You are on page 1of 6

Pambubulas

Inihanda nina

Alonte, Jamaica D.

Carilla, Buena Miralda B.

Ramirez, April Joy T.


. Pahinang Preliminary

Ang bullying ay isa sa mga problema ngayon na hindi masyadong binibigyan


pansin ng mga otoridad at ng mga magulang. Walang tuwirang dokumentasyon at
estadistika dito sa Pilipinas ang mga kaso ng bullying.  Ngayon, paano nga ba
binibigyang pakahulugan ang bullying? Ayon sa Stop Bullying Campaign ng Estados
Unidos, ang bullying ay isang akto na hindi ginugusto ng pinapatunguhan ng kilos na
ito. Ito ay may karakter na agresibo, paulit-ulit, at may hindi pagkapantay ng lakas sa
pagitan ng binubully at nambubully.

Ilan sa mga bagay na maituturing na porma ng bullying ay pagsasagawa ng mga


banta, pagkakalat ng nakakasamang mga tsismis, pagasuntong pisikal at pasalita sa
isang tao, at ang sadyang hindi pagsama o pagsali sa isang tao sa isang grupo.

May iba’t ibang tipo ang bullying. Nahahati ito sa pananalita, sosyal, at pisikal.
Masasabing pambubully ang pananalita kung tinatawag ang isang tao sa kung anu-
anong pangalan (name calling), pangaasar, ‘di tamang mga komentong may sekswal
na konotasyon, pambubuska, at pagbabanta ng pagsasagawa ng sakit.

Sa kabilang banda ang social bullying naman ay: ang pagiwan sa isang tao ng
sinasadya, ang pagsasabi sa iba na huwag kaibiganin o pansinin ang binubully,
pagkakalat ng mga mapanirang mga komento o usapin, at pamamahiya ng lantaran.

Habang ang pisikal na manipestasyon ng bullying ay makikita sa mga


sumusunod na gawain: panununtok, paninipa, pangungurot, pandudura, pamamatid,
panunulak, pagsira ng mga kagamitan ng isang tao, at paggagawa ng mga bastos na
mga senyas.

Para sa mga nakakaraming mga tao, ang alam nila ay nagkakaroon ng bullying
lamang sa loob at labas ng paaralan. Sa pagyabong ng teknolohiya, ang bullying ay
nasa internet na rin. Ang ilan sa mga ito ay ang pagpopost ng mga malalaswang litrato
o video, pagkakalat ng mga kung anu-anong pangloloko, at walang tigil na panggugulo..
. Kahalagahan ng gagawing pananaliksik

Ang kahalagahan n gaming pananaliksik ay para maghatid ng impormasyon


tungkol sa nasabing paksa lalo na doon sa mga taong mapang-api ng kapwa at para na
rin mabigyan kalayaan ang mga taong kasangkot o biktima ng pambubully o
pambubulas, at maipalayo at mabigyan ng respeto sila ng ibang tao. Para rin
maipaalam sa mga mambubully kung tama ba o hindi o masama ba ito o mabuti. Hindi
lamang para sa kanila kundi pati narin sa kanilang nabiktima.

. Suliranin

1. Tuluyang pagkasira ng kalusugang mental.


2. Pag-aadik o paggamit ng masamang droga.
3. At minsan ay pagpapakamatay.

V. Mahalagang impormasyon tungkol sa paksa

Ang aming ginawang pananaliksik ay may dahilan o mahalagang impormasyong


maipahatid, ito ang ay tungkol sa pambubully o pambubulas na kung saan ay dapat ng
iwasan ng nakararami sapagkat ang gawaing ito ay unti-unting nakapaghatid o
nakapagdulot sa isang tao sa kamatayan, pag-aadik o paggamit ng masamang droga at
maaaring mapariwara ang isang tao, sa halip ay tulungan nalang ang taong alam natin
na may taglay na kahinaan sa pamamaraan o pagitan ng pagbibigay mensahe at
motibasyon sa isang tao, malay natin sa ganyang paraan malutas natin ang kanyang
problema at maiahon natin siya mula sa kanyang kahinaan.
V. Dokumentasyon at Datos at Estatistika

MANILA, Philippines — Sa lumalaking presensiya ng social networking platform sa


internet, ang cyber-bullying o online hurtful behavior ay nagpalawig sa saklaw ng
bullying na nakakaapekto sa isa sa bawat 10 bata sa mundo.

Ito ang isiniwalat sa bagong report ng United Nations Educational, Scientific and
Cultural Organization (UNESCO) na nagsaad na, sa buong mundo, isa sa tatlong bata
ang nakakaranas ng bullying at ang kahalintulad na bilang ay apektado ng pisikal na
karahasan.

Sinasabi sa 2019 UNESCO report na “Behind the Numbers: Ending School Violence
and Bullying” na isa sa tatlong estudyante sa buong mundo (32%) ang nabibiktima ng
bullying ng kapwa nila mga estudyante sa eskuwelahan minsan sa nagdaang buwan.

Pinuna sa report na lumalaking problema ang bullying at ang pisikal na bullying


(pananakit sa katawan) ang mas malimit na klase ng bullying sa maraming rehiyon.

“Hindi katanggap-tanggap ang bullying at lumulubha ito sa internet,” sabi ni UNESCO


Director-General Audrey Azoulay.

Binanggit sa report ng Global Kids Study na lumilitaw na ang percentage ng 9-17 year
old internet user na nagsusumbong ng online hurtful behavior ay 35% sa Serbia, 29%
sa Pilipinas at 20% sa South Africa, at 77% sa 13-17 year old sa Argentina.

Lumitaw din sa datos sa Pilipinas, Argentina, Brazil, Serbia at South Africa na sa


pagitan ng 12% at 22% ng mga bata ay nakakatanggap ng mga mensahe na merong
sexual content sa nagdaang taon.

Kabilang sa sinasabing cyberbullying ang mga instant message, posting, email at text
messages na merong mga masasakit na salita laban sa isang estudyante o nagpoposte
ng hindi magandang larawan ng biktima.

Ang mga batang lalaki ay mas malamang makaranas ng physical bullying habang ang
mga batang babae ay psychological bullying.

Sinabi pa sa report na ang bullying ay mas dumami pa sa mga batang estudyante sa


Myanmar, Pilipinas at United Arab Emirates.
V. Teoritikal at Literatura

Bilang batayan sa konsepto ng pag-aaral na ito, nilahad ng bahaging ito ang mga
teoryang may kaugnayan at magiging basehan sa daloy ng pag-aaral. Ayon sa teorya ni
Urie Bronfenbrenner (1977,1979) na “ecological systems”, isinasaad
na ang isang mag-aaral ay nasa sentro ng kaniyang panlipunang kapaligiran na
kinabibilangan ng kanyang grupo, pamilya, paaralan, komunidad, at kultura.
Nagkakaroon ng pakikipag-ugnayanang mga tao sa pamamagitan ng “reciprocal
interaction” kung saan maaaring maging salik ito ng pag-uugali ng isang indibiduwal,
partikular sa mga mag-aaral bilang sentro ng lipunan. Bilang paglilinaw, ang mga “social
system” na nabanggit ay kinabibilangan ng mga indibiduwal na makaiimpluwensya sa
mga mag-aaral at lugar na kung saan ang bata ay isang aktibong kalahok, tulad sa
tahanan at paaralan, at sa iba pang mga kapaligiran na maaaring magkaroon ng di-
tuwirang epekto sa mga bata.

Mula naman kay Pellegrini, ang kabataan ay ang panahon na kung saan mataas
ang bilang ng pambubully. Ang nasabing pagtaas na ito ay ipinaliliwanag ng
“dominance theory”. Ayon sa teoryang ito, ang bullying ay isang agresibong
pamamaraan na may layuning makakuha at mapanatili ang “dominance” ng taong
nambubully (Pellegrini & Bartini, 2001). Ang “dominance” ay isang salik ng
pakikipagugnayan kung saan ang mga indibiduwal ay nakaayos sa isang herarkiya
ayon sa kanilang kakayanan o kapangyarihan(Dunbar, 1988). Ayon pa sa teoryang
“dominance”, ang mga kalalakihan na gumagawa ng agresibong gawain na ito ay
lalong pinahahalagahan ng kanilang grupong kinabibilangan at mas “appealing” sa mga
grupo ng kabataan.

Sinasaad naman sa teoryang “attraction” ni Bukowski, dahil sa kagustuhan ng


mga kabataang mahiwalay sa kanilang mga magulang, sila ay naaakit sa ibang mga
kabataang nagtataglay ng mga katangiang nagpapakita ng kalayaan, (hal.
pagpapabaya, pagka-agresibo, at pagsusuway) at hindi naman sila gaanong naaakit sa
mga kabataang nagtataglay ng mga katangiang higit na naglalarawan ng pagkabata o
“childhood”, (hal. pagkamasunurin) (Bukowski et al., 2000, Moffitt, 1993). Ayon sa mga
may-akda, naiimpluwensyahan ng mga“peer group” ang mga kabataan sapagkat
naaakit sila sa pagkaagresibo ng mga ito.
Literatura

Sa bawat buhay ng isang estudyante may pagkakataon makakaranas siya ng pang-aapi. Maaari
itong maging pisikal, berbal, sosyal, extortion, o sa internet na pang-aapi.

Ang pang-aapi ay isang gawa ng paulit-ulit na agresibo sa pag-uugali upang sadyang saktan ang
ibang tao, pisikal o kaisipan. Ito ay ginagawa upang makakuha ang isang indibidwal ng kapangyarihan na
makakahigit sa iba.

Ayon sa isang Norwegian na mananaliksik na si Dan Olweus, kapag ang isang tao ay nagsimulang
mang-aapi, hindi na niya ito pigilan. Nakatatak na sa kanilang mga isipan ang kanilang masamang gawain
sa kapwa dahil ito ay nakagawian niya na.

You might also like