Kabanata I

You might also like

You are on page 1of 28

1.

KABANATA I
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Nagsimula ang sakit na HIV/AIDS sa Pilipinas noong 1984.


Kinatakutan at pinandirihan ang sakit na ito noong una itong
nadiskubre. Dahil sa mga maling paniniwala na nakukuha ito sa mga
paghawak sa kagamitan sa banyo, sa pagdikit sa taong mayroon nito o
kaya naman ay sa paggamit ng kutasara at tinidor sa restaurant. Dahil
sa kaunti pa lamang ang kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS. Ang
pagtatalik ng hindi protektado o unprotected sex ay siyang unang
dahilan kung bakit mabilis ang paglaganap ng sakit na ito. Ang
HIV/AIDS ay walang sintomas o indikasyon. Hindi rin agad ito makikita
sa taong mayroong HIV/AIDS o kung sino pa ang wala nito . kaya
kailangan ng sapat na kaalaman upang makaiwas at maprotektahan
ang iyong sarili.
Kapag nakuha ang Human Immuno Deficiency Virus o HIV
ay magbabago ang kaniyang buhay. Ang HIV ay nagpapahina ng
Immune System o resistensya ng tao. Kapag ang HIV ay humalo sa
dugo ng tao pinapatay nito ang CD4 + TCELL na lalong nagpapahina sa
resistensya ng tao. Sa paghina ng Immune System ng tao. Malike ang
possible na magkaroon siya ng tinatawag na AIDS. Ang AIDS o Aquired
Immuno Deficiency Syndrome ay malubhang indikasyon dala ng
paghina ng Natural Defense ng tao. Wlang kalaban-laban ang kaniyang
resistensya sa pag-atake ng tinatawag na Oppotunistic Infections.
Katulad ito ng mga Tuberkolosis, Meningitis, Pnuemonia, Hepatities at I
ba pang uri nito katulad ng Kanser. Kapag dumapo na ang mga ito sa

2.

taong may AIDS. Maaari niya itong ikamatay dahil sa pagbabago-bago


ng panahon o temperature katulad ditto sa aing bansa ay mabilis na
makakapitan ng ibat ibang sakit ang taong may HIV/AIDS.
Ayon sa Department of Health o DOH. Isa ang pilipinas sa
pitong mga bansa ang may pinakamabilis na pagtaas ng HIV/AIDS.
Sinasabi

nila na ang kakulangan ng kaalaman ng mga Pilipino ang

isang sanhi kung bakit tumataas ang paglaganap ng sakit na HIV/AIDS.


mula noong 1984 hanggang 2008. Umabot na sa 3,500 ang naitala na
positibo sa sakit na HIV/AIDS. ditto sa pilipinas ay pinangangambahan
nab aka dumoble pa ito sa mga susunod na taon.
Halos gayundin ang binanggit ni Gng. Teresita Bagasao na
isang Country Coodinator ng UNAIDS. Sinabi niya na dapata alamin o
malaman ng mga Pilipino ang tungkoil sa HIV/AIDS upang maiwasan
ang pagdami o pagtaas ng mga nagkakaroon ng HIV/AIDS.
Ayon naman sa datos ng United Nation halos 33 Milyon ng
tao sa buong mundo ang may sakit na HIV/AIDS. Simula noong 2001
hanggang 2009 halos tumaas ng dalawamput limang porsyento (25%)
ang naitala sa pitong bansa gaya ng mga sumusunod; Armenia,
Bangladesh, Georgia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Philippines at Tajikstan.
Ang pilipinas ay kasama sa mga pitong bansa na may malaking
pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS. Sinasabi nila na ang pangunahing
dahilan ng pagtaas ng HIV/AIDS ay ang pagtatalik ng walang
proteksyon o Unprotected Sex . Kaya kailangan na alam natin ang
bagay na ito upang tayo ay makapag-ingat.

3.

2. Layunin ng Pag aaral


Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay impormasyon
hinggil sa sakit na HIV/AIDS. ito ay naglalayong tugunan ang mga
sumusunod na tanong;
1.Bakit ba dapat malaman at maunawaan ang sakit na HIV/AIDS?
2. Anu-ano ang maitutulong ng pananaliksik na ito sa ating bansa?
3. Sapat ba ang kaalaman ng mga tao upang maiwasan at
maprotektahan ang kanyang sarili?
4. Anu-ano ang kanilang mga damdamin, pananaw, at saloobin tungkol
sa sakit na HIV/AIDS ?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalaga na malaman at maunawaan an tungkol sa
HIV/AIDS sapagkat nakakabahala ang pagtaas ng porsyento ng mga
nagiging positibo sa HIV/AIDS. sa pananaliksik na ito malalaman at
mauunawaan ng mga mambabasa at mga estudyante ang tungkol sa
HIV/AIDS. Makadaradag ito sa mga estudyante na naghahanap ng
karagdagang impormasyon tungkol sa sakit na HIV/AIDS.
Malaki ang maitutulong nito upang mapababa ang porsyento
ng saakit na HIV/AIDS. Magiging babala rin ito sa mga tao na ginagawa
ang tinatawag na Pre-Marital Sex at Extra Marital Sex. Maiiwasan ang

4.

pinangangambahang HIV/AIDS. Hindi sila magiging mangmang ukol sa


sakit na ito. Sapagkat sa pananaliksik na ito ay makakatulong ng
malaki upang maiwasan at maprotektahan ang inyong kalusugan.
Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito. Maaaring matugunan
ang kakulangan ng kaalaman ng mga tao tungkol sa sakit na HIV/AIDS.
Malalaman ng mga kabataan kung ano ang magiging epekto ng
maagang pakikipagtalik. Lalo na sa murang edad ay kaunti pa lamang
ang kanilang nalaman at nahuhulog sila sa maagang pakikipagtalik at
pag-aasawa. Magiging batayan ito sa mga kabatan o mambabasa na
makaiwas at mapangalagaan ang kanilang sarili.
Sa pananaliksik na ito malilinang at mahuhubog ang kaalaman
ng mga mambabasa. Lalo na ang mga estudyante at mga kabataan.
Makakatulong din tio sa mga may sakit na HIV/AIDS at sa wala pang
sakit na ito. Inaasahan na ang pananaliksik na ito ay magiging
pundasyon at magiging mabisa upang makapag ingat ang mga tao.
Ang pananaliksik na ito ay batay sa datos na aming nakalap at
nakolekta na pinagsama-sama upang makabuo ng ganitong
pananaliksik.

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng
damdamin, pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa sakit
na HIV/AIDS. Saklaw nito ang Pre-Marital Sex at Extra Marital Sex.
Sapagkat sila ang pangunahing dahilan kung bakit mabilis na
lumalaganap ang sakit na HIV/AIDS.
Nalilimitahan ang pag-aaral na ito dahil sa mga bagong datos
at mga bagong pag-aaral tungkol sa sakit na HIV/AIDS. Sa taun-taon na
lumalaganap ito at napagtutuunan ng higit na pansin ang epidemyang

5.

ito. Naniniwala ang mga mananaliksik sa kasulukuyang panahon ang


pinakamainam ,agkaroon ng ganitong pag-aaral upang matugunan ang
lumalawak na kakulangan ng impormasyon tungkol sa sakit na
HIV/AIDS hindi lamang sa mga mambabasa, kundi maging sa publiko
sa kabuuan.

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya


Upang maging mas madali at ganap na maunawaaan ng
mga mambabasa ay mga salita na di maunawaan o may malalim na
kahulugan. Binigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na
terminolohiya batay sa kung paano ito ginamit sa pananaliksik na ito.
Ang AIDS o Acquired Immuno Deficiency Syndrome ay isang
bayrus na nakukuha sa kadahilan na mababa na ang kanyang
resistensya dulot ng HIV.
Ang CD4 + TCELL o Lympocytes ay isang uri ng White Blood
Cell (Luekocytes) na siyang sumisira o lumaban sa mga baktirya at
bayrus na pumapasok sa ating katawan. Upang mkaiwas sa sakit.
Ang Extra Marital Sex ay tumutukoy sa isang tao na may
asawa o kasal na nakikipagtalik o nakikipagtagpo sa ibang tao.
Ang HIV o Human Immuno Deficiency Virus ay isang bayrus na
nakukuha sa pakikipagtalik at naipapasa din sa mga anak sa
pamamagitan ng dugo. Pinapahina nito ang resistensya ng tao upang
makapasok ang mga Opportunistic Infections.

6.

Ang Kondom ay isang bagay na ginagamit ng lalake at babae


sa kanilang pagtatalik upang maiwasan ang pakabuntis ng isang babae
Ang Pre-Marital Sex o maagang pakikipagtalik ng mga kabataan
na wala pa sa tamang gulang o edad.
Ang White Blood Cell o Leukocutes ito ang pangunahing
lumalaban sa mga baktirya, bayrus at iba pang Micro organisms. Ito
din ay sumisira sa mga porma ng mga bayrus at baktirya sa
pamamagitan ng paglabas ng Enzyme o di kaya naman ay kinakain
nila ito.
Ang syndrome ay isang set ng mga sintomas na maaring
mamanifest ng isang may sakit.
KABANATA II
MGA KAUGNAYAN NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Sa Pilipinas, ang kalusugan ay tinuturing na kayaman
hindi lang ng isang Pilipino kundi ng buong lipuna. Sa personal na
lebel, ang pagiging malusog ay isang rekwisito para sa isang
masayang buhay. Kung ang isang taong nakapaligid at may malapit na
kaugnayan sa kanya ay magkakaroon siya ng kompyansa na makipag
usap, makipag-ugnayan at magkaroon ng personal na relasyon sa
kanya. Gayundin nman ang isang taong malusog ay may sapat na
kompyansa para mabuhay ng masya. Ng may dignidad atr may
pagtanggap sa lipunang kaniyang ginagalawan. Kadalasan ang
ganitong senaryo ay hindi tinatamasa ng isang tao may malalang sakit.
Lalong lalo na ang mga biktima na AIDS. karamihan kasi ng mga
nagkakaroon ng HIV/AIDS ay nakakaranas ng pagtangi sa kanilang
totoong kalagayan. Pagkagalit sa sarili at sa mundo, at depresyon. Ito
ay dahilan sa sakit na HIV/AIDS na hindi na nagagamot at karamihan
sa mga taong nagtatalay nito ay nakakaranas ng pagtangi at pag-iwas

7.

ng mga dating kaibigan at ng ibang mga tao, problema sa paaralan at


trabaho.
Ang HIV ay ang baktiryang pinangmumulan ng AIDS.
mayroong mahigit na 33 milyong katao sa buong mundo ang
nabubuhay sa sakit na HIV/AIDS. mahigit sa kalahati ng mga tao ay
mga kababaihan at mga kabataan. Ang HIV/AIDS ay nakakaapekto sa
lahat at walang itinatangi maging edad. Kulay ng balat, kulturang
kinagisnan o relihiyon. Walang gamot sa sakit na AIDS. Ang paggamit
ng mga kondom habang nagtatalik ay isang mabisang pangprotekta
upang makaiwas sa sakit na HIV.
Ang HIV ay isang bayrus na nakukuha sa pagtatalik ng lalake
at babae o di kaya nman ay sa pagtatalik ng parehas ang kasarian.
Naisasalin din ito ng isang inang may HIV o AIDS sa isang sanggol sa
kapanahunan ng pagdadalantao, panganganak, at pagpapasuso. Ito rin ay
nakukuha sa mga karayom o matalim na bagay na ginamit ng may HIV
at muling itutusok sa kaniya katulad ng pagpapatato at pagbubuntas o
paglalagay ng hikaw sa tenga. Gayundin sa pagsasalin ng dugo o ung
mga nagdadayalisis. Kapag sila ay nasalinan ng dugo na may HIV.
Hahalo agad ito sa kanilang dugo. Higit din na nakakabahala ang mga
kabataan na maagang nakikipagtalik ng wala pa sa tamang edad.
Malaki ang tiyansa na mahawaan sila ng pinangangambahang sakit.
Hindi nakukuha ang HIV mula sa paghahalikan, pagbebeso-beso,
laway, yakapan, pag-ubo, pawis, luha, hatsing o pagbahing,
pakikipagkamayan, paghihiraman ng mga damit, pakikisalo sa
pagkain, paghiram ng mga kubyertos, kagat ng lamok, pagtabi sa
pagtulog, at paggamit ng kubeta.
Ang mga sintomas ng pagkakaroon ng HIV/AIDS ay ang
sumusunod; pamamaga ng mga kulani na tumatagal ng may mga
tatlong buwan, pag-ubo at pagkakaroon ng lagnat na tumatagal ng

8.

may higit sa isang buwan, pagiging madaling mapagod kahit wala


namang ginagawa, ang pagbaba ng timbang, pangangayayat, mga
sugat o sakit sa balat na hindi gumagaling, at ang pagtatae. Maaaring
tumagal ang impeksyon simula lima magpahanggang sampung mga
taon bago maging ganap na AIDS ang sakit. Sa kadalasan, walang
mapagmamasdan o lumilitaw na mga palatandaan ang isang taong
impeksiyong HIV.

Sa kasalukuyan, wala pang natutuklasang gamot na panlunas


laban sa HIV. Tanging sa pagsusuri ng dugo lamang nalalaman kung
may sakit na HIV ang isang tao. Tinitingnan sa pagsusuring ito ang
pagkakaroon ng laban sa katawang HIV (o HIV antibody sa Ingles).
Hindi nakikita sa pagtanaw lamang ng mga mata ang pagkakaroon ng
HIV. Lihim o kumpedensyal ang pagpapasuri ng dugo. Hindi
nakatutulong sa paghadlang sa pagkakaroon ng sakit na ito ang paginom ng mga antibiyotik o mga bitamina bago makipagtalik. Hindi rin
nakahahadlang ang paglalabas ng ari bago dumating sukdulan ng
pagtatalik (Ingles: withdrawal), pagdudutsa (Ingles: douching, o
paggamit ng douche, paglalagay ng gamot sa paraang papuslit sa loob
ng ari), at paggamit ng mga kemikal sa paglinis ng ari.
Maiiwasan ang pagkakaroon ng HIV at AIDS sa pamamagitan ng
mga sumusunod na gabay na titik pang-abakada

A para sa Abstinensiya (pagpipigil at pagtanggi, pagsasabi


ng Ayoko muna! sa katalik kung ibig nitong makipagtalik na).

B para sa Basta, ikaw lang! ang katalik o pag-ibig ng iyong


asawa o kasintahan (katumbas ng "Be faithful!" sa Ingles).

C para sa Condom ay gamitin o "Correct condom use",


paggamit at tamang paggamit ng kondom).

9.

D para sa Droga ay iwasan o "Dont take drugs" sa Ingles.

E para sa Ingles na "Early diagnosis and treatment", o


maagang pagpapatingin at pagpapagamot sa mga
manggagamot at paggamutan.

KABANATA III

DESENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Desenyo ng Pananaliksik

10.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng


pamamaraang deskriptib-analitik na pag-aaral. Tinangkang ilarawan at
suriin sa pag aaral na ito ang damdamin, pananaw at kaalaman
tungkol sa sakit na HIV/AIDS ng mga respondente.

2. Mga Respondente
Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga magaaral sa una at ikalawang taon ng Kolehiyo ng Kriminolohiya ng
Unibersidad ng Taguig Sa una at ikalawang semester ng taong 20112012.
Sa kasalukuyan, may dalawang pangkat ng mga estudyante sa
nasabing kolehiyo: limang grupo ang nasa unang pangkat at dalawang
grupo sa ikalawang pangkat. Dahil sa di kalakihang bilang ng mga
estudyante ay ginamit na ang kabuuang bilang ng mga estudyante sa
ikalawang taon, samakatuwid, sa unang taon ay kumuha ng tiglilimang
respontende bawat pangkat sa pagitan ng ramdom sampling upang
magkaroon ng pantay ng representasyon ang bawat pangkat. Sa
kabuuan, may tiglilimang respondent ang una at ikalawang taon,
pansinin ang kasunod na talahanayan;

Talahanayan 1
Distribusyon ng mga Respondente sa Una at Ikalawang Taon sa
TCU
Seksyon

Unang Taon

Ikalawang Taon

Kabuuang Dami

11.
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
Kabuuang Dami

5
5
5
5
5
5
5
5
5
5
50

25
25
50

30
30
5
5
5
5
5
5
5
5
100

Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondent sa una at ikalawang


semester

sapagkat

sila

ang

pinakamadaling

makatugon

sa

mga

panagangailangan sa pamanahong-papel na ito at upang magkaroon ng pantay


na representason ang bawat taon.

3. Instrumentong Pampananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey.
Ang mga mananaliksik ay naghahanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na
naglalayong mangalap ng mga datos upang masuri ang damdamin, pananaw at
kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS ng mga respondent.
Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga
mananaliksik sa ibat ibang mga hanguan sa aklatan katulad ng mga aklat, tesis,
proposal, disertasyon, pamanahong-papel. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng
ilang impormasyon sa internet.
Bukod sa mga nabanggit na. interbyu ang mga mananaliksik ng isang
dalubhasa sa mga nakahahawang sakit mula sa DOH upang makakuha ng
mahalagang impormasyon at makatotohanang datos sa sakit na HIV/AIDS.

12.

4. Tritment ng mga Datos


Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang
at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri at
disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa
pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na
pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng
bawat aytem sa kwestyuner ang inalam nng mga mananaliksik. Samakatuwid,
ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangang gawin ng mga
mananaliksik. Dahil sa isandaan ang mga repondente, nagging madali para sa
mga mananaliksik ang pagkuha ng poryento dahil sa bawat dami ng bilang ay
awtomatikong katumbas sa porsyento niyon.

13.

KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at


impormasyon:
Inalam ang distribuyon ng mga respondente ayon sa kanilng kasarian;
Pitongpum porsyento (70%) sa kanila ay mga lalake , samantalang tatlongpum
porsyento (30%) ay mga lalake

Grap 1
Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian

30%

70%

A. Respondenteng Lalake
B. Respondenteng Babae

14.

Grap 2
Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad
120.0%
100.0%
80.0%
60.0%
40.0%
20.0%

40%

35%
20%

0.0%

5%
14-15

16-17

18-19

20-Pataas

Apatnapung porsyento (40%) sa mga respondent ay nasa edad


16-!7. ang tatlumput limang porsyento (35%) sa mga respondent at may
edad na 18-19. Ang dalawampung porsyento (20%) naman ay sa edad
na 20 pataas. Ang natitirang limang porsyento ay sa edad na 14-15.

15.

Grap 3
Pansariling Asesment ng mga Respondente sa Kanilang Kaalaman
Tungkol sa sakit na HIV/AIDS

10

10

30
45
5

A.
B.
C.
D.
E.

Wala silang Kaalaman


Katamtamang Kaalaman
Walang Pakialam
Kaunting Kaalaman
Alam na Alam

Sa isandaang (100) repondente, apatnaput limang porsyento (45%) ang


nagsasabing wala silang kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS batay na rin sa
kanilang pansariling assessment. Sampung porsyento (10%) naman sa kanila
ang ngsasabing sila ay may katamtamang kaalaman tungkol sa HIV/AIDS.
Sampung porsyento (10%) din ang nagsabi na alam na alam nila ang tungkol sa
sakit na HIV/AIDS. Tatlongpum porsyento (30%) naman ang nagsabi na kaunti
pa lamang ang kaalaman nila at ang natitirang limang porsyento (5%) ang nagsbi
na alam na alam nila ang tungkol sa HIV/AIDS.

16.

Grap 4
PInagmulan ng Kaalaman ng mga Respondente Tungkol sa sakit na
HIV/AIDS
Flyers/Leaflets

Paaralan

Health Center

10

Usap-Usapan

Internet

20

Dyaryo

15

Libro

10

T.V

30

Radyo

5
0

10

15

20

25

30

35

Hinggil naman kung saan nila narinig o natutunan ang kaalaman


tungkol sa sakit na HIV/AIDS, tatlumpu porsyento (30%) ang nagsabing nagmula
sa telebisyon, dalawamput limang porsyento ang nagsabing nagmula sa
internet, labing limang porsyento (15%) ang nagsabing sa dyaryo nila nabasa,
sampung porsyento (10%) naman ang mga nagsabing sa Dyaryo at Libro nila
nabasa ang ukol sa sakit na HIV/AIDS. Limang porsyento (15%) nman ang
nagsabi na nabasa nila at narinig sa flyers/leaflets at radio. Tatlong porsyento
(3%) naman ang naman ang nagsabi na sa paaralan nila natutunan ang ukol rito
at dalawang porsyento (2%) naman ang nalaman nila sa usap-usapan.

17.

Grap 5
Damdamin ng mga Respondente sa Pagkalat ng Sakit na HIV/AIDS sa
Bansa

5%
15%

25%

20%
35%

Inalam din sa pananaliksik na ito ang damdamin ng mga respondent ukol


sa pagkalat ng HIV/Aids sa bansa.
Mapapansin sa kasunod na grap na tatlumput limang porsyento (35%)
sa kanila ay nababahala. Dalamput limang porsyento (25%) sa kanila ay
nakararamdam ng takot. Dalawampung porsyento (20%) sa kanila ay
nadidismaya, labing limang porsyento (15%) naman sa kanila ay hindi
nangangamba at ang natitira naman na limang porsyento (5%) ay walang
pakialam tungkol sa sakit na HIV/AIDS

18.

Grap 6
Pananaw ng mga Respondente Hinggil sa Kasapatan ng Ginagawa ng
Pamahalaan Upang Malabanan ang Sakit na HIV/AIDS
60
60
50
40
25

30
20

10
5

10
0

Sapat na Sapat

Kakaunti

Sapat Lang Walang Ginagawa

Sa palagay na Animnapum porsyento ang sapat lang o katamtaman ang


ginagawa n gating pmahalaan upang maiwasan ang sakit na HIV/AIDS.
Dalamput limang porsyento naman ang nagsabi ng kakaunti lamang ang
ginagawa ng pamahalaan. Labing limang porsyento sa kanila ang nagsabing
walang ginagawa ang pamahalaan at limang porsyento naman ang nagsabing
sapat na sapat ang gginagawa ng pamahalaan upang maiwasan ang sakit na
HIV/AIDS.

19.

Grap 7
Epektong Pandamdamin ng Kumakalat na Epidemya
50
50
45
40
35
30
25
20
15
10
5
0

30

10
5

Limangpung porsyento (50%) ang sa mga respondent ang nagsabing


hindi sila gaanong apektado ng kumakalat na epidemya. Ayon naman sa
talongpum porsyento (30%) na respondent, apektado sila sa kumakalat a sakit.
Sampung porsyento (10%) sa kanila ang nagsabing apektadung-apektadong sila
ng kumakalat na epidemya. Tiglimang porsyento naman na mga respondent
anga nagsabi na walang pakialam at hindi sila apektado sa palaganap ng sakit
na HIV/AIDS.

20.

Grap 8
Pananaw ng mga Respondente sa Kasapatan ng Kaalamang Itinuturo sa
Taguig City University Tungkol sa Sakit na HIV/AIDS
45
40
35
30
25
20

4000%

15
10
5
0

3000%
1500%

1000%

500%

Tungkol sa palagay ng mga respondent ukolsa tanong na sapat nab a


ang kaalamang ibinabahagi o itinuturo sa Taguig City University hinggil sa sakit
na HIV/AIDS, apatnapum porsyento (40%) ang nagsabing walang ibinabahagi sa
kanila , tatlongpum porsyento (30%) naman ang nagsabing kaunti lamang ang
kaalaman ukol sa sakit na HIV/AIDS, labinglimang porsyento (15%) ang
nagsabing sapat ang kaalaman ibinabagi, sampung porsyento (10%) ang
nagsabing walang espesyalisasyon at ang limang porsyento (5%) naman ay ang
mga nagsabing walang pakiaalam ukol sa sakit na HIV/AIDS.

21.

Grap 9
Pananaw ng mga Respondent sa Ginagawa ng Pamahalaan Upang
Maipaalam sa mga Mamamayan ang Tungkol sa Sakit na HIV/AIDS

10

50
40

Tungkol sa kanilang palagay kung sapat ba ang ginagawa ng


pamahalaan upang maipaalam sa mga mamamaya ang tungkol sa kumakalat na
epidemya, limampung porsyento (50%) ang nagsasabing na sapat ito para
malaman ng lahat ang tungkol sa sakit HIV/AIDS. Apatnapum porsyento (40%)
naman ang nagsabing sapat lamang ito sa piling mamamayan. Ang natitirang
sampung porsyento (10%) ang nagsabing walang nakaaalam tungkol sa sakit na
HIV/AIDS.

22.

Grap 10
Pananaw ng mga Respondente sa Kakayahan ng Ospital Upang Maiwasan
ang Paglaganap ng Sakit na HIV/AIDS

35%
30%
25%
20%

35%

15%
10%
5%

25%

20%
5%

5%

0%

Tungkol naman sa pananaw ng mga respondent, tatlumput limang


poryento (35%) ang nagsabing kakaunti ang kakayahan ng ospital sa knilang
lugar upang makaiwas sa sakit na HIV/AIDS. Dalawput limang porsyento (25%)
sa kanila ang nagsabing walang kakayahan, dalawampung porsyento (20%) ang
nagsabing sapat lang ang kakayahan ng ospital. Limang porsyento (5%) naman
ang nagsabing sapat na sapat ang kakayahan upang maiwasan ang sakit na
HIV/AIDS, gayundin ang nagsabing walang espesyalisasyon ang ospital na may
porsyento limang porsyento (5%) lamang.

23.

Grap 11
Mga Naitala Lamang sa Bansa sa Nagdaang Panahon Tungkol sa HIV/AIDS
16,000
14000

14,000
12,000
10,000
8,000
6,000
4,000
1884
2,000
0
1984-2006

342

528

835

2007

2008

2009

1591

2010

2011-2012

Nakakabahala na ang mabilis na pagtaaas ng mga naitala sa bansa


tungkol sa HIV/AIDS. Noong 1984 hanggang 2006 ang naitalang may HIV sa
bansa. Noong 2007, 342 ang naitala sa buong taon gayun din ang taong 2008 ay
nagtala ng 528 at patuloy itong tumataas noong 2009 ay 835 ang naitala at
umakyat na ito sa libo. Noong 2010 ang naitalang kaso ng HIV ay 1,591. At sa
loon ng dalawang taon ay mas higit na duma ang nagkaroon ng HIV/AIDS. Sa
bagong tala mula noong 2011 hanggang 2012 ay umabot na sa 14,000 na ang
positibo sa HIV/AIDS. Dahil sa kakulangan ng kaalaman at sa pakikipagtalik ng
walang proteksyon. Naipapasa din ito sa mga bata mula sa ina hanggang a
sanggol pa lamang ito. Sa ganitong pananaliksik ay dapat bigyan ng pansin ang
tungkol sa sakit na HIV/AIDS.

24.

KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDYASYON

1.Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatakangmalaman ang damdamin,
pananaw

at

kaalaman

ng

mga

estudyanteng

kumukuha

ng

kursong

Kriminolohiya sa Unibersidad ng Taguig tungkol sa sakit na HIV/AIDS.


Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananliksik ay
nadisenyo ng sarbey-kwestyuner na pinasagutan sa isangdaang (100)
respondent, Limapung (50) responte sa unang taon at gayundin sa ikalawang
taon na kumukuha ng kursong Kriminolohiya sa Taguig City University.
2.Kongklusyon
Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananliksik ay humantong sa
mga sumusunod na kongklusyon;

Ang kaalaman ng mga estudyante ng Kolehiyo ng Kriminolohiya sa

Unibersidad ng Taguig tungkol sa sakit na HIV/AIDS


Nababahala naman ang karamahihan sa mga respondent hinggil sa

pagkalat ng HIV/AIDS sa bansa.


Telebisyon ang pinakakaraniwang hanguan ng impormasyon tungkol sa

sakit na HIV/AIDS
Walang itinuturo hinggil sa sakit na HIV/AIDS sa Kolehiyo ng Narsing sa

TCU.
Sapat lamang ang ginagawa ng pamahalaan upang malabanan at
maipaalam sa mga mamamayan ang sakit na HIV/AIDS.

25.

Kaugnay

ng

mga

3. Rekomendasyon
kongklusyong
nabanggit,

ang

buong

pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga


sumusunod;
Para sa pamahalaan, magbigay ng mga babala uko sa sakit ng
HIV/AIDS. Upang maiwasan ang pagtaas ng porsyento ng mga
nakakaroon ng HIV/AIDS sa bansa.
Para sa maga administrador ng mga ospital. Magsagawa ng mga
seminar na dadaluhan ng kanilang mga empleyado at higit na
bigyan pansin ang kanilang kasanayan at kaalaman tungkol sa
sakit na HIV/AIDS
Para sa mga propesor sa bawat kolehiyo, lalo na sa mga nagtuturo
ng asignaturang may kinalaman sa kalusugan, naway maging
instrument sila sa pagpapalaganap ng mga impormasyon kaugnay
ng sakit na HIV/AIDS
Para sa mag-aaral, mas palawakin pa ang inyong mga kaalaman
sa sakit na HIV/AIDS upang maging mas epektibo at maging
batayan ito upang maiwasan ang ganitong sakit.
Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang
pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng marami at higgit pang
revelant na mga datos o impormasyong maaaring makatulong sa
pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS at iba
pang sakit.

LISTAHAN NG SANGGUNIAN

26.

Kapuso mo, Jessica Soho. HIV Update in the Philippines,


http://www.youtube.com/watch?v=WEu1PzTH0DU

GMA Documentaries Think Positive http://www.youtube.com/watch?


v=I4twtyTxtrw&feature=related
Ibid. GMA News Investigative looks at rising cases of HIV in PHiL
http://www.youtube.com/watch?v=bOxsG8xS4b4

Dr. Erick Tayag, Director IV National Epidemiology Center, Department odf health
http://www.doh.gov.ph/search/apachesolr_search/hiv
UNAIDS Organization, http://www.unaids.org/globalreport/Global_report.htm
Ibid. UNAIDS Philippines, http://www.unaids.org.ph/index.php
Wikipedia Online Dictionary http://tl.wikipedia.org/wiki/AIDS
The Oxford Advance Learners Dictionary of Current English. 1963 edition.UAE.
Webster universal dictionary and thesaurus, 1993. USA; torment publication Inc.

APENDIKS

27.

Direksyon; punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na


patlang. Kung may pagpipilian, lagyan na lamang ng tsek ang patlang na
tumutugma sa iyong sagot.
1. Pangalan (Opsyunal) _______________________________
2. Kasarian;
lalaki
babae
Edad;
14-15
18-19
16-17
20-pataas
3. Sa iyong pansariling asesment, ano ang antas na iyong kaalaman tungkol
sa sakit na HIV/AIDS?
Alam na alam
katamtamang kaaaman
Kaunting kaalaman
walang kaalaman
Walang pakialam
4. Saan mo narinig o natutunan ang kaalaman mo tungkol sa sakit na
HIV/AIDS?
Radyo
Dyaryo
Health Center
Telebisyon
Internet
Libro
Usap-usapan
Flyers/Leaflets
Paaralan
5. Ano ang damdamin mo tungkol msa pagkalat ng sakit na HIV/AIDS sa
bansa?
Takot
Nababahala
Nadidismaya
Hindi nangangamba
Walang pakialam
6. Sa iyong palagay, sapat na ba ang ginagawa n gating pamahalaan upang
malabanan ang sakit na HIV/AIDS?
Sapat na sapat
Sapat lang o Katamtaman
Kakaunti
Walang ginagawa
7. Bilang isang estudyante, apektado ka bas a kumakalat na epidemya?
Apektadung-apektado
Hindi apektado
Apektado
Walang pakialam
Hindi gaano
8. Sa iyong palagay, sapat na ba ang kaalamang binabahagi o itinuturo sa
Unibersidad ng Taguig tungkol sa HIV/AIDS?
Sapat na sapat
Walang iinabahagi
Sapat
Walang espesalisasyon
Kakaunti
9. sa iyong palagay, sapat nab a ang ginagawa ng pamahalaan upang
maipaalam sa mga mamamayan ang tungkol sa sakit na HIV/AIDS?
Sapat para malaman ng lahat
Sapat para malaman ng piling mamamayan
Walang makakaalam
10. batay sa iyong pananaw at karanasan, sapat ba ang kakayahan ng mga
ospital sa ganitong sakit na HIV/AIDS?

28.

Sapat na sapat
Sapat
Kakaunti ,

Walang iinabahagi
Walang espesalisasyon

Maraming salamat po sa paglalaan mo ng iyong panahon sa kwestyoner na ito!

You might also like