You are on page 1of 3

PANITIKANG

FILIPINO

Pangalan: QUENJI L QUEROL Seksiyon: BSIT2-A


Petsa: Puntos:

Panimulang Pag-aaral sa Panitikang Pilipino

Panuto: Hanapin at bilugan ang mga sumusunod na salita.

 APPERCEPTION  KATUTURAN
 ASIGNATURA  KULTURA
 CONCEPT  PANGKAHULUGAN
 HENERASYON  PANITIKAN
 IMPORMASYON  PERCEPT
 INSTITUSYON  PILIPINO
 INTELEKTWALISASYON  WIKA
 KAALAMAN
KAHULUGAN
(PANITIKANG FILIPINO)

APPERCEPTION
Ang Apperception ay isang uri ng kaalaman na kung saan ang tao ay patuloy na hinuhubog
ang kanyang sarili upang magkaroon pa ito ng mayamang kaalaman sa sarili at maging sa
bagay-bagay.

ASIGNATURA
Ang Asignatura ay isang lecture ng mga Gawain upang matuto ang mga tao sa mga
kanilang ninanais, sa anyo ng panitikan ito ang nagiging hakbang upang mas lalo pang
matutunan ang gating kultura at tradisyon na sariling atin.

CONCEPT
Concept o Konsepto, ito ay binubuo ng kamalayan o kaalaman na kung saan ay nagtuturo
ito ng gabay sa mga hakbang nagagawin, sa anyo ng panitikan ito ay ang mga genre na
kung saan ito ay tumutukoy sa anyo ng mga sining sa ating bansa.

HENERASYON
Henerasyon, ito ay tumutukoy sa daloy ng panahon na kung saan dito nakasaad ang mga
kaalaman at daloy ng mga pangyayari sa buhay ng tao, sa anyong pampanitikan ito ay
nagsasaad ng kayaman ng isang piyesa o gawa na kung saan ay nakapagbigay ng malaking
ambag sa ating panitikan.

IMPORMASYON
Impormasyon o mga datos na kung saan ay dito nakasaad ang mga importanteng mga
detalye ng mga pangyayari na nakapagbibigay ng leksyon o aral sa mga tao.

INSTITUSYON
Ito ay isang grupo ng mga indibidwal na kung saan ay nakapagtatag sila ng samahan na
mayroong iisang layunin na pagyabungin ang kaalaman at ipasiwalat ang kayaman ng
pilipinas sa kahit anong anyo ng literatura kaugalian.

INTELEKTWALISASYON
Ito ay isang proseso na kung saan ang isang wika ay maingat na sinasalita o ginagamit upang
maging maayos ang lawak ng isang wika.

KAALAMAN
Kaalaman o Knowledge, ang bagay na ito ay nagbibigay satin ng kaisipan na kung saan ay
napapayaman natin an gating sarili at naiintindihan natin ang mga bagay bagay,
nakapagbibigay ito ng sapat na datos upang mabigyang linaw ang mga bagay ukol sa ating
kasaysayan,kultura at panitikan.

KATUTURAN
Ito ang pagpapahayag ng mga salita o ideya na kung saang ang tao ay nakalakap ng
impormasyon at nakapagbibigay ng interpretasyon sa mga bagay.
KULTURA
Ang kultura ay ang ating nakaugalian na kung saan ay ninanais natin na mapagyaman an
gating sariling kultura at nais nating ipamahagi sa sulok ng ating bansa, dito nakasaad an
gating pinagmulan, kabuhayan, anyo ng pagsulat at ibapa.

PANGKAHULUGAN
Ang pangkahulugan ay isa sa nagbibigay ng interpretasyon sa mga bagay na kung saan
nakapagbibigay ito ng linaw depinisyon na ninanais ng tao, sa anyo ng panitikan ang mga
piyesa o mga libro at kasulatan ay nakapagbibigay ng kahulugan na kung saan ang mga
mambabasa ay nagkakaroon ng kaalaman ukol saating kabihasnan.

PANITIKAN
Ang panitikan ay mga nagsasabi o nag papahayag ng mga kaisipan ukol sa karanasan,
damdamin at hangarin ng tao, at ito ay mayroong 2 uri o anyo, tuluyan at patula, ang tuluyan
ay ang mga patalatang mga pahayag, samantala ang patula ay pasulat na kung saan ay
may angkop na saknong at damdamin.

PERCEPT
Percept o ang persepsyon ng tao sa mga bagay-bagay na pinaguusapan sa isang lugar o
anyo, ito ang nagbibigay daan upang mabigyan ng kalinawan ang mga tao ukol sa mga
paksang kanilang kinakaharap.

PILIPINO
Ito ay isang mamamayan ng pilipinas at nahahati sa dalawang anyo, Pilipino at ang pilipina,
nahahati ang tawag nito batay sa kasarian ng tao sa pilipinas, at ito rin ang batayan ng lahi
sa ating bansang republika.

WIKA
Ang wika ay isang masistemang balangkas na kung saan ito ay kinabibilangan ng mga tunog
at letra nakung saan ay nakakabuo ng tunog o salita na ginagamit ng isang bansa sa pakiki
pagkomunikasyon sa mga tao at sa ibang nasyon.

PANITIKANG FILIPINO

You might also like