You are on page 1of 26

KABANATA 1

ISANG PAGTITIPON

Sa pagtatapos ng Oktubre 1 , si Don Santiago delos Santos, na kilala sa


tawag na KapitanTiyago2, ay nagkaloob ng isang hapunan. Kahit na laban sa
kaniyang kinaugalian ay noon lamang niya ipinaalam, na naging dahilan nang
usap-usapan sa Binondo 3 sa iba pang distrito, at maging sa loob ng
nababakurang lunsod ng Maynila.4 Nang panahong iyon si Kapitan Tiyago ay
kilala sa karangyaan, at ang kanyang bahay ay katulad ng bayan, na hindi
marunong magsara ng pintuan sa sinuman, maliban sa kalakalan o sa lahat
bago o mapangahas na kaisipan.5
Katulad ng koryente, ang balita ng paanyaya ay mabilis na nakarating sa
daigdig ng mga parasitiko, langaw o sampid na dahil sa hindi maubos na
kabaitan ng Diyos, ay dumami ng labis-labis sa Maynila.6 Ang ilan ay humanap

MGA PALIWANAG SA KABANATA


1 Ang unang talata ng Noli na tumutukoy sa panahon ng panimula ng nobela na itinaon
sa pagtatapos ng Oktubre ay katulad ng nasa The Wandering Jew ni Sue. Tiniyak ni Sue
ang taon na 1830 at sa Noli ay hindi. Sa pag-aaral sa panahunan ng Noli ay waring
tumutugma ito sa petsang Oktubre 31, 1882 hanggang sa kamatayan ng isa sa
pangunahing tauhan ng nobela na Disyembre 25, 1882 .
Maaring ang ginamit ni Rizal na reperensiya sa taong 1882 ay ang pagbabalik sa
Pilipinas ng isang intilekwal na Pilipino sa katauhan ni Gregorio Sancianco na sumulat
ng aklat na Progreso de Filipinas. Higit pang ipapaliwanag sa mga sa mga susunod na
pahina ukol sa aklat na Progreso ni Sanciangco. Sa kabilang dako kahit na ito ay waring
naganap sa taong 1882 ay nagpasok din si Rizal ng mga historikal na kaganapan sa
Pilipinas na sumasakop mula sa taong 1880-1886.

2 Bakit tinawag si Santiago de los Santos na Kapitan Tiyago?


Sa panahon ng Espanya, ang pamamahala ng pueblo ay nakalaan sa mga katutubong
Pilipino na tinatawag na gobernadocillo o tinatawag din na capitan. Tinawag siyang
Kapitan Tiyago dahilan sa namuno siya ng isang distrito ng mga mestiso sa
Kamaynilaan. Subalit, ang pangalang Santiago de los Santos ay mayroong simbolikal na
kahulugan, Matutunghayan ito sa mga anotasyon sa Kabanata 6.

3 Ang tunay niyang kaugalian ay palaging maaga sa pagpapabatid sa kaniyang mga


isinasagawang kasayahan. Ang pagtitipon na ito sa nobela ay ginawa ng biglaan.

4 Ang Maynila sa panahon ng mga Espanyol ay limitado lamang sa nababakurang


distrito ng Intramuros.

5 Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay itinulad ni Rizal sa Pilipinas na bukas sa mga


interesadong dayuhan, ngunit hindi sa sariling komersiyo, na siyang dahilan kung bakit
ang ekonomiya ng bansa magmula pa sa panahong ng Espanya ay kontrolado ng mga
dayuhan (Ongoco). Nagkasya ang mga Pilipino na maging mga kasosyo at empleyado
lamang ng mga dayuhan mamumuhunan at hindi mga tunay na may-ari ng negosyo na
sana ay nagligtas sa ating bayan sa kuko ng kahirapan.
Isa pang katangian ng Pilipinas ay ang hindi nito bukas sa mga makabago at
mapangahas na kaisipan. Ginamit ni Rizal na pambungad ang nasabing mga salita
dahilan sa ang kaniyang nobela ay isang mapangahas na akda na susuri sa kabuuan ng
lipunang Pilipino, sa kahinaan ng kolonyal na pamahalaan at isang pagbubunyag sa
kahinaan ng kolonyal na simbahan.

6 Sa huling tatlong dekada ng pananakop ng Espanya ay dumating sa Pilipinas ang


maraming mga Espanyol na nandayuhan para maghanap ng oportunidad
pangkabuhayan. Karamihan sa mga Espanyol na ito ay na-empleyo sa tanggapan ng
pamahalaang kolonyal (Robles. The Philippines in 19th Century). Ang ganitong patakaran
ng Espanya ay mababakas hanggang ngayon sa mga tanggapan ng pamahalaan na ang
nakapuwesto ay mga kapartido ng mga nagwaging pulitiko.
11

ng betun sa sapatos, ang iba ay mga butones at kurbata, ngunit ang pinag-
iisipan ng lahat kung papaano babati sa may-ari ng bahay na parang matagal
nang kakilala, o pakunwaring paghingi ng tawad sa hind pagdating ng maaga.
Ang hapunan ay idinadaos sa isang bahay sa daang Anloague, dahil
hindi na namin matandaan ang bilang ay ilalarawan namin sa paraang
makikilala pa ngayon, kung hindi pa sinisira ng mga lindol. 7 Hindi kami
naniniwala na ito ay ipinagiba ng may-ari, sapagkat ang pagsira ng mga gusali
ay karaniwang gawain ng Diyos o ng Kalikasan, na marami ring kontrata sa
aming pamahalaan.8
Ito ay isang malaking bahay, na katulad sa kaanyuan ng karamihan sa
bayan, at nakatayo sa tabi ng isang sanga ng ilog-Pasig, na tinatawag na estero
ng Binondo,9 at gaya ng lahat ng ilog sa Maynila, ay gumaganap ng iba’t ibang

7 ISANG PAG-ARAL SA BAHAY NI KAPITAN TIYAGO


Ang Daang Anloague ay ang kasalukuyang kalye Juan Luna sa Binondo,
Maynila. Tinawag noon na Anloague ang kalsadang ito dahilan sa noong unang panahon
ay dito naninirahan ang mga karpintero ng bahay. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay isang
tunay na bahay na minsang natayo sa nasabing kalye. Ito ay pag-aari ni Balvino
Mauricio, isang negosyanteng Pilipino na napadawit sa naganap na Pag-aalsa sa Cavite
noong 1872. Bago maipatapon si Balvino Mauricio ay mabilisan ipinagbili ang bahay sa
negosyante si Don Telesforo Chuidian (Glosaryo).
Sa isang bahagi ng talatang ito ay makikita ang propetikal na pananaw ni Rizal
sa pagbanggit na kung “hindi pa ipinasisira ng may-ari” ang bahay na kaniyang
tinutukoy. Ang katotohanan, nanatiling nakatayo ang bahay na kaniyang inilalarawan
hanggang magtapos ang kolonyalismo ng Espanya. Sa mga unang taon ng pananakop ng
mga Amerikano, ang bahay na ito ay nagsilbing tanggapan ng Kawanihan ng Rentas
Internas (Glosaryo). Sa taong 1902 ay pinagsama sa bahay na ito ang tanggapan ng
Kawanihan ng Rentas Internas at ang Station No. 2 ng Pulisya ng Maynila para sa
Distrito ng Binondo (Municipal Board 1904 at Official Gazette January 27,1904). Sa
taong 1911 ay inalis sa bahay ang tanggapan ng pulisya ng Binondo at pinagsama
naman ang opisinang Rentas Internas at ang Kawanihan ng Lupa (Manila Alamanac
1911). Sa artikulo ni Ambeth Ocampo sa kaniyang aklat na Rizal Without Overcoat ay
tiniyak niya na ang dating kinatatayuan ng bahay na ito ay inuukopa ngayon ng gusaling
State Investment Center.
Sinabi ni Rizal na hindi na matandaan ang bilang ng bahay. Subalit sa unang
taon ng mga Amerikano, ang address ng Kawanihan ng Rentas Internas (na
inilalarawang bahay ni Kapitan Tiyago) ay 147 Calle Anloague. (Manila Directory 1901).

8 Sa bahaging ito ay nagpapatawa si Rizal nang isulat niyang hinahayaan natin sa


kalikasan o sa Diyos ang pagsira ng mga inprastruktura, na marami ng kontrata sa
pamahalaan – maraming mga gusali ng pamahalaan sa panahon ni Rizal ang sira na o
wala na sa kaayusan, na isang indikasyon ng dekidensiya ng kolonyal na rehimen. Sa
katotohanan, sa unang taon nang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas ay itinatag
nila ang Bureau of Architecture at binigyan nito ng pansin ang pagsasa-ayos ng mga
gusali ng pamahalaan na kanilang naratnan na nasa masamang kaayusan.
Ipinahihiwatig dito ang kawalan ng urban zoning sa Pilipinas. Ang pagkakaroon
ng panukalang urban zoning sa kabuuan ng Maynila ay naging advocacy ng arkitekto ng
pamahalaan na si Sr. Juan Arellano na siyang gumuhit ng plano ng Pambansang
Gusaling Post Office. Maaring basahin ang artikulo ni V. M. Mallari na Architects and
Architectures in the Philippines. Philippine Magazine, August 1930.

9 Ang Estero ng Binondo ay isang sanga ng ilog Pasig na ang tubig na dumadaloy sa
distrito ng Binondo at ginagamit bilang daanan ng mga bangka na nagdadala ng mga
kalakal sa nasabing lugar. Ang ilan sa mga bangka na ito ay nagmumula pa sa mga
kalapit na lalawigan ng Maynila na may mga dalampasigan na sakop ng Manila Bay. Ang
mga mangangalakal naman mula sa lalawigan ng Laguna ay nakakarating din dito mula
sa Lawa ng Laguna na dumadan sa Ilog Pasig. Ang rutang ito ay mahalagang malaman
para maunawaan ang ruta ng pagtakas ni Ibarra sa Maynila sa Kabanata 61.
12

mga gawain bilang paliguan, imburnal, labahan, palaisdaan, daanan ng mga


sasakyan at talastasan, at sinasalukan ng iniinom na tubig kung ito ay
makakagaang sa gawain ng aguador na Tsino.10
Sa layong halos isang kilometro ng
estero ay nandoon ang daanan ng mga
kalakal, siksikan, nakatutulig ang
pagdaan ng mga sasakyan at dumadaan
sa isang tulay na kahoy, na ang isang
panig ay na wala sa ayos sa tagal na anim
na buwan, at hindi madaanan ang
kabiyak sa kalahating taon,11 kaya sa tag-
init ay sinasamantala ng mga maliliit na
kabayo ang gayong hindi nagbabagong
kalagayan upang lumundag sa tubig, na
ikinabibigla ng taong nasa loob ng
karwahe na inaantok o iniisip ang mga
progreso ng kasalukuyang siglo.12
Ang bahay na aming inilalarawan
ay mababa at hindi tuwid; kung ang
arkitektong gumawa nito ay malabo ang
mata, o ang lindol at bagyo ang pumilipit
sa kaniyang anyo ay hindi masasabing na may katiyakan. Isang malapad na
hagdanan na may berdeng gabay at ang baytang ay nababalutan ng alpombra,
ang akyatan mula sa pintuan sa ibaba hanggang sa itaas, at sa magkabilang

Maaring sangguniin ang satellite map ng Google Earth sa pagtunton ng Ilog Pasig.
10 Sa sinulat na ito ni Rizal ay mapupuna na maging sa kaniyang kapanahunan ay
nagsisimula na ang pagpapabaya at pagsira ng mga tao sa Ilog Pasig. Pansinin ang
namatyagan ng isang manlalakbay na si Feodor Jagor :

[Neglected river and canals offensive.] In the suburbs nearly every hut stands in its
own garden. The river is often quite covered with green scum; and dead cats and dogs
surrounded with weeds, which look like cabbage-lettuce, frequently adorn its waters.
In the dry season, the numerous canals of the suburbs are so many stagnant drains,
and at each ebb of the tide the ditches around the town exhibit a similar spectacle.

Ang paglalarawan ni Rizal sa Ilog Pasig sa nobela ay buhat sa kaniyang personal na


nasaksihan at sa nabasa niyang dokumentasyon ni Jagor ay isang anyo ng pagbibigay ng
maagang babala sa maaring maging kasuklam-suklam na kalagayan nito sa
kasalukuyan.
Hindi rin nakaligtas sa pagpuna ang katusuhan ng mga Tsinong aguador na
kumukuha ng tubig sa ilog para ihatid na inumin sa kanilang mga suking Pilipino. –
Isang paghahantad na may mga taong kumikita ng salapi na walang pakundangan sa
kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga mamimili o pinaglilingkuran.

11 Ipinapapansin ni Rizal ang pagiging pabaya ng kolonyal na pamahalaan sa


pagmimintine ng mga inprastrakturang pambayan. Naiiwan sa loob ng kalahating taon
na hindi inaayos. Sa ating makabagong panahon ay halos katulad nito ang mga
napapabayaang kalsada at tulay na inaayos lamang kapag malapit na ang eleksiyon.

12 Ang nasa loob ng karwahe ay natutulog (nagwawalang bahala) o nangangarap nang


pagsulong. Samantalang ang kaniyang dinadaanang tulay ay sira dahilan sa kapabayaan
ng pamahalaan. Ipinakikita rin dito na kailangan pa ng kolonyal na pamahalaan na
mayroong madisgrasya bago remedyuhan ang anumang depekto sa mga
inprastrakturang panlipunan noon (maging sa ngayon).
13

panig ay may mga halaman at plorera ng mga bulaklak na napapatong sa mga


pedestal na seramikong Tsino13 na matitingkad ang kulay na may mga dibuho.
Sapagkat walang bantay sa pintuan o utusan na naghahanap ng inbitasyon ay
umakyat tayo, ikaw na mambabasa, kaibigan o kaaway man, kung nakaaakit sa iyo
ang tugtog ng orkesta, ang ilaw, o ang pangako ng kalampagan ng mga pinggan at mga
kubyertos, at nais mong makita kung papaano isinasagawa ang mga piging sa Perlas ng
Kasilanganan.14 Ibig ko sana, na upang hindi na mahirapan ay huwag ng isalaysay sa
iyo ang anyo ng bahay, ngunit labis itong mahalaga, sapagkat tayong mga tao sa
kalahatan ay katulad ng mga pagong: pinapahalagahan tayo at at inuuri ng ayon sa
ating mga talukap; dahil dito at sa iba pang bagay, ang mga mga katutubo sa Pilipinas ay
maitutulad sa pagong.15 Kung tayo ay aakyat, makikita agad natin ang ating mga sarili
na nasa isang malawak na bulwagan na tinatawag na caida, sa hindi malamang
kadahalinan kung bakit sa gabing ito ay magiging kainan at kinaroroonan ng
orkesta.16 Nasa kalagitnaan, ang malaking hapag kainan na labis na nagagayakan, na
nagbibigay ng masasarap na pa ngako sa mga sampid, at nagbabanta sa mga mahiyaing
at mahinhing dalaga ng dalawang oras na pakikisalamuha sa mga istranghero, na
kakaiba ang wika at usapan na malimit na nauuwi sa restriksiyon at kakaibang
ayos. Hindi kaayon ng makalupang piging na ito ay ang mga magagandang kuwadro na
nakasabit sa dingding na kakikitahan ng mga bagay na pangrelihiyon, tulad ng Ang
Purgatoryo, Ang Impiyerno, Ang Huling Paghuhukom, Ang Pagkamatay Ng Banal, Ang
Pagkamatay Ng Makasalanan 17 Sa dakong likuran ng kuwarto, na napapaligiran ng isang

13 Ang paglalarawan na ito ni Rizal sa bungad ng bahay ni Kapitan Tiyago ay maaring


paghambingin sa ginawang paglalarawan ni Robert Mac Micking sa kaniyang aklat na
Recollection s of Manila and the Philippines During 1848, 1849 and 1850: p.11.

Pedestal - patungan ng halaman ng paso na gawa sa porselana Pansinin ang larawan sa


bungad ng bahay ni Kapitan Tiyago.

14 Makikita sa bahaging ito ang simbolismo ng pagiging labis-labis na bukas ng Pilipinas


sa kahit sinumang mga dayuhan at ang magiging kapaki-pakinabang ang kanilang
pagtungo sa ating bansa.

15 Dalawa ang maaring maging pakahulugan nang pagbanggit ni Rizal: Una, Ang mga
Pilipino ay parang pagong pinahahalagahan at hinahangaan ayon sa laki, ganda at
kaayusan ng bahay. Ikalawa, inahilintulad din tayo sa pagong dahilan sa mabagal nating
pagsulong sa larangan ng kabuhayan.

16 Caida – isang maluwag na salas sa ikalawang palapag ng malaking bahay na


matatagpuan sa pagpanhik sa hagdanan. Sa malimit na pagkakataon ay pinagdarausan
ng mga kasayahan at kainan sa panahon ng mga pagtitipon,.

17 Inilalarawan ni Rizal ang kaayusan ng loob ng bahay ni Kapitan Tiyago na sa kabila


ng pagiging mayaman ay malayo sa kagayakan ng makabagong tahanan na katulad sa
Europa noong kaniyang kapanahunan, kung saan ang mga paksa ng larawang pinta ay
mga makabagong tanawin. Kung nabasa mo ang kaayusan ng loob ng bahay ni Kapitan
Tiyago ay pansinin naman ang loob ng bahay sa Europa na nakita ni Rizal at ikinuwento
niya sa kaniyang kapatid na Maria sa pamamagitan ng kaniyang sulat noong Pebrero 7,
1886 mula sa Heildelberg:

“Ang layon ng liham na ito ay isaysay sa iyo ang ilang natatanging bagay na
maaring makatawag ng inyong pansin at maari rin namang pakinabangan mo, gaya
halimbawa kung papaano sinisinop ng mga Aleman at Pranses ang kanilang mga
pamamahay. Bagaman ang panlasang Pranses ay siyang umiiral sa halos lahat ng
dako, gayunman ay may pagbabago ito sa bawat pook, alinsunod sa kalagayan at
haka ng mga tao. Tungkol, halimbawa sa silid-kainan, inaakala ng lahat sa Europa
na maging marikit at kawili-wili. Sa mga bahay ng mga mayamang-mayaman ay
makamamalas ka ng mga larawan ng tanawin, na gawa ng mga dakilang pintor.
Mamamalas mo ang larawan ng mga talaba, hipong suwahe, ulang, mga isda at
marami pang iba…”
14

mainam at maringal na kuwadrong/frame na ayos Renacimiento, na inukit ni Arevalo18


na nakapaloob sa salamin na naglalarawan ng dalawang matandang babae… Na
nakasulat sa ibaba ay Ang ating Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay na
patron ng Antipolo, nagsa-anyong pulubi ay dinalaw ang maysakit na mahabagin at
bantog na si Kapitana Ines. 19 Ang larawan ay makikita ang mababaw na panlasa sa
sining, subalit halos makatotohanan: makikita mula sa dilaw at asul na kulay ng mukha
ng babaing maysakit ang tila isang nabubulok na bangkay; ang mga baso at iba pang
kasangkapan na gamit sa matagalang pagkakasakit, ay mahusay na naipakita, pati na
ang iba pa nitong nilalaman nito.20 Sa pagtingin sa larawang ito habang nagugutom ay
nagbibigay ng pagkadiri ukol sa pagkain, maaring isipin ng ilan, na may pagkamalisyoso
ang may-ari ng bahay, at alam ang ugali ng mga marami sa mga mauupo sa kaniyang
hapag kainan,21 at upang mapagtakpan kanyang iniisip, ay nagsabit ng magagandang
lamparang Tsino, mga hawla na walang ibon, mga bilog na salamin na may lamang
asogue na kulay pula, berde, at asul, at mga lantang panabit halaman, mga buteteng
pinatuyo at pinatambok sa hangin. Ang tanawin sa panig na malapit sa ilog ay
natatabingan ng mga arkong kahoy na kalahating Tsino at Europeo, at sa siwang ay
matatanaw ang asotea na may mga balag at gloryeta na bahagya naliliwanagan ng ilaw
mula sa maliliit na parol na papel na sari-saring kulay.

18 Arevalo - Sa mga panahong iyon ay mayroong mag-amang kapwa dentista na kilala sa


kahusayan sa paglilok ito ay sina Jose Arevalo (ama) at Bonifacio Arevalo (anak), ayon sa
pagtataya ng Glosaryo ay higit na ang tinutukoy ni Rizal ay si Jose Arevalo.

19 Ang larawan na ito ayon kay Rizal ay matatagpuan sa kumbento ng Antipolo.


Si Kapitana Ines ay isang babaing Pilipina na napabantog dahilan sa malaki
niyang paghahandog sa kolonyal na simbahan at mga relihiyosong pagdiriwang at
malimit na isinasangkot sa mga nagaganap na milagro. Maaring pinalaganap ng mga
prayle ang popularidad ni Kapitana Ines sa layunin na gayahin ng mga mayayamang
Pilipina ang kaniyang pagiging bukas palad sa pag-aabuloy sa kolonyal na simbahan.

20 Totoo nga kayang nasa kumbento ng Antipolo ang nasabing larawan? Paano ito
nailarawan ni Rizal, dahilan sa ang kaniyang una at dokumentadong pagdalaw sa
Antipolo ay pitong taong gulang pa lamang at maari rin naman na nasundan pa ng
pagdalaw sa ilan pang pagkakataon sa nasabing lugar. Kung nakita niya ito minsan
lamang at iyon ay noong panahon pa lamang ng kaniyang kamusmusan, o sa ilan niyang
mga pagdalaw sa Antipolo ay masasabing mayroong kakaibang kakayahan si Rizal na
mapanatili ang mga detalye ng kaniyang mga nakikita na parang hindi nabubura sa
kaniyang isipan. Kung ang nasabing larawan ni Kapitana Ines ay ikinuwento lamang sa
kaniya, masasabing si Rizal ay mayroong namang kakayahan na makagawa ng
paglalarawan mula sa ibinibigay na pagpapaliwanag sa kanya.
Noong si Rizal ay nakatapon sa Dapitan (1892-1896) ay pinakiusapan siya ni
Padre Berenguer na gumuhit ng larawan na magsisilbing padron para sa ipatatahing
kurtina sa simbahan ng Dapitan. Dahilan sa hindi nakapasok si Rizal sa nabanggit na
simbahan ay inilalarawang pasalita na lamang ni Padre Berenguer ang hitsura nito,
samantalang si Rizal ay gumuguhit. Laking pagkamangha ni Padre Obach na pagkatapos
nito ay nakita niya sa ginuhit ni Rizal ang eksaktong hitsura ng kurtina sa simbahan ng
Barcelona. (Palma:Pride of Malay Race. Ginamit din sa aklat ni Austin Coates na Rizal:
Philippine Nationalist and Martyr).

21 Maaring alam ni Kapitan Tiyago ang ugali at katakawan ng mga taong dumadalo sa
kaniyang piging at ang nakakadiring larawan na ito ng paghihingalo ni Kapitana Ines ay
kaniyang inilagay sa salas na kainan ng kaniyang bahay.
Ang higit na katulad nito sa ating panahon ay ang karaniwang kaugalian ng mga
Pilipino na maglagay ng pintang larawan ni Leonardo da Vinci na Last Supper sa
kanilang mga silid kainan. Samantalang kung iisiping mabuti, ang pintang larawan na
ito ay paglalarawan ng isang hapunan na nagtapos sa kalunos-lunos na kinahantungan.
Ang pagkamatay ng isang panginoon na ang aral ay ang kapatiran ng sangkatauhan.
15

Ang salas ay nalilibutan ng malalaking mga salamin at nagliliwanag na


araña, kung saan ang mga bisita ay naiipon. Sa
ibabaw ng isang platapormang kahoy na pino,
nakalagay ang isang malaki at magarang piano, na
nagkakahalaga ng malaki, na sa gabing ito ay higit
na nagkakahalaga ng malaki, sapagkat walang
tumutugtog. Doon ay nakasabit ang isang pinta na
nakalarawan ang isang maayos na lalaki, na
nakasuot ng prak, tuwid, unat, walang kabalu-
baluktot na katulad ng bastong may borlas 22 na
hawak ng kanyang mga nakaunat na daliring puno
ng singsing: at tila nagsasabi ang larawan, nang:
“Ehem! Tingnan ninyo aking kasuotan at
ang anyo kong pormal na pormal!”23
Ang mga kasangkapan sa salas ay elegante
at marahil ay hindi komportable at masama sa
kalusugan kung uupan: Marahil hindi masyadong iniisip ng maybahay ang
nababagay sa kalusugan ng mga panauhin kundi ang kanyang pagiging
marangya. Masasabi na lang niya na “Terible ang disinterya, subalit makaupo
naman kayo sa mga silya ng Europa, bagay na hindi ninyo natitikman araw-
araw!” Ito marahil ang sinasabi niya sa sarili. 24
Ang salas ay halos puno ng tao: magkahiwalay ang lalaki sa babae,
katulad sa mga simbahang Katoliko at sambahan ng mga Judio. Ang mga
babae ay binubo ng ilang binibining Pilipina at Kastila: bahagyang ibinubuka
ang mga bibig upang mapigilan ang paghihikab, na madaliang tinatakpan ng
kanilang mga pamaypay, bihirang magbulungan sa isa’t isa; na agad namang
napuputol sa maiikling sagutan, na katulad ng mga ingay na naririnig sa isang
bahay kung gabi, katulad ng ingay ng mga daga at butiki. Ang mga larawan
kaya ng birhen na nakasabit sa dingding ang pumipilit sa kanilang manahimik
na anyong relihiyoso, o ang mga babae rito ay talagang natatangi sa iba? 25

22 Ang mga nanunungkulang kapitan ng mga bayan noon ay nagtataglay ng baston na


simbolo ng kapangyarihan. Subalit ang hawak ng kapitan ay baston na maari niyang
magamit niyang panghampas sa mga karaniwang mamamayan, ngunit ang wala namang
kakayahan na makasalag sa kapangyarihan ng mga taong nakakataas sa kaniya.
Bakit may borlas? Ito ay simbulo ng kapangyarihang palamuti lamang na ang layunin ay
makatawag lamang ng pansin mula sa mga tao na tingnan ang dekorasyon ng simbolo
na wala namang tunay na kapangyarihan. Makikita ang simbolikal na insulto ni Rizal sa
baston ng Kapitan sa bayan ng San Diego sa Kabanata 14.

23 Si Kapitan Tiyago ay isang tao na kailangan na magpahanga, upang pagkalooban ng


paggalang. Ang pintang larawan ni Kapitan Tiyago ay halos katulad ngayon ng poster ng
mga pulitiko na ginagamit sa panahon ng eleksiyon.

24 Sa hanay ng pananalitang ito ay ipinapakita ang kaugalian ng mga Pilipino na sa


labis na pagiging marangya ay hindi na napag-uukulan ng pansin kung ang kaniyang
mga kagamitan sa bahay ay hindi angkop sa kanilang kalusugan.
Subalit may nakatagong mga mensahe si Rizal ukol sa salitang upuan na
tatalakayin sa mga susunod na kabata.

25 “Ang nais na tumbukin si Rizal sa katanungang ito ay kung tunay na mahinhin


ang mga Pilipina. Sinulat ni Rizal ang bahaging ito sa kabanata upang lihim na ang mga
mambabasa sa pangit na impresyon ukol sa mga kababaihan sa Pilipinas, na kumakalat
noong sa Espanya. - Matutunghayan ang sa Blg. 77
16

Ang matandang babaing pinsan ni Kapitan Tiyago, na may magiliw na


mukha at masamang magsalita ng Kastila, ang nag-iisang sumasalubong sa
mga babae. Inaalok ang mga Española ng plato na may lamang tabako at hitso,
at nagpapahalik ng kamay sa mga Pilipina, na katulad ng mga prayle. Ito ang
kabuuan ng kaniyang kagandahang loob at patakaran. 26 Ang kaawa-awang
matanda ay nainip sa kaniyang pagsalubong at sinamantala ang ingay ng isang
nabasag na pinggan, at bumubulong na
“Jesus! Magbabayad kayo sa akin, mga walang ingat!”27
At hindi na muling bumalik.
Ang mga lalaki ay hindi ganoon, sila ay maingay. Ilang kadeteng nasa
isang sulok ay masigla ang usapan, ngunit mahina, at gumagala ang paningin
sa paligid at minsan-minsang itinuturo ng daliri ang ilang katao sa salas, at
palihim na nagtatawanan; Samantalang ang dalawang istranghero, na nakasuot
ng puting damit, na nasa likod ang mga kamay at tahimik na palakad-lakad na
malalaki ang hakbang sa magkabilang dulo ng salas, kagaya ng ginagawa ng
mga naiinip na pasahero sa kubyerta ng isang barko.28 Ang lalong mahalaga at

26 Ang paglalarawan kay Tia Isabel ay ginawa ni Rizal sa layunin na ipakita ang
kaugalian ng mga nakaririwasang babaeng Pilipino sa kaniyang kapanahunan. Pansinin
ang hindi pantay na paraan ng pagtanggap ng bisita ayon sa lahi – sa mga Espanyola ay
mayroong ipinagkakaloob na handog, samantalang sa mga kapwa Pilipina ay
nagpapahalik ng kamay.

27 Kung may diskriminasyon si Tiya Isabel sa mga Pilipinang kalahi niya ay ipanikita
naman dito ang pagtrato sa mga kasambahay, sa pagkakataon na makagawa sila ng
pagkakamali o mga bagay na hindi gusto ng kanilang mga amo ay hantad sila sa galit at
kaparusahan ng mga ito. Ang hindi makataong kalagayan, mababang pagtingin, at
pagiging hantad ng mga kasambahay ay makikita sa loob ng nobela at sa iba pang mga
sinulat ni Rizal na sumusuri sa buhay ng mga taong upang mabuhay ay kailangan na
maglingkod na tila alipin sa kanilang mga kapwa tao.

28 Simbolikal ang paglalagay ni Rizal ng dalawang dayuhan na pagaganapin niya sa


pagtitipon na ito. Ang pagkainip nila ay itinulad sa pasahero ng bapor. Sa pag-aaral sa
mga simbolong ginamit ni Rizal ukol sa bapor at bangka ay mapapansin na ang
tinutukoy ni Rizal sa mga salitang ito ay ang bayan. Makikita ito sa simbolismo sa
naganap na pag-uusap sa pagitan nina Ibarra at Elias sa lawa na matatagpuan sa
Kabanata 49.
Ang dalawang dayuhan na ito ay hindi magtatagal sa Pilipinas (mga naiinip na
pasahero sa bapor) at may pagnanasa na makauwi sa kanilang bayan na siyang
kalagayan ng karamihan ng mga naninirahang Espanyol sa Pilipinas.. Mauunawaan na
hindi maasahan na ang isang panandaliang pasahero ay magsasagawa ng malaking
pagmamalasakit para sa isang bapor/bayan na pansamantala lamang niyang tutuluyan.
17

aktibong usapan ay nagmumula sa pangkat na binubuo ng dalawang pari,


dalawang sibilyan at isang kawal na nakapaikot sa maliit na mesa na may mga
bote ng alak at mga biskotsong/biscuit Ingles.
Ang kawal ay isang matangkad, matandang tinyente, na may matigas na
anyo ng mukha; tulad isang Duke de Alva 29 na naiwanan ng promosyon sa
Guwardia Sibil.30 Nagsasalita ng kaunti, ngunit sa matinding paraan. Ang isa
sa mga prayle, ay ang batang Dominicano, maganda, malinis at may
maningning na isipan, na tulad ng kanyang salamin sa mata na may kulob na
ginto, 31 na sa kabila ng kabataan ay taglay na ang maagang ugaling
pagkamatanda:32 siya ang kura sa Binondo, at sa mga nakalipas na taon ay
naging guro sa San Juan de Letran. Napabantog dahil sa pagiging mahusay sa
debate, kaya sa panahong iyon, na ang mga anak ni Guzman33 ay nangangahas
pang makipag-debate sa katalasan ng pagkukuro-kuro sa mga hindi pari, 34

(Basahin ang pagsusuri ni Rizal ukol sa kaisipan ng mga dayuhan sa Pilipinas sa isang
ng Kabanata 3).

29 Tinutukoy si Fernando Álvarez de Toledo, ikatlong Duke ng Alva (1507-1582), heneral


ng Espanya at nakilala sa kasaysayan sa labis na kalupitan laban sa mga
rebolusyonaryo sa The Netherland. Noong italaga siya roon bilang Gobernador Heneral
(1567-1573). Sa kaniyang pamumuno sa nasabing bansa ay kaniyang ipinapatay ang
18,000 Dutch ngunit sa huli ay natalo siya ng mga rebolusyonaryong Dutch. Sa
kapanahunan ng mga Espanyol sa Pilipinas, ang kaniyang pangalan ay ginamit bilang
panakot sa mga bata. Ang katulad nito sa kasalukuyan ay ang ginagamit ang mga pulis
bilang panakot sa mga bata.

30 Naiwan sa talaan ng promosyon - Mapapansin ang paglikha ni Rizal sa kaniyang


tauhan na si Tinyente Guevarra. Matandang Tinyente. Ang ranggong tinyente ay
malimit na nakalaan sa mga batang opisyal ng hukbong sandatahan ng anumang bansa.
Ang pananatili ni Tinyente Guevarra sa nasabing ranggo sa kabila ng kaniyang
katandaan ay isang paglalarawan ni Rizal na ito ay naiwan sa talaan ng promosyon ng
kolonyal na konstabularya na ang maaring isa sa mga dahilan sa kabilala ng pagiging
Espanyol nito ay hindi siya kabilang sa pangkat ng mga peninsulares

31 Ipinakilala ang batang Dominicano sa satirikong paraan – bright person na katulad ng


kaniyang salamin na may kulob (rim) na ginto. Ibig sabihin, ang maningning na isipan ng
prayle ay hindi ang kaningningan na taglay ng taong may mataas na katalinuhan, kundi
ang pagtataglay ng tusong kaisipan – lalo na sa bagay maaring pagmulan ng salapi
(salamin na may kulob ng ginto). Pasimula lamang ito ng paggamit ni Rizal ng mga hindi
simulado ngunit napakamapang-insultong paraan ng pagpapakilala sa prayleng ito.

32 Nangangahulugan na maagang natuto si Padre Sybila sa kaniyang gawain bilang


isang prayle. Sa tuksuhan ng mga Pilipinong nagsasalita ng Tagalog ay maririnig ang
salitang “magulang” na ang isa sa negatibong kahulugan ay nais na makahigit sa iba.

33 Anak ni Guzmam - katawagan sa mga Dominicano dahilan sa ang nagtatag ng


korporasyon ay si Santo Domingo de Guzman.

34 Si Padre Sybila ay minsan na nagkaroon ng kakayahan na makipag-debate sa mga


opinyong pang-relihiyon ng mga taong may malayang isipan. Subalit sa hanay ng
pananalitang ito na ipinauukol ni Rizal ukol kay Padre Sybila ay nais ipahalata ni Rizal
sa kaniyang mga mambabasa na nagtatapos na ang kakayahan ng mga kaparian na
makipagpalitan ng opinyon ukol sa dogma ng simbahan. Ang katotohanan ng
komentaryong ito nasa Kabanata 14.

34 Ipinapaliwanag ng Glosaryo na si Benedicto de Luna ay isinilang sa Tanauan,


Batangas noong 1838. Nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas ng Pilosopiya at Batas,
Ipinapalagay na mahusay na debatista at mahusay na guro. Nagtatag siya ng isang
18

maging ang mahusay na debatistang si B. de Luna 35 ay hindi siya nagawang


mahuli at malito sa mga debate, dahil sa mga kahusayan ni Prayle Sibyla, ay
iniwan niya ang kaniyang katunggali na katulad ng isang mangingisdang
nagnanais na makahuli ng palos sa pamamagitan ng panilong lubid. Kaunti
kung magsalita ang Dominicano at parang tinitimbang
ang kanyang mga salita.
Malaki ang kaibahan niya sa isang prayleng
Pransiskano, na labis na masalita at magaslaw ang
galaw ng mga kamay. Kahit na sa kaniyang buhok ay
lumilitaw na ang mga uban, ay tila napapanatili niya
ang matibay na katawan. Ang mga wasto niyang anyo,
ang nakakatakot na titig, ang malalaking panga at
katawang malakas, ay nagbibigay sa kanya ng anyo ng
nagbabalatkayong Romano, at kahit hindi kinukusa ay
magpapaala-ala sa kaniyang pagkakatulad sa isa sa
tatlong monghe na ikinukuwento ni Heine sa kanyang
Dioses en el Destierro, na sa equinox ng Setyembre na
sumasakay sa isang bangka sa lawa ng Tirol, tuwing
sasapit ang hatinggabi, at sa bawat pagtawid ay
naglalagay sa kamay ng mahirap na bangkero ng isang
baryang pilak, na sinlamig ng yelo, na labis na
tumatakot sa bankero. 36 Pero, si Prayle Damaso ay
hindi misteryosong gaya ng mga nabanggit; 37 siya ay

pribadong paaralan sa Santa Cruz, Maynila na kinilala ng mga Pilipino sa kahusayan sa


pagkakaloob ng pagtuturo sa mga mag-aaral. Namatay siya noong 1899.
Subalit sa kasaysayan ng daigdig ay mayroon pang isang BENEDICTO DE LUNA
na tiyakang napag-aralan ni Rizal ng malaliman. Sa pagamit ni Rizal sa B. de Luna ay
pailalim na ipinapasok ni Rizal sa kaisipan ng kaniyang mga mambabasa ang isa sa mga
madilim na panahon ng simbahan na tinatawag na Great Schism. Kung kailan nagkaroon
ng tatlong Papa sa simbahan na nag-aangkin ng kapangyarihan at ang isa sa mga ito ay
ang Espanyol na si Benedicto de Luna.
Benedict XIII, born Pedro Martínez de Luna, (b. Illueca, Aragon, 1328; d.
Peñíscola, near Valencia, 1423) was an Aragonese, and is considered by many
Roman Catholics an Antipope. (Maari itong mabasa sa www.wikipedia.org)

36 Tinutukoy ang sanaysay ni Henreich Heine na Dioses en el Destierro kung saan isa sa
mga ikinukuwento rito ay ang tatlong mga dating diyos Romano na pinapangunahan ni
Bachus at ng kaniyang dalawang kasama na mga nakabalatkayo bilang mga prayleng
Pransiskano. Ang tatlong mongheng ito ay taunang tumatawid sa lawa ng Tyrol sa
panahon ng equinox ng Setyembre (22/23) at sa ikapitong taon nang pagtawid ay
natuklasan ng bangkero na ang tatlong prayle ay pumupunta sa isang tagong lugar ng
lawa at nagbabago ng anyo mula sa pagiging mga prayle tungo sa kanilang dating mga
kaaanyuan bilang mga diyos na nagsasagawa ng pagdiriwang ng Bachanalia. (Batis:
Prose Miscellanies From Heinrich Heine).

37 Pansinin ang istilo ni Rizal na si Padre Damaso ay katulad ng isa sa mga diyos sa
sanaysay ni Heine, subalit sa sumunod na bahagi ay hindi ganoon. Isang istilo na waring
nanampal ng masakit na pananalita at pagkatapos ay pakunwaring hahaplusin ng
paimbabaw na pagbawi.

Ginamit ni Rizal si Pray Damaso bilang isang paglalahat na paglalarawan ng mga


tiwaling prayle sa kaniyang kapanahunan. Maging si Antonio Ma. Regidor na isang
biktima ng 1872 at tumakas sa Pilipinas at nanirahan sa London ay nahulaan ang
intensiyon ni Rizal sa paglikha ng Padre Damaso. Sa kaniyang sulat kay Rizal
pagkatapos na mabasa ang Noli Me Tangere ay nakasaad ang ganito:
19

masayahin at sakali mang magaspang ang kaniyang boses na gaya ng sa isang


taong walang pag-iingat sa dila, at nag-aakalang ang lahat ng kanyang sabihin
ay pawang banal at hindi matutulan, ang kanyang tawang masaya at tapat ay
pumapawi sa hindi magandang inpresyong iyon, at pipilit sa atin na
ipagpatawad ang ginawa niyang paglalabas sa gitna ng salas, ng mga paang
walang medyas at mga mabalahibong binti,38 bagay na kung ito ay naganap sa
peryahan sa Quiapo 39 ay maari sanang pagkakitahan ng malaki ng isang
mendieta.40
Isa sa mga sibilyan ay maliit na lalaki na may maaitim na balbas sa
baba, at ang tanging kapuna-puna ay ang kanyang isang ilong na kung sa laki
susukatin ay parang hindi kanya. 41 Ang isa naman ay binatang mapula ang
buhok na tila kararating pa lamang sa Pilipinas.

“Sino ang hindi makakakilala kay Pray Damaso? Ah! Nakatungo ko siya; at
bagaman sa maningning na paglalarawan sa kanya sa nobela ay isa siyang
maruming Pransiskano, laging bastos, laging malupit at malaswa ang kaasalan, sa
tunay na buhay ay nakita at napag-aralan ko siya, kung minsan ay sa puting
abitong suot ng mga Agustino, minsan ay sa mga Pransiskano na gaya ng inyong
paglalarawan, at kung minsan ay sa nakayapak at abito ng mga Rekoleto na
nagpapanggap na marurunong.

Ang misteryo kung saan kinuha ni Rizal ang pangalan ni Pray Damaso ay mababasa sa
mga susunod na Kabanata.

38 Parang ibig niyang ipaalam na si Padre Damaso ay naka-abito na hindi nagsuot ng


pantalon, kundi boxer short lamang. Ang ganitong kaayusan ni Pray Damaso ay isang
lihim na paglalarawan sa kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa kaniyang
kapanahunan. Ang balahibo sa binti ay simbolismo ng paglabas ng balahibo ng lobo
(wolf) sa kauotan ng tupa.
Sa sanaysay ni Heine, ang bangkero sa lawa ng Tirol ay unang napatingin sa paa ng mga
prayle at mula doon ay nakita niya ang pagbabagong anyo nito sa paglitaw ng kanilang
tunay katauhan.

39 Sa panahon ng Espanya ay nagsasagawa ng taunang perya sa Quiapo, rito ang mga


tao ay nakapag-aaliw sa iba’t ibang mga palabas, palaro, at libangan (Makikita ang isang
eksena sa Perya sa Quiapo sa El Filibusterimo).

40 Mendieta - tagapangasiwa ng mga palabas sa pagtatanghal na pambata – katulad


ngayon ng mga producer ng mga palabas pambata sa telebisyon.

41 Ano ang kahulugan ay napakahaba ng ilong na parang hindi kanya?


Hindi sa lalaking ito ang kaniyang ilong kundi mayroong nagmamay-aring iba. Makikita
rito ang galing ni Rizal sa malinis at hindi direktang paraan ng pang-iinsulto. Subalit
maaring mayroong malalim na dahilan si Rizal upang ilarawan ang ang maliit na lalaking
mayroong mahabang ilong – sa ating panahon ang popular na karakter na mayroong
ganitong katangian ay mababasa o mapapanood sa pelikulang cartoon na Pinocchio.

Italian writer Carlo Collodi created one of the most popular characters of
children’s literature when he wrote Le avventure di Pinocchio 1883, the story of
a wooden puppet who comes to life. Mischievous and selfish, Pinocchio
experiences a series of near-disasters that teach him right from wrong. The
puppet wants to become a real boy, but he cannot attain this goal until he
learns obedience, honesty, and generosity. In the chapter excerpted here,
Pinocchio lies to his friend, Fairy, only to discover that his nose grows each
time he is dishonest. (Microsoft Encarta)

Panahon pa ni Rizal ay popular na istorya ng paghaba ng ilong ni Pinochio. Isang


pahiwatig na si Sr. Laruja ay isang sinungaling. Ipapakita ang katotohanan nito sa
Kabanata 9.
20

“Makikita ninyo,” ang sabi ng Pransiskano, “kapag namalagi kayo ng


ilang buwan dito ay maniniwala kayo sa aking sinasabi: ang mamahala sa
Madrid ay iba kaysa manirahan sa Pilipinas!” 42
“Pero…”
“Ako ay halimbawa” patuloy ni Pray Damaso, na inilakas ang boses
upang pigilan ang iba na makapagsalita, “dalawampu’t tatlongtaon akong
kumakain ng saging at kanin, at alam ko ang aking sinasabi.43 Huwag ninyo
akong sabihan pa ng inyong mga palagay at mahusay na pangungusap, kilala
ko ang Indio.44 Mula nang ako ay dumating sa kapuluang ito ay nadestino ako
sa isang bayan, totoong maliit nga, subalit higit ang debosyon sa
pagsasaka. 45 Hindi ko pa noon ganap na nauunawaang ang Tagalog, subalit
mabilis kong kinukumpisal ang mga babae, at kami ay nagkakaintindihan, at
lubha akong kinagiliwan,46 kaya pagkatapos ng tatlong taon, nang ako ay ilipat

42 Ipinahihiwatig ni Padre Damaso sa bagong dating na Espanyol na kakaiba ang


pananaw ng mga nasa Madrid na malayo subalit gumagawa ng mga batas para sa
Pilipinas. May mga pagkakataon na ang pamahalaan sa Madrid ay nagnanais magtalaga
ng mga reporma para sa Pilipinas, samantalang sinasalungat naman ito ng mga prayle
dahilan sa kontra sa kanilang kapakanan.

43 Ang pagiging karaniwang pagkain ng mga Pilipino ng kanin at saging ay kinumpirna


ng taga Belgium na si J. De Man na bumisita sa Pilipinas noong 1870, sa kaniyang
sinulat na aklat na Souvenirs d'un voyage aux iles Philippines (p.102).

Dalawampu’t Tatlong taon si Padre Damaso sa Pilipinas - Kung gagamitin natin ang
taong 1882 bilang petsa ng kaganapan ng nobela – lilitaw na si Padre Damaso ay
dumating sa Pilipinas noong 1859. Mahalaga ang petsang ito sa Talahuli bilang 46.

44 Ang pagpapakilala ni Pray Damaso na “alam nila ang ugali ng mga Indio” ay
karaniwang ipinagyayabang noon ng mga prayle – ang kanilang mga obserbasyon ay
nalalathala sa Madrid at pinaniniwalaan ng mga Espanyol, kabilang na rito ang mga
panlilibak ng ilan sa kanila ukol sa mga katutubo ng ating bayan. Makikita ninyo ang
isang halimbawa ng panlilibak sa mga kababaihang Pilipino sa Blg. 75.

45 Pansinin ang sinabi ni Padre Damaso na sa unang bayan na pinagtalagahan sa


kaniya na “totoong maliit nga, subalit higit ang debosyon sa pagsasaka”
Naobserbahan niya mismo ang kasipagan ng mga Pilipino sa kaniyang pinagtalagahan
parokya.

46 Papaano sila nagkakaintindihan si Padre Damaso at ang mga babaeng kaniyang


kinukumpisal?
Bago pa lamang si Padre Damaso at hindi pa mahusay sa sa wikang Tagalog.
Mula kay Jagor na isang manlalakbay na nakadalaw sa Pilipinas noong 1859-1860. Ito
ang isinulat ni Jagor na magiging kasagutan sa pagkakaunawaan ni Padre Damaso at ng
mga babaeng kaniyang kinukumpisal:

“The younger priests pass their existence like the lord of the soil of the old; the
young girls consider it an honor to be allowed to associate with them; and the
padres find many convenient opportunities. They have no wives to pry into their
secrets, and their position as confesors and spiritual advisers affords them
plenty of pretext for being alone with women. The confessional, in partcular
must be a perilous rock-a-head for most of them. In appendix to the “Tagal
Grammar” … a list of questions are to be asked in the confessional, and several
pages of them relate exclusively to the relations between sexes.”

Dito ay mararamdaman ang gustong palitawin ni Rizal sa pagsasabi nito sa


tauhang si Padre Damaso na ang prayle ay nanirahan na ng 23 taon sa Pilipinas (1859
21

sa isang bayang malaki, na nabakante dahilan sa pagkamatay ang kurang


Indio47 ay nag-iyakang ang mga babae, 48 pinagkalooban ako ng napakaraming
mga regalo, at inihatid ako ng banda ng musika…”
“Pero, ipinapakita lamang niyan na …”49
“Hintay, hintay! Huwag kayong masyadong magmadali! Ang pumalit
akin ay napatigil lamang doon ng saglit na panahon, subalit nang siya ay umalis
ay higit na marami ang naghatid, mas maraming luha at maraming banda ng
musika. Samantalang nagbigay siya ng mas maraming palo at tinaasan pang
higit ang mga bayarin sa simbahan.”50
“Pahintulutan sana ninyo akong …”
“Hindi lang iyan, sa bayan ng San Diego ay lumagi ako ng dalawampung
taon at ilang buwan lamang ang nakaraan mula ng… lisanin (sa salitang ito ay
mapapansin ang pagkagalit). Ang dalawampung taon, walang sinoman na
makaka-kontra, na ito ay higit sa kailangan upang makilala ang isang
bayan. Ang San Diego ay may anim na libo katao, at kilala ko silang lahat na
parang ako ang nag-anak at nagpasuso sa kanila; batid ko kung aling paa ang
pilay, kung anong sapatos ang nakakasakit sa isang nagsusuot, kung sino ang
lumiligaw sa isang binibini, kung sino ang nakasira sa isang dalaga at, kung
sino ang tunay na ama ng bata, atb. Ito ay dahilan sa ako ang kumukumpisal
sa kanila; sila ay nangag-iingat na huwag magkulang sa kanilang
tungkulin. 51 Ang may-ari ng bahay na ito na si Santiago, ang siya

+ 23 taon = taong 1882). Naniniwala ka na ba na ang 1882 ang piktisyosong taon na


iniikutan ng Noli?

47 Sa bahaging ito ay tila ina-agitate ni Rizal ang mga paring Pilipino sa pagpapakita na
ang mga prayle ay mistulang buwitre na naghihintay lamang sa kamatayan ng ilang
mapapalad na paring Pilipino na may pinangangasiwaang mga parokya. Ang labanan ng
mga prayle at ng mga katutubong pari na karamihan ay mga secular sa pangangasiwa ng
mga parokya ay siyang ugat nang hidwaan sa loob ng simbahan na tinatawag na
Kilusang Sekularisasyon na pinamunuan ni Padre Jose Burgos. Ang pagkilos ni Burgos
para pagkalooban ang mga paring Pilipino ng parokya ang naging dahilan upang
kamuhian siya ng mga prayle. Upang mawala si Burgos sa landas ng frailocracia ay
idinawit siya ng mga prayle sa naganap na pag-aalsa sa Cavite noong 1872, na naghatid
sa GOMBURZA sa bitayan sa Bagumbayan. Ang Kabanata 8 ng nobela ay nagtataglay
ng isang lihim na pagtalakay ni Rizal sa Gomburza.

48 Bakit nag-iyakan ang mga babae? Napamahal si Padre Damaso sa mga babae dahilan
sa kakaiba niyang paraan ng pangungumpisal sa kanila.

49 Nagtataka ang kausap dahilan sa kabila ng mabuting pagtanggap na ginawa ng


unang bayan na kinalagyan ni Padre Damaso ay mayroon naman itong masamang
impresyon na ipinakikita ukol sa mga Pilipino. Nararamdaman ng binatang mapula ng
buhok na ang kausap niyang prayle ay walang utang na loob.

50 Ang dahilan nang pagkagalit ni Padre Damaso ay selos sa kapalit niyang prayle sa
iniwang bayan (bago siya ilipat sa San Diego) dahil higit na maraming nakaunawaan sa
kumpisalan. Nagseselos ba si Pray Damaso? Maaring ganon nga, subalit nagpapakita ng
inis dahilan sa higit nakakaramdam siya ng pagkainsulto dahilan sa higit na mahusay
“kumumpisal” ang paring pumalit sa kaniya.

51 Mapapansin sa pananalita ni Pray Damaso ang lawak ng inpluwesiya ng mga prayle


sa buhay at kaisipan ng kaniyang mga kawan sa parokya sa pamamagitan ng
kumpisalan. Sa ganito ay naipagyayabang ng mga prayle na kilala nila ang mga Indio at
kaya nilang pasunurin ang mga ito. Ang kumpisalan ang naging saligan ng mga prayle sa
pagtatamo ng kapangyarihan at inpluwensiya sa kolonyal na pamahalaan na umaasa sa
pakikipagtulungan at suporta ng frailocracia.
22

makapagpapatunay ng sinasabi ko: 52 doon ay marami siyang lupain at doon


kami nagsimulang maging magkaibigan. Makikita ninyo kung ano ang Indio;
nang ako ay umalis ay ilang matandang babae lamang ang naghatid sa akin53
at ilang hermano-tercero, 54 iyan ay sa kabila ng paninirahan ko doon ng
dalawampung taon!”55
“Subalit hindi ko nakikita kung ano ang relasyon ng bagay na iyan sa
desestanco ng tabaco,”56 ang biglang sabat ng may lalaking mapula ang buhok,
na sinamantala ang pagtigil ng Pransiskano upang uminom isang kopang
Jerez.57
Nabigla ng labis si Pray Damaso at muntik ng mabitiwan ang kopa.
Sandaling tumitig sa binata…58

52 Makikita ang kalupitan sa pagamit ng hanay ng pananalita – pansinin sa nakalipas


na talata ang salitang kung sino ang tunay na ama ng bata at ang sumunod na “Ang
may-ari ng bahay na ito na si Santiago, ang siya makapagpapatunay nang sinasabi
ko.” Ganito ang istilo ni Rizal sa pagdudugtong ng mga lihim na salita na tila magkalayo
subalit magkakaugnay na napakaraming matatagpuan sa nobelang ito.

53 Maaring mapuna na ang isa sa mga dahilan ng pagsama ng loob ni Pray Damaso ay
ang kakaunting bilang ng mga naghatid sa kaniya – lalo pa kung iisipin na ang naghatid
sa kaniya ay mga matatandang babae. Bakit naghahanap siya na ihatid ng mga
kabataang babae?

54 Ayon sa mga Pransiskano, ang kanilang orden ay may tatlong bahagi: una, ang mga
prayle; ikalawa, mga mongha; at ikatlo, ng mga “hermanos terceros,” na binubuo ng mga
manong at manang na taong-bayan sa mga parokya. (Glosaryo)

55 Pansinin na gumagawa ng paglalahat si Padre Damaso ukol sa mga Pilipino sa buong


Kapuluan na mga “walang utang na loob” subalit siya man ay halos hindi nakakaalis sa
loob ng mahigit dalawang dekada sa kinatalagahang parokya. Papaano niya
mailalarawan ang kabuuan kung hindi siya naalis sa maliit na sulok na kinalalagyan.

56 Ano ang Desestanco ng Tabaco?


Ang mga mga naunang paliwanag dito sa Glosaryo ng Noli ay ang ukol sa patakarang
desestanco de tabaco na ipinatupad ng pamahalaang Espanya ng alisin nito ang
monopolyo sa tabako sa Pilipinas. Ang monopolyo ay isang patakarang pangkabuhayan
na ipinatupad ni GH Jose Basco y Vargas (1778-1789) sa layunin na magkaroon ng
sapat na pondo ang pamahalaan. Ipinatupad ang nasabing batas noong Marso 1, 1782 at
ipinag-utos na ang pagtatanim sa Lambak Cagayan, Ilocos, Nueva Vizcaya at
Marinduque ay ipasailalim sa pagsubaybay ng pamahalaan. Binigyan ng quota ang mga
pamilya ng dami ng tabako na kanilang dapat itanim taon-taon at ang lahat ng kanilang
ani ay ipagbibili sa presyong itinakda ng pamahalaan. Ang nasabing patakaran ay
tumagal ng 100 taon, subalit ang patakarang ito ay nagbunga ng malaking paghihirap sa
mga magsasaka sa mga nasabing rehiyon, dahilan sa wala pa sa kalahati ng tunay na
halaga ng tabako ang napapabayad sa kanila at ang mga magsasakang hindi
makakatugon sa takdang dami ng kanilang aanihin ay mahigpit na mapaparusahan. Sa
pamamagitan ng Ministro ng Kolonya na si Fernando de Leon y Castillo ay nagawang
ipatupad ang Decreto Real na inilabas noong Hunyo 25, 1881 na nagtatadhana na ang
pag-aalis ng monopolyo ng tabako ay aalisin sa Enero 1, 1882.
Sa ginawang pag-aaral ng nagsasaliksik sa mga nilalamang teksto ng kabanata
ukol sa desestanco de tabaco ay mayroon itong higit na tinutukoy na mababasa sa
Talababa Blg. 58 at 59.

57 Maaring isa lamang itong tagpo, subalit makikita ang lupit ng simbolismo na kaya
lamang maaring magsalita ang isang tao sa harapan ng isang prayle ay dahilan sa ito ay
umiinom o may pinagkakaabalahang ibang bagay para sa sarili nilang kapakinabangan.
23

“Ano? Ang nasabi sa wakas dahil sa labis na pagtataka. “Posible sigurong


hindi ninyo nakikita na kasinliwanag ng sikat ng araw? Hindi ba ninyo
nakikita, na ang lahat ng iyan ay isang malinaw na patunay ng kawalang
katwiran ng mga repormang ng mga ministro ng hari?”59
Sa pagkakataong ito, ang binata ang litong
tumitingin kay Pray Damaso. 60 Ang tinyente ay
nagkunot ng kilay, 61 ang maliit na lalaki naman ay
tumatango na hindi malaman kung ito ay umaayon o
hindi kay Pray Damaso. 62 Nasiyahan na lamang ang
Dominicano na tumalikod sa lahat ng nag-uusap.63

58 Ang pagkabigla ni Pray Damaso ay nagpapahiwatig na kaniyang nasakyan ang tunay


na nais itanong ng binatang may mapulang buhok – ang binabanggit ng binata ay
hindi ang patakaran na nag-alis sa monopolyo ng tabako, kundi ang isang aklat na
tumatalakay ukol sa desestanco de tabaco.

59 Sa bahaging ito ay matitiyak, na ang tunay na tinutukoy sa pag-uusap ay ang aklat ni


Jose Jimeno Agius na nakapuna sa kawalan ng katuturan sa alegasyon ng “katamaran
ng mga Pilipino” na ipinapanira ng mga prayle sa ating lahi. Ang layunin ng paninirang
ito ay upang pagkaitan ang mga katutubo ng Pilipinas ng angkop na pagtrato bilang tao.
Ang diwa ng pagsusuri ni Jose Jimeno Agius ay ipakita na ang “katamaran” ng mga
Pilipino ay ginagamit lamang ng mga Espanyol na pantakip sa kanilang kawalan ng
kakayahan na paunlarin ang Pilipinas. Si Jose Jimeno Agius ay sinipi ni Gregorio
Sangcianco sa kaniyang aklat na Progreso en Pilipinas, na nabasa ni Rizal at naging
inspirasyon niya sa pagsulat ng isa sa kaniyang artikulo sa La Solidaridad na may
pamagat na Ukol sa Katamaran ng mga Pilipino. Ngayon siguro ay naniniwala ka na, si
Sangcianco ang modelong intilektwal na binabanggit sa unahan na nagbalik sa Pilipinas
noong 1882. Kung ayaw mo pang maniwala ay tunghayan mo pa sa Kabanata 2 at ang
isang pag-aaral sa mga hulihang kabanata ng nobelang ito. (Basahin ang Progreso en
Filipinas ni Sanciano sa saling Ingles ni Encarnacion Alsona pahina 162-164).

60 Simbolikal ang reaksiyon ng binata. Nagtataka siya dahilan sa kapangahasan ni Pray


Damaso na magsalita ng laban sa pamahalaan. Tandaan na ang binata ay kararating pa
lamang ng Pilipinas mula sa Espanya, kung saan sa nasabing bansa ay nabawasan na
ang kapangyarihan ng mga prayle na manghimasok sa gawain ng pamahalaan.

61 Ang pagkunot ng kilay ng tinyente ay isang simbolikal na paglalarawan ng


nakatagong inis ng isang opisyal ng pamahalaan sa ginagawang pandudusta (comtempt)
ng mga alagad ng simbahan laban sa kolonyal na pamahalaan.

62 Ang reaksiyon ng lalaking maliit na may mahabang ilong (Laruja) ay isang simbolikal
na paglalarawan ni Rizal sa paninidigan ng mga Espanyol na naninirahan noon sa
Pilipinas. Mapapansin na ang kaniyang pagtango ay hindi malaman kung siya ay
sumasang-ayon o hindi. Nakikinig lamang siya at ayaw magbitiw ng sarili niyang opinyon
at ayaw makisangkot sa usapan. (Tandaan ninyo ang paglalarawan sa kaniyang ilog)
Isang paghahantad sa saloobin ng tipikal na mga Espanyol na naninirahan noon sa
Pilipinas sa pananahimik sa usapin ng pulitika at relihiyon.

63 Ang pagtalikod ni Pray Sybila ay isang anyo ng matalinong paraan ng kaniyang


pakikitungo sa pamahalaan at sa kolonyal na simbahan. Isa si Pray Sybila sa
tagapagtaguyod ng pangingibabaw ng kapangyarihan ng kolonyal na simbahan sa
pamahalaan, subalit hindi niya nais na ito ay ipakita ng hayagan. Si Pray Sybila ang
kumakatawan sa mga makabagong kaparian noon na naniniwala na ang kapangyarihan
ng kolonyal na simbahan ay ipatupad na lihim. Ipinakikita rito ni Rizal ang dalawang
magkaibang paraan ng pagtrato ng mga prayle sa mga usaping politikal – subalit sa
kabila ng pagkakaiba ng mga pamamaraan ay nagkakaisa sa layunin na kanilang
ninanais – ang kontrolin ang kolonyal na pamahalaan.
24

“Naniniwala ba kayo na ganon nga…?” ang buong seryosong naitanong


ng binata, habang tinitingnan ang prayle. 64
“Kung naniniwala ako? Gaya ng paniniwala ko sa Evangelio. Ang Indio
ay napakapabaya!”65
“Ah, ipagpatawad po ninyong kayo ay maputol ko sa pagsasalita,” ang
sabi ng binata na hininaan ang boses inilapit nang kaunti ang kanyang
silya. “Ngunit nakapagsabi kayo ng isang bagay na nakapukaw sa aking
interes. Totoo bang ang katamaran ay likas sa mga katutubo rito, may isang
dayuhang manlalakabay na nagsasabi na ang katamaran ng mga katutubo ay
ginagawa lamang nating dahilan upang pagtakpan ang sarili nating
kapabayaan, ang pagiging makaluma ng ating paraan sa pamamahala sa mga
kolonya?66 Tinutukoy niya ang ibang lupaing sakop na ang mga tao ay kalahi ng
mga tagarito!” 67
Ba! Naiingiit lamang ang mga iyon! Itanong ninyo kay G. Laruja na
nakakaalam rin sa lupaing ito, itanong ninyo sa kaniya kung may kapantay sa
kamangmangan at kapabayaan ng Indio.”68
“Totoo yan,” sagot ng maliit na lalaki na siyang tinukoy na Senor Laruja,
“Walang lugar sa mundo na makakatagpo kayo ng hihigit sa katamaran katulad
ng mga Indio.”69
“Kahit na hihigit pa sa kanila sa pagkakaroon ng masamang bisyo at
kawalan ng utang na loob!”70

64 Ang ginawang pagtatanong ng binatang may mapulang buhok ay isang anyo ng


pagtiyak kung ganito talaga ang pangangatwiran, paniniwala, at kaugalian ng mga prayle
noon sa Pilipinas.

65 Sa pamamagitan ng sagot ni Pray Damaso makikita ang laki ng pagkakilala ng isang


prayle ukol sa kaniyang kaalaman ukol sa Pilipinas.

66 Pansinin ang pabulong na pagtatanong ng binatang kararating pa lamang sa


Pilipinas. Ang bahaging ito ay higit pang matitiyak na ang binabanggit ng binata na may
mapulang buhok ay ang aklat ni Jimeno Agius na nagsasabi na ang “katamaran” ng mga
Pilipino ay bunga ng masamang pamamalakad ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya
sa Pilipinas. Kaya pabulong ay bantulot siya na marinig ng iba pang mga Espanyol, lalo
na ng pinuno ng Guardia Sibil na si Tinyente Guevara.

67 Dito ay mapupuna ang labis na kahusayan ni Rizal na magsingit ng maikling


pananalita ngunit puno ng kahulugan. Sa pamamagitan ng mga pananalitang ito ay
ipinapaalam niya sa kaniyang mga mambabasa na ang ating mga kalahing Malay ay
mayroong higit na kaunlaran sa kanilang kapanahunan, kahit na sila ay nasa ilalim ng
kolonyalismo. Ang unang napuntahan ni Rizal na kolonya ay ang Singapore na sakop ng
Inglatera na kaniyang narating noong 1882 at nasaksihan niya ang aktibong kabuhayan
at kalayaang pangrelihiyon ng mga mamamayang sakop. Kung mabubuhay lamang si
Rizal sa ating kasalukuyang panahon ay baka iuntog na lamang niya ng malakas ang
kaniyang ulo sa pader ng Fort Santiago, dahilan sa tayo pa rin ang kulelat sa
kaunlarang pangkabuhayan, sa mga bansa ng Timog Silangang Asya na naging biktima
rin ng kolonisasyong kanluranin.

68 Upang makakuha ng kakampi si Pray Damaso, laban sa paniniwala ni Jimeno Agius


ay ginamit pa niya ang Espanyol na walang sariling paninindigan na si Señor Laruja para
patunayan ang na mali ang sinulat ni Agius.

69 Mapapansin na si Señor Laruja ay kaayon ni Pray Damaso sa paninira sa ugaling


katamaran ng mga Pilipino, subalit sa kabilang dako ay magka-kontra sila dahilan sa
nabasa na natin kanina ang sinabi ni Pray Damaso na ang kaniyang unang parokya
na napagtalagahan ay mayroong labis na dedikasyon sa pagsasaka. (Sanguniin ang
Talababa Blg. 45).
25

“Kahit na higit sa pagkawalang pinag-aralan!”71


Ang binata ay ninenerbiyos na tumingin-tingin sa lahat ng dako.
“Mga ginoo,” ang pabulong na sinabi, “sa palagay ko ay nasa bahay tayo
ng isang Indio. Ang mga binibining iyan…”72
“Huwag kang matakot! Hindi ipinalalagay ni Santiago na siya ay Indio,
at saka wala siya rito, at… kahit siya ay naririto pa! 73 Ang pinagsasabi mo ay

70 Sinabi ni Pray Damaso na wala ng hihigit pa sa mga Pilipino sa pagkakaroon ng


masamang bisyo. Ang katotohanan kaya alam ni Pray Damaso ang pagkakaroon ng mga
Pilipino ng maraming mga masamang bisyo ay dahilan sa isa sa kaniyang katungkulan
sa kolonyal na simbahan ay ang makinig ng pangungumpisal. Sa pananalitang ito ni
Pray Damaso ay ipinapakitang ni Rizal ang kaugalian ng mga prayle na sa kanilang
kayabangan at kadaldalan ay maari nilang masira ang panata ng pananahimik na isang
tungkulin ng paring nakikinig sa pangungumpisal. Ukol sa kaawalan ng utang na loob –
labis ang sama ng loob ni Padre Damaso dahilan sa ang mga naghatid sa kaniya noong
umalis ng San Diego ay mga matatandang babae lamang.

71 Ang ginawang panlilibak ni Sr. Laruja ukol sa kawalang pinag-aralan ng mga Pilipino
ay isang anyo ng pagdura sa sariling mukha. Dahilan sa napabayaan ng kolonyal na
pamahalaan ang sistema ng edukasyon na makaluma sa pamamagitan ng pagpapa-
ilalim nito sa mga kapangyarihan ng mga prayle, ang kawalan ng mga maayos na
paaralan, at ang pagpapabaya sa kalagayang pangkabuhayan ng mga guro na nagtuturo
noon. Ito rin ang suliranin ngayon – palagi na sinisisi ang kahinaan ng edukasyon sa
bansa, subalit sa loob halos ng maraming taon ay hindi naman nagkaroon ng epektibong
programang pang-edukasyon at napapabayaan ng pamahalaan ang mga kalagayang
pangkabuhayan ng mga guro. (Ang ukol sa depektibong sistema ng edukasyon sa
kapanahunan ng kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas ay mababasa sa Kabanata 19.)

72 Bakit ninenerbiyos ang binatang mapula ang buhok?


Ang binatang bagong dating sa Pilipinas ay nakaramdam ng pagkapahiya sa sarili at
pagkatakot sa ginagawa ng kaniyang mga kababayan na pag-alimura sa mga Pilipino
kahit na ang mga Espanyol na ito ay nasa loob pa ng bahay ng isang Pilipino na
magpapakain sa kanila. Makikita rito ang simbolismo na pinapakain na ng mga Pilipino
ang mga Espanyol sa ating bayan ay mayroon pa silang taglay na prehuwisyo laban sa
lahi na nagpapakain sa kanila. Mababasa halos ang ganitong personal na pagkamuhi ni
Rizal sa kaniyang narinig na usapan ng kaniyang mga kapwa pasahero sa Barkong
Salvadora na kaniyang sinakyan mula Maynila patungo ng Singapore sa kaniyang unang
pag-alis sa Pilipinas noong Mayo 1882. (Rizal: Mga Tala ng Ala-ala at Mga Paglalakbay).
Ipinakita ni Rizal sa taglay na nerbiyos ng binatang mapula ang buhok ay isang
lihim na mensahe sa mga Espanyol na naghahari sa Pilipinas ukol posibilidad na
kahinatnan ng labis na pagsasamantala, paniniil at pang-iinsulto nila sa mga Pilipino. Sa
bahaging ito ay lihim na tinatakot ni Rizal ang mga Espanyol sa maaring maging
kalabasan ng kanilang maling pamamalakad sa Pilipinas. (Maaring basahin ang Progreso
en Filipinas ni Sanciano p.81-89, ukol sa ratio ng mga kawal na katutubo na naglilingkod
sa kolonyal na hukbo ng Espanya sa Pilipinas sa kapanahunang iyon).

73 Sa paraan ng pananalita ni Pray Damaso ay ipinakita ni Rizal ang kawalang takot ng


mga prayle sa posibilidad ng masamang kahihinatnan ng kanilang masamang
pamamalakad sa Pilipinas. (Maaring sanguniin ang Talumpati ni Rizal noong 1884 sa
Piging Parangal kina Luna at Hidalgo, kung saan itinulad ni Rizal na ang mga prayle na
mga bulag na unano na hindi nakikita ang hinaharap.)
Binanggit dito na “Hindi itinuturing ni Santiago na siya ay isang Indio.” Malakas
ang loob ng mga prayle at iba pang mga mapanupil sa kolonyal na pamahalaan na
abusuhin ang mga Pilipino sa sariling tahanan (o bayan) sapagkat ayon na rin kay Rizal
ay nakikita lamang natin ang ating mga sarili bilang isang indibidwal at hindi mga
mamamayan ng isang lipunan. (Makikita ang patunay sa intepretasyon na ito sa
Kabanata 3.)
Ano ang simbolismo nang sinabi ni Pray Damaso na wala pa siya rito (Kapitan
Tiyago)? Maaring pisikal na wala pa si Kapitan Tiyago sa kaniyang bahay, subalit ang
26

mga walang halagang kaisipan ng mga bagong dating74 Kapag nakalipas na ang
ilang buwan ay makikita ninyong magbabago kayo ng palagay, kapag nakadalo
na kayo sa maraming pista at sayawan, nakatulog sa mga katre at nakakain na
ng maraming tinola.”75
“Iyan bang tinola na sinasabi ninyo ay isang prutas na mula sa species
ng loto (lotus) na nagiging dahilan upang ang mga lalaki ay maging… parang…
malilimutin?”76

simbolikal na kahulugan nito ay wala pa ang mga Pilipino hindi papayag na maging api-
apihan sa sariling bayan.

74 Mayroong ilang bilang noon ng mga bagong dating na Espanyol sa Pilipinas ang
nagpilit na maging kasangkapan upang repormahin ang masamang pamamalakad ng
kolonyal na pamahalaan sa Pilipinas. Subalit para kay Pray Damaso ang ideyalismo ng
bagong dating ay malulunod ng katotohanang panlipunan na kanilang matatagpuan sa
Pilipinas, at ito ang makakita sila ng pagkakataong magpayaman sa pamamagitan ng
pagsasamantala sa mga mamamayan ng Pilipinas.

75 Kaugnay ito sa Talababa Blg. 24


Nakadalo sa maraming pista at sayawan, at nakatululog sa mga katre at nakakain ng
maraming tinola – mayroong palihim na pahiwatig si Pray Damaso ukol sa mga babae
sa Pilipinas na bahagi ng kanilang paninira sa mga kababaihan ng ating bayan.
Pakibasa mo naman ito at tiyak na sasang-ayon ka rin na may nakatagong pahiwatig
dito: Ito ay bahagi ng liham ni Rizal sa mga kadalagahan ng Malolos sa orihinal na
textong Tagalog

“… sapagka at karaniwang sabi sabi ñg mga kastilá at pari na nangagaling diyan ang
karupukan (sa mga taal na Tagalog ay nangangahulugan ito ng kahinaan sa tawag
ng pagnanasa ng katawan-daniel) at kamangmañgan ñg babaying tagalog, na tila
baga ang mali ñg ilan ay malí na nang lahat, at anaki'y sa ibang lupá ay walá, ñg
babaing marupok ang loob, at kung sabagay maraming maisusurot sa mata ñg ibang
babai ang babaying tagalog..... Gayon ma'y dala marahil ñg kagaanan ñg labí ó galaw
ñg dilá, ang mga kastilá, at parí pagbalik sa Espanya'y walang unang
ipinamamalabad, ipinalilimbag at ipinagsisigawan halos, sabay ang halakhak,
alipustá at tawa, kundí ang babaing si gayon, ay gayon sa convento, gayon sa
kastilang pinatuloy, sa iba't iba pang nakapagñgañgalit… May isang kastilang na
ngayo'y mataas na tao na, pinakai't pinatuloy natin sa habang panahong siya'y
lumiguyliguy sa Filipinas... pagdating sa Espanya, ipinalimbag agad, na siya raw
ay nanuluyang minsan sa Kapangpañgan, kumai't natulog, at ang maginoong
babaying nagpatuloy ay gumayon at gumayon sa kanya: ito ang iginanti sa
napakatamis na loob ng babayi ... Gayon din ang unang pahili ng pari sa nadalaw
na kastila, ay ang kanyang mga masusunuring dalagang tagahalik ng kamay, at
iba pang kahalo ang ñgiti at makahulugang kindat ... Sa librong ipinalimbag ni
Dn. Sinibaldo de Mas, at sa, iba pang sinulat ng mga pari, ay nalathala ang mga
kasalanang ikinumpisal ng babai na di ilinilihim ng mga pari sa mga dumadalaw na
Kastila, at kung magkaminsan pa'y dinadagdagan ng mga kayabañgan at
karumihang hindi mapaniniwalaan ... Di ko maulit dito ang mga di ikinahiyang
sinabi ng isang fraile kay Mas na di nito mapaniwalaan ... Sa tuing maririnig ó
mababasa ang mga bagay na ito'y itinatanong namin kung Santa Maria kaya ang
lahat ng babaying kastila, at makasalanan na kaya baga ang lahat ng babaying
tagalog; ñguni kong sakali't magsumbatan at maglatlatan ng puri'y ... Datapua't
lisanin ko ang bagay na ito, sapagka't dí ako paring confesor, ó manunuluyang
kastilá, na makapaninirá ñg puri ng iba.” (pansinin na ang pinasasaringan ni Rizal
rito ay isa paring confesor na katulad ni Pray Damaso-daniel)

76 Ang bahaging ito ang magpapatunay na mayroong seksuwal na pahiwatig ang


kalilipas na talata. Katunayan ay naitanong ng kararating pa lamang na binata kung ang
tinola ay katulad ng isang specie ng lotus na kapag nakain ay makakalimot na sa
pinagmulang bayan at pamilya.
27

Ano bang loto o loterya! “Hindi iyan ang sinasabi ko!” ang nakatawang
sagot ni Pray Damaso. “Nagiging komedyante kayo sa pinagsasabi ninyo. Ang
tinola ay isang luto na magkahalong manok at kalabasa. 77 Ilang araw na ba kayo
rito?”
“Apat na araw,” ang sagot na may halo ng pagkapahiya ng binata.
“Nagpunta ba kayo rito upang maging empleyado?” 78
“Hindi po; naparito ako sa sarili kong gastos upang pag-aralan ang
bayang ito.”
“Aba, ang taong ito ay kakaibang nilalang!” bulalas ni Pray Damaso na
tinitigan siyang may pag-uusisa. “Pumarito ka sa sariling gastos para lamang
sa kahangalang iyan! 79 Nakapagtataka! Napakarami ng aklat… ang nasulat
ganyang paraan! Sukat nang magkaroon ng noong may lapad na laking
dalawang nakatikom na daliri …!”80
“Sinabi ng inyong reberensiya Pray Damaso,” ang biglang naitanong ng
Dominicano na pumutol sa pag-uusap, “na nadestino kayo ng dalawampung
taong sa San Diego at inyo itong iniwan. Hindi po kayo nasiyahan sa bayang
iyon?”81
Sa tanong na ito, na ginawa sa isang paraang labis na malumanay at tila
walang-kabuluhan, si Padre Damaso ay biglang nawalan ng katuwaan at hindi
na tumawa.
“Hindi!” ang ungol, at sumandal ng mabigat sa sandalan ng silya.
Nagpatuloy ang Dominicano na lalo pang marahan sa kaniyang
pagtatanong:
“Labis yatang masakit ang pag-alis sa isang bayang pinamalagian ng
dalawampung taon, at nakilala kagaya ng damit na kaniyang isinusuot. Ako, sa
akin, ay nagdamdam sa pagkakaalis ko sa Camiling, 82 pagkatapos kong manatili

77 Karagdagang magpapatunay na mayroong pahiwatig sekswal ang pagtulog sa


maraming katre – dahilan sa ang kasunod nito ay ang pagkain ng tinola. Pansinin na
nakatawa Si Padre Damaso habang ipinaliliwanag na ang tinola ay isang masabaw
na luto na magkahalong manok (kalimitan ang iniaahin sa prayle ay inahin) at
kalabasa.

78 Napagkamalan ni Pray Damaso ang binatang may mapulang buhok ay isang


oportunistang bagong dating sa Pilipinas. Isa sa mga dahilan ng pagpunta ng mga
binatang Espanyol sa Pilipinas ay para magtrabaho bilang mga kawani ng pamahalaang
kolonyal, na siyang kalakaran noon. Ang mga bagong dating na mga Espanyol na ang
kwalipikasyon lamang ay ang pagkakaroon ng mga kakilala na nasa gobyerno na
makapagpapasok sa kanila ng trabaho sa pamahalaan. Ang katuturan ng interpretasyon
na ito ay nasa Kabanata 43.

79 Para sa mga prayle ay walang interesadong bagay ang ukol sa Pilipinas na sapat na
pag-aksayahan ng panahon at salapi. Maaring ang ipalagay na ayaw ng mga prayle noon
na magkaroon ng mga obhektibong mag-aaral na titingin sa kalagayan ng Pilipinas.
Mapapansin din sa binatang may mapulang buhok ang diwang maka-iskolar, ang
pagnanais na manaliksik at ang kritikal niyang palagay – tandaan na nagbasa siya ng
mga kritikal na artikulo na nagsasabi na ang katamaran ng mga Pilipino ay pinalalaki
lamang ng mga Espanyol noon, para pagtakpan ang kanilang kahinaan sa pamamahala
sa mga kolonya.

80 Dalawang dali ng noo – isang paraan ng pagsasabi ni Pray Damaso na upang


malaman ang mga suliranin ng Pilipinas ay hindi na kailangan pa ang maka-iskolar na
pag-aaral kundi ang gamitin lamang ang sentido kumon.

81 Sa pamamagitan ng pagtatanong ay nagawa ni Pray Sybila ang isang paraan ng hindi


halatang pag-uusisa o pag-iinbestiga sa kaniyang kapwa pari.
28

doon ng ilang buwan lamang… ngunit ang utos na iyon ay ginawa ng mga
pinuno alang-alang sa ikabubuti ng orden at sa kabutihan ko rin naman.”83
Si Pray Damaso, sa unang pagkakataon sa gabing iyon ay naging labis
na maingat sa pag-iisip. Malakas na ibinagsak ang kaniyang kamao sa gabay ng
kinauupuan, bumuntong hininga ng malakas at bumulalas ng: 84
“Oh! may relihiyon man o wala; Ito ay kung ang mga kura ay may
kalayaan o wala! Ang bayan ay mauuwi sa pagkawasak at pagkawala!” 85
At muling sumuntok sa gabay ng silya. Bawat isa sa salas ay gulat na
napalingon sa kanilang pulutong: itinaas ng Dominicano ang mukha upang
tingnan ang Pransiskano sa ilalim ng salamin sa mata. 86 Ang dalawang
dayuhan na sa sandaling iyon ay nagpapalakad-lakad sa salas ay humintong
sandali, nagkatinginan at pagkatapos ay itinuloy ang ang kanilang
paglakad.87
“Sumama ang ang loob dahil hindi ninyo tinawag na Reverencia!” ang
bulong ni Laruja sa binatang mapula ang buhok. 88

82 Ang bayan ng Camiling ay dating bahagi ng Pangasinan at sa kasalukuyan ay ng


lalawigan ng Tarlac – ito ang bayan ni Leonor Rivera na naging kasintahan ni Rizal.
Bakit ang bayan ng Camiling pa ang pinili ni Rizal na sa kaniyang pagsasalaysay
ng lugar na pinagtalagahan kay Pray Sybila? - Una, maaring ito ay naging isang totoong
kaganapan. Pangalawa, alam ni Rizal na si Leonor Rivera na kaniyang kasintahan ay
magkakaroon ng paghahangad na mabasa ang Noli, sa ganito ay maari niyang makuha
ang atensiyon ng kasintahan na magkaroon ng interes na basahin ito. Maaring ang isang
manunulat ay nagbabalak na mabasa ng maraming mga mambabasa, subalit mayroon
pa rin siyang pinakamahalagang mambabasa na nagsilbi niyang inspirasyon upang
ipabasa ng personal ang kaniyang sinulat. Makikita ang katulad nito sa Kabanata 7.

83 “alang-alang sa ikabubuti ng orden at sa kabutihan ko rin naman”- isang palihim na


paraan ng pagsasabi ni Padre Sybila na ang dahilan ng kaniyang pagkakaalis sa parokya
ng Camiling ay dahilan sa kaso sa babae. Kaya ito ang kaniyang sinabi kay Pray Damaso
ay upang malaya silang magkabukasan ng paksa ukol sa tunay na dahilan ng
pagkakaalis ng huli sa San Diego.

84 Sa pagkakataong ito ay naramdaman ni Pray Damaso na siya ay naipit sa tanong ni


Padre Sybila, mapapansin ito sapagkat nauwi ito sa pagbabarumbado.

85 Mayroong dapat na mapansin sa sagot ni Pray Damaso, ipinararamdam niya sa


kaniyang kausap na kapwa pari na hindi siya dapat na husgahan kundi bigyan ng
simpatiya, dahilan sa siya ay umaksiyon lamang ayon sa atas ng kanilang tungkulin
bilang isang pari.

86 Ang pagtaas ni Pray Sybila ng mukha upang tingnan si Pray Damaso sa ilalim ng
kaniyang salamin ay isang anyo ng pagmaliit ni Pray Sybila sa kaniyang kausap.
Tandaan na ang isa sa ugali ni Pray Sybila ay ang labis na pagkakilala sa kaniyang sarili,
dahilan sa nagtataglay siya ng mataas na pinag-aralan at siya ang kura paroko ng
Binondo na isa sa pinakamayamang parokya sa Pilipinas at lugar na kinaroroonan ng
pagdiriwang.

87 Ang pagkabigla ng dalawang dayuhan na nagpapalakad-lakad sa salas ay isang


paglalarawan sa pagkabiglang nagaganap sa mga dayuhan sa Pilipinas sa mga
pagkakataon na kanilang nababalitaan na mayroong nagaganap na pagtatalo o usapin sa
hanay ng mga dayuhang kaparian at ng tauhan ng kolonyal na pamahalaan.

88 Isang paraan nang pagalang sa prayle sa mga pormal na usapan ay tawagin siya na
reverencia. Mapapansin na sinisisi ni Señor Laruja ang binatang mapula ang buhok.
Inaakala ng nauna na ang ikinagagalit ni Pray Damaso ay ang labis na pagiging
artikulante ng binatang bagong dating na hindi dapat na maging kagawian nila sa
pakikitungo sa mga prayle sa Pilipinas.
29

“Ano ang ibig ninyong sabihin, Padre?” “anong nangyayari sa inyo?”


tanong ng Dominicano at ng tinyente na magkaiba ang tunog ng tinig.
“Dahilan diyan ay dumadating ang maraming kalamidad! Ang mga
pinuno ng bayan ay ipinagtatanggol ang mga ereheng kalaban ng mga alagad ng
Diyos!” ang patuloy ng Pransiskano na itinaas na pasuntok ang kanyang
malalaking kamao.89
“Anong ibig ninyong sabihin” muling tanong na payamot ng tinyente, na
tumayo ng kalahati sa kaniyang silya. 90
“Ano ang ibig kong sabihin?” ang ulit ni Pray Damaso, lalo pang inilakas
ang boses at humarap sa tinyente. “Sinasabi ko ang gusto kong sabihin! Ang
ibig kong sabihin ay kapag ipinaalis ng isang kura sa libingan ang bangkay ng
isang erehe, ay walang sinuman, at kahit ang tunay na hari ay walang
karapatang makialam 91 at lalo pang walang karapatan na maglapat ng
parusa, ang isang generalitong si Calamidad.92

89 Sa pamamagitan ng pagsagot ni Pray Damaso ay naipapakita ang kaisipan ng mga


prayle sa kapanahunan. Palaging isinisisi ang mga masamang pangyayari sa pagbabago
sa moralidad ng mga tao, lalo na sa hindi nila paniniwala sa mga aral ng kolonyal na
simbahan. Ang mga paniniwalang heretikal o kontra simbahan ang pinaniniwalaan
nilang dahilan ng tinatawag na deteryorasyon ng moralidad ng mga Pilipino sa kanilang
kapanahunan. Ang nakataas na kamao ni Pray Damaso ay isang simbolikal na
pagpapahayag na handa niyang labanan ang erehiya at ang inilalarawang laki ng kamao
ay sumisimbolo sa kapangyarihan nila.

90 Ang pagtayo ng tinyente mula sa pagkaka-upo na kalahati ng kaniyang silya ay isang


simbolikal na pagtayo o paninidigan ng isang opisyal ng pamahalaan para konprontahin
ang mga naghahari-hariang mga alagad ng simbahan. Sa pamamagitan ng simbolismo
ng kalahati lamang na pagtayo ay makikita ang kawalan ng sapat na paninindigan at
kakayahan ng pamahalaan na labanan ng harapan ang mga prayle sa kaniyang
kapanahunan.

91 Sa aktwasyon ni Pray Damaso ay naipakita ni Rizal ng pagsasawalang pag-galang at


kakayahan na dustahin ng mga prayle ang isang opisyal ng pamahalaan. Ang
mapangdustang paraan ng pagsasalita ni Pray Damaso sa harap ni Tinyente Guevarra ay
pagpapakita nito ng galit sa pamahalaan dahilan sa utos ng Kapitan Heneral na alisin
siya sa San Diego at bilang parusa ay ilipat siya sa isang parokya na mas maayos pa sa
bayan ng San Diego.

Pagpapaalis ng bangkay ng isang erehe sa libingan – mayroong ganitong katulad na


kaso sa isang prominenteng tauhan ng kasaysayan ng daigdig na komprehensibong
tatalakayin sa mga ng Kabanata 13.

92 Ang General Calamidad na binabanggit ay maaring si Gobernador Heneral/Kapitan


Heneral (gagamitin ang panitik na GH o KH) Emilio Terrero na nagsagawa ng isang hindi
matagumpay na kampanya laban sa mga Muslim sa Maguindanao na pinamumunuan ni
Datu Uto noong mga taong 1886-1887. Maaring hindi 1882 ang panahon ng
panunungkulan ni GH Terrero ngunit ginamit ni Rizal ang masakit na parunggit upang
matiyak niya na maipaparating sa nanunungkulang punong ehekutibo noong kaniyang
kapanahunan ang sinasabi rito sa talikuran ng mga prayle.
Ano ang katunayan na ang bahaging ito ng nobela ay naglalayon na galitin si
Gobernador Heneral Terrero? Ipinapaalam sa mga mambabasa na ayon sa salaysay ni
Maximo Viola na mismong nakasama ni Rizal sa Germany noong ipinalimbag ang Noli ay
nagpadala siya ng tig-iisang kopya para sa GH at arsobispo ng Maynila. Nang itanong ni
Viola kay Rizal kung bakit binigyan ang dalawa – ang sagot lamang ni Rizal ay isang
mapagbirong ngisi (Voltairian smile). Tandaan na dalawa ang kaniyang nais na
pagbigyan ng kopya. Si arsobispo Pedro Payo na tiyak na uusok ang bumbunan sa galit
sa nilalaman ng Noli at ang KH naman sa nobela ay binigyan niya ng positibong
katangian. Talagang mayroong nakatagong agenda sa Rizal na ipaalam sa GH ang
nasabing panunuya ng mga prayle laban sa punong ehuktibo ng kolonyal na
30

“Padre, ang General ay Vice-Real Patrono!” ang


sigaw ng tinyente habang tumitindig.93
“Heneral, Vice-Real Patrono, ano iyon?”94 sagot
ng Pransiskano na tumayo din. “Kung noong unang
panahon ito nangyari ay kinaladkad na sana iyan
pababa ng hagdanan, na minsang ginawa ng mga
corporacion sa walang galang na gobernador
Bustamante. Iyon ang mga araw ng
pananampalataya!”95
“Hindi ko mapapayagan ito. Ang Heneral, ang
siyang kinatawan ng Kataas-taasang Hari…”

pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas. Gumagawa kaya si Rizal ng isang intriga pulitikal


sa pagitan ng dalawa? (Austin Coates. Rizal:Philippine Nationalist and Martyr)

93 Hindi nagustuhan ni Tinyente Guevarra ang sinabi ni Pray Damaso laban sa KH. Sa
pamagitan ng eksenang ito ay ipinakita ni Rizal ang simbolikal na hidwaan ng mga
tauhan ng kolonyal na pamahalaan at ng mga alagad ng kolonyal na simbahan. (Onguco)

94 “Heneral, Vice-Real Patrono, ano yon?”


Sa pamamagitan ng kapangyarihang ito ay maaring manghimasok ang KH sa mga
usaping pansimbahan. Subalit sa pananalita ni Padre Damaso ay isang pagpapahayag
ng pandudusta (contempt) ng mga prayle sa kapangyarihan ng Kapitan Heneral bilang
vice-real patronal. Ipinapakita ni Rizal ang kabaligtaran ng pagpapatupad ng patronato
real sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan – ang simbahan ang nanghihimasok sa
gawain ng pamahalaan. Pansinin din ang simbolismo na tumayo rin si Pray Damaso
upang harapin si Tinyente Guevarra. Sa salitang kanto “nangangamoy suntukan”

Ano ang layunin ni Rizal sa ganitong paglalarawan? - Tandaan na ayon kay Maximo
Viola ay binalak ni Rizal na padalhan si GH Terrero. Sa mga hanay ng kuwento sa
pagtutunggalian nina Pray Damaso at Tinyente Guevarra ay tiyak na mapapako sa
pagbabasa si GH Terrero – mapapansin ang kahusayan ni Rizal sa pagbihag ng atensiyon
ng kaniyang ninanais na mga mambabasa. Hindi babale-walain ito ni GH Terrero,
sapagkat ang maikling salitang “Heneral, Vice-Real Patrono, ano yon?” na isinulat ni Rizal
sa Noli ay isa ng anyo ng pagsusumbong sa kawalan ng galang ng mga prayle sa kolonyal
na pamahalaan noon sa Pilipinas– ganyan katalas si Rizal sa kaniyang panulat.

95 Tinutukoy ay si GH Fernando de Bustamante y Bustillo na kinamuhian ng mga prayle


dahilan sa kinumpiska nito ang ang mga kalakal ng dalawang galyon mula sa Mexico
bilang kabayaran sa hindi nila pagbabayad ng buwis o sa ibang salaysay ay hindi
pagbabayad sa inutang na mga salapi sa Obras Pias. Dahilan sa aksiyon na ito ni
Bustamante, ilang pangkat ng mga prayle ang nagmartsa tungo sa palasyo at pinatay si
gobernador Bustamante at ang kaniyang anak noong Oktubre 11, 1719. Sa
pamamagitan ng pagkilos na ito ng mga kaparian ng kolonyal na simbahan ay naipakita
nila ang kanilang kakayahan na gumamit ng kriminal na pamamaraan upang
protektahan ang kanilang kapakanang pangkabuhayan.

Bakit sinasabi ni Pray Damaso na iyon ang panahon ng pananampalataya?


Ang pagkilos ng mga prayle at ng mga panatikong tagasunod na Pilipino at
Espanyol ay pinakakahulugan noon ng mga prayle na aksiyon na bunga ng
pananampalataya. Ang sama-samang pagkilos na ito ng mga prayle at ng kanilang mga
tagasunod ang maituturing na unang dokumentadong People’s Power sa kasaysayan ng
Pilipinas na pakana ng mga kaparian.
Nota: Ang pagpaslang kay GH Bustamante ay iginuhit ni Felix Resurrecion Hidalgo sa
kaniyang canvas.
31

“Anong hari o haragan! Para sa amin ay walang hari kundi iyong


tunay…”96
“Tumigil kayo!” pasigaw na banta ng tinyente na tila nag-uutos sa
kaniyang mga sundalo. “Bawiin ninyo ang lahat ng sinabi ninyo, o bukas na
bukas ay ipapaalam ko ito sa General.”
“Pumunta na kayo ngayon pa lamang!” ang pakutyang sagot ni Pray
Damaso, na lumapit sa kausap na nakatikom ang mga kamao. “Akala ba
ninyong na dahil sa ako ay nakaabito ay natatako ako sa…? Paroon kayo at
ipapagamit ko pa sa inyo ang aking karwahe!”
Ang pagtatalo ay nauwi sa kakatwang kaayusan, mabuti na lamang at
namagitan ang Dominicano.
“Mga ginoo!” ang panimula niya sa awtoratibo at pagpapalabas ng boses
sa ilong, na bagay na bagay sa mga prayle, “huwag kayong malito sa mga bagay-
bagay at huwag kayong magkagalit sa hindi dapat pagkagalitan. Dapat nating
matiyak sa mga salita ni Pray Damaso, ang pangungusap ng isang tao at ang
pangungusap ng isang pari. Ang mga pangungusap nito bilang pari, ay hindi
kaylanman dapat na ikasama ng loob, sapagkat bumubukal mula sa di mapag-
aalilanganang katotohanan. Sa mga pangungusap ng tao ay dapat gawin ang
isang pagbubukod: ang mga sinabi kung nagagalit; ang mga salitang hindi
naman taimtim sa loob; at ang mga sinasabing sadyang nasa isip. Ang huli ang
tunay na makapagpapasama ng loob at iyon ay alinsunod pa sa mga
pangyayari: kung ito sadyang nasa isip na at sadyang mayroon nang motibo, o
kung hindi sinasadya dahil sa init ng pagtatalo, kung may… 97
“Para sa akin ay sinasadya at alam ko ang kaniyang mga motibo, Padre
Sybila!” 98 ang tutol ng tinyente, na naguguluhan sa dami ng paliwanag at
natatakot na kung magpapatuloy pa sa paliwanag si Padre Sybila ay baka siya
pa ang lumabas na may kasalanan. “Kilala ko ang mga motibo at inyong
unawain. Noong wala si Padre Damaso sa San Diego ay pinayagan ng
koadhutor na mailibing ang bangkay ng isang iginagalang na ginoo… 99 opo,

96 Ang mga prayle sa kapanahunang iyon ay mga Carlista o tapat sa isa sa mga nag-
aangkin para sa trono ng Espanya na si Don Carlos ngunit ang nalagay sa trono ay si
Reyna Maria Cristina (Matanda) at sinunundan ng kaniyang anak na si Reyna Isabel II
na kumukop/nakipagkampihan sa mga liberal na elemento ng pulitikang Espanyol. Ang
mga prayle ay lihim na hindi kinikilala ang pamumuno ng reyna at pailalim na
sinusuportahan ang pag-aangkin ni Carlos.

97 Makikita ang pamamaraan ng mga prayle sa pagpapaliwanag ng mga bagay-bagay,


pasikot-sikot, at nakakalito at ginagawa nila ito upang palabasin na sila ay tama.
“Tinatawag itong casuistry. Isang paraan nang pagpapaliwanag upang ang kamalian ay
magmukhang “katotohananan.”

98 Mapapansin na sa bahagi lamang na ito pinangalanan ni Rizal ang paring Dominicano


at ang ibinigay niyang pangalan ay Padre Sybila – ang pagbibigay ni Rizal ng pangalan
sa paring ito ay isang patagong insulto, dahilan sa ang sybila ay katawagan sa mga
babaeng propeta o pare ng matandang relihiyong Griyego. Ang mga tanyag na sybila ay
yaong mga tagapag-alaga ng orakulo ni Apollo sa Delphi.

99 “Noong wala si Padre Damaso sa San Diego ay pinayagan ng koadhutor na mailibing


ang bangkay ng isang iginagalang na ginoo” Dito ay mapapansin na si Rizal ay mayroong
sinasabing naganap na pansamantalang pagkawala ni Pray Damaso sa San Diego at ang
parokya ay naiwan sa pangangalaga ng isang koadhutor na pumayag na malibing ang
isang bangkay. Maaring sa hanay ng pananalitang ito ay mayroong pailalim na
sinasalaysay ni Rizal ang ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa panahon ng
pamumukadkad ng sekularisasyon na naunang naganap sa panunungkulan ni
Arsobispo Basilio Santa Justa y Rufina na nagtaguyod ng adhikain na ang mga paring
Pilipino na pagkalooban ng karapatan nang pangangasiwa sa mga parokya ng simbahan.
32

Ginoo, karapat-dapat, madalas kong makausap at ako ay tinanggap sa kanyang


bahay. Ano ba kung hindi nagkumpisal. Ano ba iyon? Ako man ay hindi rin
nagkukumpisal;100 ngunit ang sabihing ang ginoong iyon ay nagpakamatay ay
isang kasinungalingan, isang pag-alimura. Ang isang taong gaya noon, may
isang anak na sentro ng pagmamahal at pag-asa, isang taong may pananalig sa
Diyos, nakauunawa ng mga tungkulin niya sa lipunan, taong tapat at kagalang-
galang, ay hindi maaring magpatiwakal. Ito na ang lahat ng masasabi ko, at
magpipigil ako sa pagsasabi ng iba pang iniisip ko, at dito ay dapat akong
pasalamatan ng inyong Reverencia.101
Matapos talikuran ang Pransiskano ay nagpatuloy: “Nang makabalik ng
bayan ang kurang ito, pagkatapos na maltratuhin ang nakahahabag na
koadhutor,102 ay ipinahukay ang bangkay upang alisin sa sementeryo at ilibing
sa dako na hindi ko alam.103 Ang bayang San Diego ay napakaduwag upang

100 “Ano ba kung ito ay hindi nagkumpisal. Ano ba iyon? – Ako man ay hindi
nagkukumpisal” – sa pangungusap na ito ay ipinakikilala ang ideya ng hindi
pangangailangan ng pangungumpisal. Maipapaliwanag ang lalim ng paniniwalang ito ni
Tinyente Guevarra sa Kabanata 4. Mapapansin dito ang lupit ng sistematikong paraan
nang paghahanay ni Rizal ng kaniyang istorya upang labanan ang mga paniniwalang
inaakala niyang balakid sa pagkakaroon ng mga tao ng malayang kaisipan. Mapapansin
ang paglaban ni Rizal sa kumpisalan sa unahan pa man ng kabanatang ito sa
pamamagitan nang palihim na pagbubunyag sa mga misteryo na nagaganap sa loob ng
kumpisalan.
Matatandaan na sinabi ni Pray Damaso ang “Patronato Real, ano yon?” na isang
mapangutyang pagtatanong sa kapangyarihan ng pamahalaan. Ang sagot naman ni
Tinyente Guevarra ay “Ano ba kung ito ay hindi nagkumpisal. Ano ba iyon? – Ako man
ay hindi nagkukumpisal” ay isa namang anyo ng pangungutya ng mga taong ayaw
ipailalim ang kanilang mga kaisipan sa kapangyarihan ng iba. Kung ayaw pailalim ni
Pray Damaso sa pamahalaan, gayundin si Tinyente Guevarra na hindi papailalim sa
simbahan.

101 Hindi kaya ang bahaging ito ay isang sikretong mensahe ni Rizal sa mga prayle na
dapat silang magpasalamat sa kanya dahilan sa ito lamang ang kaniyang masasabi o
isinulat ukol sa imoralidad noon ng ilang mga prale. Ang katotohanan, kung babasahin
ang ibang mga sinulat ni Rizal na tinatawag nila Minor Writings na maaring hindi natin
napapansin dahilan sa hindi masyadong popular na katulad ng Noli at Fili, subalit sa
mga sinulat na iyon higit na makikita ang pagiging kontra-simbahan ni Rizal na
produkto ng kaniyang katalinuhan, malayang kaisipan, pagbabasa, at pagiging kaanib
ng masonerya.

102 Nang makabalik bayang iyon ang kurang ito, pagkatapos maltratuhin ang
nakahahabag na koadhutor - Dito ay mapapansin na talagang mayroong lihim na
mensahe si Rizal ukol sa pansamantalang pagkawala ni Pray Damaso sa bayan ng San
Diego. Nabanggit sa nakaraan na ang pagkawala ni Pray Damaso ay isang simbolismo na
ginamit ni Rizal sa pansamantalang sekularisasyon sa Pilipinas na rito ang mga paring
Pilipino ay nagkaroon ng pagkakataon na mangasiwa ng mga parokya. Subalit noong
magbalik ang mga prayle sa kanilang panunungkulan, ang karamihan sa mga paring
Pilipino ay nagsilbi na lamang mga katulong na pari o kaadhutor at ang ilan ay
minaltrato o hindi binigyan ng karapampatang pagpapahalaga na nauukol sa kanilang
katungkulang pansimbahan.

103 Nagbabala si Tinyente Guevarra na marami siyang alam tungkol kay Pray Damaso.
Isa kaya itong paraan ni Rizal para gisingin ang kolonyal na pamahalaan na marami rin
itong maaring masabing mga kabulukan na noon ay ginagawa ng mga alagad ng kolonyal
na simbahan. Mapapansin dito na si Rizal ay nagtuturo sa kolonyal na pamahalaan
kung papaano nila maaring mapatahimik ang mga prayle na noon ay nakiki-alam sa
pamamalakad ng pamahalaan.
33

tumutol, 104 kung sa bagay ay kakaunti lamang ang nakaalam ng pangyayari,


ang namatay ay wala man lamang kamag-anak at ang kaisa-isahang anak ay
nasa Europa. Nang malaman ng General ang pangyayari at sa dahilang isang
makatwirang tao, ay hiningi ang kaparusahan… at si Padre Damaso ay inilipat
sa isang bayan na higit na mabuti. 105 Ito ang buong pangyayari. Ngayon ay
magagawa na ng inyong reverencia ang inyong mga pagsusuri”106
Nang masabi iyon ay umalis na palayo sa pangkat.
“Lubha kong dinaramdam na hindi ko sinasadyang mabuksan ang isang
maselang na bagay,” ang malungkot na nasabi Padre Sibyla. “Subalit,
makakabuti naman ang pagkakalipat ng bayan…”
“Ano ang mabuti? At ang mga bagay na nawala dahil sa paglipat … ang
mga kasulatan… at ang ang lahat ng nawawaglit?” biglang pabulong na sabat ni
Pray Damaso na hindi mapigil ang galit.107
Unti-unting bumalik sa katiwasayan ang nagkakatipon.
Dumating pa ang ibang panauhin, dito ay kabilang ang isang matandang
Kastilang pilay, na ang mukha ay maamo at banayad, na akay ng isang
matandang babaing Pilipina, na nakasuot ng peluka na puno ng kulot at
makulay ang buhok, at nakasuot ng pananamit ng mga taga-Europa.
Malugod na binati ng pangkat: si Doktor De Espadaña at ang kanyang
asawang si Doktora Donya Victorina108 ay nakiupo na kasama ng mga kilala na
natin. Ang ilang peryodista at mga may-ari ng mga tindahan ay nagbatian at
nagagalawan, na hindi maalaman kung ano ang gagawin.
“Masasabi ba ninyo sa akin, G. Laruja, kung ano ang pagkatao ng may-
ari ng bahay?” tanong ng binatang mapula ang buhok. “Hindi pa ako
naipakikilala sa kanya.”
“Sinasabi nilang umalis daw, hindi ko pa rin nakikita.”
“Hindi na kailangan!” ang sabat ni Padre Damaso. “Si Santiago ay
mabuting tao.
“Isang taong hindi makakagawa ng pulbura,” 109 ang dugtong ni Laruja.

104 PAKIPANSING MABUTI - El pueblo de San Diego ha tenido la cobardía de no


protestar. Basahin mo, ngunit alisin mo ang “ng San Diego” Ang bayan ng San Diego
ay napakaduwag upang tumutol. Isang masakit na pasaring ni Rizal sa mga
Pilipino. Akala mo ba ay mga Espanyol, prayle at simbahan lamang ang dinagil ni Rizal.
Ito ang kaniyang unang mabigat paglalantad sa kahinaan nating mga Pilipino.

105 Ang kaparusahan kay Pray Damaso ay ilipat sa mas mabuting parokya. Higit itong
promosyon, dahil kung si Pray Damaso ay isang sibilyang Espanyol at nakagawa ng
desekrasyon sa libingan ng isang inapo ng Espanyol na nagtataglay ng kayamanan,
maipagpapalagay na maari siyang makulong. Subalit dahilan sa ito ay pari, ang
kaparusahan ay napakagaan.

106 Isang lihim na parunggit ni Rizal sa mga alagad ng kolonyal na simbahan na huwag
maging pasikot-sikot sa kanilang mga sagot. Ang katotohanan ay matuwid at malinaw.

107 Ipinakita ni Pray Damaso na ang dahilan ng kaniyang labis na pagkainis sa


pagkaka-alis sa San Diego ay ang pagkawala ng kaniyang mga kasulatan - ito ay
magkakaroon ng malaking bahagi sa pag-imbulog ng istorya ng nobela.

108 kaugalian at isang pagbibigay-galang ang tawaging doktora ang babae (kahit hindi) -
kung ang asawa ay isang doktor – katawagan na makikita pa rin sa mga bayan na ang
tawag sa asawa ng mayor ay mayora.

109 Isang taong hindi pagmumulan ng basag-ulo o kaguluhan. Katawagan din sa isang
taong hindi makakagawa ng pakana laban sa kolonyal na pamahalaan, dahilan sa ito ay
34

“Kayo naman, G. de Laruja!” ang marahang bulalas ni Donya Victorina,


habang pinapaypayan ang sarili. “Papaano namang siya makagagagawa
pulbura, ayon sa sinasabi, ang mga Insik ang naka-imbento noon may ilang
dantaon na ang nakalipas?”110

“Anong mga Insik? Nauulol ba kayo?” sigaw ni Pray Damaso. “Magtigil


kayo! Ang nakaimbento noon ay isang Pransiskano, isang kapatid ko sa orden,
si Pray tila Savalls, noong ikapitong daang…taon.”111
“Isang Pransiskano! Kung ganon, marahil ay naging misyonero sa Tsina
ang Pray Savalls na iyan,” ang sagot ng babaing hindi basta-basta na lamang
nag-aalis ng kaniyang pinaniniwalaan. 112
“Schwartz, marahil ang ang ibig nyong sabihin, senyora,” ang pagtutuwid
ni Pray Sibyla, na hindi man tiningnan ang babae. 113

nakikinabang sa isang mapanupil at mapagsamantalang sistemang panlipunan na


umiiral sa kaniyang kapanahunan.

110 Mapupuna na si Dna. Victorina ay isang tao na hindi nakaka-alam ng idiom. Subalit
dito ay makikita ang kahusayan ni Rizal maging sa paglikha ng tauhan na gagawing
karikatura sa kaniyang nobela. Maaring ginawa niyang katatawanan at nakakamuhi si
Dna. Victorina, subalit gagamitin niya ito bilang isang matalas na instrumento sa
isang mataas na anyo ng panunudyo sa mga taong nagsasamantala sa bayan.

111 Ipinakikita na si Pray Damaso ay walang alam sa kasaysayan, dahilan sa ang orden
na kaniyang kinabibilangan ay naitatag noong ika-13 siglo at hindi ika-7 siglo.
Mapupuna rin ang kawalan niya ng kaalaman sa mga mahahalagang nagawa at ambag
ng sibilisasyong Tsino sa larangan ng pagsulong ng kaalaman ng sangkatauhan.

112 Sa una pa man ay mararamdaman na si Dna. Victorina ay isang artikulanteng


babae na handang ilaban ang kaniyang kapirasong nalalaman, sa harap ng
kamangmangan na minamaskarahan ng huwad na karunungan ni Pray Damaso.
Mapapansin sa pakikipag-usap ni Dna. Victorina na wala siyang pangimi sa katayuan ng
kaniyang kaharap, kahit ito ay alagad ng simbahan.

113 Ang ginawang pagwawasto ni Padre Sybila kay Donya Victorina ay isang malaking
katatawanan – iwasto ba naman ang isang tao na hindi tinitingnan ang mukha ng
kausap. Ang ginawang pagtutuwid ni Padre Sybila sa sinabi ni Donya Victorina ay isang
anyo ng edukadong pagwawasto sa kamalian ni Pray Damaso na dahil sa pagkakatulad
ng kalagayan nila bilang mga pari ay magiging isang panghahamak na ituwid ito ng
direkta sa harapan ng maraming tao. Makikita rito ang istilong gagamitin ni Rizal na
malayo ang pinatatamaan kaysa sa tunay na tinutumbok.
35

“Hindi ko alam, ang sabi ni Pray Damaso ay Savalls, inulit ko lamang


ang sinabi niya!”
“Walang anuman kung Savalls o Chevas? Kahit isang letra ay hindi ito
magiging Insik!” ang inis na sagot ng Pransiskano
“At ito ay noong ikalabing-apat na siglo, at hindi noong ikapito,” ang
dagdag ng Dominicano na ang tono ng pagsasabi ay sa anyo ng pagtutuwid at
para bang nais na sugpuin ang pagyayabang ng kaniyang kapwa prayle.
“Eh ano! Kung dahil sa isang daang taong kahigitan o kakulangan ay
hindi naman siya Dominicano”114
“Huwag sanang magalit ang inyong reverencia!” ang sabing nakangiti ni
Pray Sibyla. “Mabuti na nga ang siya na ang nakalikha; sa gayon ay iniwas na
niya ang gawaing iyan sa kanyang mga kapatid.” 115
“Pray Sibyla ang sabi ninyo ay nangyari iyon noong ikalabing-apat na
raang taon?” ang interesadong tanong ni Donya Victorina. “Iyon ba ay ay noong
naipanganak na si Cristo o hindi pa?”116
Magandang pagkakataon ang pagkakatanong ni Donya Victorina,
dahilan sa dalawang tao ang noon ay pumapasok sa bulwagan.

114 Mapapansin na sa pag-uusap ng dalawang prayle ang pagkakaroon ng


pagpapataasan ang mga prayle na kabilang sa magkaibang orden relihiyoso.

115 Isang parunggit ni Pray Sybila na mabuti na lamang at si Schwartz ang


nakaimbento, kung ibang Pransiskano (Pray Damaso) ang nakaimbento ay baka
pagmulan pa ng malaking gulo. Sa pamamagitan ng parunggit ni Pray Sybila ay
makakabuo ng isang impresyon na mayroon na itong paunang kaalaman sa ugali ni Pray
Damaso. Ang pagbubukas ng usapan ni Padre Sybila sa unahan ng kabanata ukol sa
pagkakaalis ni Pray Damaso sa bayan ng San Diego ay hindi isang wagas na pagtatanong
kundi isang anyo ng hindi direktang pagkumpirma ng mga inpormasyon na mayroon na
siyang paunang kaalaman. Noong magpakita si Pray Damaso ng magaspang na pag-
uugali at ang mainit na konprontasyon nito kay Tinyente Guevarra ay ganap na
kumumpirma sa katotohanan ng mga inpormasyon na nasa kaniyang pag-iingat.
Makikita ang katotohanan nito sa Kabanata 9.

116 Itinago muna ni Rizal ang katangian ni Dna. Victorina sa pamamagitan ng


paglalagay ng katanungan na kakikitahan ng kahinaan ng isip – itanong ba naman kung
naimbento ng Prayleng si Schwartz ang pulbura noong ika-14 na siglo – hindi pa o
pagkatapos na maipanganak si Cristo (BC at AD) – paano kaya magkakaroon ng prayle
noon BC, hindi pa ipinapanganak ang nagtatag ng Kristiyanismo.

You might also like