You are on page 1of 5

I.

MGA LAYUNIN:

Matapos ang aralin, ang mga bata ay inaasahang:

Unang Baitang
a) Malaman ang kahulugan ng salitang pangngalan
b) Matukoy ang iba’t-ibang pangngalan ng bawat bagay o tao
c) Mapangkat-pangkat ang bawat pangngalan

Pangalawang Baitang
a) Magbalik-tanaw sa ngalan ng tao, bagay, hayop at pook.
b) Matukoy ang mga dalawang uri ng pangngalan
c) Maintindihan ang gamit ng pangngalan

Pangatlong Baitang
a) Maipaliwanang ang ibig sabihin pangngalan
b) Magamit ang mga uri ng pangngalang pantangi at pambalana
c) Malaman ang mga pangngalan sa tulong ng mga pananda

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Gintong Diwa 3
Libro: Pahina 119 – 120
Pamagat: Uri ng Pangngalan
Ugali: Matutong pahalagahan at igalang ang bawat pangngalan ng tao o bagay

III. MGA KAGAMITAN:


Plaskards ng mga salita
Materyales para sa pangkatang Gawain
Mga tunay o larawan ng tao o bagay
Paki-check ng mga
IV. PAMAMARAAN
ENGLISH WORDS at
Panimulang Gawain: FORMAT 
1. Pangunang Dasal
2. Checking of attendance
3. Checking the orderliness of the classroom

A. Motibasyon: Hello Song


B. Paghahanda

NW 1 BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 1


Isipin niyo kayo ay napadpad sa isang lugar na walang nakakakilala sa
inyo. Yung walang pumapansin sayo kahit anong gawin o sabihin mo.
Anong mararamdaman mo?

C. Paglinang sa Aralin

Pangngalan ang tawag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook,


pangyayari, at gawa. May dalawang pangunahing uri ang pangngalan.

Pagkahati-hati ng pangngalan

Nauukol ang pangngalan ayon sa kaurian sa pagpapangalan sa tao,


bagay o pangyayari. Maaari itong pambalana o pantangi.

 Pantangi - mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy


sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip, o
pangyayari na ibinubukod sa kauri nito. Tinitiyak ng pangngalang pantangi
na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba. Halimbawa: Jose
Rizal, Luneta, Gloria Macapagal-Arroyo, Bathala
 Pambalana - mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy
sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba
pa. Kasama rin ang kabuuan ng mga basal na salita.
Halimbawa: bayani, aso, katamisan ,pagdiriwang, pusa

Ang pangngalang pambalana ay may tatlong uri:

 Tahas o kongkreto - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang


pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at
may katangiang pisikal. Halimbawa: tubig, bundok, pagkain
 Basal o di-kongkreto - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o
konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal
na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal.
Halimbawa: wika, yaman, buhay
 Lansakan - pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan.
Maaaring maylapi ito o wala. Halimbawa: madla, sangkatauhan, kapuluan

Ang mga pangngalang sa tulong ng mga pananda.


1. Pantukoy – ang, ang mga, si, sina, kay, kina, ni, nina

Halimbawa: Ang mga bayani ay huwaran.

2. Pang-uring Pamilang – marami, isa, dalawa

NW 1 BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 2


Halimbawa: Maraming kabataan ang sumusunod sa yapak nila.

3. Pang-ukol – sa, tungkol sa, ayon kay, galling kina, para sa mga, at iba
pa. Halimbawa: Tungkol sa kabayanihan ng mga Pilipino ang usapan ng
magkakaibigan.

V. Pagbubuod

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan


ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng
pangngalan ang isang kaisipan o konsepto. May dalawang pangunahing uri
ang pangngalan. Ito ang pangngalang pantangi na tumutukoy sa tiyak na
pangalan ng tao, bagay, hayop at pook samantala ang pangngalang
pambalana ay tumutukoy sa di tiyak na pangalan ng tao, bagay, hayop at
pook.

VI. Aplikasyon

Unang Baitang

May sasabihin salita kailangan malaman kong ito ba ay pangalan ng tao,


bagay, hayop, at pook.

Pangalawang Baitang

Masabi kong sa hanay ng pangngalang pantangi o pambalana nararapat


ilagay ang babanggitin ng Guro.

Pangatlong Baitang

Magbigay ng pangungusap na halimbawa ng pangngalang pantukoy,


pang-uring pamilang at pang-ukol.

VII. Ebalwayon

Unang Baitang

I. Isulat sa ibaba kong saan pangkat kabilang ang bawat salita.

G. Crispina Villenas Aklat Mall Of Asia Kalabaw Salamin


Ben Lapis Luneta Marina Agusto Palaka Pambura
Dingdong Dantes Bahay Eskwelahan Tuta Kwaderno
Kuting Loro Suklay Alexandra Sy Opisina

NW 1 BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 3


Pangalan Bagay Hayop Pook

Pangalawang Baitang

I. Salungguhitan ang mga pangngalang ginamit sa pangungusap.


1. Si Raha Sulayman ay kabilang sa usapan.
2. Sadyang matalino at matapang si Dr. Jose Rizal.
3. Ipinamalas nila ang hindi matawarang pag-ibig sa isa’t-isa.
4. Sina Marina Dizon at Angela Esteban ay dumalaw dito.
5. Magiting na lider at magpagmahal na kapatid si Francisco
Dagohoy.
6. Taglay nila ang tapang at determinasyon.
7. Bayani ang tawag sa nagbubuwis ng buhay para sa bansa.
8. Joy M. Peṅarubia ang aking pangalan.
9. Si Andres Bonifacio ay nagsikap para matuto sa buhay.
10. Kabilang si Noemi E. Amarillas sa aming pangkat.

Pangatlong Baitang

I. Ikahon ang pananda sa pangungusap na tumutugon sa uri na nasa


panaklong.
(Pantukoy) 1. Sina Diego at Gabriela Silang ay ipinagmamalaking
bayani sa Ilocos Sur.
(Pang-ukol) 2. Kapwa silang naging matatag para sa prinsipyong
ipinalalaban.
(Pang-ukol) 3. Ayon sat ala, pataksil na binaril si Diego Silang.
(Pantukoy) 4. Bayaning “Tagapagpalaya ng Ilocos” ang naging
taguri sa kanya.
(Pang-ukol) 5. Noong bata pa siya, dinadala niya ang mga sulat
mula sa Vigan papuntang Manila.
(Pang-uring pamilang) 6. Ang daan-daang kasamahan ni Gabriela
ay nagapi ng mga kalaban.

NW 1 BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 4


(Pang-uring pamilang) 7. Ang digmaan sa Ilocos ay isa sa mga
pinakamadugong bahagi sa ating kasaysayan.
(Pantukoy) 8. Ipinagpatuloy ni Gabriela ang pagtatanggol at
pakikipaglaban.
(Pantukoy) 9. Nakipaglaban si Gabriela nang walang pag-
aalinlangan.
(Pantukoy) 10. Kina Diego at Gabriela makikita ang tunay nna
kahanga-hangang katapangan at pag-ibig sa bayan.

VIII. Takdang Aralin

Unang Baitang

Gumupit ng lawaran ng tao o bagay na mayroong pangalan at idikit sa


inyong kwaderno.

Pangalawang Baitang

Magbigay ng sampung halimbawa ng pangngalang pantanggi at


pambalana. Isulat ito sa inyong kwaderno.

Pangatlong Baitang

Magsulat sa kwaderno ng tig-limang halimbawa ng mga pangngalang


pantukoy, pang-ukol at pang-uring pamilang.

NW 1 BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 5

You might also like