You are on page 1of 11

GABAY SA SESYON

(SESSION GUIDE)

Pamagat ng Sesyon: Pananaliksik sa Panitikan: Pokus sa Pagtukoy ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Akda

Bilang ng Kalahok: _______ Lalaki ________ Babae __________

Propayl ng mga Kalahok: Mga Gurong Tagapagsanay sa Filipino

Laang Oras: 6 na oras

I. MGA LAYUNIN
Ang anim (6) na oras na gugugulin sa sesyon ay inaasahang makatutulong sa mga kalahok upang maipaliwanag ang
pananaliksik sa panitikan na pokus sa pagtukoy ng kaligirang pangkasaysaysan ng akda. Ang mga kalahok ay inaasahan ding:
1. Naipaliliwanag ang sistematikong pamamaraan sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan
2. Nasusuri ang kaligirang pangkasaysayan ng iba’t ibang panitikan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pananaliksik
3. Nagagamit ang pananaliksik sa pagtukoy ng kaligirang pangkasaysayan ng mga akdang pampanitikan

INAASAHANG BUNGA:
a. Nakapagsaliksik ng mga akdang pampanitikan sa masistemang pamamaraan
b. Nakapagsuri ng kaligirang pangkasaysayasn ng mga akdang pampanitikan

II. NILALAMAN:
 Pananaliksik
 Kaligirang Pangkasaysayan
 Akdang Pampanitikan
 Teoryang Pampanitikan
III. SANGGUNIAN:
Abad, Melania L. 2004. Linangan 4: Wika at Panitika. Sta. Mesa, Manila: IBON Foundation, Inc.
Aguilar, Reynaldo L. et Al. 2000. Panitikan ng Pilipinas: Rehiyunal na Pagdulog. Lungsod ng Makati: Grandwater
Publication
Ampil, Roberto DL., De Guzman, Marilou P., Tarectecan, Rico C. 2009. Maragtas IV: Aklat Pansekundarya, Sampaloc,
Manila: St. Augustine Publications, Inc.
Belvez, Paz M., et Al. 2007. Panitikan ng Lahi: Pangkolehiyo. Lungsod ng Maynila: Rex Bookstore, Inc.
De Laza, Crizel. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Sta. Mesa Heights, Quezon City:
Rex Bookstore, Inc.
Payne, T.E. 1997. Gabay sa Fieldwork. Lungsod ng Quezon: The University of the Philippines Press
Peralta, J.T. 1996. Ethnography Field Manual. Lungsod ng Maynila: National Commission for the Culture and the Arts
Cordillera School Group, Inc. 2003. Ethnography of the Major Ethnoliguistic Groups in the Cordillera. Lungsod ng
Quezon: New Day Publlishers
K to 12 Basic Education Program in the Flagship Program of the Department of Education.
(http://www.slideshare.net/marcomed/deped.kto12.curriculumguide.march2016)
https://www.slideshare.net/karenmfajardo/kahulugan-at-kahalagahan-ng-panunuring-pampanitikan-katangian-ng-
isang-mahusay-na-kritiko?from_action=save
IV. GABAY SA SESYON:

Mga
Layunin
Kagamitan Laang
Ang mga kalahok ay Mga Susi ng Pagkatuto Pamamaraan / Gawain
/ Bilang ng Oras
inaasahang:
Slide
Paunang impormasyon / Introduksyon (20 Minuto)
oryentasyon ng mga guro: Slide 1-2
1. Pagtukoy sa dating SABIHIN
kaalaman ( prior Magandang buhay! Kayo ang
knowledge) ng mga kalahok mga napiling dumalo sa seminar
tungkol pananaliksik sa na ito, mga guro sa Filipino para
panitikan sa kabataang Pilipino. Isang
mapagpalang araw sa inyong
lahat.

GAWIN
Ipakita ang pamagat ng seminar.
(Ipaliwanag ang rationale) Slides 3-6

PAKILUSIN
Bago tayo magsimula,
Maaari ninyong isalaysay ang
inyong nararamdaman, saloobin,
inaasahan, naiisip tungkol sa
seminar na ito sa pamamagitan
ng sumusunod:
a. Ikuwento Ninyo
(Paano ninyo pinaghandaan ang
pagdalo sa seminar na ito?)
b. Idrama Ninyo
(Isakilos ang mga karanasan sa
paglalakbay patungo sa lugar ng
pagsasanay)
c. Dear Wattpad
(Magbigay ng payo sa mga
dumalo para sa ikatatagumpay
ng pagsasanay) Slide 7

GAWIN
Ipakita at ipaliwanag ang layunin
ng seminar
A. Naipaliliwanag ang Pagkatapos ng talakayan, (120 minuto)
sistematikong pamamaraan inaasahang ang mga kalahok Gamit ang PowerPoint
sa pananaliksik ng ay: Presentation, magbibigay ng
kaligirang pangkasaysayan 1. Nabibigyang-kahulugan konsepto at kaalaman tungkol sa
ang pananaliksik, kaligirang “Pananaliksik, Kaligirang
pangkasaysayan, panitikan Pangkasaysayan, Panitikan,
at panunuring pampanitikan Panunuring Pampanitikan” at
magkakaroon ng malayang
2. Naiisa-isa ang mga talakayan tungkol dito.
elemento sa pagsusuri ng ng
iba’t ibang genre ng GAWIN Slides 8-12
panitikan batay sa uri at Suri-lawan (slide show
anyo nito presentation)
Ipakita ang mga larawan na
3. Natutukoy ang proseso ng bibigyan ng pakahulugan at
pananaliksik sa kaligirang analisis.
pangkasaysayan ng akdang
pampanitikan Unang Pagtatalakay Slides 13-56

4. Nakapagsusuri ng akdang SABIHIN:


pampanitikan ayon sa Talakayin natin ang iba’t ibang
sistematikong pamamaraan uri ng pananaliksik at ang mga
hakbang sa pagsasagawa ng
pangkasaysayang pananaliksik.
Slide 57-67
SABIHIN:
Mula sa mga kaalamang
natutunan natin tungkol sa
pananaliksik lalo na sa
pangkasaysayan at etnograpiya
alamin natin ngayon ang iba’t
ibang akdang pampanitikan.
Talakayin natin isa-isa ang bawat
uring genreng pampanitikan
upang lubos na makuha ang
bawat impormasyon lalo na sa
kaligirang pangkasaysayan nito. Slide 68
Worksheet
GAWAIN: ng
Sagutan ang worksheet 1-Punan mahalagang
ng mahahalagang impormasyon impormasyo
ang bawat kolum. n tungkol sa
kaligirang
SABIHIN: pangkasays
Mula sa mga akdang ayan ng
pampanitikan na ating natalakay akda
Magkaroon tayo ngayon ng isang
pokus na pagsusuri sa genreng
maikling kuwento.
Alamin natin ngayon ang
kahulugan ng maikling kuwento,
ang mga elemento at ang
kaligirang pangkasaysayan nito.

Suri-lawan: Slide 69-80


Idako ang inyong pansin sa mga
larawan ( slide presentation).

GAWIN:
Bumuo ng kuwento batay sa
ipinapakitang larawan.

Ikalawang Pagtatalakay

Magkaroon ng malayang
talakayan tungkol sa naunang
gawain.
Talakayan o input tungkol sa
kahulugan ng maikling kuwento
at ang mga elemento nito. (gamit
ang slide presentation)
B. Nasusuri ang kaligirang MAIKLING KUWENTO GAWIN (60 minuto)
pangkasaysayan ng piling (Q1-WK3)
maikling kuwento sa Pagsusuri ng maikling Ngayon ay hahatiin natin ang
Pilipinas gamit ang kuwento bilang isang mga kalahok sa 3 pangkat upang
pananaliksik akdang pampanitikan gawin ang pangkatang gawain.
(Ipapakita sa slides ang gawain
1. Naisasalaysay ang mga para sa aplikasyon)
pangyayari sa kuwentong 1. Bumuo ng balangkas ng
napakinggan sa kaligirang pangkasaysayan
pamamagitang ng pagbubuo tungkol sa pag-usbong at pag-
ng balangkas na unlad ng maikling kuwento Slide 81
papangungusap gamit ang” tren ng kasaysayan”.
Worksheet 2.I
2. Naiisa-isa ang mga
elemento ng maikling 2. Isa-isa ang mga elementong
kuwento mula sa Pilipinas at nakapaloob sa binasang maikling
ang nakapaloob na kuwento at tukuyin ang
kaligirang pangkasaysayan kaligirang pangkasaysayan nito. Slide 82-84
nito Worksheet 2.2

,
C. Nakasusulat ng Nakabubuo ng sistematiko WORKSYAP (60 minuto)
natutuhan sa pagbuo ng at organisadong
pagsusuri ng kaligirang pananaliksik na nagpapakita Pagbibigay input tungkol sa Slides 85-92
pangkasaysayan ng akdang ng kaligirang gagawing pananaliksik ng
pampanitikan gamit ang pangkasaysayan ng isang kaligirang pangkasaysayan ng
pananaliksik akda isang akda tulad ng maikling
kuwento alinsunod sa mga
hakbang o gawain.

GAWIN
I. Paghahambing sa katangian ng
mga tauhan sa kuwentong binasa
batay sa kani-kanilang kalagayan
sa lipunan, edukasyon, kilos,
pagsasalita at iba pa gamit ang
Venn Diagram.
2. Gamit ang skit, magpakita ng
maaaring kahinatnan ng mga
pangyayari sa kuwento.
3. Pagbibigay kahulugan sa mga
piling pahayag sa kuwento batay
sa konteksto nito. ( Gamit ang
human organizer)
4. Pagpapanood ng video clip ng
maikling kuwento “ Mabangis na
Lungsod” , pagkatapos iugnay ito
sa sariling katauhan batay sa
kilos, damdamin at saloobin ng
mga pangunahing tauhan.
5.Gamit ang balitang
pantelebisyon/ panradyo ibalita
sa pamamagitan ng re-
enactment ang detalyadong
mahahalagang pangyayari sa
mga pangunahing tauhan sa
binasang kuwento.
6. Isulat ang buod ng binasang
kuwento sa paraang
pabalangkas.
7.Magsaliksik ng iba pang
maikling kuwento na may
kaugnayan sa binasang kuwento
at suriin ang kaligirang
pangkasaysayan nito. Gawing
gabay sa pangangalap ng datos
ang mga hakbang sa
pagsasagawa ng pananaliksik
tungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng akda.

D. Nakapaglalahad ng Layunin ng sesyon na ito na (40 minuto)


sintesis o pangkalahatang ang mga kalahok ay SINTESIS/CLOSURE
kaisipan sa kabuuan ng mga makapagpahayag ng Slide 93
sesyon kanilang ideya, opinyon, SABIHIN
reaksyon, pananaw tungkol
sa pagtukoy ng kaligirang Ngayon, bilang paglalagom sa
pangkasaysayan ng akda talakayan, ang bawat pangkat (3)
gamit ang pananaliksik sa ay bubuo ng simbolo na
panitikan naglalahad ng kanilang
repleksyon sa natutuhan gamit
ang meta cards.

Simulasyon ng Lektura Slide 94-96 (60 minuto)

Panuto :

Punan ng mahahalagang
impormasyon ang template 3 upang
makabuo ng pagsusuri ng kaligirang
pangkasaysayan ng panitikan.

V. TAGUBILIN SA FASILITEYTOR:

 Pag-aralang mabuti ang konseptong papel bilang batayan ng gawain


 Unawaing mabuti ang nilalaman ng “Gabay na Sesyon” upang maging epektibo ang daloy ng talakayan
 Bigyang-pansin ang tagubilin ng mga manunulat
 Sikaping unawaing mabuti ang slides presentation
 Magsaliksik pa ng karagdagang paliwanag, halimbawa at patunay kung kinakailangan
 Gawing masining at makabuluhan ang mga tanong na tutugon sa paksang tinatalakay
 Ipaliwanag nang mabuti ang bawat gawain, lalo na sa bahagi ng worksyap
 Huwag kaligtaang bigyang-pagkilala ang mga pinagkunan (primarya at sekundaryang sanggunian)
 Gabayan ang mga kalahok sa pagtugon sa bawat bahagi ng talakayan

Inihanda Nina:

1. Dr. Rico C. Tarectecan – EPS, Filipino, SDO Navotas – NCR


2. Joselito S. Malamanig – HT-III, SDO Nueva Ecija – Region III
3. Dr. Eugenia M. Solon – MT-I, SDO Cebu – Region VII

You might also like