You are on page 1of 1

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

Congressional East Avenue, Burol Main


City of Dasmariñas, Cavite
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

FILIPINO SA LARANGANG AKADEMIKO


TALUMPATI

Magandang umaga sa inyong lahat. Ako si _______ at tatalakayin natin ngayon ang patungkol
sa Amazon forest fire.
Amazon, amazon, amazon marahil tila iba sainyo ay hindi alam ang importansya nito.
Ang ating mundo ngayon ay may kinakaharap na malaking pagbabago sa ating klima na mas
kilala sa tinatawag nating climate change. Ayon sa United States Environmental Protection
Agency, nag lalabas tayo ng 4.6 metric tons ng carbon dioxide taon taon sa mga sasakyan o
tranportasyon pa lamang. Samantalang ang mga panangga natin laban sa lumalalang
pagbabago ng panahon ay onti onti ng nauubos sapagkat ang ating ozone layer ay patuloy na
nasisira. Sinasabi na ang mga kagabutan natin na siyang nag bibigay ng 30% ng oxygen sa ating
atmospera, at ang amazon rainforest ay may ambag na 20%.
Siguro naman ay nabalitaan niyo ang pagkasunog ng ilang bahagi nito. Kayo ba ay mga manhid
o mga walang isip? Hindi ba kayo nalulungkot na makita na ang tirahan ng 10 milyong species
ng mga hayop at halaman ay patuloy na nababasawan dahil sa pagkasira nito? Ang iba ay tila ba
hipokrito kung tawagin. Share ng share sa fb ng tungkol sa amazon forest fire pero sariling
basura ay hindi maitapon. Andaming bukambibig na nagsasabing “save our mother earth”. Kala
mo ay andameng inambag sa lipunan pero ang totoo ang ginawa lamang ay umupo at mag
social media. Ganito na ba ang mga kabataan ngayon? Puro salita mga wala namang gawa!
Kung mawawala ang mga kagubatang tulad ng Amazon maaaring dumanas ang buong mundo
ng pagbabago sa panahon na magreresulta ng tagtuyot at malalakas na bagyo. Ang ating
agrikultura ay babagsak at tayo ay maghihirap. Ito ba ang gusto niyo? Kayo, lahat tayo ang
salarin sa pagkamatay ng ating mundo. Habang patuloy na lumalago ang ating mundo at nag-
aasam tayo ng industriyalisasyon at pagpapayaman nito tila ba’y nakakalimutan natin na
patuloy nang nasisira ang biyaya sa atin ng Lumikha.
Kung ipagpapatuloy natin ang pagiging gahaman at makasarili ay malabo nang masaksihan ang
dating ganda ng Inang kalikasan. Habang may pagasa at habang may panahon pa, ikaw, ako,
lahat tayo ay kumilos simula sa mga simpleng paraan upang magkaroon ng magandang
pagbabago sa ating mundo. Muli ako nga pala si ______ na nagsasabing patunayan natin na
tayo ang pag asa ng bayan at hindi cancer sa lipunan.

You might also like