You are on page 1of 7

Pangkalahatang Impormasyon

Petsa
Pamagat ng Aralin Rebolusyong Pamamarati 45 minuto
Siyentipiko At
Industriyal Lugar Silid Aralan

Asignatura/Paksa Araling Pantas Grade 8 - Mendel


Panlipunan III
Layunin at Pagtataya
Mga Layunin Matapos mapag-aralan ang modyul, inaasahang maisasagawa ang
mga sumusunod:
 Maitatalakay kung paanong napasimula ang kaisipang
siyentipiko.
 Maipapaliwanag ang epekto at impak ng kaisipang
siyentipiko sa pamumuhay, pangkabuhayan at iba pang larangan
ng siyensya.
 Mailalarawan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga
Europeo bago umusbong ang makabagong industriya.
 Masuri ang pagbabago at epektong idinulot ng rebolusyong
industriyal sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga Europeo at
taga Hilagang Amerika.
 Makabuo ng isang tsart ng paghahambing ukol sa mga
pomosong imbentor at siyentipiko na nakapag-ambag sa
rebolusyong siyentipiko at industriyal.
Pagstataya  Pangkatang Gawain
 Pagsusulit
 Takdang Aralin
Paghahanda
Kagamitan/  Kopya ng aralin (hand-outs) at mga larawan
Sangunian  Materyales tulad ng Visual Aids, Diagram at Larawan
(Dahilan ng pag-gamit nito ay: Upang mauilahad and
pagkakasunod-sunod ng mga kagamitan sa rebolusyong siyentipiko
at industriyal sa pamamagitan ng Flowchart.)
Paghahandang  Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng maagang pag-alam ng
Mag-aaral paksa upang mailahad ang kanilang ideya sa klase.
Paghahandang  Marapat na magkaroon ng akmang pananaliksik ukol sa
Pan-Guro rebolusyong siyentipiko at industrial upang wastong maitalakay
ang paksa sa klase.
 Kahandaan sa pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng (flowchart)
Pamamaraan
Gawaing Mag-aaral  Ang mga mag-aaral ay bubuo ng tatlong (3) pangkat. Ang
bawat pangkat ay aatasang buuin ang tatlong magkakaibang
flowchart sa kanilang kwaderno, base sa mga larawan, at teksto na
nakalagay sa pisara.
 Bawat isang pangkat ay isasaayos ang mga larawan sa pisara
base sa kanilang nagawang flowchart. Ang naatasang grupo ay
ilalarawan ang kanilang flowchart sa kanilang opinyon.

Gawaing Guro  Maipaliwanag ang mga di-pamilyar na salita na nauukol sa


paksa,
 Gabayan ang mga mag-aaral upang maisagawa ang tamang
pagkakasunod-sunod ng istorya sa Flowchart sa pagbibigay ng
tamang direksyong o instraksyon.
 Maisagot ang mga katanungan ng mga mag-aaral.
 Bigyang diin ang pagtalakay ng paksa na nasa Flowchart
upang makapagbigay ng lubos na kaalaman sa mga mag-aaral.
 Magbigay ng pagsusulit upang mataya ang kaalaman ng mga
mag-aaral.
 Magbigay ng mga katanungan ang guro na nakaugnay sa
paksang kanyang tinalakay.
o Paano nakaapekto ang mga ideya ng mga siyentipiko sa
pamumuhay ng mga tao?
o Ano ang nagging epekto sa pamumuhay, paniniwala, at
pangkabuhayan ng tao sa rebolusyong siyentipiko?
o Paano nagging mahalagang kasangkapan sa pagsusuri sa
tradisyonal na relihiyon ang pilosopong Deismo?
o Ano ang epektibong naidudulot ng Rebolusyong Industriyal sa
pangkabuhayan ng tao?
o Ano ang kahalagahan ng pagbabago sa Rebolusyong Industriyal?

Inihanda Ni:

BUEN ESTRELLITA L. SALIGAN


Guro Ipinasa kay:

ELIZALDE S. CHAVIT
Punung-Guro
Lesson Plan In Araling-Panlipunan 9 Petsa: ____________

I. Mga Layunin Matapos


1. Naipaliliwanag ang mga kaganapan sa rebolusyong Pangkaisipan;
2. Naiuugnay ang Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Prances at America;
3. Napahahalagahan ang mga kaisipang nalinang ng mga lider ng Rebolusyong
Pangkaisipan; at
4. Naiuugnay ang mga ideya ng rebolusyong Pangkaisipan sa pang-araw-araw na
buhay ngayon.
II. Nilalaman
A. Paksa: Rebolusyong Pangkaisipan
-Ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa rebolusyong Pranses at
Amerikano
-Impluwensya ng Pagkamulat na Pangkaisipan ng mga Pranses at
Amerikano Paghahambing ng Nasyonalismong Nalinang sa
Europe at sa Kolonya
B. Kagamitan: Larawan ng mga pilosopong nagmulat ng mga kaisipan sa daigdig, mapa ng
daigdig
C. Sanggunian : Kasaysayn ng Daigdig, pp. 216-220
III. Pamamaraan
A. Paglulunsad
Ano ang kaugnayan ng Renaissance sa rebolusyong Pangkaisipan?
B. Paglinang ng Bagong Aralin
1. Pagtatalakay tungkol sa Rebolusyong Pangkaisipan
2. Paggawa ng Systems Wheel. Rebolusyong Pangkaisipan ang sentro ng
gulong at ang mga ideya ang rayos ng gulong.
3. Pagtatalakay tungkol sa mga rayos ng gulong
4. Magsaliksik upang makagawa ng profile ng sumusunod na mga tao.
a. John Locke d. Denis Diderot
b. Voltaire e. Baron de Montesquieu
c. Isaac Newton f. Jean Jacques Rosseau
5. Pag-uugnay ng mga bagong kaisipan sa mga Pranses at Amerikano.
C. Pangwakas na Gawain
Pagbubuod. Malaki ang impluwensya ng Rebolusyong Pangkaisipan sa
pagkamulat ng mga Pranses at Amerikano sa kanilang mga karapatan.
D. Pagpapayaman ng Aralin
Ipahayag sa simpleng pangungusap ang mga kaisipan ng mga pilosopo sa panahon ng
Rebolusyong Pangkaisipan.
IV. Pagpahalaga
Bakit mahalagang malaman natin ang ating mga karapatan?
V. Takdang Aralin
1. Paano umunlad ang nasyonalismo sa daigdig?
VI. Ebalwasyon
1. Ipaliwanag ang katuturan ng rebolusyong Pangkaisipan sa mga tao.
.2 Ano ang impluwensya ng Rebolusyong Pangkaisipan sa kasalukuyang panahon?

Inihanda Ni:

BUEN ESTRELLITA L. SALIGAN


Guro Iniwasto ni:

ELIZALDE S. CHAVIT
Punong Guro

You might also like