You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Mataas na Paaralan ng San Antonio


San Antonio Biri, Hilagang Samar
Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino 10

Pangalan: _____________________________ Seksiyon: ____________Petsa:_______________

I. Punan ng tamang sagot ang patlang, piliin ang iyong sagot sa kahon.

ipagdala ipanghingi maipantatapal

maipantanggal ipanggatong ipinagdala


1. __________ ninyo ng tulong ang mga sinalanta ng bagyo.
2. __________ ninyo ng gamot ang mga batang nagkasakit dahil sa malakas na ulan.
3. Sila ay __________ rin nila ng mga lumang damit at kumot.
4. Ang gumamela ay _________ sa bukol at pigsa.
5. Maaaring __________ ng kalawang ang coke.
6. Ang mga sanga ng kahoy ay mainam na __________ kapag nagluluto.
II. Basahin at unawain ang pangungusap. Piliin ang wastong sagot at isulat ang titik bago ang bilang.
7. Sila ang mga tauhan sa dulang sinulat ni William Shakespeare na naglalarawan sa walang kamatayang pag-ibig na
nahantong sa isang trahedya.
a. Samson at Delilah c. Florante at Laura
b. Romeo at Juliet d. Thor at Loki
8. Bakit hindi maaaring magmahalan sina Romeo at Juliet?
a. Magkaaway ang kanilang mga angkan
b. Papakasal na si Juliet kay Paris.
c. Labag sa kultura ng mga Capulet na magpakasal sa isang Montague.
d. Wala sa nabanggit.
9. Anong mahalagang kaisipan ang nais iparating ng dulang “Romeo at Juliet?”
a. Ang pag ibig na tapat ay walang kamatayan
b. Hahamakin ang lahat, masunod lamang ang tawag ng pag ibig.
c. Kapag mahal moa ng isang tao, ipaglaban mo.
d. Lahat ay pantay-pantay sa ngalan ng pag-ibig
10. Ang lihim na pagkikita nina Romeo at Juliet ay nagpapahiwatig ng _________
a. Marubdob na pag ibig para sa isa’t isa. c. Pagtataksil ni Juliet kay Paris.
b. Pagsaway sa utos ng kanilang angkan. d. Lahat ng nabanggit
11. Ang lason na nabili ni Romeo ay nagkakahalaga ng?
a. Apatnapung ducado c. Apatnapung peso
b. Tatlumpong ducado d. Tatlumpong peso
12. Ang Romeo at Juliet ay isang halimbawa ng?
a. Tula c. Sanaysay
b. Dula d. Talambuhay
13. “Langoy namin ang malinis na batis sa kanluran.” Anong pandiwa ang dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pahayag
na nasa pokus ganapan?
a. Nilangoy c. Kalalangoy
b. Pinaglanguyan d. Nilanguyan
14. “Ang labas ng palasyo ay pinagprotestahan ng mga Pilipino para sa kanilang mga karapatan.” Ang pahayag na ito ay nasa
pokus:
a. Pokus kagamitan c. Pokus ganapan
b. Pokus Sanhi d. Pokus pinaglalaanan
15. “Ang komunidad ng mga Lumad ay pinuntahan ng mga kabataan para paglingkuran ang masang Pilipino.” Ano ang
pandiwa ng pahayag?
a. Komunidad c. Lumad
b. Pinupuntahan d. Kabataan
16. “Ikinatuwa ng mga kabataan ang pagdami ng mga taong nakibaka para sugpuin ang imperyalismo sa bansa.” Ano ang
pandiwang nagsasaad ng pokus sa sanhi sa binasang pahayag?
a. Kabataan c. Nakibaka
b. Imperyalismo d. Ikinatuwa
17. “Ikinatuwa namin ang walang patid na paglaban para sa karapatan nating lahat ng aktibista.” Ang pahayag na ito ay nasa
pokus?
a. Pokus sa sanhi c. Pokus sa ganapan
b. Pokus sa Kagamitan d. Pokus sa pinaglalaanan
18. “Ikinagulat ko ang ginawa niyang surpresa noong pasko.” Ano ang ipinupukos ng pandiwang ikinagulat? (Pokus sa Sanhi)
a. Ko c. Surpresa
b. Pasko d. Lahat ng nabanggit

Piliin ang etimolohiya ng mga salita sa bawat bilang.

19. Mamakay
a. Ma+ma+pakay c. ma+makay
b. Ma+ma+kay d. mama+kay
20. Makamtan
a. Ma+kam+tan c. ma+kamit+an
b. Ma+kamtan d. ma+kamitan
21. Hahagkan
a. Ha+halik+an c. ha+hagkan
b. Ha+hag+kan d. hahag+kan
22. Marahas
a. Ma+ra+has c. Ma+dahas
b. Ma+rahas d. Ma+da+has
23. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin?
a. Panlapi c. pagpapakahulugan
b. Gramatika d. pagsasaling-wika
24. I am frightened, Doctor!
a. Doktor, takot ako! c. Natatakot ako, Doktor!
b. Natakot ako, Doktor! d. Ako ay natatakot, Doktor!
25. But Linda was so beautiful.
a. Pero maganda si Linda. c. Gandang-ganda ako kay Linda
b. Ngunit si Linda ay napakaganda. d. Ngunit napakaganda ni Linda
26. I am sure he didn’t say that.
a. Ako ay tiyak na hindi niya sinabi iyon c. Ako ay nakatitiyak na iyon ay hindi niya sinabi.
b. Natitityak kong hindi niya sinabi iyon. d. Ang tiyak ko’y hindi niya sinabi iyon.
27. I hope we can always write to each other.
a. Ako ay umaasa na tayo ay laging magsusulatan sa isa’t isa
b. May pag-asa akong tayo ay laging magsusulatan sa isa’t isa.
c. Umaasa akong laging magsusulatan tayo sa isa’t isa.
d. Umasa akong lagi tayong magsusulatan.
28. Really, I’ll be sad to leave all my friends.
a. Totoo ngang ako ay malulungkot na iwanan ko ang lahat ng aking mga kaibigan.
b. Totoo ngang malungkot ako na iwan kong lahat ang aking mga kaibigan
c. Totoo, ako ay malulungkot kapag iniwan ko silang aking mga kaibigan
d. Malulungkot akong totoo na iwan ko ang lahat ng aking mga kaibigan.
29. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.

“A negative mind will never give you a positive life.”


a. Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na posotibo.
b. Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.
c. Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.
d. Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.
30. Alin ang unag –unag pamantayan dapat isaalang-alang sa pagsasalin?
a. Basahin ng paulit-ulit.
b. Ikumpara ang ginawang salin
c. Suriin ang bawat slita sa isasalin.
d. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
31. Ayon kay Theodore Savory sa kanyang aklat na “The Art of Translation”, alin sa mga sumusunod ang kabilang sa
katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling wika?
a. Sapat na kaalaman sa paggamit sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
b. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
c. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
d. Lahat ng nabanggit.
32. Ito ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao na hango sa sariling karansan
o totoong buhay
a. Anekdota c. Pagsasalaysay
b. Sanaysay d. Nobela
33. Ang __________ ay isang diskurso na naglalatag ng mga karansang magkakaugnay ito ay pagkukuwento ng mga kawili-
wiling pangyayari, pasulat man o pasalita.
a. Anekdota c. Pagsasalaysay
b. Sanaysay d. Nobela
34. Ito ay uri ng pagsaslaysay na kung saan nahahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimout na pangyayayri.
a. Tala ng paglakbay c. Pagsasalaysay
b. Kasaysayan d. Nobela
35. Ito ay pagsasalysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglakbay sa ibang lugar.
a. Tala ng paglalakbay c. Pagsasalaysay
b. Kasaysayan d. Nobela
36. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mapagkukunan ng paksa maliban sa:
a. Napanood c. nabasa
b. Panaginip o pangarap d. inilarawan
37. Ito ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipanahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at
damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa.
a. Tula c. talumpati
b. Sanaysay d. balagtasan
38. Siya ang tinaguriang “Ama ng sanysay”.
a. Alejandro G. Abadilla c. Michel de Montaigne
b. William Shakespeare d. Nelson Mandela
39. Ito ay uri ng sanysay na kung saan nagbibigay ng impormasyon, mahalagang kaisipan sa pamamagitan ng makaagham at
lohikal na pagsasaayos sa paksang tinatalakay.
a. Pormal c. personal
b. Di-pormal d. obhektibo
40. Ito rin ay uri ng sanysay na nagsisilbing aliwan o libangan at ang himig ng pananalita ay parang nakikipag-usap lang
a. Pormal c. malaya
b. Di-pormal d. obhektibo

God Bless and Good Luck!

Inihanda ni: Pinagtibay ni:


Sophia R. Tamidles Dino V. Balase
Guro sa Asignatura Teacher-In-Charge

You might also like