You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Santa maria bulakan kampus
Santa Maria, Bulakan

IBARRIENTOS, JOY, LASI


APELYIDO, UNANG PANGALAN, GITNANG PANGALAN
BSEDMT_2_1
INTELEKTUWALISASYON_ME_MIDTERM EXAM
PROP. JOHN PAUL M. DELA PAZ

I. ME1_The Intellectualization of Filipino ni Bonifacio P. Sibayan

Nagkaroon lamang ang Pilipinas ng pambansang wika pagkatapos ng ikalawang


digmaang pandaigdig, sabi nga nila masasabing nagsasarili ang isang bansa kung ito ay
mayroong sariling wika. Tagalog ang pinagbasehan ng wikang pambansa, tinawag na
Pilipino noong 1974 at ginawa namang Filipino noong 1987.

Idineklara ang Filipino bilang kapareho ng Ingles bilang wikang panturo ngunit
hindi naging ganoon kaganda ang pagtanggap sa wikang Filipino lalo na sa mga kolehiyo
o unibersidad, maging ang mga iskolar ay iilan lamang ang gumagamit ng nito sa kanilang
akda, ang iba ay pawang mga Ingles na. Nais gawing controlling domain o
makapangyarihang dominyo ang Filipino kung saan ito ang wikang gagamitin sa
edukasyon, pamahalaan, pagbabatas, hukuman, agham at teknolohiya, kalakalan at
industriya maging mass media ngunit hindi ito naging madali lalo na at hindi sapat na
intelektuwalisado ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang Filipino. Nakalulungkot na
ipinalalagay ng mga Pilipino na walang kakayahan na hindi kaya ng wikang Filipino
maging intelektuwal, nagagamba na maiiwan ang kaunlarang pag-iisip kung hindi
gagamitin ang wikang Ingles. Ang wika ay maaring maging "modernized" ngunit hindi
"intellectualized". Hindi intelekwalisasyon ang paggamit ng Filipino sa mga diyaryo at
magasin, maging ang telebisyon, ito ay "popularized modernized language". Intellectually
modernized language naman ang ginagamit sa eskuwelahan.

Ang tao ang nagpapaunlad sa wika, kapag maunlad na ang wika ay gagamitin
naman ito ng tao para mauland din ang kanyang sarili kaya nakalulungkot isipin na laging
isinasalin ang mga IMLs (Ingles, Franses, Aleman, Ruso, at Hapones) na mga gawa sa
Filipino ngunit hindi naman ginagawang isalin ang gawang Filipino sa mga IMLs. Gaya
nga ng nabasa ko “Harapin natin ang katotohanan. Kaunti lamang ang kaalaman, kung
mayroon man, sa siyensyang panlipunan, agham at teknolohiya, matematika, medisina,
batas, at iba pa, sa wikang Filipino. Ang kaalamang ukol sa mga larang ito ay maaaring
makuha sa Filipino sa pamamagitan ng pagsasalin.”
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Santa maria bulakan kampus
Santa Maria, Bulakan

II. ME2_Wikang Nakabartolina ni Rogelio Ordonez

Wikang nakabartolina, wikang nakakulong.

Tila iginapos ang wikang Filipino ng mga taong alipin ng kaisipang kolonyal. Hindi
pa ba sapat ang ilang dantaong pananakop sa atin at hanggang ngayon ay nagpapaalin
pa rin sa wikang banyaga. Nakalulungkot na mismong Pilipino lalo na ang mga edukado
ang nagsasakdal sa putik ng sariling wika ng kanyang bansa. Bakit hindi natin
pagyabungin ang wikang Filipino, tila nakakaalala lamang kapag nalalapit na ang buwan
ng wika.

Nang ginawang Tagalog ang basehan ng wikang pambansa ay naghimutok sa


galit ang mga rehiyong di-Tagalog, dito pa lamang at makikita na ang hindi pagkakaisa
pero tignan natin ngayon halos lahat ay nakakaintindi ng Filipino. Hindi naman
maipagkakaila na nanghiram lang din ang Tagalog sa ibang wika tulad ng Kastila at Instik
ngunit wala namang purong wika sa mundo dahil kasabay ng pag-unlad ng sibilisasyon
ng isang bansa ang panghihiram nito ng wika sa iba. Maraming nabago sa sarili nating
wikang pambansa, may mga binagong katawagan at sinangkutsa ang baybay. Ganon
siguro talaga, dahil ang mga tao ay adaptibo lalo na pagdating sa wika.

Ang ginawang pagsasalin ni Engr. Gonzalo del Rosario o Ka Along sa mga


pansiyensiya at panteknolohiya ay hindi naging maganda, mas nais ng mga Filipino na
manghiram na lang ng salita sa wikang banyaga tulad ng Ingles at iangkop na lang sa
ponolohiya at ortograpiyang Pilipino ang mga hiniram kaysa sa malalalim at malayong
pagsasalin tulad ng ginawa ni Ka Along.

Nakalulungkot na linilimitahan ang paggamit ng wikang Filipino lalo na sa mga


sekswal na usapin, bakit pa kailangang ibahin ang tawag tulad ng gawing tunod ang titi,
ang sabi ay dahil daw hindi magandang pakinggan o maselan daw sa pandinig. Para sa
akin ay hindi na dapat pa itong baguhin dahil unang una ay ito na ang nakagisnan ng
madami sa atin (mapabata man o matanda), para sa akin ay walang masama sa mga
salitang ito dahil ito naman talaga ang tawag dito.

Wag tayong magpakulong at magpaalin sa kaisipang bansot at baluktot. Wag natin


hayaang ibartolina ang sarili nating wika. Sabi nila ang wika raw ay mapagmalaya pero
paano kung ang sarili nating wika ang nakabartolina?
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Santa maria bulakan kampus
Santa Maria, Bulakan

III. ME3_Intelektuwalismo at Wika ni Renato Constantino

Nakamamangha ang ibang bansa tulad ng Hapon, Tsina at Koriya na nagawang


maging maunlad kahit na hindi nagpapaalipin sa wikang banyaga. Nakalulungkot na sa
pagsakop ng mga kolonisador sa ating bansa ay ang pagkalubog na rin ng ating sariling
wika lalo na sa panahon ng mga Amerikano. Lagi tayong nakaabang sa kung ano ang
ambag at kung anong meron ang mga bansang Kanluranin, hindi natin nakikita ang
sariling ambag o kung anong meron ang sarili nating bansa, nagkakaroon ng kawalan ng
tradisyong intelektuwal. Ito ay dahil na rin maging sa eskwelahan o ang mismong sistema
ng ating edukasyon ay nababalutan ng kolonyal na pananaw.

Hindi kritikal ang pag-iisip ng mga Pilipino sa mga bagay kaya't hindi rin nagiging
malalim ang kanilang pagsusuri sa mga bagay na nangyayari sa sariling bansa maging
sa pangdaigdig. Hindi binibigyang diin o itinuturo sa eskwelahan ang mga malalalim na
kaisipan, ito ay bunga ng artipisyal na kultura na nakuha natin sa mga Kanluranin.
Kakaunti ang mga Pilipinong maaaring masabing tunay na mga intelektuwal na
nagsusuri, nagtataya, at nakauunawa sa lipunan bilang isang kabuuang ugnay-ugnay.
Kung ang isang tao may intelektuwal na pag-iisip, radikal siyang mag-isip, hindi natatakot
magbigay ng puna, hindi nakakulong sa kaalamang Kanluranin lamang.

Ang wika ang instrumento ng pag-iisip. Kailangang ang wika ay hindi maging
sagabal sa pag-iisip kaya't nararapat na hindi magpadala sa agos ng nakararami na
hibang at lubog sa kaisipang ang Ingles ang susi sa kaunlaran. Oo na't malaking tulong
ang Ingles sa pagkakaroon ng trabaho sa ibang bansa ngunit tayo ay Pilipino, mayroon
tayong sariling wika, ang wikang Filipino. Nakakulong tayo sa kaisipang dapat tayong
maging dalubhasa sa Ingles gayong hindi lahat ng Filipino ay gamay o may sapat na
kaalaman sa wikang ito, wag nating ikulong ang ating sarili sa banyagang wika dahil
kasabay ng pagkulong natin dito ay ang pagkulong din ng ating pag-unlad.

Gaya nga ng nabasa ko sa babasahin, "Ang wikang Filipino ay wikang


mapagpalaya. Ito ang magiging wika ng tunay na Pilipino." Nararapat lamang wag naging
limitahan ang ating sarili, wag tayong magpasaklaw sa kaisipang bansot at baluktot.
Pagyabugin natin ang sariling wika dahil ito ang wikang huhubog sa mga Pilipinong may
tiwala sa sariling kakayahan, wikang makapagpapaunlad sa sariling paraan ng pag-iisip,
hindi gaya ng wikang banyaga na kapag ipinilit at binigyang prayoridad ay nagiging
sagabal sa pag-iisip.
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Santa maria bulakan kampus
Santa Maria, Bulakan

IV. ME4_Ang Pagsasaling-Wika at Pananampalataya ni Lilia F. Antonio

Ang pagsasaling-wika ay nagkaanyo noong panahon ng pananakop ng Kastila


kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Kinailangang noong panahong yaon na
isalin sa Tagalog at sa iba pang katutubong wika sa kapuluan ang katesismo, mga
akdang panrelihiyon, mga dasal at iba pa sa ikadadaling pagpapalaganap ng
Kristiyanismo.

Isinalin nila ito sa wikang katutubo sa ilang kadahilanan. Una, batay sa kanilang
karanasan sa lupalop ng Amerika na naging matagumpay ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga wikang katutubo. Sa madaling salita, mas madali
na sila ang mag-aaral ng mga wika ng mga katutubo kaysa ang mga katutubo ang mag-
aaral ng wikang Kastila. Ikalawa, mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang marinig
na ginagamit ng mga prayle ang kanilang katutubong wika sa pagtuturo ng mga salita ng
Diyos. Mapapansin ang mahahalagang salitang doktrina ang nanatili tulad ng misa,
rosaryo, sermon, katoliko, nobena, bibliya, kumbento, altar at iba pa. Ikatlo, hindi
lantarang inihayag ng mga Kastila na may lihim silang pangamba na baka kung matuto
ang mga “Indios” ng wikang Kastila ay maging kasangkapan pa nila ito tungo sa
pagkamulat sa kanilang kalagayang pulitikal at sila ang balikan.

Ilan sa mga uri ng akdang pangrelihiyon na isinalin sa Pilipinas ay Mga Katesismo


at Sanaysay na nagpapaliwanag tungkol sa mga paksain nito, Mga Aklat na Halaw sa
Banal na Kasulatan at Apokrypa, Buhay ng mga Santo at Ulirang Tao, Mga Aklat ng
Panalangin, Mahusay na Paraan ng Pag-aalaga at Paggamot sa mga Maysakit,
Pagsisiyam at Nobena, Mga Aklat sa Moralidad at Wastong Pagkilos, Pagsasanay sa
Kabanala at Mga Aklat sa Kabutihang-asal. Nakalulumbay na karamihan sa mga aklat na
isinalin noon ay hindi matatagpuan dito sa Pilipinas kundi sa Espanya. Kaya’t hindi
nagkaroon ng sapat na pagkakataon ang mga Pilipino (eksperto) na masuri ang lahat ng
mga aklat na nakatala. Nakagagalak naman na kahit na ganon ay mga mga Pilipino pa
ring nagsasaliksik ukol dito sa kabila ng kasalatan ng mga materyal na susuriin.
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Santa maria bulakan kampus
Santa Maria, Bulakan

V. ME5_Kung Bakit Dapat may Filipino sa Kolehiyo? ni John Paul M. Dela Paz

Kung ako ang tatanungin, nararapat lamang na may sabjek na Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo. Gaya nga ng tinuran ni Prop. Renato Constantino sa kanyang pamphlet na
sa “The Miseducation of the Filipino” na hindi lamang dapat ang pagkatutong magbasa
at magsulat ang gawing layunin ng edukasyon kundi lumikha ng mga taong (Filipino) may
pag-iisip at saloobin para sa pangangailangan ng kaniyang bansa.

Nakatutuwang malaman na pasulong ang aksyon ng mga unibersidad at


pamantasan sa Maynila sa pagkakaroon ng matatag na Filipino at Panitikan sa Kolehiyo,
nakakatuwang mayroon pa ring mga taong nagsusulong at nagtataguyod na mapaunlad
pa lalo ang wikang Filipino. Nararapat lamang naman gamitin ang wikang Filipino sa
edukasyon lalo na at nakasaad ito sa saligang batas tulad ng Salitang Batas, Artikulo 14,
Seksiyon 6 kung saan itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas at
inilungsad din na dapat gamitin ito bilang midyum ng opisyal ng komunikasyon at bilang
wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Marami pang batas o panukala ukol
din dito tulad ng Artikulo II, Seksyon 17 at Seksyon 15 ng Batas Republika 7356.

Mahina ang Pilipino sa Filipino ayon sa ginawang National Achievement Test o


NAT sa mga estudyante na nasa high school na kung iisipin ay hindi dapat ganon lalo
na't ito ang ating sariling wika, tila ang Filipino pa ang naging banyagang wika. Mas
mataas ang nakuha nila sa Ingles kasya Filipino, maaring kaya ganon ay dahil bata pa
lamang ay mas tinuturo ang Ingles ng ilang mga magulang at guro kaysa sa Filipino, sa
eskwelahan ay mas madami rin ang asignaturang wikang Ingles ang ginagamit sa
pagtuturo.

Bakit nga ba dapat may Filipino? Unang una ay Filipino ang pinakaginagamit ng
mga Pilipino sa pakikipagtalastasan, wikang Filipino ang medyum na ginagamit sa
pambansang midya. Ang mga estudyante, pagkalabas nila sa eskuwelahan o di kaya'y
pagkatapos ng kanilang klase ay wikang Filipino ang talagang ginagamit dahil ito ang
wikang mas gamay nila.

Batay kay G. Renato Constantino, “Ang edukasyon ay dapat lumikha ng mga


Pilipinong may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga
suliraning ito". Kaya nararapat lamang na isulong ang wikang Filipino lalo na sa kolehiyo
sapagkat sila ang may mas mataas na kaisipan, sila ay mas intelektuwal, sila ay
mayroong kritikal na pag-iisip para gumawa ng hakbang para sa ikauunlad ng bansa.

You might also like