You are on page 1of 9

1

118
119

Gabay sa Paggamit ng Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELCs) sa Filipino

Ang Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng Bureau of Curriculum Development ay bumuo ng talaan ng mga pinakamahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELCs). Binuo ito upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga guro at mag-aaral kaugnay ng mga
hamong dala ng COVID19. Gamit ang MELCs, inaasahan na makatutulong ito sa anumang mode of instructional delivery na gagamitin ng guro upang punan ang
pinaikling panahon ng pag-aaral at limitadong interaksyon ng mga mag-aaral sa paaralan.

Ang MELCs ay tumutugon din sa pangunahing layunin ng pag-aaral ng Filipino, ang makalinang ng isang buo at ganap na Filipinong may kapaki - pakinabang
na literasi.

Proseso ng pagpili at pagbuo ng MELCs ng Filipino

Sa proseso ng pagtukoy ng mga pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto o MELCs, ang ENDURANCE o katatagan ang nagging batayan upang piliin ang
mga kompetensing isasama sa listahan:
a. nagagamit sa totoong buhay;
b. higit na mahalaga kaysa ibang kompetensi; at
c. lubhang kailangan upang matutunan ang iba pang asignatura o propesyon

Bukod sa mga pamantayang nabanggit, isinaalang-alang din ang pagsasakatuparan ng mga pamantayan sa bawat baitang at ang kasama nitong pamantayang
pangnilalaman at pamantayan sa pagganap.

Paano gagamitin ang MELCs sa pagtuturo?

Dahil sa ilang katangiang tinataglay ng MELCs, pinapayuhan ang guro na gamitin ito ayon sa mga sumusunod:

1. Pag-uulit ng ilang MELCs sa iba pang markahan ng bawat baitang kung kinakailangan sa lalong paglinang nito.
Baitang/Markahan MELCs

Baitang 1 – Ikatlong Markahan Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang alamat/teksto

Baitang 2 – Unang Markahan Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto

Baitang 3 – Unang Markahan Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto
120

Matatagpuan sa listahan ng MELCs na ang ibang kompetensi katulad ng halimbawa sa itaas ay hindi na nauulit sa bawat markahan bagkus
makikita ang pag-uulit nito sa bawat baitang. Ang pagpapanatili ng pag-uulit ng mga kompetensi sa bawat baitang ay nangangahulugang pagbibigay
pansin sa mga kasanayang dapat matutuhan ng mag-aaral lalo’t higit na kailangan ito sa pagkatuto ng iba pang asignatura.

2. Pag-unpack ng MELCs para sa mga tiyak na mga kasanayang pampagkatuto.

Baitang/Markahan MELCs Mga Pantulong na Kasanayang


Pampagkatuto
Baitang 2 – Ikaapat na Nababasa ang mga salitang madalas na makita sa paligid at batayang talasalitaan ✓ Napapantig ang mga
Markahan mahahabang salita
✓ Nabibigkas nang wasto ang mga
diptonggo
✓ Nababasa ang mga salita sa
unang kita
Baitang 5 – Unang Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay tungkol ✓ Natutukoy ang kahulugan ng
Markahan sa sarili,sa mga tao,hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid, sa usapan at mga pangalan at panghalip
paglalahad tungkol sa sariling karanasan
✓ Nakapagbibigay ng mga
halimbawa ng pangalan at
panghalip
✓ Nakapagbibigay ng reaksiyon sa
isang usapin
✓ Naisalaysay ang sariling
karanasan

Inaasahang magkakaroon ng unpacking ang guro para sa mga malalawak na MELCs upang sa gayon ay mas mabigyang pansin ang mga batayang
konsepto at kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-aaral.

3. Pagpili ng mga magkakasamang MELCs na sasakto para sa walong (8) linggo.

Baitang/ MELCs Duration


Markahan
121

Nababaybay nang wasto ang salitang natutuhan sa aralin at salitang hiram


Baitang 5 Nasasagot ang mga tanong sa binasa/napakinggang talaarawan, journal at anekdota
Ikalawang Markahan Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan o naobserbahan
Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ng napanood na pelikula at nabasang teksto
Nabibigkas nang may wastong tono, diin, antala at damdamin ang napakinggang tula
Naibibigay ang paksa/layunin ng napakinggang kuwento/usapan/talata, at pinanood na dokumentaryo,
Naibibigay ang mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan, talambuhay at sa napanood na dokumentaryo
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagsasabi ng hinaing o reklamo, sa pagsasabi ng ideya sa isang isyu, at sa
pagtanggi
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata at tekstong napakinggan
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaskyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan,
Naibibigay ang bagong natuklasang kaalaman mula sa binasang teksto at datos na hinihingi ng isang form
Nakasusulat ng simpleng patalastas, at simpleng islogan
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang isyu
Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto

Binibigyang laya pa rin ang mga guro na makapili ng mga magkakasamang MELC sa bawat linggo na sa tingin nila’y sasakto at sasapat batay sa gagamiting
paraan ng pagtuturo o mode of instructional delivery. Ito ay makatutulong upang maipadron ang mga MELCs sa konteksto at pangangailangan ng mga guro’t
mag-aaral.

At bilang karagdagan, minabuti ng mga espesyalista sa erya ng Filipino na hindi magbigay ng tiyak na haba ng oras sa pagtuturo ng MELCs sa loob ng isang
markahan upang maiwasang malimitahan ang guro sa paggamit nito. Sa huli, dapat bigyang pansin na ang mga kompetensing nakalista sa MELCs ay dapat
makamit sa mga tinukoy na baitang.
Tandaan na ang layunin sa pagbuo ng MELCs ay hindi upang palitan ang kasakuluyang curriculum guide kundi upang magabayan ang mga guro sa pagtukoy ng
mga kompetensing mas kinakailangan ng mga mag-aaral sa Taong Panuruang 2020-2021. Sa huli, hinihikayat pa rin ang mga guro na sumangguni sa curriculum
guide ng Filipino kung sa tingin nilang hindi sapat ang mga kompetensing tinukoy sa MELCs.
134

Grade Level: Grade 5


Subject: Filipino
Grade Level Standards:
Pagkatapos ng Ikalimang Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at
kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto/ babasahing lokal at pambansa.

Quarter Most Essential Learning Competencies Duration


1st
Quarter Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay tungkol sa sarili,sa mga tao,hayop, lugar, bagay at pangyayari
sa paligid; sa usapan; at sa paglalahad tungkol sa sariling karanasan
Nasasagot ang mga tanong sa binasa/napakinggang kuwento at tekstong pang-impormasyon
Nakasusulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay, at talambuhay
Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling salita
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng mga pangungusap
Naibibigay ang paksa ng napakinggang kuwento/usapan
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar na mga salita sa pamamagitan ng tono o damdamin, paglalarawan,
kayarian ng mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang diin at tambalang salita
Nabibigyang-kahulugan ang bar graph, pie, talahanayan at iba pa
2nd Nababaybay nang wasto ang salitang natutuhan sa aralin at salitang hiram
Quarter Nasasagot ang mga tanong sa binasa/napakinggang talaarawan, journal at anekdota
Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan o naobserbahan
Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ng napanood na pelikula at nabasang teksto
Nabibigkas nang may wastong tono, diin, antala at damdamin ang napakinggang tula
Naibibigay ang paksa/layunin ng napakinggang kuwento/usapan/talata, at pinanood na dokumentaryo,
Naibibigay ang mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan, talambuhay at sa napanood na dokumentaryo
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagsasabi ng hinaing o reklamo, sa pagsasabi ng ideya sa isang isyu, at sa pagtanggi
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata at tekstong napakinggan
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaskyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan,
Naibibigay ang bagong natuklasang kaalaman mula sa binasang teksto at datos na hinihingi ng isang form
135

Nakasusulat ng simpleng patalastas, at simpleng islogan


Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang isyu
Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto

Quarter Most Essential Learning Competencies Duration


3rd Quarter Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos
Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan (kronolohikal na pagsusunod-sunod )
Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang isang salaysay
Nakapag-uulat tungkol sa napanood
Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa napanood na maikling pelikula
Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan
Nakagagawa ng isang timeline batay sa nabasang kasaysayan
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto
Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan
Nagagamit nang wasto ang pang-angkop sa pakikipagtalastasan
Nagbibigay ang mga salitang magkakasalungat at magkakasingkahulugan
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan
Nasasabi ang simuno at panag-uri sa pangungusap
Nakasusulat ng isang sulating pormal, di pormal (email) at liham na nagbibigay ng mungkahi
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagsasaliksik tungkol sa isang isyu
Naibibigay ang datos na hinihingi ng isang form
4th Quarter
Nakakagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng napakinggang balita
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipag-debate tungkol sa isang isyu
Natutukoy ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu
Nakapagbibigay ng maaaring solusyon sa isang naobserbahang suliranin
136

Napaghahambing ang iba’t ibang dokumentaryo


Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang usapan (chat)
Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan
Naibibigay ang mahahalagang pangyayari
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipanayam/ pag-iinterview
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang produkto
Nagagamit ang mga bagong natutuhang salita sa paggawa ng sariling komposisyon
Nakapagtatanong tungkol sa impormasyong inilahad sa isang dayagram, tsart, at mapa
Nakasusulat ng maikling balita, editoryal, at iba pang bahagi ng pahayagan
Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo.
Nakapipili ng angkop na aklat batay sa interes
139

Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang isip at di-kathang isip na teksto (fiction at non-fiction)
Napaghahambing-hambing ang iba’t ibang uri ng pelikula
Nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga ng mga pangyayari / problema-solusyon
Nakapagtatanong tungkol sa impormasyong inilahad sa dayagram, tsart, mapa at graph
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita isyu o usapan
Nakasusulat ng ulat, balitang pang-isport, liham sa editor, iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtitipon ng mga datos na kailangan

You might also like