Professional Documents
Culture Documents
El Fili Script
El Fili Script
EL FILIBUSTERISMO
GROUP II I
Kapitan: Baka lumubog tayo dahil sa babaw ng tubig diyan. (kikindat ito).
(Iiling)
"Maganda"
Simoun: Certissimus! Problema ba iyon? Siyempre sisirain ang mga ito kung
kinakailangan
Simoun: Kaululan! Ang nasabi ko'y nasabi ko na. At kayong mga prayle,
huwag na kayong magsalita ng Latin na puro kabalbalan.
D. Victorina; Por Diyos. Por Santo. Sino ba naman ang hindi nakakakilala ng
itik? Don Custodio akala ko ba'y kakaiba ang panukala mong ito. Sa itik ba
tayo sasakay o baka naman ang mga ito ang pahihilain mo sa bapor
B. Zayb; Donya Victorina makinig muna tayo. Saan kukunin ang mga itik?
D Victorina: Sapalagay ko'y hindi pa rin nila ito magugustuhan. Sinabi mong
sila ay pipilitin.
D. Victorina: Tulong Ha! Nakapandidiri ang panukalang iyon. Ang mga Indiyo
ay matutulungan, ngunit paano naman kaming nagmula sa matataas na
angkan? Kapag nag-alaga ng itik ang lahat ay darami ang balut.
II
Isagani: Hindi po totoo yan. Hinihintay na nga lang namin ang pahintlot
ngayon mula sa Kapitan Heneral.
(Tatawa si Kapitan Basilio)
Basilio: Opo, kalahati po ay mga Pilipino at ang kalahati nama'y mga kastila.
Isagani: Ang mga matatanda talaga. Hindi maintindihan ang mga bagay-
bagay sa makabagong panahon. Kayat napakahirap paliwanagan
Basiiio: Mabuti po. Si Isagani pala, ang matalik kong kaibigan. Taga kabilang
baybayin lamang.
Isagani: Kung iyan po ang inyong paniniwala, wala akong magagawa. Ngunit
kaya hindi kami bumibili ay dahil hindi namin kailangan ang mga iyon.
(Ngingiti si Simoun)
Basilio: Isa siyang mahusay na makata. Ang mabuti pa'y bigkasin niyo kay
Padre Camorra ang tulang isinulat ni Isagani tungkol sa tubig at apoy.
Basilio; Sige po... Isagani, anong nangyayari sa iyo ganoon na lamang ang
pagsagot mo kay Ginoong Simoun?
III
K. Tales: Hindi ito maaari. Hindi ako makapapayag. Bakit Ganoon? Kung sino
pa ang nagpapakahirap, ang nagbibigay halos kalahali ng kanyang inaani,
ang nagbabayad ng buwis ang siya pang pinaaaalis!
K. Tales: Magtiis? Hanggang Kailan? Noong una, sinabi niyo namagtiis ako
dahil kung makikipag-usap ako ng isang taon ay para akong natalo sa sugal
o dili kaya'y kinain ng buwaya. Habang walang maipakitang katibayang ng
mga prayle na sa kanila nga ang lupaing ito ay sinabi niyo rin na baka lumaki
ang buwaya. Tayo lamang ang dapat magmay-ari nito.
(Bubuksan pabigla ang pinto at makikita ang gobernador kasama ang kawal)
K. Tales: Wala nang saysay ang sabihin ang bulok na pamamalakad na iyan.
Gawin mo na ang gusto mo gobernador, ngunit hindi ako aalis dito! Ako ang
nagbungkal sa lupaing ito. Nawala ang aking asawa't anak dahil sa
pagtulong na magkaroon kami ng kapirasong lupa. Kaya't kailan may hindi
ko ito maibibigay sa kahit na sino lang. Kailangang mahigitan muna niya ang
ginawa ko, diligin ang lupa ng sariling dugo, at ilibing ang kanyang asawa't
anak!
Gobernador: Hindi ako nagsisisi at ang mga prayle ang aking pinanigan,
Walang saysay ang makipag-usap sa isang katulad mo.
IV
Madilim. Wala nang maririnig kundi ang lagitik ng mga sanga ng Kahoy
ng gumagalaw na ihip ng hangin. Tinalunton ni Basilio ang kagubatan.
Tumigil siya sa harap ng mga bato at nag-alis ng sumbrero. Naupo siya sa
isang bato at nag-isip ng malalim.
Simoun: Basilio, alam mo kung ibang tao lang ang nakabatid ng aking lihim
ay hindi ako mangingiming kitilin ang buhay nito. Ngunit hindi ko iyon
gagawin sa iyo kahit nasa mga kamay mo ang isang lihim na maari kong
ikasawi. At nababatid ko ring hindi ko ito pagsisihan. Tama ka, magkatulong
nga tayo, dahil kapwa nating pinglalaban ang kamatayan para makamit ang
minimithing katarungan.
Basilio: Kahit hindi niyo po hilingin na itago ko ang inyong lihim ay gagawin
ko iyon. Kailanma'y hindi ko hahayaang may isang buhay na mawawala.
Kaya nga ako nag-aaral ng medesina dahil gusto kong mailigtas ang lahat ng
buhay hangga't maari.
Simoun: Ah! Bakit hindi gamitin ang iyong karunungan? Dapat ay naisip mo
na ang bawat pulo ay mayroong sariling wika? Sariling wika, gaya ng
pagkakaroon ng sariling pagdaramdam, na hindi maaaring matumbasan ng
kahit na anong wikang banyaga. Huwag mong kalilimutan na habang may
sariling wika ang isang bansa ay taglay niya ang kalayaan. Ang wika ay ang
pag-iisip ang bayan! Hindi kita pinatay noon, dahil alam kong matutulungan
mo ako sa aking mga balak.
Simoun: Mabuti ang iyong minimithi, ngunit higit nang dakila ang magbigay
buhay sa inyong Inang Bayan walang kabuluhan ang buhay na hindi mo pa
paunlakan ang aking kahilingan, gayunpaman sa sandaling magbago ang
iyong isip, magpunta ka lamang sa bahay ko sa Escolta
Basilio: May ilang gabi na siyang nagigising, akala niya'y bulag na siya.
Nagpahalaw at tinangisan niya ang kanyang kapalaran. Pinaratangan niya
akong dinukot ko ang kanyang mga mata. Nang ako'y pumasok na may
dalang ilaw, napagkamalan akong si Padre Irene, ang kanyang tagapagligtas.
Basilio: Aba...
Simoun : At bakit?
(Naramdaman ni Simoun ang tila unos na walang ulan, ang isang bulkang
ibig magsabog ng poot sa kayang dibdib. Mabilis niyang nilisan ang silid.
Narinig ni Basilio ang papalayo niyang mga yabag, at ang isang timping
sigaw ng tulad ng isang naghihingalo. Napatindig siya na namumutla, ngunit
narinig niya muli ang mga yabag papalayo hanggang sa tuluyang maglaho.)
Katulong: Senyor Simoun, isa pong binata ang naghahanap sa inyo, Basilio
po ang pangalan.
Simoun: Apat na buwan na ang nakalipas mula nang ilahad ko sa iyo ang
aking balak. Tumanggi kang tumulong. Bakit nagbago ang isip mo?
Basilio: Dahil ngayon ko lang naisip na may katwiran kayo. Kaya tama lang
na gantihan ko ng kasamaan, ng poot ang poot at ng dugo ang dugo!
Simoun: May katwiran ako, oo, may katwiran ako! Ang katwiran at
katarungan ay nasa panig ko sapagkat ang layunin ko'y ang layunin ng mga
api. Salamat Basilio! Pinawi mo ang aking agam-agam. Halika at ipapakita ko
sa iyo ang kahuli-huling sandata ng mga mahihina.
Basilio: Nitro-gliserina?
Simoun: Tama ka, nitro-gliserina... Ngunit ito ay higdi pa roon. Ito'y mga
luhang tinipon, mga poot na tinimpi, mga kasamaan, mga pang-aapi. Ito ang
huling matuwid ng mga mahihina, lakas sa lakas, dahas laban sa dahas.
Ngayong gabi ilalandag at magkakadurog-durog ang mga mapanganib na
mapaniil. Ngayong gabi ay maririnig ng Pilipinas ang putok na dudurog sa
mga walang anyong bantayog na ang pagkabulok ay aking pinadali.
Simoun : 'yan ang ibig kong marinig. Hintayin mo ako sa ganap na ika-sampu
sa harap ng simbahan ng San Sebastian para sa huling tagubilin. Sa muling
pagkikita.
VI
Donya 1: Kay G. Simoun niya ito binili at nagmula pa raw ito sa Englatera.
(Dahil sa napakalakas ang tinig nito'y isa pang Donya ang lumapit sa kanila
at nagwika)
Donya 3 : Itigil niyo na iyang walang kwentang pagtatalo. Gusto niyo bang
mapagkamalang mga indiyo?
Donya 3 : Kung gayon, halina kayo at kamustahin natin ang iba pang
panauhin.
(Magtitinginan ang iba pang Donya. Darating sina Paulita at Juanito kasama
si Donya Victorina. Magbubulungan sila, ngunit hihinto rin nang makitang
papunta sa kanila ang dalawang babae. Ngingitian nila ito. Samantalang si
Don Timoteo ay sasalubungin ang kaniyang anak.)
Juanito: Maraming salamat din Papa. Dahil sa tulong niyo'y napunta sa akin si
Paulita Wala pa po ba ang Heneral?
Don Timoteo : Wala pa, kaya nga hinihintay ko siya. (Malitigilan ito dali at
may maaalala) Karamba! Estupido!
Asawa: Totoo naman lahat ang sinabi ko. Ang ilan sa kanila'y mga pulubi ng
Espanya at ang iba nama'y mga naka-angat na mamamayan ng bansa ito na
naghahangad na maging Espanyol
Asawa : Mayaman, ha? Sila rin ang magdadala sa atin sa kahirapan. Tingnan
mo para tayong erehe at pilibustero kung titigan.
Heneral : Pabayan mo na sila Marahil ay gusto lang nilang suriin ang isang
Heneral na malapit nang magretiro.
Asawa: At ano ang kanilang susuriin? Kung ang suot mong iyan ay ang tabing
ng palasyo? (marahang tatawa ang Heneral ngunit mapawi rin dahil
makakarinig ng parunggit mula sa isang panauhing babae)
Babae: Tingnan niyo sa pag-alis ng mga iyan ay dadalhin ang lahat ang mga
gamit sa palasyo.
(Hindi na nito maririnig ang lahat dahil nagmamadali itong tatalikod. Tatakbo
rin siyang palayo ngunit masasalubong si Isagani)
Basilio: Halika na! Hindi siya karapat-dapat sa iyo. Umalis na tayo bago pa
mahuli ang lahat. Sasabog ang bahay na iyan! Kung gayon ay matutupad
ang nakatakda. (tatakbo ito papalayo. Maiiwan si Isagani na nakasunod
lamang ang tingin sa kaibigan. At may naalala sa mga sinabi nito.)
VII
(Sa kiyosko habang nasisikain ang mga panauhin isang sulat ang nagpalipat-
iipat sa kamay ng mga panauhin at napunta ito sa kamay ng heneral.
Heneral: Juan Crisostomo Ibarra? Sino siya?
(Mapapatingin ito kay Pare Irene na naghahanap kung sino ang may
kagagawan at mamatan nito si Padre Salvi na namunmutla.)
Padre Irene: Bakit Padre Salvi? Anong nangyari sa inyo? Nakikita ba ninyo
kung kaninong lagda iyan?
Padre Salvi: Nakapagtataka, ito nga ang sulat kamay ni Ibarra (Matatakot
ang mga naroon sa mesa ng heneral)
Heneral: Magpatuloy tayo sapagkain. Huwag nating pansinin ang birong iyan.
(Bago pa man makatayo si Parde Irene, isang anino ang lumapit at kumuha
sa lampara.)
VIII
Simoun: Nandito na ang mga guardia sibil. Di nila ako dapat mahuli ng
buhay. (Kukunin ang lason) Eto nalang ang paraan para di nila ako mahuli ng
buhay.
IX
Simoun: Wala ito Padre, mawawala din ang lahat pagkaraan ng ilang sandal.
Anumang oras ay tatalab na ang lason sa aking katawan.
Simoun: Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa
inyo ang aking lihim. Maaari mo bang sabihin sa akin kung totoong may
Diyos?
(Isinalaysay ni Simoun kay Padre florentino ang lahat. Mula nang nanggaling
siya ng Europa hanggang sa mawala ang lahat sa kanya.)
Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang
nakakagawa ng dakila.
***WAKAS***