You are on page 1of 6

III.

Resulta at Konlusyon sa Paga-aral

Ang isinagawang sarbey ng mga mananaliksik ay tungkol sa kinahihiligang

nobela ng mga kabaatan sa kasalukuyan. Nakakalap ang mga mananaliksik ng sapat na

impormasyon at ito ay makikita sa mga grap na inihanda ng mga mananaliksik. Ang mga

respondent ay binubuo ng 40 studyante mula sa Pamantasan ng Adamson (Adamson

University)

Kasarian

Babae
Lalaki

3.1 Kasarian ng mga Respondent

Makikita sa grap na ang pinakamaraming sumagot sa sarbey ay ang mga babae na

nakakuha ng 60% samantala ang kabuuang bilang naman ng mga lalaking sumagot ay umabot

lamang sa 40%. Sa resultang ito, masasabing higit na marami ang mga babae na nahuhumaling

sa mga nobela kaysa sa mga lalaki.


EDAD

45%

55%

19-21 16-18 13-15

3.2 Edad ng mga Respondent

Sa isinagawang sarbey, makikita na lampas kalahati (52.50%) sa mga respondent ay may

edad na 19 hanggang 21. Sinundan ito ng 42.50% na kinabibilanagn naman ng mga respondent

na may edad na mula 16 hanngang 18. Kabilang sa mga pinagpilian ng mga respondent ang edad

na mula 13 hanggang 15 ngunit walang may pumili dito. Nangangahulugan lamang ito na

karamihan sa mga mahilig magbasa ng nobela (dayuhan) ay ang mga kabataan na may edad 19-

21.
Resulta ng Genre ng nobela (dayuhan) na kinahihiligang basahin
Iba pa 0%
Action 0%
Spiritual 3%
Historical 3%
Horror 10%
Fantasy 13%
Mystery/Thriller 13%
Science Fiction 15%
Comedy 15%
Romance 30%
0% 5% 10% 15% 20% 25% 30% 35%

Poryento ng mga kasagutan

3.3 Genre ng nobela na kinahihiligang basahin

Iba-iba ang rason kung bakit nahihimok ang mga kabataan na magbasa ng nobela, isa sa

mga salik sa pagkahumaling dito ay ang genre ng partikukar na babasahin. Ayon sa sarbey na

isinagawa ng mga mananaliksik, ang Romance ang umani ng pinakamaraming boto upang

makuha nito ang pinakamataas na porsyento na umabot sa 30%, sinundan ito ng Science Fiction

at Comedy na nakakuha ng parehong 15%. Ang Mystery/Thriller at Fantasy din ay nakakuha ng

parehong bilang na umabot sa 12.50%. Ang Horror ay nakakuha ng 10% at ang Hostorical at

Spiritual ay nakakuha ng parehong 2.50%. Ang Action naman ay napili ng mga respondent

kaya’t hindi nakakuha ng porsyento.


Resulta ng elemento ng kwento na lubos na nagugustuhan sa pagbabasa

Iba pa 0.00%

May-akda 2.50%

Dayalogo 15.00%

Karakter 32.50%

Banghay 50.00%

0% 10% 20% 30% 40% 50% 60%

Porsyento ng mga kasagutan

3.4 Mga Elementong Lubos na Nagugustuhan sa Pagbabasa

Ayon sa impormasyong nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondent,

lumalabas ng kalahati o 50% sa kanila ay pinili ang Banghay bilang pinakaunang elemetong

lubos na nagugustuhan sa pagbabasa. Ito ay nasundan ng Karakter na tumanngap ng 32.50%,

Dayalogo ns nakakuha ng 15% at May-Akda na nakatanggap ng 2.50%.


Resultang karaniwang dahilan sa pagbabasa ng nobela

Pangangailangan sa isang asignatura 2.50%

Nahimok ng pamliya, kaibigan, atbp. 5.00%

Para matuto/ Dagdag kaalaman 12.50%

Pampalipas oras/ Libangan 80.00%

0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80% 90%

Porsyento ng mga kasagutan

3.5 Karaniwang Dahilan sa Pagbabasa

Lumalabas sa sarbey na isinagawa ng mga mananaliksik na mahigit sa kalahati o

katumbas ng 80% sa mga respondent ang nagsabi na ang pinakakaraniwang dahilan sa

pagbabasa ay para ito ay gawing libanagan o pampalipas oras. Pumangalawa naman ang

kadahilanang para matutu o para sa dagdag na kaalaman na kakuha ng 12.50%, pumangatlo ang

impluwensiya ng pamilya, kaibigan at iba pa na nakakuha ng 5% at ang huli naman ay dahil ito

ay isa sa mga pangangailangan sa asignatura na nakatanggap ng 2.50%.


Paraan ng Pagbabasa ng Nobela

Iba pa 0.00%

PDF (Portable Document Format) 10.00%

Online 15.00%

E-Book 17.50%

Libro 57.50%

0.00% 10.00% 20.00% 30.00% 40.00% 50.00% 60.00% 70.00%

Porsyento ng mga kasagutan

3.6 Paraan ng Pagbabasa ng Nobela

Sa datos na ibinigay ng mga mananaliksik sa mga respondent ukol sa mga paraan ng

pagbabasa ng nobela, lumalabas na Libro ang madalas gamitin ng mga kabataan sa kasalukuyan

upang magbasa ng nobela, ito ay nakakuha ng 57.50% na higit sa kalahati ng mga respondent.

Ang E-Book ang pumangalawa ng nakatanggap ng 17.50%, sinunda ito ng Online na nakakuha

ng 15% at ang nakakuha naman ng pinakamababa na porsyento ay ang PDF o Portable

Document Format na umabot lamang sa 10%.

You might also like