You are on page 1of 2

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art


Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikalawang Araw)
I.Layunin
Nagagamit ang mga pantukoy na Iyan at Iyon.
II. PaksangAralin: “Si Ricong Magikero”
A. Talasalitaan:Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan,
pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit ng Pantukoy na Iyan at Iyon
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Rr at Pp sa Iba pang Titik na
napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Rr at Pp
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Rr /Pp plaskard
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Wastong Gamit ng Ito.
Kumuha ng isang bagay sa iyong bag at gamitin ang Ito sa pangungusap.
Hal. Ito ay lapis.
Ito ay notbuk.
Ito ay bag.
2. Pagganyak:
Ipaayos ng sunod-sunod ayon sa pagkakakuha ni Rico sa kahon ang mga bagay sa paskilan.
Aling bagay ang unang nadukot ni Rico mula sa kanyang kahon? Pangalawa? Pangatlo? Huli?

B. Paglalahad:
Ilahad ang mga pangungusap:(Gumamit ng ilustrasyon o larawan)
Ito ang bago kong lapis.
Iyan ba ang alaga mong aso?
Iyon ang bahay namin sa tabi ng poste.
Ilan ang bagay na hawak ng bata sa unang pangungusap? Ano ang ginamit niyang pantukoy?
Nasaan ang alagang aso? Ano ang ginamit na pantukoy sa pagtatanong?
Nasaan ang bahay na itinuturo?

C. Paglalahat:
Anu-anong pantukoy ang ginagamit natin?
Kailan ginagamit ang Ito? Iyan? Iyon?
Tandaan:
Ang pantukoy na Ito ay ginagamit kung hawak ng nagsasalita ang isang bagay.
Ginagamit ang Iyan kung malapit sa kausap ang isang bagay na tinutukoy.
Ginagamit ang Iyon kung malayo sa nag-uusap ang bagay na tinutukoy.
D. Paglalapat:
Punan ng Ito, Iyan , o Iyon ang patlang upang mabuo ang bawat pangungusap.
Hawak ang lobo. ____ay lobo.
Itinuturo ang eroplano sa kausap. ___ay eroplano.
IV. Pagtataya:
Punan ng Iyan o Iyon ang patlang.
1. Hawak ng kausap ang bola.
_______ba ang bago mong bola?
2. Itinuturo ang puno .
____ang puno ng Narra.
3. Itinuturo ang simbahan.
____ang simbahan namin.
4. Itinuturo ang silya ng kausap.
____ba ang bago mong silya?
5. Itinuturo ang LRT.
____ ang LRT na gusto kong masakyan.
V. Kasunduan:
Sumulat ng 5 pangungusap gamit ang Iyan at 5 gamit ang Iyon sa iyong notebook bilang 2.

Puna:___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan
ng pagkakatuto ng aralin.

You might also like