You are on page 1of 2

Pabasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

“ Sa wika nakikilala ang mga tunay na dakila”


- Kawikaan 13:11

Baitang 11 - Filipino

● Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


- Pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at
paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang
Pilipino.

● Pabasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


- Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang anyo at uri ng teksto na
nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik.
- Kasabay ng paghubog sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat ay ang
pag-uugnay ng Media Literacy sa bawat paksang tatalakayin na kung saan ay
mapauunlad nito ang kakayahan ng bawat mag-aaral na magproseso, magsuri, mag-
ebalweyt at maghatid o kumuha ng impormasyon.

“Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog na
pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.”
- Gustave Flaubert (Salin)

Pananaw ng mga dalubhasa hinggil sa Pagbasa

Toze
- Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon at nagbibigay daan sa kabatiran
at karunungan.

Urguhart at Weir (1998)


- Ayon kina Urguhart at Weir (1998), ang pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-
interpreta ng mga impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na
midyum.

Kenneth S. Goodman
- Ayon naman kay Goodman, ang pagbasa ay isang “psycholinguistic guessing game” na kung
saan ang mambabasa ay nagbubuo muli ng isang mensahe sa pamamagitan ng pagbibigay
kahulugan ayon sa kanilang nabasa at naunawaan.

Arrogante
- Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa
buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di- inaasahang suliranin sa buhay.
Anderson at iba pang mga paham
- Ayon kina Anderson et al.(1985), sa aklat na Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa ay
isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.

Mapanuring Pagbasa
Intensibo
- Ang intensibong pagbasa ay pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso,
at iba pang detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan,
implikasyon at retorikal na ugnayan ng isang akda.
- Ito ay detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay
ng isang guro kung paano ito susuriin.

Ekstensibo
- Ayon kay Brown (1994), ito ay isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-
unawa sa maramihang bilang ng teksto.
- Layunin lamang nito na makuha ang pinaka-esensya ng binabasa.
- Layunin din nito na maunawaan ang pangkalahatang ideya ng teksto at hindi ang mga
ispesipikong

You might also like