You are on page 1of 9

1st Quarter Araling Panlipunan 5

Week 3
Aralin: Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa
Pilipinas

I. Panimulang Nilalaman

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa
kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng lahing Pilipino upang
mpahahalagahan ang konteksto ng lipunan/ pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at
ang kanilang ambag sa pagbuo ng kasysayan ng Pilipinas

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga
sinaunang Pilipino gamit ang kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at
mahahalagang konteksto ng kasysayan ng lipunan at bansa kabilang ang mga teorya sa
pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino.

C. Pamantayan sa Pagkatuto
- Nakabubuo ng pansariling paninindigan sa pinakapanipaniwalang teoryang
pinagmulan ng lahing Pilipino batay sa mga ebidensya
 Natatalakay ang teorya ng pandarayuhan ng tao mula sa rehiyong Austronesyano
 Naipaliliwanag ang iba pang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng mga unang
tao sa Pilipinas.
 Nakasusulat ng maikling sanaysay ( 1-3 talata ) ukol sa mga teoryang natutuhan.

D. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


-Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas

II. Nilalaman: “Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas”


- Teorya
- Mito
- Relihiyon
1st Quarter Araling Panlipunan 5
Week 3
Aralin: Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa
Pilipinas

Konsepto ng Aralin

Tulad ng pinagmulan ng Pilipinas, ang mga tao ay pinaniniwalaan din na nagmula


sa mga paliwanag mula sa alamat, panrelihiyong paniniwala, at pansiyentipiko.

WAVE OF MIGRATION THEORY NI HENRY OTLEY BEYER

Si Henry Otley Beyer ay isang Amerikanong antropologo na nagsabing ang mga


unang tao sa Pilipinas ay dumating sa bansa 25 000 taon na ang nakalilipas, mas nauna
pa ang mga ito sa mga Taong Tabon na dumating 22 000 taon na ang nakalilipas. Ayon
sa kaniya, magkakasunod na dumating ang mga ito na kinabibilangan ng: una, ang mga
Negrito; ikalawa, ang mga Indones; at ang panghuli, ay ang mga Malay.

1. Negrito - Ang mga ito ay nakarating sa Pilipinas gamit ang mga land bridge o
tulay na lupa na galing sa Asya. Ayon sa
kaniya, ang mga Negrito na dumating sa
Pilipinas ay maliliit, maiitim, kulot ang buhok,
at makakapal ang mga labi. Sila ay walang
sistemang pampamahalaan, pagsusulat, at
walang mga permanenteng tirahan. Sila rin ay
namuhay bilang mga mangangaso sa mga
kagubatan, mangingisda, at nangunguha ng
mga halamang-ugat at prutas. Gumamit din
sila ng mga sibat at pana. Sa ngayon ayon kay
Henry Otley Beyer, ang mga Negrito raw ang
mga ninuno ng mga katutubong
Pilipino tulad ng mga Aeta, Agta, Ayta, Ati, Baluga, Mamanuwa, Batak, at Dumagat.
Ang mga ito ang bumubuo ng .03 porsiyento ng kabuuang Pilipino sa bansa. Sa
kasalukuyan, ang mga inianak ng mga Ita ay matatagpuan sa Mount Pinatubo sa
Zambales, Pampanga, at Aklan.
Sa mga karatig-bansa ay makikita ang
mga kauri ng Ita sa Isla ng Andaman,
timog-kanluran ng Sumatra, Timog at
Silangang Malaya, at sa New Guinea.

2. Indones - Ang sumunod na


dumating sa Pilipinas sa pamamagitan naman
ng mga bangka ay ang mga Indones na galing sa Timog Asya. Tinatayang nasa 3000
BCE o kilala rin sa Panahong Neolitiko o Panahon ng Bagong Bato nang makarating sila
sa kapuluan. Sila ang nagpaalis sa mga Negrito upang manirahan ang mga ito sa mga
kabundukan. Ayon sa kaniya, ang mga Indones ay may dalawang klase:

a) Ang unang klaseng Indones na dumating sa Pilipinas ay may katangiang tulad ng


lahing Mongoloid. Sila ay mapuputi, matatangkad, may malapad ang noo,
matangos ang ilong, maninipis ang mga labi, at balingkinitan ang mga katawan.
Sila ay pinaniniwalaang dumating sa bansa may 5000 hanggang 6000 taon na ang
nakararaan.
b) Ang sumunod namang mga Indones na dumating ay mas maliliit kaysa una, mas
maiitim, malaki ang ilong, makakapal ang mga labi, at malaki ang pangangatawan.
Sinasabing sila ay nakarating sa kapuluan noong 1502 BCE. Ayon kay Henry Otley
Beyer, mas maunlad ang pamumuhay ng mga Indones kaysa sa mga Negrito sapagkat
mayroon itong permanenteng mga tirahan, gumamit ng apoy para sa kanilang mga
pagkain, at namuhay rin bilang mga mangangaso, magsasaka, at mangingisda. Ayon sa
kaniya, ang mga Indones ay ang ninuno ng mga Apayao, Ibanag, Bagobo, at
Mangyan sa Mindoro.

3. Malay - Ang pinakahuling dumating sa Pilipinas ay


ang mga Malay. Narating nila ang Pilipinas sakay ng
malalaking bangka na kung tawagin ay balanghai
may 2000 taon na ang nakalilipas. Sila ay nagmula sa
Java, Sumatra, Borneo, at Peninsula ng Malay. Ayon
kay Henry Otley Beyer, tatlo ang pangkat ng mga
Malay na dumating sa bansa.
Ang mga Malay ay may katamtamang laki.
Ang mga ito ay kayumanggi rin, maiitim ang mga mata, pango ang ilong, at tuwid ang
buhok. Sila naman ang nagtulak sa mga Indones na mamundok o tumungo sa mga
kagubatan upang sila naman ang manirahan sa mga kapatagan.
Ayon din sa kaniya, ang mga Malay ay mas sibilisado kaysa sa mga Indones.
Nanirahan ang mga ito sa mas malalaking pamayanan. Sila ay may sistema na ng
pagsusulat, musika, sining, at agham. May sistema na rin sila ng pamahalaan na kung
tawagin ay barangay na nanggaling sa salitang balanghai.
Ang kanilang pamumuhay ay binubuo ng pagsasaka kung saan sila ang
nagpasimula ng irigasyon, pagmimina, pakikipagkalakalan, at pangingisda.
Pinaniniwalaan din na ang mga Malay ang nagdala ng mga baso sa kapuluan. Ipinakilala
nila ang pagmamanupaktura ng sandata. Sila ay may pagtutunaw at pagpapanday
upang makayari ng mga kasangkapang bakal at metal.
Ayon sa kaniya, ang kasalukuyang mga Pilipino at may halong kulturang Malayo.

WAVE OF MIGRATION THEORY


Ang ikalawang teorya ay may kaugnayan pa rin sa Wave of Migration Theory ngunit sa
halip na tatlo, ito ay may dalawang pangkat lamang na migrasyon na pumunta sa bansa
may 16 000 taon na ang nakalilipas. Ayon sa mga historyador, ang unang dumating sa
bansa ay ang mga Australoid. Ang ikalawa naman ay ang mga Austronesian na
dumating sa bansa may 9000 taon na ang nakalilipas. Ang mga Australoid ay mas
maiitim kumpara sa mga Austronesian na kayumanggi ang kulay ng balat. Ayon din sa
mga historyador na sumusuporta sa teoryang ito ng migrasyon na binubuo ng dalawang
pangkat lamang, ang mga Austronesian din ay gumamit ng wikang Malayo-Polynesian
na wikang kumalat sa buong mundo. Pinaniniwalaan din nila na ninuno ng lahing Pilipino
ang mga Austronesian dahil sa wika at kultura ng dalawang grupo. Ginamit ding
ebidensiya sa pagpapatunay na ang lahing Austronesian ay may kaugnayan sa lahing
Pilipino ay ang mga paso (pots) na nadiskubre sa iba't ibang panig ng bansa, sistema ng
paghahabi, at Teknik sa pangingisda na kaparehas ng ginamit ng mga Pilipino.

Konsepto ng Aralin
ALAMAT
Ayon sa alamat ng mga Pilipino, Isang ibon ang
naglakbay at nakarinig ng boses mula sa kawayan. Lumapit
ang ibon at tinuka ang kawayan hanggang sa mabiyak ito.
Lumitaw sa kawayan ang isang lalaki at isang babae. Sila ay
si Malakas at Maganda na naging ninuno ng mga tao sa
mundo. Kinasal ang lalaki at babae. Sila ay nagkaroon ng
madaming anak na naging ninuno ng ating mga kababayan..

BIBLIYA
Mula sa aklat na Genesis, sinasabing nilikha ng Diyos sa
ikaanim na araw ang mga unang tao.
Kuwento sa Bibliya. Ayon sa Banal na
Bibliya, lahat ng lalaki at babae ay nagmula
sa unang lalaki na si Adan at sa unang
babae na si Eba na nilikha ng Diyos.
Pagkatapos ng malakas na pagbaha
(Great Flood), si Noe at ang kanyang tatlong
anak ay namuhay muli sa kapatagan. Ang
anak ni Noe na sina – Shem, Ha, at Japhet –
ay nagkaroon ng mga anak pagkatapos ng
baha. Ang bunsong anak ni Japhet na
pinaangalanang Javan (Genesis 10:1-4) ang
pinagmulan ng apat na apo ni Noe na sina –
Elishah, Tharsis, Kittim at Rodamin.

Ayon sa Bibliya, sa mga taong nanggaling sa arko nagmula ang mga tao na siyang
kumalat at nanirahan sa kani-kanilang teritoryo at pamayanan at nagkaroon ang mga ito ng
kani-kanilang wika.
MGA DAPAT TANDAAN!

WAVE OF MIGRATION THEORY NI HENRY OTLEY BEYER

1. Negrito
2. Indones
3. Malay

WAVE OF MIGRATION THEORY

Ang ikalawang teorya ay may kaugnayan pa rin sa Wave of Migration Theory ngunit sa
halip na tatlo, ito ay may dalawang pangkat lamang na migrasyon na pumunta sa bansa
may 16 000 taon na ang nakalilipas. Ayon sa mga historyador, ang unang dumating sa
bansa ay ang mga Australoid. Ang ikalawa naman ay ang mga Austronesian na
dumating sa bansa may 9000 taon na ang nakalilipas.

ALAMAT
Ayon sa alamat ng mga Pilipino, Isang ibon ang naglakbay at nakarinig ng boses mula sa
kawayan. Lumapit ang ibon at tinuka ang kawayan hanggang sa mabiyak ito. Lumitaw sa
kawayan ang isang lalaki at isang babae.

BIBLIYA
Mula sa aklat na Genesis, sinasabing nilikha ng Diyos sa ikaanim na araw ang mga unang
tao.
1st Quarter Araling Panlipunan 5
Week 3
Aralin: Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa
Pilipinas

Pagsasanay 1
Ibigay Mo!

Panuto: Ibigay ang hinihinging kasagutan mula sa loob ng kahon sa ibaba.

NEGRITO INDONES MALAY

Ipaliwanag Ipaliwanag
Ipaliwanag
Pagsasanay 2
Magsagot Tayo!
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

__________1. Ang mga Negrito ay nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan nang?


a. Bangka b. tulay na lupa c. tulay na bato
__________2. Ayon sa kaniya, ang Negrito raw ang mga ninuno ng mga katutubong
Pilipino.
a. Robert Fox b. Henry Otley Beyer c. Charles Darwin
__________3. Ang mga Indones ay nahahati sa ilang klase
a. 1 b. 2 c. 3
__________4. Ilang taon na nakalipas nang dumating ang mga Austronesian sa bansa?
a. 9000 b. 8000 c. 7000
__________5. Nakarating sa Pilipinas ang mga Indones sa pamamagitan nang>
a. Bangka b. tulay na lupa c. tulay na bato

Pagsasanay 3

Isa-isahin Natin!

I. Panuto: Sagutin mabuti ang tanong sa ibaba.

1. Ibigay ang mga katangian ng unang klase ng Indones?

2. Anu-ano naman ang katangian ng pangalawang klase ng Indones?


Pagsasanay 4

Pagkumaparahin Natin!

Panuto: Gamit ang Venn Diagram, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
salita sa ibaba.

ALAMAT BIBLIYA

Pagsasanay 5
Sanay sa Sanaysay...

Panuto: Basahin at sagutin ng wasto ang tanong sa ibaba.

Para sayo, ano ang mas kapanipaniwala kung saan nagsimula ang tao, nakasaad sa
Alamat o sa Bibliya? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
\

1st Quarter Araling Panlipunan 5


Week 3
Aralin: Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa
Pilipinas

Repleksyon / Pagninilay
Gawain 3
Triple Venn Diagram
Panuto: Gamit ang triple venn diagram, ipaliwanag ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
mga pinagmulan ng tao.
Teorya
Mito

Relihiyon

You might also like