You are on page 1of 22

33

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education

Kabanata 3

Paglalahad, Pagsusuri, at Pagpapakahulugan ng Datos

Inilalahad sa Kabanata 3 ang mga datos, gayundin ang pagsusuri at

pagpapakahulugan nito. Ang kabanatang ito ay nahahati sa mga sumusunod: Muling

paglalahad ng suliranin, Tekstwal na paglalahad ng datos, Tabyular na paglalahad ng

datos, Pagsusuri, Interpretasyon, Implikasyon, at Grapikal na Paglalahad.

1. Ano ang kakanyahan ng Layang?

Ang Layang ay hango sa dalawang salitang “laminado” at “kawayan.” Ito ay

isang uri ng materyalna mula sa pinagdikit-dikit na strips ng kawayan na ginawa

bilang panghalili sa punongkahoy. Ang kaibahan at kalidad ng produktong ito ay

sumasaklaw sa maka-Pilipinong kultura at disenyo. Bukod sa paggamit ng kawayan

bilang materyal, ang tatak ng produktong ito ay nasusulat sa Baybayin – sinaunang

alpabeto sa bansa. Makatutulong ang paggamit at paggawa nito sa konserbasyon ng

kalikasan sa pamamagitan ng pagpigil sa tuluyang pagkaubosng mga puno sa

kagubatan na dahilan sa patuloy ang pagtaas ng demand sa merkado. Ang paggamit

ng materyal na ito ay makatutulong upang mapalawak ang pagkamakabayan at

ekololohiya sa Bayan ng Lopez. Ito rin ay magiging isa sa mga unang materyal o

produkto na magagawa at malilinang sa PNU South Luzon bilang isang TLE Hub na

magiging kapaki-pakinabang sa mga stakeholder ng PNUSL.


34
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

Talahanayan 3
Kakanyahan ng Layang
Layang Kakanyahan

Kahulugan Ang Layang ay hango sa dalawang salitang laminado at


kawayan. Ito ay isang uri ng materyal na mula sa
pinagdikit-dikit na strips ng kawayan na ginawa bilang
panghalili sa punongkahoy.

Katangian  PISIKAL
matibay, flexible, pulido, kaaya-aya, may kakayanang
hindi sumipsip ng tubig
 EKOLOHIYA
pantulong sa konserbasyon ng kalikasan, pantulong sa
paglimita ng tuluyang pagkaubos ng mga puno at pagkalbo
sa kagubatan, pantulong sa paglimita ng polusyon,
alternatibong materyal sa paggawa ng bahay at
instrumentong pang-agrikultura, sustainable
 GAMIT
gamit sa paggawa ng iba’t ibang mga gamit gaya ng sa
bahay at sa paaralan, panghalili sa kahoy, may magandang
istruktura at disenyo
 HALAGA
bagong produkto, pang-export, tatangkilikin ng mga
konsyumer, competitive ang presyo sa merkado, kapaki-
pakinabang
 NASYONALISMO
pagpapakita ng pagmamalaki sa mga lokal na produkto,
pagbubukas ng oportunidad ng trabaho, pagiging lokal na
produkto, pagpapakita ng pagtangkilik sa produktong
lokal, pagbibigay-pansin sa Kulturang Pilipino

Katuturan Ang Layang ay makatutulong upang:


 Magiging isa sa mga unang materyales na napag-aralan at
nagawa sa PNUSL bilang TLE Hub
 Makilala ang PNUSL bilang TLE Hub bilang institusyon
na nakapag-aral at nakalinang ng isang kapaki-pakinabang
na materyal
 Maipagmalaki ng mga stakeholder’s ng TLE Hub
 Mapalaganap ang pagka-makabayan ng mga mamamayan
ng Lopez
 Mapalawak ang ekolohiya sa Bayan ng Lopez
 Makatulong sa konserbasyon ng kalikasan
35
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

Inilalahad sa Talahanayan 3 ang kakanyahan ng Layang ayon sa tatlong aspekto: (1)

Kahulugan, (2) Katangian, at (3) Katuturan. Sa unang bahagi ay binigyang

kahulugan ang Layang bilang isang materyal na mula sa pinagdikit-dikit na strips

ng kawayan na ginawa bilang panghalili sa punongkahoy. Ang tibay at kakayahang

umangkop nito ay maihahalintulad sa mga laminated veneer lumber (Nugroho &

Ando, 2001) kung saan ang kahoy ay dumaan din sa proseso na gaya nang sa

Layang.

Sa ikalawang bahagi naman ay inilarawan ang Layang ayon sa limang

katangian: pisikal, ekolohiya, gamit, halaga, at nasyonalismo. Ang pisikal na bahagi

ay tumutukoy sa potensyal ng materyal upang pumasa kung hindi man kahalintulad

nang sa kahoy ay mas mabuti rito na karaniwang ginagamit sa konstruksyon na

malakas, magaan, at may kakayahang umangkop (Sherman, 2008). Sa ekolohiya

naman ay ang pagiging eco-friendly ng materyal. Malaki ang naitutulong ng

kawayan sa pagbuo ng 35% oxygen na mas mataas pa sa mga puno at nakatutulong

rin ito sa paglinis ng carbon dioxide at pagpapadalisay ng lupa. (Sherman, 2008).

May potenysal ding magamit ang Layang sa paggawa ng iba’t ibang mga bagay,

Noon pa man ay ginagamit na ang kawayan bilang bahagi ng conventional

construction (Rong, n.d.). Sa halaga ay ang kakayahan ng produkto na maging

instrumento sa pag-unlad ng ekonomiya, dahil ang produkto ay bago pa lamang na

nililinang ay may posibilidad na maiangkat ito sa mga lugar na mangangailangan

nito at ito rin ay renewable (Sherman, 2008) kaya maaaring magpatuloy ang
36
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

paggawa nito. Bukod sa paglalagay ng baybayin sa materyal bilang tatak na ito ay

gawang Pilipino, ang pagbibigay rin ng oportunidad sa mga Pilipino ang

magpapausbong ng Nasyonalismo dahil isa sa mga salik na nakapagpausbong ng

damdaming nasyonalismo ay ang pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang

kalakalan (Pagsibol ng Kamalayang Pilipino, 2015).

Sa ikatlong bahagi naman ay makikita ang katuturan o ang patutunguhan ng

nilikhang produkto. Magisimula ito sa PNUSL kung saan ang materyal ay magiging

isa sa mga unang produktong napag-aralan at nagawabilang TLE Hub. Gayundin

ang intensyon na mapalawak ang ekolohiya at nasyonalismo sa bayan ng Lopez sa

pamamagitan ng pagpapakila ng Layang sa lokalidad.

Ang Layang ay isang terminong nilikha ng mga mananaliksik at binigyan ng

sariling kahulugan na tumutukoy sa isang bagong materyal sa paggawa ng iba’t

ibang mga kagamitan. Sa pamamagitan ng paglikha at pagtangkilik dito ay

inaasahang magbubukas ang iba’t ibang oportunidad sa mga Stakeholders ng

PNUSL bilang TLE Hub maging sa mga mamayan ng Lopez.

2. Ano ano ang mga Pamamaraan sa Pagbuo ng Layang?

Ang mga datos sa pamamaraan ng pagbuo ng Layang ay mula sa mga panayam

sa karpintero at sa iba pang mga gumawa ng produkto gamit ang isang nakahandang

gabay sa panayam, gayundin sa mga kaugnay na dokumento at literatura. Ang


37
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

kwalitatibong datos ay inayos at ibinuod ng mga mananaliksik sa tatlong bahagi: (1)

Paghahanda, (2) Proseso, at (3) Pagtatapos ng materyal na nakatala sa Talahanayan 4.

Ipinakita sa Talahanayan 6 ang mga hakbang na isinisagawa upangmabuo ang

Layang: (1) Paghahanda, (2) Proseso, at (3) Pagtatapos.

Sa ilalim ng unang hakbang ay naitala ang mga materyales na kailangan gaya

ng kawayan, varnish, polymer-based, water-resistant adhesive, at papel de liha.

Ang mga materyales na ito ay katulad din ng mga nailahad sa pag-aaral nina

Nugroho at Ando noong taong 2011, kung saan ang ginamit sa paglamina ng

kawayan ay isang uri ng kawayan na tinatawag na bamboo zephyr at isang

resocinol-based na pandikit. Sa pag-aaral na ito, ang disensyong nalikha ay binubuo

ng tatlong kombinasyon ng sapinsapin na istruktura na kung saan ay maikukumpara

ang mga ito sa laminadong tabla na nagresulta at nagpakita ng magandang

kakayahan. Sumunod namang inilahad ang mga kagamitang kailangan sa pagbuo ng

Layang gaya ng itak, lagari, at martilyo, maging ang mga bagay na dapat isaalang-

alang sa pagbuo ng produkto gaya ng gulang ng kawayan na gagamitin na dapat ay

nasa apat hanggang anim na taon dahil sa pagbaba ng gulang ng kawayan ay ang

pagtaas ng porsyento ng fiber size nito at pagbaba ng bilang ng umbok rito (Xiaobo,

2004). Gayundin ang gagamiting pandikit sa paglalamina nito. Nailahad naman sa

ikalawang bahagi ng talahanayan ang mga pamamaraan ng pagbuo ng materyal na

magsisimula sa paghahati ng patayo sa kawayan sa apat na parte, pagpapanipis nito

hanggang sa maging strips, pagdidikit o paglalamina nito, pagpapatong ng mabigat


38
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

Talahanayan 4
Mga Pamamaraan sa Pagbuo ng Layang
Pamamaraan Layang

Paghahanda  Materyales na kailangan


Kawayan, Varnish, Polymer-based,
water-resistant adhesive, Papel de Liha
 Kagamitang kailangan
Itak, Lagari, Martilyo
 Mga bagay na isinasaalang-alang
Gulang ng kawan na gagamitin sa
paglalamina: Kailangang ito ay nasa
apat hanggang anim na taon, at
gagamiting pandikit

Proseso  Pamamaraan
Paghati ng patayo sa kawayan sa apat
na parte, pagpapanipis ng kawayan
hanggang sa maging strips ito, pagdikit-
dikitin ang mga strip ng kawayan,
magpatong ng mabigat na bagay sa
ibabaw ng binuong Layang upang
maiwasan ang pag-angat nito, patuyuin
ito sa loob ng 24 oras upang masiguro
ang tibay nito, gumamit ng papel de liha
upang kuminis ang panlabas na parte ng
nito, pahiran ng varnish ang Layang

Pagtatapos  Pamamaraan sa pagpapaganda ng


produkto
Mabusising paggamit ng papel de liha
sa produkto, paglalagay ng varnish
 Iba pang gamit na maaaring magawa
mula sa Layang:
Tabla, plywood, lumber, gamit sa mga
kasangkapan sa bahay, gamit sa mga
kasangkapan sa paaralan
 Suhestiyon sa mga gagawa ng produkto
Maging matiyaga sa paggawa
39
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

na bagay rito at pagpapatuyo sa loob ng 24 oras upang makatulong sa compression

at masiguro ang hindi pag-angat ito, paggamit ng papel de liha upang kuminis ang

panalabas na parte ng materyal, hanggang sa pagpapahid ng varnishdito na

magsisilbing chemical treatmeant nito at pampakintab ng produkto. Isa pang paraan

ng paglamina sa kawayan ay ang pagdaan nito sa proseso ng carbonization kung

saan ay kailangan nito ang paggamit ng makina (Noe, 2008).

Sa ikatlong bahagi ay nakatala ang pamamaraan ng pagpapaganda ng produkto

sa pamamagitan ng mabusising paggamit ng liha at varnish sa produkto. Sa ika-

anim na bahagi ay nakalista ang iba pang mga gamit na maaring magawa mula sa

Layang na hindi nalilimitahan sa mga kasangkapan sa bahay at paaralan, tabla,

plywood, at lumber. Idagdag pa riyan ang potensyal ng materyal na magamit na

pamalilt sa mga orihinal na wood carvings tulad ng ginagawa sa Ghana (Abraham,

Samuel & Rudolf, 2016). Naibigay rin ang mga suhestiyon sa mga gagawa ng

materyal na maging matiyaga sa pagbuo ng produkto dahil ang bawat proseso ay

kailangan ng masusing pagsusuri upang masiguro ang kalidad nito.

Ang mga naitalang pamamaraan sa paggawa ng Layang ay nakaayaon sa kung

ano ang mga bagay at lakas-tao na mayroon sa lokalidad ng Lopez, Quezon nang

hindi nasasakripisyo ang kalidad at produksyon ng materyal. Idinagdag din ang mga

suhestiyon na sa tingin ng mga hiningan ng panayam ay dapat na sundin ng mga

magnanais na gumawa ng Layang. Ang mga ito ang magsisilbing gabay sa mga

magnanais tumanggap at magpatuloy sa pag-aaral ng mga mananaliksik tungkol sa


40
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

potensyal nito bilang panghalili sa punongkahoy hindi lamang sa mga kagamitan sa

PNUSL maging sa bayan ng Lopez.

3. Ano ang antas ng Pagtanggap ng mga Tagatugon sa Layang?

Sa tulong ng mga tagatugon, nakuha ng mga mananaliksik ang antas ng

pagtanggap ng mga tagatugon sa Layang. Ang katangian ng materyal ay nahahati sa

limang bahagi: Pisikal, Ekolohiya, Gamit, Halaga, at Nasyonalismo. Ang bawat

aspekto ay hinati pa sa limang katangian na iniantas ng mga tagatugon gamit ang

inihandang talatugunan. Ang mga tagatugon lamang na pinili sa pamamagitan ng

purposive sampling ang nag-antas ng materyal sa pamamagitan ng paggamit ng 5-

point Likert Scale bilang gabay. Ang resulta ng pag-aantas ay ipinapakita mula

Talahanayan 5 hanggang Talahanayan 10. Mayroong tekstwal at tabyular na

paglalahad ng bawat datos. Karagdagan pa rito ang pagsusuri ng bawat datos matapos

ang interpretasyon ng mga ito.

Ipinapakita sa Talahanayan 5 na ang antas ng pagtanggap ng Layang ayon sa

aspekto ng Nasyonalismo ay mayroong mean rating na 4.96 na katumbas ng Lubos

na Katanggap-Tanggap. Ang una, ikatlo, ikaapat at ikalimang aytem ay mayroong

mean rating na 5 na nangangahulugang Lubos na Katanggap-tanggap at inilalarawan

nito na ang Layang ay isang lokal na produkto na maipagmamalaki, tatangkilikin, at

nagbibigay pansin sa Kulturang Pilipino. Ang ikalawang aytem naman ay nakakuha

ng mean rating na 4.8 na may interpretasyong Lubos na Katanggap-tanggap na


41
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

Talahanayan 5
Antas ng Pagtanggap ng Layang ayon sa aspekto ng Nasyonalismo

NASYONALISMO T1 T2 T3 T4 T5 Mean BI
1. Pagpapakita ng
pagmamalaki sa mga 5 5 5 5 5 5 LK
lokal na produkto
2. Pagbubukas ng
oportunidad ng trabaho 5 5 5 5 4 4.8 LK
sa mga Pilipino
3. Pagiging lokal na
5 5 5 5 5 5 LK
produkto
4. Pagpapakita ng
pagtangkilik sa 5 5 5 5 5 5 LK
produktong lokal
5. Pagbibigay-pansin
5 5 5 5 5 5 LK
sa Kulturang Pilipino
Mean 5 5 5 5 4.8 4.96
BI LK LK LK LK LK LK
Talasanggunian:

BI: Berbal na Interpretasyon; T1: Juniors; T2: Sophomores; T3: Fakulti; T4: Kawani;
T5: Outsider; 4.50-5.00 = LK (Lubos na Katanggap-tanggap); 3.50-4.49 = MK (Mas
Katanggap-tanggap); 2.50-3.49 = BK (Bahagyang Katanggap-tanggap); 1.50-2.49 = HK
(Hindi Katanggap-tanggap); 1.00-1.49 = LHK (Lubos na Hindi Katanggap-tanggap)

nagpapahayag na ang materyal ay makatutulong sa pagbubukas ng oportunidad ng

trabaho.

Ang unang apat na grupo na kinabibilangan ng mga Juniors, Sophomores,

Fakulti, at Kawani ay nagbigay ng pinakamataas na mean rating na 5 na katumbas

ng Lubos na Katanggap-tanggap. Habang ang ikalimang grupo ay mayroong mean

rating na 4.8 na mayroon ding katumbas na Lubos na Katanggap-tanggap.

Ang resulta ng pag-aantas ayon sa unang aspekto ay nagpapakita na ang

Layang ay makatutulong sa pagtataguyod ng Nasyonalismo dahil ang mga Pilipino


42
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

ay nagpapakita ng positibong kagustuhan sa mga produkto o materyal na gawang

lokal (Herrera & Robias, 2010). Ang paggamit din ng materyal ay bahagi na ng

Kulturang Pilipino dahil na rin sa klima ng bansa na nagdidikta sa istilo ng

arkitektura (Buhay at Kulturang Filipino, n.d.) kaya ang bahay ng nakararaming

Pilipino ay gawa sa mga saganang materyales mula sa kalikasan gaya ng kawayan.

Isa rin sa mga salik na nakakaapekto sa Nasyonalismong Pilipino ang pagbubukas

ng bansa sa pandaigdigang pamilihan (Puno, R. 2009). Sa pamamagitan ng

paggawa ng Layang ay inaasahang makapag-balik tanaw at mapahalagahan ng

mga gagamit o makakakita nito ang nasyonalismo at kulturang Pilipino.

Inilahad naman sa Talahanayan 6 ang antas ng pagtanggap ng mga tagatugon

sa Layang ayon sa aspekto ng ekolohiya ay mayroong mean rating na 4.792 na

may interpretsyong Lubos na Katanggap-tanggap. Sa aspektong ito, aytem 1 ang

nakakuha ng pinakamataas na mean rating na 4.9 na may interpretasyong Lubos

na Katanggap-tanggap na nangangahulugang ang materyal ay pantulong sa

konserbasyon ng kalikasan. Ikalawa naman dito ang aytem 3 na may mean rating

na 4.82na may interpretasyong Lubos na Katanggap-tanggap, ipinapakita nito na

ang materyal ay pantulong sa paglimita ng polusyon. Sinundan naman ito ng

aytem 2 at 4 na may parehong mean rating na 4.8 na may interpretasyong Lubos

na Katanggap-tanggap na nangangahulugang ang Layang ay pantulong sa

paglimita ng tuluyang pagkaubos ng mga puno at pagkalbo sa kagubatan at

alternatibong materyal sa paggawa ng bahay at instrumentong pang-agrikultura na


43
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

Talahanayan 6
Antas ng Pagtanggap ng Layang ayon sa aspekto ng Ekolohiya

EKOLOHIYA T1 T2 T3 T4 T5 Mean BI
1. Pantulong sa
konserbasyon ng 5 5 4.5 5 5 4.9 LK
kalikasan
2. Pantulong sa
paglimita ng
tuluyang
5 5 5 5 4 4.8 LK
pagkaubos ng mga
puno at pagkalbo
sa kagubatan
3. Pantulong sa
paglimita ng 5 4.6 4.5 5 5 4.82 LK
polusyon

4. Alternatibong
materyal sa
paggawa ng bahay 5 5 5 5 4 4.8 LK
at instrumentong
pang-agrikultura

5. Pagiging
sustainable ng
4.8 4.4 4.5 4.5 5 4.64 LK
laminadong
kawayan
Mean 4.96 4.8 4.7 4.9 4.6 4.792
BI LK LK LK LK LK LK
Talasanggunian:

BI: Berbal na Interpretasyon; T1: Juniors; T2: Sophomores; T3: Fakulti; T4: Kawani;
T5: Outsider; 4.50-5.00 = LK (Lubos na Katanggap-tanggap); 3.50-4.49 = MK (Mas
Katanggap-tanggap); 2.50-3.49 = BK (Bahagyang Katanggap-tanggap); 1.50-2.49 = HK
(Hindi Katanggap-tanggap); 1.00-1.49 = LHK (Lubos na Hindi Katanggap-tanggap)

nakasunod ayon sa pagkakabanggit. Ang aytem 5 naman ang nakakuha ng

pinakamababang pag-aatas sa aspektong ito na may mean rating na 4.64 na


44
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

mayroon pa ring interpretasyon na Lubos na Katanggap-tanggap na naglalahad na

ang materyal ay sustainable o maaaring mapanatili ang suplay ayon sa

pangangailangan ng konsyumer.

Ang nagbigay ng pinakamataas na pag-aantas ay ang grupo na

kinabibilangan ng mga Juniors na mayroong mean rating na 4.96 na may

interpretasyong Lubos na Katanggap-tanggap. Ikalawa ay ang grupo ng mga

kawani na may mean rating na 4.9 na may interpretasyong Lubos na Katanggap-

tanggap. Ikatlo ay ang grupo ng mga Sophomore na ang mean rating ay 4.8 na

may interpretasyong Lubos na Katanggap-tanggap. Sinundan ito ng grupo ng mga

fakulti na nagbigay ng mean rating na 4.7 na may interpretasyong Lubos na

Katanggap-tanggap at ang ikalimang grupo - Outsider na nagbigay ng mean

rating na 4.6 na may interpretasyong Lubos na Katanggap-tanggap.

Ang kawayan ay isang uri ng damong mabilis lumaki at hindi rin ito

nangangailangan ng kemikal o sobrang tubig kaya masasabing ito ay sustainable.

Kadalasan sa mga kagubatan sa bayan ng Lopez ay hinahayaan lamang ito.

Gayunpaman, nakatutulong ito upang mabawasan ang carbon dioxide sa hangin (J.

Bardelline, 2009) at nakatutulong rin ito sa pagbuo ng 35% oxygen sa kapaligiran na

mas mataas pa kaysa sa mga puno maging sa pagpapadalisay ng lupa (Sherman,

2008). Sa pagtaas ng demand na laminadong kawayan ay tataas din ang demand sa


45
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

pagpapaunlad ng industriya ng kawayan na magiging malaking tulong sa paglimita

ng polusyon sa hangin. Karagdagan pa riyan, ang kawayan ay hindi lamang mainam

na pamalit sa tradisyunal na laminadong tabla ito rin ay tumutulong na mabawasan

ang init at nagsisilbing proteksyon laban sa ultra violet rays (Anon, 2015). Ang

paglinang ng industriya ng Layang ay magbibigay daan sa pagpapahalaga ng mga

mamamayan sa potensyal ng kawayan at sa magandang idinudulot nito sa kalikasan.

Ipinapakita sa Talahanayan 7 ang antas ng pagtanggap ng mga tagatugon sa

Layang ayon sa aspekto ng gamit ay mayroong mean rating na 4.756na may

interpretsyong Lubos na Katanggap-tanggap. Ang unang aytem ang nakakuha ng

pinakamataas na pag-aantas na mayroong mean rating na 4.9 na may interpretasyong

Lubos na Katanggap-tanggap ang Layang upang gamitin sa paggawa ng bahay.

Sumunod ay ang aytem 3 at 5 na parehong may mean rating na 4.76 na may

interpretasyong Lubos na Katanggap-tanggap. Ipinapakita nito ang materyal bilang

gamit sa pagbuo ng mga produktong may magandang istruktura at disenyo at sa

paggawa ng mga gamit sa paaralan na nakasunod ayon sa pagkakabanggit. Ikaapat

ay ang aytem 2 na may mean rating na 4.72 na may interpretasyong Lubos na

Katanggap-tanggap at huli ay ang aytem 4 na ang interpretasyon ay pumapasok pa

rin bilang Lubos na Katanggap-tanggap.

Ang grupo na kinabibilangan ng mga Juniors ang nagbigay ng pinakamataas na

pag-aantas sa aspektong ito na may mean rating na 4.92 na katumbas ng Lubos na

Katanggap-tanggap.
46
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

Talahanayan 7
Antas ng Pagtanggap ng Layang ayon sa aspekto ng Gamit

GAMIT T1 T2 T3 T4 T5 Mean BI
1. Gamit sa
paggawa ng 5 5 4.5 5 5 4.9 LK
bahay
2. Panghalili sa
4.8 4.8 5 5 4 4.72 LK
kahoy
3. Gamit sa
pagbuo ng mga
produktong may
5 4.8 4.5 4.5 5 4.76 LK
magandang
istruktura at
disenyo
4. Gamit sa
paggawa ng mga
4.8 4.4 4 5 5 4.64 LK
kasangkapan sa
bahay
5. Gamit sa
paggawa ng mga
5 4.8 4 5 5 4.76 LK
gamit sa
paaralan
Mean 4.92 4.76 4.4 4.9 4.8 4.756
BI LK LK MK LK LK LK
Talasanggunian:

BI: Berbal na Interpretasyon; T1: Juniors; T2: Sophomores; T3: Fakulti; T4: Kawani;
T5: Outsider; 4.50-5.00 = LK (Lubos na Katanggap-tanggap); 3.50-4.49 = MK (Mas
Katanggap-tanggap); 2.50-3.49 = BK (Bahagyang Katanggap-tanggap); 1.50-2.49 = HK
(Hindi Katanggap-tanggap); 1.00-1.49 = LHK (Lubos na Hindi Katanggap-tanggap)

Ikalawa ay ang grupo ng mga kawani na may mean rating na 4.9 na may

interpretasyong Lubos na Katanggap-tanggap. Sinundan ng ikalimang grupo –

Engineering Student na may mean rating na 4.8 na may interpretasyong Lubos na

Katanggap-tanggap. Ikaapat ay ang grupo na kinabibilangan ng Sophomore na may

mean rating na 4.76 na katumbas pa rin ng Lubos na Katanggap-tanggap at ang


47
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

pinakamababa ay mula sa grupo ng fakulti na mayroong mean rating na 4.4 na may

interpretasyong Mas Katanggap-tanggap.

Ang kawayan ay karaniwan nang ginagamit sa pagbuo ng bahay kasabay ng

kahoy, semento, at bato. (Kati, 2012). Ang hindi pa lang bantog sa mga tao ay ang

potensyal nito kung ito ay gagawing laminado. Napatunayang ang laminadong

kawayan ay makabubuong isang matibay na tabla (Super Recreational Products,

2017). Nakalikha na rin ng Ply bamboo at Laminated Bamboo Lumber (Mahdavi, et

al, 2011). Kung ang mga materyales na tulad nito ay nagawa na ikinukumpara na

ang potensyal ng paggamit ng Layang sa anumang gamit na dati ay pinaggagamitan

ng kahoy, marami ang posibilidad at matatawag na ang kawayan hindi lamang poor

man’s timber kung hind imaging self-building material (Kampinga, 2015).

Ipinakita sa Talahanayan 8 ang antas ng pagtanggap ng mga tagatugon sa

Layang ayon sa aspekto ng Halaga na may mean rating na 4.584 na may

interpretasyon na Lubos na Katanggap-tanggap. Nakakuha ng pinakamataas na pag-

aantas ang aytem 5 na may mean rating na 4.9 na nangangahulugang Lubos na

Katanggap-tanggap nanagsasabing ang Layang ay Kapaki-pakinabang. Ikalawa rito

ay ang mean rating na 4.68 ng aytem 3 na may interpretasyong Lubos na

Katanggap-tanggap na nagsaad na ang materyal ay tatangkilikin ng konsyumer.

Sumunod dito and aytem 2 na may 4.58 sa mean rating na may interpretasyong

Lubos na Katanggap-tanggap na nangangahulugang ang materyal ay maaaring

ipangalakal.
48
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

Talahanayan 8
Antas ng Pagtanggap ng Layang ayon sa aspekto ng Halaga

HALAGA T1 T2 T3 T4 T5 Mean BI
1. Bagong
produkto sa 4.8 4.6 5 4 4 4.48 MK
merkado
2. Pang-export 4.6 4.8 3.5 5 5 4.58 LK

3. Pagtangkilik ng
5 4.4 4 5 5 4.68 LK
mga konsyumer

4. Pagiging
competitive ng 4.8 3.6 4 5 4 4.28 MK
presyo sa merkado
5. Pagiging
Kapaki- 5 5 4.5 5 5 4.9 LK
pakinabang
Mean 4.84 4.48 4.2 4.8 4.6 4.584
BI LK MK MK LK LK LK
Talasanggunian:

BI: Berbal na Interpretasyon; T1: Juniors; T2: Sophomores; T3: Fakulti; T4: Kawani;
T5: Outsider; 4.50-5.00 = LK (Lubos na Katanggap-tanggap); 3.50-4.49 = MK (Mas
Katanggap-tanggap); 2.50-3.49 = BK (Bahagyang Katanggap-tanggap); 1.50-2.49 = HK
(Hindi Katanggap-tanggap); 1.00-1.49 = LHK (Lubos na Hindi Katanggap-tanggap)

Ikaapat ay aytem 4.48 na mean rating na katumbas ng Mas Katanggap-tanggap na ang

Layang ay isang bagong produkto sa merkado. Ikalima ay aytem 4 na may mean

rating na 4.28 na may interpretasyong Mas Katanggap-tanggap na nagsasabing

competitive ang presyo nito sa merkado.

Ang grupo ng Juniors ang nagbigay ng pinakamataas na mean rating na 4.84 na

may interpretasyong Lubos na Katanggap-tanggap. Ikalawa ay ang grupo ng mga


49
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

kawani na may mean rating na 4.8 na katumbas ng Lubos na Katanggap-tanggap.

Ikatlo ay ang ikalimang grupo – Engineering student na may mean rating na 4.6 na

may interpretasyon pa rin ng Lubos na Katanggap-tanggap. Ikaapat ay ang grupo ng

Sophomores na may mean rating na 4.48 at ikalima ang grupo ng fakulti na may mean

rating na 4.2 na parehong katumbas ng Mas Katanggap-tanggap.

May iilan pa lamang ang pag-aaral ang naililimbag tungkol sa Laminadong Kawayan

sa buong mundo may ilan sa Ghana, Amerika, Thailand at Cambodia. Maging dito sa

Pilipinas ay may iilan pa lamang na pag-aaral ukol dito kaya masasabing bago pa ang

produktong ito at patuloy pa ring pinag-aaralan at pinapabuti. Dahil sa mga katangian

ng Layang, itinuturing itong mas mura kaysa sa punongkahoy (Lee, 1998) dahil sa

tibay at kakayahan nitong tumatagal kaysa sa mga nabibiling komersyal na structural

material ngayon sa merkado. Karagdagan pa riyan, ang mabilis na pagtaas ng

popularidad ng pagluluwas mga kasangkapang gawa sa laminadong kawayan (United

Nations, Food and Agriculture Orgamization, n.d.)

Nakatala sa Talahanayan 9 ang antas ng pagtanggap ng mga tagatugon sa Layang

sa aspektong Pisikal na mayroong mean rating 4.78 na may interpretasyong Lubos na

Katanggap-tanggap. Ang nakakuha ng pinkamataas na pag-aantas ay ang aytem 1, 4

at 5 na mayroong 4.82 bilang mean rating na katumbas ng Lubos na Katanggap-

tanggap ang pagiging matibay, kaaya-aya at kakayanang hindi sumipsip ng tubig ng

materyal.Sumunod na riyan ang aytem 2 na may mean rating na 4.76 na may

interpretasyong Lubos na Katanggap-tanggap ang flexibility ng Layang.


50
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

Talahanayan 9
Antas ng Pagtanggap ng Layang ayon sa aspekto ng Pisikal

PISIKAL T1 T2 T3 T4 T5 Mean BI
1. Tibay bilang
5 4.6 4.5 5 5 4.82 LK
raw material
2. Flexibility
bilang raw 5 4.8 4 5 5 4.76 LK
material
3. Pagka-pulido
ng pagkakagawa
ng mga produkto
4.8 4.6 5 5 4 4.68 LK
gamit ang
laminadong
kawayan
4. Pagiging
kaaya-aya sa 5 4.6 4.5 5 5 4.82 LK
paningin
5. Kakayanang
hindi sumipsip ng 5 4.6 4.5 5 5 4.82 LK
tubig
Mean 4.96 4.64 4.5 5 4.8 4.78
BI LK LK LK LK LK LK
Talasanggunian:

BI: Berbal na Interpretasyon; T1: Juniors; T2: Sophomores; T3: Fakulti; T4: Kawani;
T5: Outsider; 4.50-5.00 = LK (Lubos na Katanggap-tanggap); 3.50-4.49 = MK (Mas
Katanggap-tanggap); 2.50-3.49 = BK (Bahagyang Katanggap-tanggap); 1.50-2.49 = HK
(Hindi Katanggap-tanggap); 1.00-1.49 = LHK (Lubos na Hindi Katanggap-tanggap)

At ang huli ay ang mean rating na 4.68 ng aytem 3 na may interpretasyong Lubos na

Katanggap-tanggap na tumutukoy sa pagkapulido ng pagkakagawa ng mga produkto

gamit ang Layang.

Ang grupong nagbigay ng pinakamataas na pag-aantas ay ang sa mga kawanina

nagbigay ng mean rating na 5. Ikalawa ay ang grupo ng Juniors na 4.96. Ikatlo ay ang
51
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

ikalimang grupo – outsiderna may mean rating na 4.8. Ikaapat ay ang sa grupo ng

Sophomores na 4.64 at ikalima na 4.5 mean rating mula sa grupo ng fakulti. Ang lahat

ng pag-aantas ng bawat grupo ay may interpretasyong Lubos na Katanggap-tanggap sa

aspektong ito.

Malaki ang pakinabang ng Layang bilang building material dahil sa lakas, gaan,

at kakanyahan nitong umangkop (Sherman, 2008). Ito rin ay mainam na pamalit sa

tabla dahil na rin sa angking kagandahan nito na nabuo sa pinagpatong na strips ng

kawayan. Ang tibay rin ng laminadong kawayan ay maikukumpara sa kahoy at ito rin

ay mas flexible kaysa sa kahoy na siyang isang natural na katangian ng kawayan.

Idagdag pa riyan ang strength-to-weight ratio nito na mas mabuti kaysa bakal,

aluminium alloy, cast iron, troso at kongkreto (Mahdavi, et al, 2010). Dahil na rin

sachemical treatment na ginawa sa Layang, ito ay may kakayanang mabawasan ang

dami ng nasisipsip na tubig ng materyal na karaniwang nagiging sanhi ng mabilis na

pagkabulok ng materyal.

Ipinakita sa Talahanayan 10 ang kabuuang pag-aantas ng mga tagatugon sa

pagiging katanggap-tanggap ng Layang. Dito ay makikita ang pinagsamang pag-aantas

ng bawat aspekto. Una ay ang Nasyonalismo na mayroong mean na 4.96. Sa

Ekolohiya na 4.792 ang mean. Ang gamit ay mayroong mean na 4.756.

Samantalang ang Halaga ay mayroong 4.584 at ang Pisikal ay 4.78. Ang lahat ng ito

ay mayroong berbal na interpretasyong Lubos na Katanggap-tanggap.


52
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

Talahanayan 10
Kabuuang Pag-aantas ng pagiging katanggap-tanggap ng Layang

T1 T2 T3 T4 T5 Mean BI
NASYONALISMO 5 5 5 5 4.8 4.96 LK
EKOLOHIYA 4.96 4.8 4.7 4.9 4.6 4.792 LK
GAMIT 4.92 4.76 4.4 4.9 4.8 4.756 LK
HALAGA 4.84 4.48 4.2 4.8 4.6 4.584 LK
PISIKAL 4.96 4.64 4.5 5 4.8 4.78 LK
Mean 4.936 4.736 4.56 4.92 4.72 4.7744
BI LK LK LK LK LK LK
Talasanggunian:

BI: Berbal na Interpretasyon; T1: Juniors; T2: Sophomores; T3: Fakulti; T4: Kawani;
T5: Outsider; 4.50-5.00 = LK (Lubos na Katanggap-tanggap); 3.50-4.49 = MK (Mas
Katanggap-tanggap); 2.50-3.49 = BK (Bahagyang Katanggap-tanggap); 1.50-2.49 = HK
(Hindi Katanggap-tanggap); 1.00-1.49 = LHK (Lubos na Hindi Katanggap-tanggap)

Ang kabuuang pag-aantas ay mayroong 4.7744 mean rating na katumbas ng

Lubos na Katanggap-tanggap na nagpapakita ng positibong pagtugon ng mga nag-

antas sa Layang.

4. Mayroon bang significant agreementang pag-aantas ng mga bahagi ng

produkto batay sa pagtatasa ng mga tagatugon?

Para malaman at maunawaan kung may significant agreement ang pag-aaralna

ito, gumamit ang mga mananaliksik ng istadistikal na pagtrato ng mga datos gamit

ang Mean, Rank, Chi table at Kendall Coefficient of Concordance w. Ipinakikita sa

Talahanayan 11 ang mga datos na kailangan upang matukoy ang significant

agreementang pag-aantas ng mga bahagi ng produkto batay sa pagtatasa ng mga

tagatugon. Kasunod din nito ang pagsusuri, implikasyon at grapikal na paglalahad ng

datos.
53
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

Talahanayan 11
Mga Datos na kailangan upang matukoy kung mayroong significant agreement ang
pag-aantas ng mga bahagi ng produkto batay sa pagtatasa ng mga tagatugon

Computed S (Summation of the


Squared Deviation from the Mean
166
of Rank)

W
0.66
No. of Groups
5
No. of items
5
Degree of freedom 4

Computed 𝑥 2
13.2
Tabular 𝑥 2 values (Chi Table at
0.05) 9.49

Significance of Agreement
Significant at 0.05
Decision of 𝐻𝑜 Rejected

Ipinapikita sa Talahanayan 11 Mga Datos na kailangan upang matukoy kung

mayroong significant agreement ang pag-aantas ng mga bahagi ng produkto

batay sa pagtatasa ng mga tagatugon. Ang computed value of 𝑥 2 ay 13.28 na

mas mataas sa Tabuled value nito sa Chi Table na 9.49 sa 0.05 margin of error.

Reject the Null Hypothesis.


PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
The National Center for Teacher Education

Talasanggunian:

BI: Berbal na Interpretasyon; T1: Juniors; T2: Sophomores; T3: Fakulti; T4: Kawani; T5: Outsider; 4.50-5.00 = LK (Lubos na
Katanggap-tanggap); 3.50-4.49 = MK (Mas Katanggap-tanggap); 2.50-3.49 = BK (Bahagyang Katanggap-tanggap); 1.50-2.49 =
HK (Hindi Katanggap-tanggap); 1.00-1.49 = LHK (Lubos na Hindi Katanggap-tanggap)
Pigura 2

Line Graph ng Antas ng Pagtanggap ng Layang


54

You might also like