasok ang kahit na sino sa pagsasalin
kapag may nagtanong ng isang salita na hindi nito maintindihan.
◦ Halimbawa’y ang isang ama na biglang tinanong ng anak kung bakit may
tinatawag na “bawal na gamot”. Kailangang isalin ng ama ang “ bawal na
gamot” sa wikang maiintidihan ng anak. Hindi rin ito nangangahulugang
lagi ng paghahanap ng wastong katumbas. Hindi mawawala ang
tradisyonal at normatibong pagtingin sa pagsasalin, lalo na sa mga
tagasaling hinubog sa pamantayan ng “katapatan” na ginamit noon sa
pagsasalin ng Bibliya at mga klasik na Griyego at Romano. Subalit higit
kaysa nakamihasnang tagisan ng dalawang wika ang pagsasalin.
◦ Hindi rin isang walang-damdaming teknisyan ang tagasalin. Sa
halip, isa siyang tao na may sariling karanasan, hilig, at mga
layunin sa isip na umaapekto sa kaniyang bawat pasiya , mula
sa isinagawa niyang pagpili sa isang akdang isasalin at
hanggang sa paghubog ng pangungusap at pagtatalaga ng
salita sa wikang pinagsasalinan. Sa madaling salita, isang
masalimuot na gawain ng muling paglikha ng mismong
pagsasalin.
ANG PAGSASALIN BILANG
DISIPLINA
◦ Ipinapakilala ang pagsasalin biulang isang bukod na disiplina.

◦ Nakalatag dito ang naganap na paghubog sa konsepto ng pagsasalin ng


kanluran.

◦ Ito ay itinuturing bilang agham at sining.


MGA KUNDISYON AT SULIRANING
HUMUHUBOG SA ISANG AKDA:
◦ 1. Ideolohiko

◦ 2. Lingguwitiko

◦ 3. Sosyokultural
◦ Itinanghal din sa aklat ni Almario ang naging
kasaysayan ng pagsasalin sa Filipinas mula sa isang
gawaing hatid ng kolonyalismo hanggang sa mga
kasalukuyang praktika.
ANG PAGSASALIN BILANG PROSESO AT
PRODUKTO NG KRITIKAL NA PAGLILIMI

◦ Isang malaking responsibilidad ang pagsasalin. Mga responsableng


tagasalin lamang ang makakagarantiya ng pag-iwas ng “pagtataksil” sa
orihinal .
MGA PANUKALA NI ALMARIO UKOL SA
PAGSASALIN:
o1991- Ang pagtatakda ng teknikal na kahulugan kahit sa karaniwan
nating ginagamit na salita.

oHalimbawa:
o Ginagamit nating magkasing-kahulugan ang “katulad”, “kapara”,
“kaparis”,”kagaya”,”kamukha”,”kawangis”,”kawangfki”.”kahambing” at iba pa na
nagdudulot sa pagkalito ukol dito.
oGumawa ng listahan ng mga salitang ginagamit na pantumbas sa mga
isinasaling salitang teknikal.
- ang listahan ay maaaring pinagsimulan ng isang bukabularyong
bilingguwal.

o Huwag nating idahilan ang sinasabing “atrasadong bukabularyo” ng wikang


Filipino para maiwasan ang mabibigat na pagsasaling teknikal.
-walang hindi maaaring isalin sa ating wika, kung hindi maihanap ng
katumbas, hiramin o lumikha ng katumbas.

You might also like