You are on page 1of 2

EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PATULOY NA PAGHUBOG SA UGALI/

PERSONALIDAD NG MGA KABATAAN MULA SA SENIOR HAYSKUL NG

IMMACULATE CONCEPTION ACEDEMY, DASMAÑAS

Abstrak

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang epekto ng teknolohiya sa patuloy na

paghubog sa ugali at personalidad ng mga kabataan. Ang sinasabing

pananaliksik ay sumailalim sa qualitative method at ginamitan ng convenient sampling

technique, kung saan ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay napili base sa presensiya

ng mga mananaliksik. Ang bilang ng mga respondente ay tatlungpu't walong (238) mag-

aaral na nasa senior hayskul ng National College Of Science and Technology, Dasmariñas.

Ayon sa lumabas na resulta ng pag-aaral mas higit na madami ang mga kabataang

gumagamit ng teknolohiya kaysa sa mga hindi o minsan lang gumamit ng maka-

teknolohiyang mga gadyet. Kadalasan ay smartphones ang ginagamit ng mga kalahok sa

pag-aaral dahil madali lang dalhin kahit saan ang mga smartphone. Ang bawat kabataan

ay mayroon nang kanya-kanya nilang mga social media account. Importante at

nakakatulong ang teknolohiya dahil sa napapadali nito ang buhay, gaya ng pakikipag-

usap sa iba at madali na makakuha ng impormasyon gamit ang teknolohiya ngayon.

Lumabas din sa pag-aaral na isa sa mga pangunahing rason kung bakit naniniwala ang

ibang mga kalahok na nakakasama ang paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral ay dahil

madaming nagkakaron ng adiksyon sa teknolohiya at nawawalan na ng pokus sa pag-


aaral. Maaaring masabi ng mga mananaliksik na mayroong direktang epekto ang

teknolohiya sa paguugali o personalidad ng mga kabataan. Mula sa datos na nakalap,

marami sa mga gumagamit ng kanilang mga gadyet at aplikasyon ay mahiyain at mahilig

mapagisa. Ang mga madalang naman gumamit ng mga maka-teknolohiyang kagamitan

ay kapansin-pansin na mas mahilig makipagsalimuha sa ibang tao. Kaunti lamang ang

mga kalahok na, kahit gumagamit ng gadyet ay di naman nahihirapan o naiilang

makipagsalimuha sa iba. Sa pananaliksik na ito nakita na ang paggamit ng teknolohiya ay

mayroong negatibo at positibong epekto sa mga estudyante.

Mela Nogalada Saligumba


12-Romans

You might also like