You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A ( CALABARZON )
Sangay ng Lungsod ng Lucena

Ikatlong Markahang Pagsusulit


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang letra ng tamang
sagot.

ENTREPRENEURSHIP and INFORMATION and COMMUNICATION TECHNOLOGY

1. Nagkasundo ang magkaibigang Liza at Lanie na magnegosyo upang makaipon ng pambili


ng gamit sa eskwela sa darating na pasukan. Naisipan nilang magpormat ng mga table at
tsart sa kompyuter. Alin sa sumusunod na software ang makatutulong sa kanila upang mas
madaling malaman ang halaga ng kinita sa araw-araw?
A. Word processor C. Word Art
B. Manila paper D. Tool box

2. Naisipan ni Roland na gumawa ng tsart ng mga benta nila araw-araw sa kanilang tindahan.
Alin sa sumusunod ang ginawa niyang tsart na kamukha ng pizza pie na nagpapakita ng
pagkakahati ng lahat ng kanyang benta?
A. Bar chart C. Column chart
B. Pie chart D. Line chart

3. Gumawa rin ang kaibigan niyang si Rey ng tsart na binubuo ng mga linya at nagpapakita ng
trend o kilos ng pagtaas at pagbaba ng kanilang kinikita araw-araw. Anong uri ng tsart ang
ginawa ni Rey?
A. Line Chart C. Column Chart
B. Bar chart D. Pie Chart

4. Tinuruan ni Gng. Tolentino ang mga bata sa ika-apat na baitang ng isa pang mainam na
software sa paggawa ng table at tsart. Alin sa sumusunod ang mas madaling magamit para
sa pagsusuri at pagsasaayos ng mga numerikal at tekstuwal na impormasyon at kadalasang
may isang workbook na naglalaman ng mga worksheet?
A. Picture Box C. Electronic Spread Sheet
B. Word Art D. E-mail

5. Isa sa mga bunga ng pag-unlad ng teknolohiya ay ang komunikasyon. Nang makapasa sa


sa iskolarship si Alex ipinadala siya ng kanyang paaralan sa ibang bansa. Upang mas
mabilis na matanggap ng kanyang pamilya ang kanyang mensahe, alin sa sumusunod ang
kanyang dapat gawin?
A. Gumamit ng e-mail C. Pumila para makatawag sa payphone
B. Magpadala ng telegram D. Magpadala ng liham sa kaibigang uuwi sa Pilipinas

6. Laging nagbubukas ng kompyuter si Mara upang basahin ang kanyang emails. Aling button
ang kanyang iki-click kung nais niyang mabasa ang bagong email na ipinadala sa kanya?
A. Send C. Inbox
B. Reply D. Exit

7. Sa pagpapadala ni Kath ng email sa kanyang kaibigang si Ryan, nilalakipan niya lagi ito ng
mga larawang kuha niya upang makita ng kaibigan. Alin ang dapat niyang i-click kapag
maglalakip ng mga dokumento o iba pang media files?
A. Send C. Attach
B. Inbox D. Exit
8. Sa pagbubukas ng email, kailangang i-click ang button na REPLY. Bakit?
A. Upang mabasa ang bagong email
B. Upang pumili ng dokumentong ilalakip sa email
C. Upang isara ang email
D. Upang sagutin ang isang email

9. Sa kasalukuyan, ang email ang pinakamabilis na paraan ng pagpapadala at pagtanggap ng


mensahe gamit ang internet. Sino ang kauna-unahang nagpadala ng email noong 1971?
A. Ray Tomlimson B. Ryan Bangs C. Jackie Chan D. Ninoy Aquino

GAWAING PANTAHANAN
10. Madalas maglinis ng bahay si Thess. Para sa kanya, masarap sa pakiramdam at
nakakaragdag ito ng kagandahan sa tahanan. Alin ang lagi niyang ginagamit sa
pagpapakintab ng kanilang sahig?
A. Pandakot C. Mop
B. Walis tingting D. Walis tambo

11. Inutusan ni Aling Vicky ang kanyang anak na si Princess upang linisin ang kanilang salamin
at mga bintana ng kanilang bahay. Aling pantulong na kagamitan sa paglilinis ang gagamitin
niya para dito?
A. Floor wax C. Suka at lumang dyaryo
B. Bleach D. Sabong pulbos

12. Piyesta sa Purok Maligaya. May darating na bisita sina Vangie kung kaya’t tumulong siya sa
paglilinis ng kanilang bahay. Siya lagi ang naglalampaso ng kanilang sahig. Paano kaya niya
ginagawa ng tama ito?
A. Ginagamit niya ang mop sa paglalampaso pagkatapos walisan ang sahig
B. Ginagamit niya ang mop sa paglalampaso bago walisan ang sahig
C. Binubunot muna niya ang sahig bago niya walisan
D. Pinakikinang muna niya ang sahig bago niya ito lampasuhin

13. Bilang mag-aaral sa ika-apat na baitang, tinuturuan kayo ng inyong guro ng ilang
mungkahing gawain sa paglilinis ng inyong bakuran. Ano ang magagawa mo upang
makatulong sa paglilinis ng bakuran ng inyong paaralan?
A. Hintaying dumating ang guro bago magwalis upang makita ka niya.
B. Maupo na lamang sa upuan at hayaang magwalis ang masisipag na kaklase.
C. Pumasok ng maaga at magwalis na agad hangga’t hindi pa nagsisimula ang klase.
D. Pumasok ng maaga at makipaglaro muna sa mga kaklase

14. Naatasan si Sohie ng kanyang Nanay upang maglinis sa labas ng kanilang tahanan. Alin sa
mga sumusunod ang alam niyang HINDI tamang paraan sa paglilinis?
A. Diligan ang mga halaman araw-araw.
B. Ugaliin ang pagwawalis ng bakuran. Tapat mo, linis mo.
C. Kung magtatapon ng basura, paghiwalayin ang nabubulok at hindi nabubulok.
D. Huwag tatakpan ang mga basurahan para dito mamugad ang mga ipis at iba pang
insekto.

15. Maingat si Gng. Sanchez sa kanyang mga kagamitan sa bahay. Tinuruan niya ang kanyang
anak na si Erwinn ng tamang paggamit ng mga de-kuryenteng kagamitan. Ano ang dapat
niyang tandaan sa paggamit ng mga ito?
A. Buksan ang lahat ng ilaw sa bahay kahit natutulog na.
B. Hintayin ang ina na dumating bago tanggalin ang saksak sa outlet.
C. Hayaan itong nakabukas kahit tapos nang gamitin.
D. Basahin ang panuto kung paano ito gamitin at tiyaking tuyo ang kamay bago
isaksak at bunutin ang plug sa outlet.
16. Masipag at masunuring anak si Teresa. Sinusunod niya lagi ang kanyang ina kung paano
ang tamang paglilinis. Bakit kailangang sundin ang pangkalusugan at pangkaligtasang gawi
sa paglilinis ng bahay at bakuran?
A. Upang makapaglaro agad pagkatapos ng gawain.
B. Upang makaiwas sa iba pang gawain.
C. Upang maiwasan ang anumang sakuna.
D. Upang magawa ang nakatakdang gawain.

17. Naatasan si Noel ng kanyang ina na maglinis ng kubeta. Saan niya dapat itago ang mga
tirang likidong ginamit niya gaya ng muriatic acid at iba pang panlinis ng kubeta o palikuran?
A. Ipatong ito sa mesang pinagkakainan.
B. Iwanan ito sa sahig ng palikuran.
C. Ilagay ito sa mataas na lugar na hindi maabot ng maliit na kapatid.
D. Sa loob ng cabinet kung saan nakalagay ang toyo, suka, paminta at iba pang
ginagamit sa pagluluto.

18. Nakaugalian na ng mag-anak ni Mang Jose na tuwing Sabado ay tulong-tulong silang


naglilinis ng kanilang bahay. Gumagawa siya ng mga panuntunan upang magampanan ng
bawat isa ang kanilang gawain?Ang lahat ng sumusunod ay susi sa pagtutulungan at
pagsusunuran maliban sa isa.
A. Ang pagganap sa tungkulin ay dapat ginagawa ng bukal sa kalooban.
B. Linawin kung paano isasagawa ang nakatakdang gawain para madaling
maisakatuparan.
C. Ipadama ang pagmamalasakit at pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya.
D. Huwag makinig sa nakatatandang kapatid dahil dadayain ka niya sa mga gawaing
bahay.

19. Bukod sa mga kagamitang panlinis, mayroong ding pantulong na mga gamit sa paglilinis
upang mas maging madali at kaaya-aya ang paglilinis gaya ng bleach. Paano makakatulong
ang bleach sa iyong paglilinis?
A. Ginagamit itong pampakintab ng sahig.
B. Ginagamit itong pang-alis ng mantsa sa lababo at inidoro.
C. Ginagamit ito sa paglilinis ng mga salamin at bintana.
D. Pinakikintab nito ang barnisadong kasangkapan.

20. Mula ng manirahan sa ibang bansa ang pamilya ni Gng. Vasquez, matagal na hindi
natitirhan ang bahay nila. Napakarami ng alikabok lalo ng kanyang mga kasangkapan. Alin
sa sumusunod ang kailangang gamitin upang maaalis ang mga alikabok at mapunasan ang
mga kasangkapan?
A. Iskoba o brush C. Basahan
B. Walis tingting D. Pandakot

AGRIKULTURA
21. Hilig ni Kevin ang mag-alaga ng aso. Anong mabuting bagay ang naidudulot nito sa kanya?
A. Pwede itong ibenta at kainin pag walang ulam.
B. Nakaiiwas siya sa paglilinis ng bahay.
C. Lagi niya itong kasama kaya wala na siyang oras makipagkaibigan sa kanyang
mga kaklase.
D. Nakapagbibigay saya at nakakaalis ng inip.

22. Sa dami ng hayop na pwedeng alagaan, pusa ang inalagaan nina Ayessa. Araw- araw niya
itong pinakakain at katabi pa niya sa pagtulog. Ano ang kabutihang dulot nito sa kanya?
A. Mainam itong alagaan dahil nakatatanggal ng stress at nagsisilbing libangan.
B. Kaaway lagi ng pusa ang aso kaya maingay lagi sa kanila.
C. Nakapagdudulot ito ng hika lalo sa maliit na bata
D. Maingay ito lagi lalo at nakakita ng daga.
23. Bumili ng turuang ibon si Lester sa isang pet shop. Bukod sa ito ay nakapagdudulot ng
kasiyahan at madaling alagaan, alin sa sumusunod ang isa sa maaring nakatutuwang
magawa ng binili niyang ibon?
A. Matuto itong kumain at maghanap ng pagkain sa kusina.
B. Matuto itong malinis ng bahay.
C. Matuto itong magsalita.
D. Matuto itong manghabol ng mga daga.

24. Anong uri ng hayop ang maaring alagaan ni Jennifer sa bahay kung nais niya ay isang eco-
friendly animal. Madali silang alagaan dahil kumakain sila ng mga halamang dahon tulad ng
letsugas, kangkong at repolyo?
A. Ibon C. Aso
B. Kuneho D. pusa

25. Kinahiligan na ng pamilya ni Samuel ang mag-alaga ng hayop sa bahay. Batid nilang ang
pag-aalaga ng mga ito ay isang seryosong usapin dahil kinakailangang maayos ang lahat.
Anong salik sa pag-aalaga ng hayop ang dapat nilang isaalang-alang?
A. Sapat at masustansyang pagkain
B. Malinis, nakaangat sa lupa at maluwang na bahay na kulungan.
C. Nararapat na gamot at bitamina kung kinakailangan upang lumaki na malulusog
ang mga ito.
D. Lahat ng nabanggit

26. Gumawa ng kulungan ng kalapati sina Mang Ernesto. Ano ang dapat niyang isaalang-alang
sa pagbuo ng bahay ng mga ito?
A. Ang bahay ng kalapati ay kailangang nakalapat sa lupa upang madaling pakainin.
B. Hangga’t maari, itayo ang bahay ng kalapati sa loob ng bahay upang nakikita lagi.
C. Ang bahay ng kalapati ay dapat nakaangat sa lupa upang hindi mapasukan ng
daga.
D. Kailangang ito ay kulong at hindi nasisikatan ng araw.

27. Si Mang Carlo ay may alagang mga kalapati. Paano niya isinasagawa ang pag-aalaga at
pagpapakain sa mga ito upang maramdaman ng kanyang mga alaga na sila ay mahal niya?
A. Huwag silang bigyan ng pagkain dahil marunong silang humanap ng sarili nilang
pagkain.
B. Pakainin sila ng tirang pagkain.
C. Painumin lamang sila ng tubig araw-araw.
D. Pakainin sila sa pamamagitan ng pagsasaboy ng pagkain, pagpapatuka sa lupa,
sa palad o paglalagay ng patuka sa isang lalagyang malanday.

28. Ang pag-aalaga ng hayop ay isang kapaki-pakinabang na gawain kaya’t maraming alagang
hayop si Mang Poncing. Paano siya makikinabang sa kanyang mga alaga?
A. Nakakatulong ito upang maalis ang kanyang stress.
B. Nakapagpapasaya ito at nakapagpapaganda ng kalusugan.
C. Nakadaragdag ito ng kita ng kanyang mag-anak kung ito ay mapararami at
maipagbibili.
D. Lahat ng nabanggit

29. Sa pag-aalaga ng manok, may mga dapat isaalang-alang si Nestor upang lumaking malusog
ang mga ito. Alin sa sumusunod ang dapat niyang gawin upang makaiwas ang kanyang mga
alaga sa sakit?
A. Hayaan lamang ang mga manok na magpa-uli-uli sa paligid.
B. Kinakailangan ng ibayong pag-iingat sa pag-aalaga upang hindi ito dapuan ng
sakit.
C. Pakainin sila ng mga gulay upang di magkasakit.
D. Hayaan silang maulanan upang malinis lagi.
GAWAING PANG-INDUSTRIYA
(Para sa bilang 30-34)
Isang karpintero si Mang Renato sa Baranggay Kanlubang. Marami na siyang kustomer na
nagpapagawa sa kanya ng iba’t ibang gamit sa bahay. Nais niyang mapanatiling tangkilikin ng mga
tao ang kanyang mga gawa. Lahat ng materyales na kanyang ginagamit ay nakukuha lamang niya
sa kanilang pamayanan. Alam niyang ang bawat isa sa mga ito ay may angkop na gamit.

Piliin sa mga sumusunod kung aling materyales ang ginagamit ni Mang Renato sa pagbuo
ng iba’t ibang bagay.

30. Ito ay isang uri ng halaman na nahahawig sa puno ng saging, maliban sa mga dahon na higit
na mas malapad. Ang mga hibla nito na buhat sa puno ang ginagamit niya sa paggawa ng
basket, punasan paa, tsinelas at iba pang kagamitang pambahay.
A. Abaka C. Niyog
B. Damo D. Tabla at kahoy

31. Ito ay isang uri ng palmera na karaniwang tumutubo sa ilang lalawigan tulad ng Pampanga,
Cebu, Cagayan at Mindoro. Ito’y tumutubo sa mga tubigan. Ginagamit ang mga ito sa
paggawa ng mga kapote at pamaypay.
A. Tabla at kahoy C. Rattan
B. Nipa D. Pandan

32. Ang halamang ito’y tumutubo sa halos lahat ng lalawigan.Kilala sa tawag na yantok at
ginagamit sa paggawa ng mga muwebles, bag, basket, duyan, at iba pang palamuti.
A. Nito C. Rattan
B. Niyog D. Buri

33. Ang mesang kinakainan, silyang inuupuan at aparador na pinaglalagyan ng iba’t ibang
kagamitan, dingding at kisame ng bahay ay ilan lamang sa halimbawa ng mga kagamitan na
yari sa materyales na ito.
A. Rattan C. Pandan
B. Buri D. Tabla at kahoy

34. Ito ay tinatawag ding “Puno ng Buhay”dahil ang bawat bahagi nito ay may sadyang gamit.
Mainam na gawing gamot ang mga ugat nito at maari ring gawing pangkulay. Karaniwang
ding ginagamit ang katawan ng puno nito na haligi at sahig ng mga bahay at iba pang
kaamitang pambahay.
A. Nito C. Nipa
B. Niyog D. Damo

35. Ang iyong nagawang proyekto, may kalidad man o wala, ay patunay pa rin na may
kakayanan ka na bumuo ng isang proyektong luminang ng iyong galing sa paggawa. Paano
mo mapapahalagahan ang iyong kakayanan sa paggawa ng proyekto?
A. Huwag na lang gumawa sa susunod.
B. Huwag ipakita sa ibang tao ang ginawang proyekto dahil baka pulaan pa nila ito
C. Magpagawa na lamang ng proyekto sa iba upang mas mapabilis ang gawain
D. Lalo mo pang paghusayan at gawing maayos at maganda ang mga susunod pang
proyekto.

36. Sa pagsasapamilihan ng iyong produkto, ano ang dapat mong isaalang-alang upang
maibenta ang mga ito?
A. Lugar na pagdadausan ng pagbebenta
B. Maayos na pakikitungo sa mga mamimili
C. Ilagay ito sa maayos na lagayan.
D. Lahat ng nabanggit
Si Fredie ay isang mag-aaral sa ika-apat na baitang. Binigyan sila ng kanllang gurong si Bb.
Trivino ng isang proyekto na kung saan gagawa sila ng mga flower vase at pagkatapos
ibebenta ang mga ito. Tuusin ang mga ginastos at kikitain nina Fred sa kanilang proyekto.

Proyekto: Flower Vase


Parte ng niyog ……………………………………. Php 25.00
Pandikit ……………………………………………. Php 12.00
Barnis …...…………………………………………. Php 23.00
Mga palamuti ……………………………………… Php 20.00
Kabuuang halaga _________________________________
Halaga ng pagbebenta + 15 % _______________________
Halaga ng kinita __________________________________

37. Magkano ang kabuuang halaga ng kanilang proyekto?


A. Php 80.00 B. Php 85.00 C. Php 70.00 D. Php 90.00

38. Kung papatungan ng 15% magkano ang halaga ng kanilang pagbebenta


A. Php 180.00 B. Php 80.00 C. Php 92.00 D. Php 88.00

39. Tuusin ang halaga ng kinita


A. Php 10.00 B. 11.00 C. Php 13.00 D. Php 12.00

40. Sa pagbuo ng planong pang-proyekto, pinatnubayan ni Sir Randy ang kanyang mga mag-
aaral sa paggawang balangkas ng proyekto. Anong bahagi ng balangkas ang nagsasabi
kung ano ang pangalan ng magiging proyekto nila.
A. Mga Layunin C. Pamamaraan sa paggawa
B. Pangalan ng proyekto D. Mga kagamitan
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A ( CALABARZON )
Sangay ng Lungsod ng Lucena

TALAAN NG ISPISIPIKASYON
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
Ikaapat na Baitang
BILANG KINALAGYAN
LAYUNIN
NG AYTEM NG AYTEM
ICT AND ENTREPRENEURSHIP
Nakagagawa ng table at tsart gamit ang
3 1,2,3
Word Processor
Nakagagawa ng table at tsart gamit ang
1 4
Spreadsheet Tool
Nabibigyang kahulugan ang e-mail 3 5,6,9
Nakapagpapadala ng e-mail na may kalakip
2 7,8
na dokumento o iba pang media file

HOME ECONOMICS
Natutukoy ang angkop na mga kagamitan sa
4 10, 11, 19, 20
paglilinis ng bahay at bakuran
Naisasagawa ang wastong paglilinis ng
2 12, 14
tahanan
Naisasagawa ang wastong paglilinis ng
1 13
bakuran
Nakasusunod sa mga tuntuning
pangkalusugan at pangkaligtasan sa 3 15,16, 17
paglilinis ng bahay at bakuran
AGRICULTURE
Natatalakay ang kabutihang dulot sa pag-
4 21, 22, 23,28
aalaga ng hayop
Natutukoy ang mga hayop na maaaring
1 24
alagaan sa tahanan
Natatalakay ang mga salik sa pag-aalaga ng
1 25
hayop
Natatalakay ang pagbibigay ng ligtas na
1 26
tirahan ng mga alagang hayop
Naiisa-isa ang wastong paraan sa pag-
2 27, 29
aalaga ng hayop

GAWAING PANG-INDUSTRIYA
Nakikilala ang iba’t-ibang materyales na 5 30, 31, 32, 33,
matatagpuan sa pamayanan 34
Napahahalagahan ang nabuong proyekto 1 35
batay sa sariling puna ng iba
Naisasagawa ang wastong paraan ng pag- 1 36
aayos ng mga produktong ipagbibili at
pagbebenta nito
Nakapagtutuos ng puhunan, gastos at kinita 3 37,38,39
Nakagagawa ng plano ng proyekto gamit 1 40
ang naunang kinita
KEY TO CORRECTION

1. A 21. D

2. B 22. A

3. A 23. C

4. C 24. B

5.A 25. D

6.C 26. C

7.C 27. D

8.D 28. D

9.A 29. B

10.C 30. A

11.C 31. B

12.A 32. C

13.C 33. D

14.D 34. B

15.D 35. D

16. C 36. D

17.C 37. A

18.D 38. C

19.B 39. D

20.C 40. B

You might also like